Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

The Gathering

----------SCENE 1
Narrator: Naisipan ni Kapitan Tiago na magpatawag ng marangyang salo salo na gaganapin sa kanilang
bahay sa kalye adluwage o mas kilala ngayong kalye Juan Luna na kalapit ng ilog Binondo.

Kapitang Tiago: Hmmmm walang kabuhay buhay ang aking tahanan, anu kayang magndang gawin?
Hmmm… Ahuh alam ko na… Damian! Damian! (Tawag ni Mang Tyago sa Alipin)
Damian: Bakit ho Don Santiago?
Kapitan Tiago: Pumunta ka sa bayan at sabihin mo sa lahat ng taong makikita mo na magkakaroon dito sa
aking tahanan na malaking pagsasalo bukas ng gabi.
Damian: Masusunod po Don Santiago
Narrator: Umalis si Damian para sundin ang utos sa kanya ni Don Santiago. Ang paanyaya ay mabilis
kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila at bawat isa ay sabik na sabik na dumalo sa nasabing salo salo
sapagkat kilala si Kapitan Tiago na mabuting tao, mapagbigay at lagging bukas ang palad para sa mga
taong nangangailangan. At dumating na ang araw ng handaan at nung gabi ding yon dagsa ang panauhin
gaya ng dapat asahan puno ang bulwagan. At ang sumasalubong at nag papasok sa mga bisita ay walang
iba kundi si Tiya Isabel isang matandang babae na pinsan ng may Bahay.
Tiya Isabel: (Kinakamayan ang bawat bisitang dumarating) salamat po sa pag punta
(Dumating si Tinyente)
Tiya Isabel: Tinyente salamat po at pina unlakan nyo po ang aming paanya ya sa inyo
Tinyente: Walang anuman Isabel, Di ko matatanggihan ang paanyaya ng isang mabuting kaibigan
Tiya Isabel: Sigi po pasok napo kayo para makakain at makapag saya sa salo salo
Tinyente: Sigi salamat
(DUmating nadin si Padre Salvi at kasunod neto si Padre Damaso)
Tiya Isabel: Magndang gabi po sa inyo Padre Salvi at ganun din po sa inyo Padre Damaso
Padre Salvi: Magandng Gabi din sayo Tiya Isabel
Tiya Isabel: Pasok napo kayo at magsaya sa loob
(Pagdating ni Crisostomo Ibarra)
Tiya Isabel: Crisostomo, nagagalak ako at naririto ka ngayong gabi
Crisostomo: Tiya Isabel masaya din po ako at umabot ako at di nagkaroon ng aberya sa akin byahe. Asan
na nga po pala si Don Santiago?
Tiya Isabel: Nasa loob si Kapitan Tiago. Halika pumasok ng magsaya ka sa loob.
Narrator: Sinamahan ni Tiya Isabel si Crisistomo kay Kapitan Tiago na noon ay kausap ni Tinyente.

----------SCENE 2
(DUMATING SA PAGTITIPON SI CRISOSTOMO IBARRA KASAMA SI KAPITAN TIAGO)
KAPITAN TIAGO: Señyores, senyora. Gusto kong ipakilala sa inyo si Crisostomo Ibarra.
Kagagaling lang niya ng España.
(NAGBIGAY PUGAY SI IBARRA SA PAMAMAGITAN NG PAGTUNGO)
CRISOSTOMO: Si Padre Damaso ang kura sa bayan, ang matalik na kaibigan ng aking ama.
(NAPATINGIN NAMAN SI DAMASO NA TILA BA’Y HINDI ITO SANG AYON)
CRISOSTOMO: Mukhang nagkamali po yata ako. Ipagpaumanhin niyo po.
PADRE DAMASO: Hindi ka nagkamali, ngunit hindi ko kailanman nagging kaibigan ang iyong
ama.
T. GUEVARRA: Paumanhin (SABAT NAMAN NG TINYENTE). Ikaw ba ang anak ni Don
Rafael?
CRISOSTOMO: Si Senyor
T. GUEVARRA: Kilala ko ang iyong ama, sya’y isa na sa pinakamarnagal na tao dito sa
Pilipinas.
CRISOSOTOMO: Salamat po!
----------SCENE 3
K. TIAGO: Batid ko kaya ka naparito, para malaman ang buhay ng mga Indio dito sa bayan ng
San Diego.
IBARRA: Si Senyor
Ang pagpunta ko dito sa Pilipinas ay galing sa sarili kong salapi. At ang isa ko
pang pakay sa pagpunta dito ay para magkaroon ng kaayusan sa monopoly ng tabako.
(TATAWA SI PADRE DAMASO)
DAMASO: Hindi mo ba alam ang produktong tabako ay isa sa nagpapasok ng malaking salapi
sa pamahalaan ng Espanya.
IBARRA: Pero mga Pilipino ang naghihirap sa pagtatanim at pag-aani ng tabako kaya dapat
mabigyan sila ng Karapatan sa mga salapi na nakukuha dito.
DAMASO: Bakit mo bibigyan ng karapatan ang mga katulad nilang Indio sa mga salapi na
natatamasa ng Espanya? ‘Di hamak na sila’y sunod-sunuran lamang at mga mangmang.
PADRE SALBY: Maiba tayo. Alam niyo ba na nakapaglingkod na si Padre Damaso sa ibang
lugar matapos magsilbi ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego.
DAMASO: Di naman ako mapapaalis bilang kura paroko ng San Diego kung hindi
pinagtatanggol ng gobyerno ang mga erehes sa ministro ng Diyos.
T. GUEVARRA: Anong gusto mong ipabatid Padre Damaso?
DAMASO: Ang ibig kong sabihin. Kung ipapaalis ng kura ang isang katawan ng isang erehe sa
sementeryo, kahit na ang hari ay walang karapatan. Iakw pa kayang Heneral dito na kalamidad
lang ang dala.
T. GUEVARRA: Magtigil ka! May karapatan ang Kapitan-Heneral pagkat ito ang kinatawanan
ng hari ng bansa. Baka nakakalimutan mo na kaya ka napatalsik bilang kura paroko ng bayan ng
San Diego ay dahil pinag-utos mo na hukayin ang bangkay ng isang marangal na lalaki na
napagbintangan na isang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang ginawa mo ay
itinuring na kabaluktutan ng Kapitan-Heneral kaya inaliw sa iyong puwesto.
DAMASO: Itigil na natin ang walang kwentang pagtatalong ito
(TATAYO AT TATALIKOD…AALIS NA)
PADRE SALBY: Disculpe, Kapitan Tiago

IBARRA: Maari mo bang maipaliwanag bakit napagbintangang isang erehe ang aking ama.
T. GUEVARRA: Ang iyong ama ay nabihag, biglang naglaban ang maraming sumbong at sinabi
ni Padre Damaso na ang iyong ama ay isang pilibustero at erehe.
Ibarra: Kasinungalingan! Kailanman ay hindi magiging pilibustero ang aking ama. Mahal niya
ang bayan ng Espanya
T. GUEVARRA: Alam ko humarap ako sa Governador-Heneral, kinuha ko ang pinakamagaling
na abogado ngunit ng siya ay ipawalangsala ay huli na. Namatay siya sa bilangguan na walang
kapiling sinuman.
(TINAPIK SA BALIKAT SI IBARRA)
T. GUEVARRA: Adios joven (Goodbye, young man)

Scene 4
(Ang pagdating ni Don Triburcio at Donya Victorina)
Tiya Isabel: Magandang gabi Donya Victorina at Don Triburcio
Don Triburcio: Buenas dias Tiya Isabel, mukhang maraming tao ang nagpunta sa piging na
inihanda ni Don Santiago
Tiya Isabel: Oo nga kaya halina kau sa loob at ng kayo ay makakain na.
AT DIYAN NAGTATAPOS ANG AMING PRESENTASYON
ISANG PALAKPAKAN NA MAY KASAMANG HIYAWA

You might also like