Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sean Drey N.

Roxas 10 –Mozilla

Suring Basa

I. Pamagat:
Aginaldo ng mga Mago
II. Buod:

Hindi malaman ni Delia ang ireregalo sa kaniyang asawang si Jim. Hindi rin niya alam kung
anong mabibili niya sa kaniyang perang piso at walumpu’t pitong sentimos. Kaya naman
naisipan niyang ipagupit ang kaniyang napakagandang buhok. Maganda at alon-alon ang
kaniyang buhok kaya naman kapag ipinagbili niya ito ay siguradong maraming tatangkilik.
Napaiyak si Delia sa ginawang pagputol sa kaniyang buhok ngunit napalitan naman ito ng ligaya
nang matanggap na niya ang bente pesos na kabayaran. Ngayon ay maaari na siyang makabali
ng regalo para sa asawa. Bumili siya ng kadenang platino para sa paboritong relo ng asawa.
Matagal na kasi niya itong inaasam. Pagkauwi ni Delia, naroon na ang kaniyang asawa na
nakaabang na rin upang ibigay ang kaniyang regalo. Gayunman, laking pagtataka ni Jim sa
bagong hitsura ng asawa. Wala na ang mahabang buhok nito. Magagandang suklay pa naman
ang regalo niya sa asawa na matagal na ring hiling nito. Ipinagbili pa ni Jim ang kaniyang
paboritong relo para mabili ang mga suklay. Nagulat din si Delia nang malamang wala na ang
relo ng asawa. Hindi na nila magagamit ang regalo nila para sa isa’t isa. Dito nila napagtanto na
ang Pasko ay araw ng pagbibigayan, hindi lamang ng mga materyal na bagay kung hindi
pagpapalitan ng pagmamahalan.

You might also like