Panukalang Proyekto - Pangkat 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BAHAY-AMPUNAN PARA

SA MGA LIGAW NA ASO NG BARANGAY TAG-ABACA

Mula kay Erich S. Ebueza


Purok 8 Tag-Abaca, Basilisa, Dinagat Islands
Ika-21 ng Nobyembre, 2023
Haba ng Panahong Gugulin:

I. Pagpapahayag Ng Suliranin

Sa lungsod ng Basilisa, ang Barangay Tag-abaca ang sentro sa


kabuoan ng 27 dalawampu’t pitong barangay na nakapaluob sa lungsod.
Ito ay isang pamayanang unti-unti ng umuunlad sa aspeto ng healthcare
services, transportasyon, turismo at iba pa para sa mga mamamayan
bagama’t nakakaligtaan at nakakalimutan ng lokal na pamahalaan ng
Tag-abaca ang pangangalaga sa mga hayop, lalo na sa mga aso.

Alinsunod sa batas para sa karapatan at kapakanan ng hayop sa


Pilipinas, ang Batas Republika bilang 8485 o kilala bilang “Animal
Welfare Act”. Sa Barangay Tag-abaca, makikita ang dumaraming ligaw na
aso na nangangailangan ng pag-aaruga at ligtas na lugar. Ang kawalan
ng sapat na pasilidad at pangangalaga para sa kanilang kalusugan at
kagalingan ay nagdudulot ng mga pangkaraniwang isyu tulad ng pag-
atake sa mga residente, pagkalat ng sakit, at disgrasya sa
transportasyon, kung saan ang mga ito ay madalas na tumatawid sa
gitna ng mga kalsada at highways. Ang pangangailangan na tugunan ang
suliraning ito ay hindi lamang sa aspeto ng pangangalaga sa mga hayop
kundi pati na rin sa pagpapabuti ng kaligtasan at kahandaan ng buong
komunidad sa Barangay Tag-abaca.

II. Layunin

Ang pagpapagawa ng bahay-ampunan para sa mga ligaw na aso ay


upang magbigay ng ligtas na tahanan at pangangalaga para sa mga ligaw
na aso sa Barangay Tag-abaca. Nais nating mapanatili ang kanilang
kalusugan, mapanagot na pag-aalaga, at mabawasan ang mga isyu sa
komunidad na may kinalaman sa ligaw na mga aso.

III. Plano ng Dapat Gawin:

1. Pagpapasa, pag-aaproba, at pagpapalabas ng badyet (7 araw)


 Review at pag-audit ng detalyadong badyet.
 Pagsusuri at pagtatalaga ng pondo para sa yugto ng
proyekto.
2. Pagsasagawa ng bidding para sa kontraktor ng bahay-ampunan
(2 Linggo)
 Paghahanda ng dokumentasyon para sa bidding process.
 Paglilinaw ng mga alituntunin at kwalipikasyon para sa mga
kontraktor.
 Pag-audit sa mga sumite ng kontraktor at pagsusuri ng
kanilang plano para sa bahay-ampunan.
3. Pagpupulong ng konseho ng Barangay Tag-abaca para sa
paghahalal ng kontraktor (1 Araw)
 Pag-audit sa mga sumite ng kontrakto
 Paghahanda ng sistema para sa transparent na pagpili ng
kontraktor.
 Opisyal na pagpapahayag ng napiling kontraktor sa harap
ng konseho.
4. Pagpapatayo ng bahay-ampunan sa ilalim ng pamamahala ng
konseho ng Barangay Tag-abaca (6 Buwan)
 Pagpaplano ng konkreto at detalyadong disenyo ng bahay-
ampunan.
 Regular na pagmomonitor ng progreso ng konstruksiyon at
pagtatalaga ng point person para sa koordinasyon.
5. Regular na Komunikasyon sa Komunidad (Buong Panahon ng Proyekto)
 Pagbuo ng sistema para sa regular na update sa komunidad
hinggil sa progress ng proyekto.
 Pag-audit ng feedback mula sa mga residente upang
makakuha ng insights at suhestiyon.

6. Pagtutok sa Environmental Impact (Buong Panahon ng Konstruksiyon)


 Pagsusuri at pagtutok sa mga hakbang na makakatulong sa
pagmiminimize ng environmental impact ng konstruksiyon
7. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng bahay-ampunan (1 Araw)
 Paghahanda para sa seremonyas at pag-imbita sa
komunidad
 Pag-audit sa kahandaan ng bahay-ampunan bago ang
seremonya.
 Pagsasagawa ng programa para sa pagpapasinaya, kasama
na ang blessing at pagbabasbas.
8. Pagsusuri at pagsasanay sa paggamit ng bahay-ampunan
(Pagkatapos ng Pagpapasinaya)
 Pagsasanay sa mga tagapangalaga ng bahay-ampunan ukol
sa mga protocols para sa pangangalaga ng mga aso.
 Pagsusuri at audit sa kalagayan ng bahay-ampunan upang
mapanatili ang kalidad nito.
9. Pagsasanay sa Komunidad Tungkol sa Pet adoption
(Pagkatapos ng Pagpapasinaya)
 Pagbuo ng programa para sa tamang proseso ng pet
adoption
 Pagsasanay sa mga interesadong adopters ukol sa
responsableng pag-aalaga ng alagang hayop.
IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


Konstruksiyon ng Pasilidad
Pagtatayo at pagpapagawa ng
ligtas, at ng komprehensibong
pasilidad batay sa isinumite ng
napiling kontraktor (kasama na 5,500,000.00
ang halaga ng materyales,
sweldo,ng mga trabahador at iba
pang kagamitan).
Pagkuha ng permit, lupa, at iba 1,200,000.00
pang gastos.
Pangangalaga sa mga Aso
Veterinarian services (check-up, 500,000.00
bakuna, vitamins etc.)
Pagkakaroon ng trained staff 1,800,000.00
Pagkakaroon ng supply ng 2,500,000.00
pagkain at iba pang
pangangailangan
Emergency Fund
Reserbang pondo para sa mga 300,000.00
hindi inaasahang
pangangailangan
Pabasbas
Gastusin para sa papapasinaya at 10,000.00
pabasbas ng pasilidad.
Kabuoang Halaga Php11,810,000

V. Benipisyo Ng Proyekto At Mga Makikinabang Nito

Ang proyektong ito ng pagtatayo ng bahay-ampunan para sa mga


ligaw na aso sa Barangay Tag-abaca ay magdadala ng malawakang
benepisyo sa komunidad. Sa pamamagitan ng pagbigay ng ligtas at
malusog na tahanan para sa mga hayop, ito ay makakatulong sa
pagbawas ng mga insidente ng pag-atake ng ligaw na aso, nagreresulta
sa isang mas ligtas na kapaligiran para sa mga residente. Bukod dito,
ang edukasyon sa komunidad ukol sa responsableng pag-aalaga ng
alagang hayop ay magbibigay ng karagdagang kaalaman at pag-unawa sa
pangangalaga ng aso. Ang proyektong ito ay hindi lamang naglalayong
tugunan ang pangangailangan ng mga hayop, kundi pati na rin
nagpapalakas ng samahan at pangmatagalang kaayusan sa Barangay
Tag-abaca, na maaaring magsilbing inspirasyon sa ibang barangay para
magtayo rin ng kanilang sariling bahay-ampunan. Sa pangkalahatan, ito
ay isang hakbang patungo sa mas responsableng pamamahala at
pangangalaga sa mga alagang hayop sa komunidad.

You might also like