Kasaysayan NG Santassisma Trnidad

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kasaysayan ng Santissima Trinidad

Tagong Karunungan: KASAYSAYAN NG SANTISSIMA TRINIDAD

Isinulat ni Dodong Baguiz

Chapter 2: Series 4

Ang salitang Santisima Trinidad ay hindi matatagpuan sa Biblia, subalit nagbanggit ito ng Ama, Anak
at Espiritu Santo, ganito ang sabi sa Mateo 28:19: “KAYA HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG
ALAGAD KO ANG LAHAT NG BANSA. BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK
AT ESPIRITU SANTO.” Ang tatlong ito ay pinaniwalaan ng marami kahit kulang ang kanilang kaalaman
tungkol dito.

Bagamat ang Tagong Karunungan ay malaki, ang kaalaman tungkol sa Santisima Trinidad ito’y nanatili
pa ring malabo sa karamihan dahil iilan lamang ang nakakaintindi nito sa kadahilanang ang tunay
lamang na utos ng Diyos ang pwedeng gumawa sa maliwanag napagpaintindi sa ganitong mga bagay.
Ang Santisima ay sila ang may dala ng numero 22, 23 at 24 dibisyon ng Espiritual.

MAGUGAB – Ang espiritong ito ay nagpepresenta bilang Diyos Ama, na ang sabi ng iba ay siyang
unang persona sa Santisima Trinidad. Subalit bilang Diyos na Ama hindi ibig sabihin na siya ang
Infinito Diyos, kundi ibinigay lamang sa kanya ang karapatan at tungkulin na nagpakilala bilang Diyos
Ama. Siya ang binigyan ng pagdesenyo sa mundo at sa lahat na nilalaman nito gayang iba-ibang uri ng
mga lumilipad sa himpapawid o mga gumagapang sa lupa, lalong lalo na ang tao. Ang taong
karunungan ay nagsalaysay na hindi lamang sila Adan at Eva ang tao na ginawa ng Diyos, ito’y
maraming uri at lahi. An kasalukuyang panahon ay makapag-patunay nito. Ang nakatala sa Bible
History ay si Adan at Eva ay mayroong kayumanggi ang kulay, sa mga panahong ito mayroong tayong
limang uri ang kulay ng mga tao sa sanlibutan, gaya ng pula na sila ang mga tao na kinakataguriang
mga “Indian” ang dilaw naman ang mga lahi ng Intsik, Hapon, Koreano at sa mga kalapit nilang mga
bansa, ang itim ay ang mga Negro na maski sa Pilipinas ay mayroon tayong mga itim na tao gaya ng
mga Kungking na mga nitibo sa probinsiya ng Surigao, ang mga puti ay mga Amerikanoat tayong mga
Pilipino ay naalinsunod sa kulay ni Adan at Eva na kulay kayumanggi.

MARIAGOB – Ang espiritong ito ay ang kinakataguriang pangalawang persona sa SantisimaTrinidad,


taglay niya ang kabuuan ng Diyos Anak na sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ay nagaganap
an mga misteryo at katuparan sa mga Gawain ng Panginoon Jesucristo. Siya ang espiritong
sumasakatawan ng ating Panginoon upang nagligtas sa bawat nilalang na tumatanggap at naniniwala
sa Kanya. Ang katawan ng tao ay patay kong wala ang espiritong namamahay nito, kaya sa oras na
iiwan ng espirito ang katawan, ito ay namamatay.
Ang espiritong sinabi dito ay siyang pumapasok sa bawat katawan ng taong utos ng Diyos na kung
tawagin noong panahon ay “Kordero ng Diyos.” Sa bawat panahon ay mayroon taong utosan ng
Diyos, subalit karamihan sa kanila ay hindi pinaniwalaan sa mga tao, gaya ni Jesucristo noong
panahon ng kanyang pagmisyon dito sa ibabaw ng lupa iilan lamang ang naniniwala sa kanya,
bagamat siya’y kinagigiliwan at linoluhuran sa ngayon, noon ay siyan inaalimura sa karamihan.

Sang-ayon sa talaan ng mga Salita sa Biblia ay ganito: ANG CRISTO AY SALITANG GRIEGO NA ANG
KAHULUGA’Y “PINAHIRAN”, AT KATUMBAS NG “MESIAS” SA WIKANG HEBREO. “PINAHIRAN NG
LANGIS ANG SINUMANG ITINALAGA SA ISANG TANGING GAWAIN. SI JESUS AY TINAWAG NA CRISTO
SAPAGKAT SIYA ANG PINILI NG DIYOS NA MAGING TAGAPAGLIGTAS AT PANGINOON.” Sa mga
salitang ito ay nagpapatunay lamang na hindi iisa ang cristo dahil ang Biblia mismo ang nagsasabi na
mayroon pang ibang tagapagsalita maliban ni Jesucristo.

Sa Gawa 7:35 ganito ang nakasulat: “ITINAKWIL NILA SI MOISES NANG KANILANG SABIHIN, “SINO
ANG NAGLALAGAY SA IYO UPANG MAGING PINUNO AT HUKOM NAMIN? NGUNIT ANG MOISES DING
ITO ANG SINUGO NG DIYOS BILANG PINUNO AT TAGAPAGLIGTAS, SA TULONG NG ANGHEL NA
NAGPAKITA SA KANYA SA MABABANG PUNONG KAHOY.” Sa puntong ito si Moises ay Cristo rin dahil
nakasulat na siya’y sinugo at tagapagligtas din. Maliban kay Moises marami pagaya ni Haring David,
Haring Solomon, Samson, Abraham at iba pa.

Sa Juan 1:18 ganito ang sinabi: “KAILANMA’Y WALANG NAKAKITA SA DIYOS, SUBALIT IPINAKILALA
SIYA NG BUGTONG NA ANAK…. SIYA’Y DIYOS NA LUBOS NA MINAMAHAL NG AMA.” Maliban sa
talatang ito, marami pang naisulat sa Biblia na nagsasabi tungkol sa “Bugtong na Anak”, na sang-ayon
sa mga mananampalatayang Kristiano ay si Jesucristo lamang ang Bugtong na Anak. Subalit ang ibig
sabihin dito ay “Bugtong na Anak sa Bawat Panahon.” Sa bawat panahong mayroong sinugo ang
Diyos ay ito’y matatawag na bugtong na anak, dahil kung tingnan natin ang Biblia hindi kailanman
ang Diyos nagsugo ng dalawa katao sa isang panahon, bawat sinugo ng Diyos ay magkaiba ang
panahon, kaya’y ang lahat na sinugo ng Diyos ay matatawag na Bugtong na Anak.

Kaya ang espiritong nakatalaga sa pang 23 na dibisyon sa Espiritual ay siyang nagiging at magiging
espirito sa lahat ng taong sinugong Diyos na kung tawagin ay “Diyos Anak” ay tagapagligtas.

MAGUB – Ito ang kinakatagurian na pangatlong persona ng Santisima Trinidad bilang Espiritu Santo,
siya ang gaganap upang maisagawa ang bagay na dapat mangyari sa mga panahong ito, dahil sa
kanyang kapangyarihan ay mabubuo at matutupad ang mga pangako ng Infinito Diyos sa mga Tao.
Gaya ng hindi pagkaisa ng mga tao tungkol sa paniniwala ng Panginoon, sila’y sumasampalatayanan
tiyak ay mayroong Panginoon, subalit hindi pareha ang kanilang sistema sa pagsamba ng Diyos na
iisang Biblia lang naman sana ang kanilang pangarap na kaligtasan sa buhay. Bakit magkaiba ang
kanilang pananaw at enterpretasyon sa Biblia? Dahil wala sa kanila ang espirito sa katutuhanang
ipinangako ni Cristo. Sa Roma 10, 13, 14 at 15 nakasulat ang pagpahiwatig tungkol sa tunay na sinugo
ng Diyos, ganito ang sabi: “SAPAGKAT SINABI SA KASULATAN, ”MALILIGTAS ANG LAHAT NG
TUMATAWAG SA PANGALAN NG PANGINOON”, NGUNIT PAANON TATAWAGAN NG MGA TAO ANG
HINDI NILA SINASAMPALA-TAYANAN? PAANO SILANG MANANAMPALATAYA KUNG WALA PA SILANG
NAPAKINGGAN TUNGKOL SA KANYA? PAANO NAMAN SILANG MAKAKAPAKINIG KUNG WALANG
NANGANGARAL? AT PAANONG MAKAPANGARAL ANG SINUMANG KUNG HINDI SIYA ISINUSUGO?
AYON SA NASUSULAT, OKAY INAM NA MAKITANG DUMARATING ANG MGA NAGDADALA NG
MABUTING BALITA.” Sa talatang ito, maliwanag na ang tunay lamang na sinusugo ng Diyos ang
makapagbigay sa tunay napaliwanag tungkol sa Diyos. Sa panahong ito ay magulo sa dami ng
umaangkin, sino kaya sa kanila ang totoo? Ito’y napakalungkot na katotohanang hindi puwedeng
tanggihan.

Sa 2 Pedro 1:20-21 ay nagpahiwatig din ukol sa tunay na sugo ng Panginoon. Dito ating malalaman na
ang Biblia pala ay dapat lang ipaliwanag ng tooong inutusan ng Diyos lalong-lalo na sa mga hula na
naitala dito. Sa mga salita ni Panginoong Jesukristo ang karamihan ay hula tungkol sa paghahari ng
Diyos dito sa mundo. Sa ganyang katotohanan, paano ito maipapaliwanag ng kung sinu-sino lang?
Kaya ganito ang sabi sa kasulatan: “HIGIT SA LAHAT, TANDAAN NINYO NA WALANG
MAKAPAGPAPALIWANAG NG ALINMANG HULA SA KASULATAN SA BISA NG KANYANG SARILING
KAKAYAHAN. SAPAGKAT HINDI NAGBUHAT SA KALOOB NG TAO ANG HULA NG MGA PROPETA, ITO’Y
GALING SA DIYOS AT IPINAHAYAG NG MGA TAONG KINASIHAN NG ESPIRITO SANTO”.

Ang tinutukoy dito ay siyang Espirito ng katotohanan na ipadadala ni Jesukristo dito sa mundo kaya
kay tamis kung ito’y ating masusumpungan, subalit napakasakit ang katotohanang sa kasalukuyan ay
marami ang mga kunwari, na kung masdan nating mabuti ay naisakatuparan na ang sinabi ng ating
Panginoong Jesus sa Mateo 24:4-5 ganito ang sabi. “SUMAGOT SI HESUS, MAG-INGAT KAYO NA
HUWAG NA HUWAG KAYONG MAILIGAW NINUMAN! SAPAGKAT MARAMING PAPARITO SA AKING
PANGALAN AT MAGSASABI, AKO ANG MESIAS AT MARAMI SILANG MAILILIGAW”. Ang mga iyan ay
kasalukuyan na nangyayari, ang sabi ng Panginoon ay “maraming paparito sa kanyang pangalan”.
Karamihan at halos lahat sa mga sektang grupo ay umaasa sa pangalang Jesukristo kaya ang mga ito
ang siyang tinutukoy ni Kristong naliligaw? Lahat ng mga ito’y umaangkin ng katotohanan, sino kaya
sa kanila ang pinakatotoo?

Sa aklat ng Pahayag 3:12 mayroong tinutukoy na isang templo ng Diyos na kung halungkating dagdag
ang iba pang talata sa Bibliya ito’y isang tao na kakasihan ng Espirito Santo. Ang espirito ay walang
katawan kaya paano siya makapagsalita sa ganyang kalagayan, kaya siya’y gagamit ng katawang tao
upang magaganap ang kanyang sadya ditto sa lupa. Ganito ang sabi, “ANG MAGTATAGUMPAY AY
GAGAWIN KONG ISANG HALIGI SA TEMPLO NG AKING DIYOS, AT HINDI NA SIYA MAAALIS DOON
MAGPAKAILANMAN. IUUKIT KO SA KANYA ANG PANGALAN NG AKING DIYOS. ANG BUONG
JERUSALEM NA BABABA MULA SA LANGIT BUHAT SA AKING DIYOS. IUUKIT KO RIN SA KANYA ANG
AKING BAGONG PANGALAN”.
Maliwanag na mayroon bagong pangalan ang Diyos para doon sa mga magtatagumpay kaya tiyak na
hindi Jesucristo ang tinutukoy na pangalan ditto. At ang mga taong makakaalam ay makakarating sa
kaharian ng Diyos na bababa dito sa lupa. Kaya mapalad ang maghahanap at makasumpong sa taong
magiging templo ng Diyos dito sa lupa dahil tiyak ang kaligtasan para sa kaniya. Sa Juan 16:16-17 ay
ganito ang sabi ni Jesucristo, “DADALANGIN AKO SA AKING AMA, AT KAYO AY BIBIGYAN NIYA NG
ISANG PATNUBAY NA MAGIGING KASAMA NINYO MAGPAKAILANMAN. ITO AY ANG ESPIRITO NG
KATOTOHANAN NA HINDI MATANGGAP NG SANLIBUTAN SAPAGKAT HINDI SIYA MAKIKITA NI
MAKILALA NG SANLIBUTAN, NGUNIT NAKIKILALA NINYO SIYA, SAPAGKAT SIYA’Y SUMASAINYO AT
NANANAHAN SA INYO. Madaling sabi ang espiritong ito ay gagamit ng katawan ng tao na syang
tinutukoy na templo sa Pahayag 3:12. At dagdag pa nito, ang sabi ni Jesucristo sa Juan 16:7-8 ay
ganito: “NGUNIT DAPAT NINYONG MALAMAN ANG KATOTOHANAN: ANG PAG-ALIS KO AY PARA SA
IKABUBUTI NINYO; SAPAGKAT HINDI PAPARITO SA INYO ANG PATNUBAY KUNG HINDI AKO AALIS,
NGUNIT KUNG UMALIS AKO, SUSUGUIN KO SIYA SA INYO. PAGDATING NIYA AY KANYANG
PATUTUNAYAN SA MGA TAO SA SANLIBUTAN NA MALI ANG PAGKAKILALA NILA SA KASALANAN, AT
IPAKILALA NIYA KUNG ANO ANG MATUWID, AT KUNG ANO ANG KAHATULAN”. Sa mga talatang yan
ay malinaw na malinaw na hindi si Cristo ang nagpaliwanag sa katotohanan kundi ang templo ng
Espirito Santo na sang-ayon sa mga salita ni Jesucristo ay siya ang nagsugo nito.

Kaya sa panahong ito ay dapat pagsikapan na matagpuan ang templong ito dahil siya lamang at wala
ng iba ang makapagpapaliwanag sa buod ng katotohanang inaasam-asam ng lahat. Ang kaguluhang
nagbabalot sa bawat sektang ginagamit ng bawat relihiyon ay hindi makapagbibigay ng linaw sa lahat
maliban sa taong ito. Mapalad ang makakakilala sa kanya dahil tiyak na mapapabilang ang kanyang
pangalan sa Aklat ng Buhay. Yan ang pang-24 dibisyon sa spiritual.

Ito ang kabuuan ng 24 Ancianos, mga Espiritong katulong ng Diyos sa kanyang paglalang sa lahat ng
bagay, at bago sila magsimula sa kanilang gawain, sila’y nagsasalita ng sabay-sabay at ganito ang sabi
nila, “GIPARO HIP GIPARO CIHIP GRUMUGAM EMPRIUMISIC HELNAGAM UMAN HEMSPAG HURMPA
HURMPAS NURGUM SURISITIM DAB GOLO MENTUM HISIM MEMENTO PUI RATAM PATER EST ARIA
sa pamamagitan ng mga salitang ito ay nabuo sila ng lubusan pati ang kani-kanilang kapangyarihan,
at dito ay nagkaroon sila ng tanda ng pag-uugnay sa bawat sandali sa Infinito Diyos.

You might also like