Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Pamantayan Pangnilalaman:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang akdang pampanitikan ng Korea na mapagkukunan


ng mahahalagang kaisipang magagamit sa tuwirang pagpapasya at paghatol sa mga tunay na pangyayari
sa buhay.

Pamantayan sa pagganap:

Ang mag-aaral ay naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa sa mga
tauhan nito.

Mga Kasanayang Pampagkatuto (MELC):

Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong nagsasalita
at Kumikilos (F9PB-IIc-46)

l. Layunin

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag ang pabulang "Ang Hatol ng Kuneho" upang maunawaan ang mga karakter, tema,
at aral na ipinapahayag nito.
2. Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa kwentong nakapaloob.
3. Nakasusulat ng sariling likhang pabula na nailalapat ang daloy ng kwento sa nais na makamit
ngayong taon gamit ang paboritong hayop bilang pangunahing tauhan.

ll. Paksang Aralin

Paksa: Ang Hatol ng Kuneho (Pabula ng Korea)

Isinalin ni: Vilma C. Ambat

Sanggunian: Filipino 9 Modyul 2 Alternative Delivery Mode (ADM)


Kagamitan: Laptop, Powepoint Presentation, Telebisyon, kagamitang biswal

lll. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

● Panalangin

Magsitayo ang lahat at tayo ay manalangin. (Pumunta sa harap ang nakatalagang mag-aaral at
Tatawag ang guro ng nakatalagang manalangin) nagsimulang manalangin)

_______, Maaari mo bang pangunahan ang


ating panalangin para sa araw na ito. Mga kamag-aral, handa na ba kayong magdasal?
. Sa ngalan ng Ama, ng anak, at espirito Santo,
Mahal naming Ama, pauna po sa lahat, maraming
salamat sa araw na ito. Nawa'y sa pamamagitan
ng iyong patnubay at gabay ay maging
makabuluhan ang pangyayari sa araw na ito.
Maging ligtas ang lahat at malayo sa masama. Sa
ngalan mo Ama, Amen.

● Pagbati

Magandang umaga Silang! Magandang Umaga rin po Ma’am Ej!


Kumusta kayo ngayong araw? (Sasagot ang mga mag-aaral ng kanya-kaniyang
Naligo at nag-almusal ba naman ang lahat? nararamdaman)

Maraming salamat sa inyong mga sagot.

● Paglalahad ng panuntunan sa klase.


(pagpulot ng kalat, paglinya ng mga
upuan at pagtatala ng liban)

Bago natin simulan ang talakayan ngayong araw at


bago kayo magsiupo ay tingnan muna ang ilalim (Ang mga mag-aaral nagsimulang magpulot at
ng inyong mga upuan, pulutin ang mga kalat at isinunod ang pagsasaayos ng mga upuan)
ayusin ang linya ng inyong upuan.

Nakalinya na ba at wala ng kalat? Opo!

Maraming salamat, magsiupo na ang lahat. Para sa (Nagsiupo na ang mga mag-aaral)
lider ng bawat pangkat magsimula na sa pag-uulat.

(Mag-uulat ang bawat lider ng pangkat para (Tatayo isa-isa ang bawat lider upang iulat kung
sabihin kung may liban o wala.) may liban o wala)

B. Balik-aral
Bago tayo tumungo sa ating bagong aralin,
balikan muna natin ng saglit ang araling
tinalakay natin noong nakaraan. May nakaka-
alala pa ba ng nakaraang talakayan?

(Pumili ang guro ng mag-aaral na nais


magbahagi) (Nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)

_____________, sagutin sa anyong pangungusap.


Opo, Ang tinalakay po natin noong nakaraang
linggo ay tungkol sa Tanka at Haiku ng bansang
Japan.
Magaling! (Nagbigay ng chips)
(Tinanggap ng mag-aaral ang chips bilang
gantimpala)

Ano naman ang tungkol sa Tanka at Haiku?


Tungkol saan ang kanilang paksa? (Nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)

_________, sagutin sa anyong pangungusap.


Ang Tanka ay tungkol sa Pag-ibig, Pag-iisa at
Kalikasan samantalang ang Haiku naman ay
tungkol sa Pag-ibig at Kalikasan.
Mahusay! (Nagbigay ng chips)
(Tinanggap ng mag-aaral ang chips bilang
gantimpala)

Tama ang inyong mga sagot. Ang ating


tinalakay noong nakaraan ay Tanka at Haiku
ng bansang Japan.

C. Panlinang na Gawain

● Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating paksa, mayroon akong


iparirinig sa inyo at tutukuyin niyo kung anong
hayop ang may katangian na inyong maririnig.

Sa pagsagot sa ating talakayan ay gagamit tayo ng


Wheel of Names para lahat ay makalalahok at
mabilis ang maging daloy.
Wala akong makikitang magtataas ng kamay, ang
magtaas panget ha!!
Naiintindihan ba Silang? (Sumagot ang mag-aaral) Opo!!

Bigyan nga ako ng tatlong palakpak! (Tatlong palakpak) Bravo!!


Ayan, mukhang handa na ang lahat, Magsimula na
tayo.

(Ang guro ay nagsimula ng magparinig ng mga


tunog ng hayop na may kaugnayan sa paksa)

1. Baka - Mooo, mooooo


2 Kuneho
3.Tigre - Rawrrr, Rawrrrr

Malinaw bang narinig ang lahat ng tunog? (Sasagot ang mag-aaral)

Kung ganon, paikutin na ang gulong!

Sa unang tunog, tignan natin kung sinong


maswerteng mahihintuan ng gulong!!

(Pinaikot na ng guro ang wheel of names)

________, dahil ikaw ang unang maswerte, ano


ang iyong narinig sa unang tunog?

(Uulit pa ng dalawang ikot ang gulong para sa


natitirang dalawang klase ng tunog)

Mahusay ang inyong mga kasagutan!

D. Paglalahad ng Paksa

Base sa inyong narinig na mga tunog at sa inyong Opo!


mga sagot, may ideya ba kayo kung ano ang ating
tatalakayin ngayong araw?

Subukin nga natin ang inyong mga nakatagong


ideya.

(Paiikutin ng guro ang gulong ng mga ngalan para


sa mag-aaral na sasagot)
Ang paksang tatalakayin natin ngayong araw ay
__________, sa iyong ideya sa ating ginawa, may kaugnayan sa mga hayop.
tungkol saan kaya ang paksang tatalakayin natin
ngayong araw? Sagutin sa anyong pangungusap.
(Tinanggap ng mag-aaral ang chips bilang
Magaling! (Nagbigay ng chips ang guro) gantimpala)
Sa inyong palagay, anong uri ng hayop kaya ang
paksa o pag-uusapan natin?

(Paiikutin ng guro ang gulong ng mga ngalan para


sa mag-aaral na sasagot)
Ang uri ng hayop na ating pag-uusapan o paksa
_________, sagutin ng nasa anyong pangungusap. ngayong araw, base sa ipinatakdang aralin mo sa
amin noong nakaraang araw na babasahing teksto
para sa susunod na paksang araling tatalakayin,
masasabi kong ang hayop na ito ay isang Kuneho.

Mahusay!! Bigyan ng tatlong palakpak!! (1,2,3!) Bravo!!

Maraming salamat sa inyong mga ideya. Ngayon


na alam niyo na ang paksang ating pag-uusapan
ngayong araw, maaari na nating simulan ang
talakayan. Ating aaralin ang inyong takdang
araling binasa o maaaring pinanood rin na
pabulang pinamagatang “Ang Hatol ng Kuneho”

Handa na ba kayong makinig Silang? Kung handa (Ang mga mag-aaral ay bumuntong-hininga)
na ay iparinig nga sa akin ang inyong bumuntong
hininga.

Ayan! Mukhang handang makinig ang lahat.

E. Pagtalakay sa Paksa

Ang pabula ay isa sa mga unang panitikan sa


daigdig. Noong ika–5 at ika–6 na siglo bago si
Kristo, may itinuturing nang pabula ang mga taga–
India. Ang karaniwang paksa ng pabula ay tungkol
sa buhay na itinuring na dakilang tao ng mga
sinaunang Hindu, si Kasyapa. Lalong nagpatanyag
ang mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop
ang tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula”
dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s
Fable.

Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa


mga katangian o pag–uugali ng tao.

Halimbawa:
Ahas- ay karaniwan nangangahulugan ng isang
taong taksil. Pagong- makupad.
Kalabaw - matiyaga.
Palaka- mayabang.
Unggoy o matsing- isang tuso
Itinuturo ng pabula ang tama, patas,
makatarungan, at makataong ugali at pakikitungo
sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap
dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinigay
nito. Sa pagbabasa ng pabula mahalagang
matutunan mo ang mga damdamin o emosyon ng
bawat tauhan upang mas lalong mauunawaan ang
layunin ng awtor .

Elemento ng Pabula
1. Tauhan
Ito ang anumang hayop na gumaganap sa istorya o
kwento.
2. Tagpuan
Tumutukoy sa oras, panahon, at lugar na
pinagdausan ng kwento at istorya. Maaari itong
maging dalawa o higit pa.
3. Banghay
Ito ang kabuuang pangyayari na naganap sa
kwento.
4. Aral
Ito ang mga mahalagang matututunan pagkatapos
mabasa ang kwentong pabula.
5. Pangwakas na Aral
Karaniwang nakasaad sa dulong bahagi ng Pabula.

Batay sa inyong binasa o pinanood na pabulang “


Ang hatol ng Kuneho” tayo ay magkakaroon ng
dugtungang pagsasalaysay kung saan tutukuyin
natin ang simula, gitna at wakas na banghay ng
pabula upang maisalaysay natin ng mahusay ang
daloy ng kwento.

Nauunawaan ba ang gagawin Silang? (Ang mga mag-aaral ay sasagot)

(KWENTO KO, DUGTONG MO!


Panuto: Sisimulan ng unang mag-aaral ang
pagsasalaysay ng kwento simula sa simula
hanggang sa wakas.

(Paiikutin na ng guro ang gulong ng mga pangalan


para sa pagsisimula ng gawain)

_________, para sa simula ng kwento, Isalaysay Ang kwento ay nagsimula sa isang tigre na
mo lamang kung papaano ang naging simula ng naghahanap na pagkain sa gubat pero sa
Pabula. kalagitnaan ng paghahanap niya ay nahulog siya
sa isang malim na hukay.
Ang sumunod na nangyari ay may dumating na
Magaling!! (Nagbigay ng chips) Ngayon ay isang lalaki at dahil doon ay nabuhayan ang tigre
tutuloy na tayo sa sumunod na pangyayari. na siya ay makakaahon pa sa malalim na hukay.

(Patuloy na paiikutin ng guro ang gulong ng Nagkaroon ng pag-uusap ang lalaki at tigre.
pangalan para sa tuloy-tuloy na dugtungan) Nagmakaawa ang tigre sa lalaki na tulungan
siyang makaalis sa hukay. Nagdalawang-isip ang
lalaki ngunit tinulungan niya pa rin ang tigre sa
pangakong hindi siya kakakain nito.

Nang makaahon ang tigre, naglaway at natakam


ito sa lalaking tumulong sa kanya. Tila nalimutan
bigla nito ang pinangako niya sa lalaki.

Nag-isip agad ang lalaki at gumawa ng paraan


para hindi matuloy ang pagkain sa kanya ng tigre.
Una ay tinanong nila ang Puno ng Pino at hiningi
ang hatol nito kung kakakain ba o hindi ang lalaki.

Sumang-ayon ang Puno ng Pino sa tigre na kainin


ang lalaki. Sunod na dumating ang baka at
sumang-ayon din ito sa tigre.

Nawalan na ng pag-asa ang lalaki nang biglang


dumating an luklukso-luksong Kuneho. Agad
niya itong sinabi sa Tigre at hiningian rin nila ng
hatol.

Isinalaysay ng lalaki ang nangyari at masinsinan


namang nakinig ang Kuneho. Takam na takam na
ang tigre at gusto niya ng matapos ang pag-uusap.
Kaya naman walang pagdadalawang-isip siyang
tumalon muli sa malalim na hukay.

Iyon ang naging hudyat ng Kuneho para ibigay


ang kanyang may saysay at matalinong hatol para
sa lalaki at tigre. Hinatulan niya ang lalaki na
magpatuloy sa paglalakbay at ang Tigre naman ay
dapat na manatili sa hukay.

Mahusay!! Napatunayan nga ng ating dugtungan


na malinaw ninyong binasa at inunawa ang
pabula.

F. Paglalapat
Panuto: Punan ng mga angkop na elemento ng
Pabula ang tatsulok. Ang tuktok nito ang
magsisilbing panimula, hanggang pababa sa
pangwakas na aral.

(Ang mga mag-aaral ay magsisimulang tumayo


(Paiikutin ng guro ang ang gulong ng mga
upang sumagot)
pangalan para sa pagsisimula ng pagpupunan)

● Pagtataya

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod ng tanong.

(Paiikutin ng guro ang ang gulong ng mga


pangalan para sa pagsisimula ng pagpupunan)

1. Tungkol saan ang kwento?

2. Sino-sino ang mga tauhan sa


Pabula? Ano ang katangian ng
bawat isa sa kanila?

3. Base sa inyong napanood, Anong


katangian ang taglay ng batang
paruparo? Ipaliwanag.

● Paglalahat
Kung kayo ang batang Paruparo, kayo ang
nasa katayuan niya na nais nang
makalabas sa pupa at nagnanais nang
masilayan ang ganda ng tanawin,ano ang
inyong gagawin? Gagawin niyo rin ba ang
kanyang ginawa o hindi. Ipaliwanag.

Magtatawag ang guro

Bilang panghuling gawain sa araw na ito


ay magbabahagi lamang kayo ng sarili
niyong napulot na aral batay sa pinanood
nating pabula.

IV. Ebalwasyon
Isulat sa kwaderno ang inyong repleksyon tungkol sa pabulang napanood at isa-isahin ang mahahalagang
pangyayari dito. Magbigay ng ilang halimbawa na may kaugnayan dito.

V. Takdang Aralin
Isipin mong ikaw ay isang hayop, malaya kang pumili ng kahit anong uri ng hayop na iyong nais o
paborito. Lilikha ka ng iyong sariling pabula na ang daloy ng istorya ay ang iyong pangarap na maranasan
o mangyari sa iyong buhay bilang isang hayop. Isulat ito sa isang malinis na papel.

You might also like