Narra

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 40

SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.

National Highway, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato

GENERAL EDUCATION DEPARTMENT


__________________________________________________

LEARNING MODULE
FOR
EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT
GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

______________________________________________

WEEK 1
August, 2021

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 1 - of 40
COURSE OUTLINE

COURSE CODE : EDFIL 1


TITLE : Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Estruktura at Gamit ng
wikang Filipino)
TARGET POPULATION : All Second Year College Students
INSTRUCTOR : EMIE P. CAUBA, LPT

Overview:
Inaasahang ang aklat na ito ay makatutugon sa mga pangangailangan ng mga guro,
mga magiging guro at iba pang mga mag-aaral na may interes na gimitin ang Pilipino sa iba’t
ibang larangan.

Objectives:
Upang malinang ng mga mag-aaral ang mga kaalaman at konseptong taglayin ng isang
guro at makatulong sa mga mag-aaral ng Pilipino sa kursong pang-guro at sa mga nagtuturo ng
asignaturang Filipino.

Mga sumusunod ay ang mga paksang tatalakayin

Week 1 VISION, MISSION, CORE VALUES, SEAIT HISTORICAL BACKGROUND,


NON- ACADEMIC & ACADEMIC POLICIES, CLASS POLICIES
PANIMULA AT PROGRAMANG EDUKASYONG BILINGGWAL
Week 2 PATAKARANG EDUKASYONG BILINGGWAL AT EDUKASYONG
BILINGGWAL
Week 3 BILINGGWALISMO SA EDUKASYONG SEKUNDARYA AT PILIPINO SA
KURIKULUM NG EDUKASYONG SEKUNDARYA
Week 4 BILINGGWALISMO SA ANTAS NG ELEMENTARYA AT IBA’T IBANG
KAALAMANG PAMBOKASYONAL
Week 5 BAGONG KURIKULUM AT ANG GURO SA PAGGAMIT NG WIKA
Week 6 PRELIM EXAMINATION

Paunang salita

Ang module na ito ay sadyang sinulat para sa iyo, bagong guro sa Filipino. Matatagpuan
mo rito ang mga batayang kaalaman at konseptong kailangang taglayin ng isang gurong
nagtuturo ng esturktura at gamit ng wikang Filipino. May balik-tanaw rin ng modyul sa mga
kasanayang mahalaga sa pang-araw-araw na gawain mo sa klasrum.
Kinakailangang basahin at unawaing mabuti ang module na ibinigay. May nakalaang
pagsasanay na makikita sa huling bahagi.

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 2 - of 40
WEEK 1
VISION
A premier institution that provides quality education and globally empowered individuals.

MISSION
To produce competent, community-oriented and globally competitive individuals through
holistic education.

CORE VALUES
 Service
 Excellence
 Accountability
 Innovation
 Teamwork

SEAIT HISTORICAL BACKGROUND


The South East Asian Institute of Technology, Inc. located at National Highway, Crossing
Rubber, Tupi, South Cotabato, was founded by Engr. Reynaldo S. Tamayo, Jr. and co-founded
by Rochelle P. Tamayo, his wife, in 2006. Mr. and Mrs. Reynaldo S. Tamayo, Jr. were
Department of Science and Technology (DOST) scholars in Bachelor of Information Technology
at Cebu Institute of Technology. They wish to help the youth in Tupi to earn their college degree
so they can become productive citizens of the country.
Strongly driven by deep commitment to contribute to nation-building by creating a landmark
of social development through education in Tupi, the couple planned to realize this particular
dream with the all-out support of the entire Tamayo family. With the Tamayo family as the
couple’s stronghold, they thought of opening a higher education institution in 2006. However,
they decided to open first a technical-vocational school in the said year.
The school was named SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC. or
SEAIT. The name was anchored in the vision offering quality education to impact not only in the
region but also in the South East Asian countries. At first, the school offered Computer
Programming NC-IV and Computer Hardware Servicing NC II. With respective certificates from
the TESDA XII, SEAIT offered Computer Programming NC-IV and Computer Hardware
Servicing NC-I in 2006. After a year, Hotel and Restaurant Management was added to its
program offerings.
The couple manage to upgrade SEAIT in 2008. They added BSIT with very affordable
tuition and other fees per semester. As the year past, SEAIT continue to grow and offered more
courses until today. It also provided assistance and scholarship grants from Tulong-Dunong and
CHED to help the youth in the municipality value affordable and quality education. And in 2016,
the Universal Financial Assistance for Tertiary Education (UNIFAST) became an “amazing
come on among higher education institutions, including SEAIT, in the region.
As an educational institution, SEAIT has existed for 15 years. It has graduated 12 batches
in college. It is known for its Information Technology niche as this is the field of specialization of

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 3 - of 40
the founder and co-founder. It is also known for its Civil Engineering program as this is the field
of specialization of the parents of the founder and the current president.

ACADEMIC POLICIES
A. Academic Rights: Every students has the right to receive competent instruction and
relevant quality education.
B. General Enrolment Procedures: All prospective students with their necessary
credentials must enrol during the prescribed registration period. To facilitate registration,
students should read guidelines posted online via SEAIT official page or on the bulletin
board and be guided by the registration procedures.
C. Class Attendance: Every student is required prompt and regular attendance. Tardiness
and absences are recorded from the first day of classes. There is a corresponding
sanction with a multiple absences or tardiness.
D. Examination and Grading System: There are 3 major examination administered every
semester, namely Prelim, Midterm, and Final Examination. The registrar determines the
schedule of the major examination. Grading System: 40% Quizzes; 20% Class Standing;
40% Examination.
E. Graduating with Latin Honors: The office of the Registrar in close coordination with the
Office of the Vice President for Academics shall determine and recommend to the
administrator a student who completes his baccalaureate degree with honors provided
with standard qualifications.
F. Student Fees: Includes the registration and other fees.
G. Scholarship Programs: The school recognizes excellence in academic achievement.
This is manifested in its scholarship programs given to deserving students. Other
scholarships funded by the Government and private benefactors are acknowledged
provided that a Memorandum of Agreement has been duly processed and approved by
the School President.

NON-ACADEMIC POLICIES
A. Code of Discipline for Students: The rules and regulations of the institution are
intended to maintain the order necessary for an academic environment and to ensure an
atmosphere conducive to the formation of values for men and women and for others.
B. School Identification Card (SID): SID cards will be issued and validated by the SAO
upon enrolment. Student is required to wear his SID card at all times while he is within
the school premises.
C. Uniforms/Dress Code: The school uniform must be worn with respect and dignity. Only
students wearing the prescribed uniform will be allowed to enter the school premises and
the classroom.
D. Prescribed haircut for Criminology students: Female- 2/3 (hairnet shall be used to
those who don’t want to cut their hair; Male- 2/0

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 4 - of 40
CLASS POLICIES
1. Awareness of intended audience
(e.g. classes are meant for students currently enrolled in the course and you must not
enter or share a class meeting with someone unauthorized)
2. General etiquette
(e.g. mute microphones when not speaking, raise hand virtually to ask question, turn off
camera if you're stepping away)
3. Discussion
(e.g. you can disagree with others but should do so respectfully and constructively)
4. Privacy
(e.g. students should consult with the instructor to receive permission to record the class)
5. Communicate instances of disruptive behaviors to the proper instructor, faculty member,
or escalate the complaint when necessary.

GAWAIN
Panuto: Pagpapakilala sa sarili sa pamamagitan ng pagpasa ng (Larawan/ Imahe, Pangalan,
Kurso at Set at kung ano ang ekspektasyon sa asignaturang EDFIL 1) gamit ang messenger.

Ang Pilipino sa Pagtuturo ng iba’t ibang Asignatura

Panimula
Ang kasalukuyang sistema ng edukasyon ay nagbibigay pansin sa dalawang wikang
panturo, ang Pilipino at Ingles. Ang sistema ito ng edukasyong bilinggwal ay naglalayong
malinang ang kasanayan sa dalawang wikang nabanggit. Itinakda ng kautusang
pangkagawaran, Serye 1973 ang mga tiyak na asignatura na ituturo sa Pilipino at sa Ingles at
sa Pilipino.

Dahilan sa programang bilinggwal mabilis na umunlad ang wikang Pilipino at lumawak ang
gamit nito.Isa nga ay ang gamit nito sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura na siyang paksa ng
kabanatang ito.

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 5 - of 40
Ang Programang Edukasyong Bilinggwal

Maikling Kasaysayan

Ang suliranin ng wika ay nagsimula pa noong ang mga paaralang bayan ay nasa ilalalim
ng pamahalaang Amerikano. Itinadhana noong gamitin ang Ingles bilang wikang panturo sa
mga paaralan. Sa simula’y pinayagang gumamit ng bernakular bilang wikang pantulong, ngunit
nang dumating ang mahusay na gurong galing Amerika, Lubusan nang ipinagbawal ang
pagsasalita ng bernakular sa loob ng paaralan at pinagbuti ang pagtuturo ng Ingles.

Naging suliranin ang pag-aaral ng Ingles noon lalo na sa mga unang baitang. Naging
Suliranin din ang paghinto ng mga-mag-aaral sa ikaapat na baitang.Nawalan ng saysay ang
apat na taong itinigil ng mga bata sa paaralan sapagkat nalilimutan ang kaunti nilang nalalaman.
Ang isa pang suliranin ay ang minimithi ng mamamayang Pilipino na magkaroon ng sariling
wika bilang buklod ng pagkakaisa at tanda ng kaangkinang pambansa.

Ipinag-utos ang batas Edukasyonal 1940 sa ilalaim ng pamahalaang Komonwelt na


magkaroon ng isang wikang pambansa batay sa tagalog at paglinang nito’y pamahalaan ng
Surian ng Wikang Pambansa. Ang wikang pambansa’y ituturo sa mga paaralan bilang

Asignatura.

Hindi kaila sa mga Pilipino na ang palantuntunan sa pagkakaroon


ng wikang pambansa ay pinamumunuan ng Pangulong Manuel L.
Quezon. Ang Pangulong Quezon ang kinikilalang nanguna sa
landas ng mapayapang himagsikan patungo sa kasarinlan. Siya ang
nagpasimula ng katarungan panlipunan. Ngunit lalong higit na
binigyang halaga niya ang pagtingin sa larangan ng wika ang
paglalatag ng isang pundasyon para sa wikang pambansa ng lahat ng Pilipino. Nadama ng
Pangulong Quezon ang kahalagahan ng wika bilang isang lakas ng tagapagbuklod.
Itinadhana sa Saligang Batas ng 1935 na “Ang Pambansang Kapulungan ay gagawa ng
hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa umiiral na
katutubong wika sa Pilipinas”.

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 6 - of 40
Ang wikang Pilipino ay salig sa tagalog.Sa bisa ng kautusang Tagapagpaganap Blg. 134,
Pinagtibay ng Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakapili ng tagalog bilang batayan ng
wikang pambansa at “inihayag at iprinoklama na ang wikang pambansang base sa diyalektong
tagalog ay siyang wikang pambansa ng Pilipinas.”(Parale,pp.36-376).

Kaya, sa kalatas ng Pangulong Manuel L. Quezon sa Unang kapulungang Pambansa


noong Oktubre 27,1939, Aniya’y,

Kalabisan nang liwanagin pa ang pahayag na ang isang bayang bumubuo ng isang kabansaan
ay may isang wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat. Ito’y isa sa pinakamatibay na buklod
na bumigkis sa bayan at nagpapaunlad sa ipagkakaisa ng mga mithiin, lunggati at damdamin.

Maraming ginawang pagsubok upang malaman ang tunay na katayuan ng wikang


pambansa sa mga paaralan. Nariyan ang Iloilo Experiment na isinagawa noong 1948-1954 at
ang Rizal Experiment noong 1960-1966. Ilan lamang ito sa mga isinasagawang pagsubok sa
mga paaralang bayan.

Ang Ilolilo Experiment ay pagsubok upang malaman ang tunay na katayuaan ng wikang
pambansa sa mga paaralan. Ang pagsubok na ito ay nasa unang mga taon ng pag-aaral ng
mga bata, ang nilalaman ng edukasyon ay madaling matutuhan sa pamamagitan ng bernakular

at hindi sa banyagang wika. Ang natutuhan ay madaling matatandaan sapagkat mayron silang
nababasang mga babasahin sa kanilang wika. At anumang suliranin ay madaling
napag-uusapan ng paaralan at bayan. Ang pagsubok na ito ay naging batayan ng pambansang
lupon sa Edukasyon upang gamitin ang bernakular bilang wikang panturo sa baitang I at II na
napapaloob sa Revised Educational Program 1957.

Ang Rizal Experiment ay nagkakaroon ng layunin na mapaghusay sa Ingles ang mga


batang Tagalog.Kailan dapat pabasahin ang mga bata sa Ingles-pagkatapos ng unang
dalawang buwan sa baitang I o pagkatapos ng unang tatlong buwan sa baitang II? Ipinapakita
ng pag-aaral na ang kahusayan sa pag-unawa sa pakikinig, sa pamamagitan ng pag-sulat ay
pareho rin pagkatapos ng mga bata sa Baitang III kahit na ang pagbasa sa Ingles ay sinimulan
pagkatapos ng unang tatlong Buwan sa Baitang II.

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 7 - of 40
Ipinapakita ng Iloilo at Rizal Experiment ang Kahalagahn ng kahandaan ng mga guro sa
pagtuturo at kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kagamitang magagamit sa pagtuturo.
Sa isang ulat ng komite sa kurikulum, ng Pambansang Lupon sa Edukasyon, nabanggit
ang isang proposal tungkol I-IV. Ang hakbang na ito, anila, mararapat batay sa mga pag-aaral
at pagsubok na isinasagawa. Binanggit pa rin ang kakulangan sa kaalaman at sa kasanayan ng
mga guro sa paggamit ng bernakular bilang wikang panturo na lalong nagpapahina sa
pagkatuto ng bata.

GAWAIN I
Panuto: Sumulat ng sariling tula na may sukat at tugma gamit ang dalawang Wika: ang
Filipino At Ingles. (40 points)

FILIPINO INGLES

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 8 - of 40
RUBRIC SA PAGSULAT NG TULA

Napakagaling Magaling Katamtaman Nangagailangan


(40) (30) (20) ng Pagsasanay
(10)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang may lalim Mababaw at literal
makahulugan ang makahulugan ang ang kabuuan ng tula ang kabuuan ng Tula
kabuuan ng tula kabuuan ng tula

Gumagamit ng Gumamagit ng ilang Gumagamit ng 1-2 Walang ginagamit


simbolismo / o simbolismo/ pahiwatig simbolismo/pahiwatig nan a simbolismo/
pahiwatig na na nagpaisip sa mga na nagpaisip sa mga pahiwatig na
nagpapaisip sa mga mambabasa mambabasa nagpaisip sa mga
mambabasa mambabasa
Gumagamit ng May mga sukat at May pagtatangkang Walang sukat at
napakahusay at tuma ngunit may gumamit ng sukat at tugma kung may
angkop na angkop na bahagyang tugma ngunit halos naisulat man
sukat at tugma inkonsistensi inkosistent lahat

…...............................................Wala ng kasunod…………………...................

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 9 - of 40
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
National Highway, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato

GENERAL EDUCATION DEPARTMENT


__________________________________________________

LEARNING MODULE
FOR
EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA
(ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)

________________________________________

WEEK 2
September, 2021

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 10 - of 40
WEEK 2

Ang Pagkabuo ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal


At Edukasyong Bilinggwal

Noong Pebrero 19,1970, ang Pambansang Lupon ng Edukasyon sa pamamagitan ng


kapasiyahan 70-5 ay naglagda ng isang patakaran ng unti-unting implemantasyon sa paggamit
ng Pilipino bilang wikang panturo sa elementarya mula Baitang I sa taong panuruan 1970-1971
at paunlad sa bawat sumusunod na taon pagkatapos niyan hanggang sa ito’y gamitin nang
lubusan sa lahat ng taon sa elementarya.Noong Agosto 18, 1970, pinagtibay ng pambansang
lupon sa edukasyon ang Resolusyon Blg. 70-21 na nagbibigay-daan sa paggamit ng Plipino
bilang wikang panturo sa mga kursong Rizal, Pamahalaan at kasaysayan ng pilipinas sa lahat
ng Kolehiyo at unibersidad at sa ilang piling asignatura kailan ma’t may mga gurong may
kakayahan, may sapat at angkop na kagamitan sa pagtuturo at kahandaan naman sa bahagi
ng malawakang landas ng wikang pambansa sa mga paaralan. At ito rin ang unang
palatandaan ng edukasyong Bilinggwal. Naniwala ang Pambansang Lupon ng Edukasyon na
ang edukasyong Pilipino ay magiging bilinggwal sa Pilipino at Ingles.

Mayroon ding talatakdaan para sa Lingkurang Pagsasanay ng mga Guro at Produksyon


ng mga Materyales. Sabagay na ito, inaakit ang mga guro na mag-aaral upang madagdagan
ang kanilang kasanayan sa pagtuturo ng Pilipino.Sa isang Liham-Panlahat Blg.175, ipinahayag
ang paglunsad ng unanag bahagi ng Apat na Taong Palatuntunan upang sanayin ang mga guro
sa paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo. Nagkaroon ng mga pagsasanay sa dawalang
pu’t isang sentro at iba’tibang rehiyon sa Kapuluan.

Ang pagpapatibay ng saligang batas ng 1973 ay naging simula ng bilinggwalismo sa


edukasyon ng Pilipinas. Ang pangulong Ferdinand E. Marcos ay nagbibigay-diin sa
kahalagahan ng pagpapakadalubhasa sa Ingles at Pilipino upang makalikha o makalinang ng
mga mamamayang may kakayahang magsalita ng dalawang wika.

Sa talumpating binigkas ng Pangulong Marcos noong Mayo 11, 1973 sa pampinid na


palatuntunan ng pansiyam ng Pambansang Gawaing Kapulungan sa Pilipino, nagkaroon ng
pag-asa ang Pilipino.

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 11 - of 40
Ilan sa namumukod na bahagi ng talumpati ng Pangulong Marcos: “..Nakatalaga ang ating
pamahalaan sa patakaran ng pagkakaroon ng dalawang wika: Pilipino at Ingles…kaya lalong
dapat na linawin ng Pambansang Lupon sa Edukasyon at ng kagawarang ng Edukasyong at
kultura ang pagpapatupad sa patakarang ito. Pilipino para sa ating pambansang
pangangailangan- bilang buklod ng pagkakaisa at tatak ng kaangkinang pambansa at Ingles,
para sa ating pakikipagtalastasang pangdaigdig”.
“….ibig kong makita ang paunlad na paggamit ng Pilipino sa ating paaralan, mula sa
pinakamababang grado hanggang sa antas ng pagkadalubhasa.”
“…kinakatigan ko, kaipala’y ibinubunsod ang puspusang paggamit ng Pilipino bilang wikang
panturo sa ating mga paaralan at sa iba pang larangan ng ating buhay…”

Ang nabanggit na paninindigan ng Pangulong Marcos tungkol sa wika ay pormal na


napapaloob sa sulat sa Pambansang Lupon sa Edukasyon at sa isang mensaheng binasa sa
telebisyon sa palatuntunang pulung-pulong sa kaunlaran noong Mayo 29,1973.

Ayon sa Tagapangulo ng Pambansang Lupon sa Edukasyon ang ibinigay na katwiran ng


ating Pangulo ay ito: Ang wika ay isa sa mga paraan ng pagkakaisa ng mga mamamayan; ang
gamit ng bernakular ay may epektong paghihiwalay.

Ang pagpapatibay ng Bagong Saligang Batas ng 1973 ay nagiging simula ng


bilinggwalismo sa edukasyon ng Pilipinas. Ang Pangulong Marcos ay nagbigay-diin sa
kahalagahan ng pagpapakadalubhasa sa Pilipino at Ingles upang makalikha/makalinang ng
mga mamamayang may kakayahang magsalita ng dalawang wika.

Ang kapasiyahan Blg.73-7 na pinalabas noong Agosto 7, 1973 ay nagtadhana ng mga


sumusunod:
Na ang Ingles at Pilipino ay gagamiting kasangkapan ng pagtuturo at ituturo
bilang mga asignatura ng kurikulum, buhat sa Baitang I hanggang sa
kapantayang pampamantasan sa lahat ng mga paaralan, maging
pambayan at pansarili.
Na hilinging ang kagawaran ng Edukasyo at Kultura ay maghanda para sa
pagsasaalang-alang at pagpatibay ng lupon sa mga panuntunan ng
pagtutupad o mga patnubay ng patakarang kinakailangan ng:
 Mga asignaturang ituturo sa Ingles, Pilipino o sa kapwa wikang
ito;

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 12 - of 40
 Talatakdaan ng pagtutupad;
 Paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo.
Ang patakarang bilinggwal na itinakda noong agosto 7,1973 ng Pambansang Lupon sa
Edukasyon, ang tanggapan ng Ministri ng Edukasyon at Kultura ng gumagawa ng mga
patakarang tungkol/o may kaugnay sa edukasyon ng mga Pilipino, ay nagtakda na ang
Pilipino(wika) at Ingles ay magsisilbing mga wikang panturo at ituturo sa mga
paksang-aralin/asignatura sa lahat ng kurikulum, mula sa Baitang I sa mababang
paaralan,publiko o pribado.

Ano ang Edukasyong Bilinggwal.


Sa liwanag ng kaisipan ng Resolusyon ng Pambansang Lupon ng Edukasyon (National
Board of Education),ang edukasyong bilinggwal ay binigyan ng katuturang magkahiwala’y na
gagamit ng Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura,sa pasubaling
gagamitin ang Arabic sa mga lugar na ito ay kinakailangan.

Alinsunod sa Kautusang Pangkagawaran Bilang 25, Serye 1974 na may pamagat na “Mga
Panuntunan sa Pagpapatupad ng Patakarang Edukasyonng Bilinggwal” na Ipinalabas ng
Kagawarang Edukasyon at Kultura (ngayon ay Ministri ng Edukasyon, Kultura at Isport), ang
mga sumusunod na mga panuntunan sa pagtutupad ng patakaran ay:
a. Ang edukasyong bilinggwal ay binigyan ng katuturang magkahiwalay ang paggamit ng
Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura, sa pasubaling gagamitin
ang Arabic sa mga lugar na ito’y kinakailangan.
b. Ang paggamit ng Ingles at Pilipino bilang mga wikang panturo ay magsisimula sa Baitang
I sa lahat ng paaralan. Sa mga baitang I at II, ang bernakular na ginagamit sa pook o lugar
na kinaroroonan ng mga paaralan ay magiging pantulong ng wikang panturo; ang
bernkular na ginagamit lamang kapag kinakailangan sa pagdadali ng pag-unawa sa mga
konseptong ituturo sa pamamagitan ng itinakdang panturo ng asigntura-Ingles, Pilipino o
Arabic, gaya ng nararapat.
c. Ang Ingles at Pilipino ay ituturo bilang asignaturang pangwika sa lahat ng grado sa mga
paaralang elementarya at Sekundarya upang matamo ang tunguhin ng bilinggwalismo.
d. Ang Pilipino ay gagamiting panturo sa sumusunod na mga asignatura: Araling
Panlipunan\Agham Panlipunan, Edukasyon sa Wastong Pag-uugali, Edukasyon sa
pagpapalakas ng Katawan, Edukasyong Panggawain at Edukasyong Pangkalusugan.
e. Bubuo ng mga bagong batayang aklat at iba pang mga kagamitang panturo sa mga
kurso/asignaturang Ingles at Pilipino, na sadyang nakaukol sa paglinang ng sapat na

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 13 - of 40
kakayahan sa paggamit ng mga wikang ito.
f. Ang mga bagong batayang aklat para sa mga araling nababanggit sa “4” ay dapat na sa
Pilipino lamang nakasulat.
g. Ang mga sumusunod na talatakayan ang susundin sa pagtutupad ng palatuntunan sa
edukasyong bilanggwal para sa lahat ng kapantayan sa mga paaralang elementarya at
sekundarya.
1. Bahagi I: Taong Panuruan 1974-1975 hanggang Taong Panuruan 1977-1978.
Ang apat na taong ito ang magiging panahon ng paglilipat-gamit (transition) sa Pilipino
bilang panturo sa sumusunod na mga asignatura:
 Araling Panlipunan/Agham Panlipunan
 Edukasyong Panggawain
 Edukasyong sa Wastong Pag-uugali
 Edukasyong Pangkalusugan
 Edukasyong sa Paglalakas ng Katawan
2. Bahagi II: Taong Panuruan 1978-1979 hanggang Taong Panuruan 1981-1982
Sa panahong ito, ang paggamit ng Pilipino sa mga naturang asignaturang nabanggit sa
ay magiging;
a. Sapilitan sa lahat ng iba pang mga paaralan ayon sa sumusunod na talatakdaan:
Primarya: Taong Panuruan 1978-1979
Intermedya: Taong Panuruan 1979-1980
Una at ikalawang Taon ng mataas na paaralan: Taong Panuruan 1979-1980
Ang paggamit ng Ingles sa lahat ng iba pang mga asignatura/kurso sa mga kapantayang
elementarya at sekundarya ay magiging sapilitan din.

Magsasagawa ng palatuntunan ng salingkurang pagsasanay upang mapahusay ang


mga guro sa paggamit ng Pilipino bilang panturo sa kapantayang pambansa, panrehiyon at
lokal sa pamamahala ng mga karapat-dapat na tauhan ng kagawaran ng edukasyon at kultura
at ng mga sangay nito sa pakikipagtulungan ng mga pamantasan at kolehiyong pangguro.

Simula sa unang semester ng Taong Panuruan 1979-1980, ang pandalubhasa at


pamantayan ay kailangang mag-bigay ng anim (6) na unit na Pilipino na lahat ng mga kurso
maliban sa kurikulum pangguro na ang kailangan at labindalawang (12) yunit.

Ang dalawang Pilipino na ibinigay sa mga kursong pang-dalubhasa at pamantasan ay

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 14 - of 40
kailangang magkaroon ng sumusunod na nilalaman:
a. Pilipino- Sining ng Pakikipagtalastasan (Communication of Arts)-pagtalakay sa mga
sanaysay(essay),artikulo (articles),maikling kwento(short story),dula(drama),tula(poem)
at iba pang uri ng panitikan bilang lundayan ng mga tuntuning pangretorika at sa
pagsasanay na nalilinang sa apat(4) na kasanayang pangwika:
1. Kakayahang bumasa
2. Kakayahang umunawa
3. Kakayahang magsalita
4. Kakayang sumulat
b. Pilipino II-Panitikang Pilipino; pahapyaw na kasaysayan at mga piling katha (Survey
and Reading of Literature in Pilipino)-pag-aaral ng mga katutubo at naangking anyo ng
panitikang Pilipino at mapahalagahan sa lalong makabuluhang kathang kumakatawan
sa mga panahaon sa kasaysayan ng panitikan.

Sa taong panuruan 1982-1983, Pilipino ang gagamiting panturo sa mga sumusunod na


asignatura sa lahat ng paaralan, dalubhasa at pamantasan:
1. Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas kasama ang pagtuturo ng saligang batas
2. Buhay at mga Sinulat ni Rizal (Rizal Course)
3. Sosyolohiya (Sociology)
4. Ekonomiya (Economics) kasama ang pagbubuwis at Repormang Panlupa
5. Pangkasalukuyang Programa ng Gobyerno
6. Edukasyong Pangkaluswugan, Edukasyong Pampopulasyon kasama ang
Pangpaplano ng Pamilya
7. Edukasyon sa pagpapalakas ng Katawan
8. Karunungan Pantahanan
9. Sikolohiya
10. Etik

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 15 - of 40
GAWAIN

PANUTO: Basahin at unawain ng mabuti ang module na ibinigay. Ilahad mo nga ang iyong mga
natutunan sa pagkabuo ng patakarang Edukasyong Bilinggwal at Edukasyong Bilinggwal (30
Points)

Masasabi kong……

Natuklasan kong….

Napag-alaman kong…

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 16 - of 40
Rubriks
Nilalaman 10 9 8 7 6

Lawak at lalim ng pagtalakay


May kalinisan at kabuluhan ang naisusulat
Balarila

Wastong gamit ng wika o mga salita


Hikayat
Pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay
ng guro kaugnay ng gawain

10-Pinakamahusay 9-Mapaghuhusay
8- Mahusay 6- Nangangailangan pa ng mga pantulong sa pansanay
7- Katangap-tangap

…..................…………………Wala ng Kasunod……………………………………….

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 17 - of 40
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
National Highway, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato

GENERAL EDUCATION DEPARTMENT


___________________________________________________

LEARNING MODULE
FOR
EDFIL 1; PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT
GAMIT NG WIKANG FILIPINO)
_____________________________________________________

WEEK 3
September, 2021

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 18 - of 40
WEEK 3

BILINGGWALISMO SA EDUKASYONG SEKUNDARYA AT PILIPINO SA


KURIKULUM NG EDUKASYONG SEKUNDARYA

Bilinggwalismo sa Edukasyong Sekundarya


Ang layunin ng edukasyon batay sa Konstitusyon ay pinalawak pa at binigyang diin ng
Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) sa ikasusulong ng ating
bansa bilang isang Malaya at demokratikong lipunan. Ang inihandang pambansang tunguhin
(goals) ay ang sumusunud:
1. Matamo at mapanatili ang isang paunlad nang paunlad na kabuhayan at panlipunang
kaunlaran.
2. Matiyak ang buong kakayahang pakikilahok ng lahat ng mamamayan sa
ikapagtatamasa ng mga kabutihang idudulot nito.
3. Mapalakas ang pambansang kabatiran at maitaguyod ang kanais-nais na kahalagahang
pangkalinangan sa isang daigdig na nagbabago.

Batay sa mga tunguhing ito, ang mga layunin ng edukasyon na pinagkaisahang pagtibayin ay
ang sumusunod:
1. Maglaan ng isang malawak at panlahat na edukasyon na makatutulong sa bawat tao sa
kinabibilangan niyang lipunan upang (a) matamo ang maaring makamtan niya; (b)
mapataas ang kalagayan at uri ng pansarili at papangkat na pakikilahok sa gawaing
panlipunan; (c) matamo ang batayang edukasyonyong kailangan sa ikalilinang ng
kanyang pagiging isang mamamayang matagumpay.
2. Linangin ang kinakailangang kakayahan at kasanayan sa ikasusulong ng bansa.
3. Linangin ang prosesyong makapaglalaan ng kakayahang mamuno sa bansa at magamit
ang kaalaman sa ikakaunald ng uri ng pamumuhay.
4. Mabisang makatugon sa pabago-bagong pangngailangan at kalagayan ng bansa sa
pamamagitan ng isang sistema ng pagpaplano at pagpapahalaga.

Sa mga layuning ito ng edukasyon ibinatay ang mga layunin ng edukasyong sekundarya
gaya ng sumusunod:
1. Maliwanag ang isang makatuwirang pagsasakatuparan sa mga layunin ng pambansang
kalinangan o kaunlaran sa pamamagitan ng pagmamahal, pananatili at paglinang ng

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 19 - of 40
mga pagpapahalagang pangkaugalian at pangkaluluwa at iba pang lawak ng
pambansang pamana na kinagigiliwan sa lipuanng Pilipino;
2. Maunawaan ang malawak na pagkakataon para sa mga sining at agham bilang
palagiang pagkukunan ng kasiyahan at pakinabang. Matuklasan, mapalawak at
papataas ang mga kakayahan at pagpapahalaga sa mga ito;
3. Matamo ang batayang mga kasanayang pang-edukasyon, mga kaalaman at kabatiran
sa ikapagkakamit ng panimulang gawain, at makagawa ng matalinong pagbili ng gawain
o karera;
4. Matamo ang ibayo pang mga kasanayan sa pag-iisip;
5. Matamo ang karanasan at makabuo ng mga kanais-nais na saloobin para sa pag-unawa
sa sarili, sa kapwa mamamayan, at iba pang angkan, panlunan at panahon sa tulong ng
pagkakataon upang mabuhay nang matiwasay kasama ang iba’t ibang uri ng mga tao, at
sa ganoo’y magkaroon ng masusing pandama sa sarili at pamilya at sa komunidad o
pamayanan; at
6. Maipakita ang pag-unawa, pagkakamit at pagsasanay ng mga batayang kaisipan at ng
iba’t ibang sangay ng kaalamang pantao upang makabuo ng kapakanang pisikal,
intelektuwal, emosyonal at panlipunan.

Dahil dito, nagkakaroon ng pagbabago ang ating kurikulum sa sekundarya at kaalinsabay


ng pagbabago ng kurikulum ay ang paggamit naman ng dalawang wika at makatulong na mga
wikain upang lalong maging mabisa ang pag-aaral ng mga bata. Gaya ng inyong nabatid, sa
sekundarya ay gagamiting midyum ang Ingles sa Agham at Matematika at sa Sining ng
Pakikipagtalastasan sa Ingles. Ang Filipino ay gagamiting wikang panturo sa Araling
Panlipunan, Sining ng Pagsasanay sa Paglinang ng kabataan (YDT), at (YCAP) o
Palatuntunan ng Kilusang pangkabataan.

Sining ng Pakikipagtalastasan (Communication Arts)

Ang layunin ng araling ito ay malinang ang kakayahan ng bata sa pakikinig, pagsasalita,
pagbasa at pagsulat upang matulungan siyang matuklasan ang kanyang sariling kakayahan at
panlasa at magamit ang kanyang kahusayan at matamo ang kaganapan bilang isang tao.

Saklaw ng araling ito;


Unang taon- Kahusayan sa paggamit ng batayang pangungusap at hulwarang
talasalitaan.

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 20 - of 40
Ikalawang taon- Mahahabang mga pangungsap, mga sanaysay at tula.
Ikatlong taon-Higit na mahahabang mga pangungusap
(a) tambalan, hugnayan, langkapan; (b) pasalaysay, Patanong,
padamdam at pautos.
Kabutihang Asal at Wastong Pag-uugali- Ito ay lalakip sa lahat ng mga aralin sa
lahat ng kapantayang taon.
Araling Panlipunan-(Bawat taon ay may kani-kaniyang paksang tatalakayin)

Unang taon- Pamayanan-Geography, Anthropology, Sociology.


Ikalawang taon-Philippines History and Governement, History, Political Science.
Ikatlong Taon- Development and Progress, ang diin ay sa Economics.
Ikaapat na taon- Ang daigdig-Geography, Anthropology at Sociology.
Ang pagtuturo ng mga pagpapahalaga (values) ay ilakip sa iba’tibang aralin.

Sining na Panggawain (Practical Arts)

Ang mga bahaging ituturo rito ay ang sumusunod: Home Making Arts. Agrikultural Arts,
Business and Distributive Arts, at Fishery Arts. Ang layunin ng pagtuturo ng araling ito ay
mabigyang pagkakataon ang bawat mag-aaral na lalaki at babae na malantad sa maraming
lawak ng gawain at malinang ang kasanayan sa pamamagitan ng pang-aangkop,
pagpapaunawa at paglinang ng mga kasiya-siyang kaugalian at paaran ng pakikipagkapwa tao
sa gawaing napili.
Sa mga una at ikalawang taon ang paghahanda sa mga bata sa iba-ibang karanasan upang
matiyak nila kung anong gawain ang kanilang kinahihiligan ayon sa kanilang kakayahan at
pangangilangan ng pamayanan. Pagkatapos ng ikalawang taon ay inaasahang makapili na
siya ng isang lawak na dapat niyang ipagpatuloy sa ikatlo at ikaapat na taon upang siya’y
maging isang kasambahay na mapapakinabangan pagtatapos niya sa mataas na paaralan.

Scouting

Layunin para sa paghubog ng mga batang lalaking iskaut pagkamamamayan; pakikilahok


sa mga palatuntunang panlabas at mga oraganisasyon.

Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan


Ang layunin ng Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan ay upang bigyang diin ang
pagiging malusog at malakas ng katawan, pagkakaroon ng kagiliwan sa mga palarong
paligsahan gaya ng basketball, volleyball, football, at iba pang palaring makapagbigay

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 21 - of 40
kasiyahan sa nais maalaiw habang namamahinga.

Edukasyong Pangmusika- Ito ay itinuturo mula sa unang baitang sa mababang paaralan


hanggang sa ikaapat na taon sa mataas na paaralan. Animnapu’t limang bahagdan (65%) ang
dapat maging awiting nagmumula sa ibang bansa.

ANG PILIPINO SA KURIKULUM NG EDUKASYONG SEKUNDARYA: PINAGTIBAY NA


PANUKALA
Panimula
Sa hangaring maipatupad ang itinadhana ng Artikulo VX, Seksyon 4 ng Saligang batas
ng 1973, ipinahayag ng Pambansang Lupon sa Edukasyon ang implementasyon ng
Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan upang makalinang ng isang bambansang
bilinggwal na may sapat na kakayahan sa paggamit ng Pilipino at Ingles. Bilang pag-alinsunod,
ang noo’y Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ay naglagda ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng naturang programa gaya ng nakasaad ng MEK Memo Blg.2003,s.1978
(Accelarating the attainment of the Goals of Bilinggwal Education).

Tungo sa mithiing ito, ang lawak man ng mga asignaturang Pilipino ay binigyan ng ibang
katawagan, mga Sining ng Komunikasyon (Pilipino). At ito’y sinimulang pairalin noong ika-2
hating-taon ng taong panuruan 1973-1974. Samakatuwid, halos labing-isang taon na ang
nakaraan, ngunit may mga suliranin at sagabal ding dapat isaalang-alang upang maihanap ng
kaukulang lunas o mga pagbabagong pangkurikulum. Dahil dito’y mahalaga ring isapanahon
ang makatangian at malayuning balangkas at nilalaman ng mga araling Pilipino sa mga
paaralang sekundarya upang makatugon sa mga pangangailangan pang-edukasyon.

Mga Layunin
Inaasahang sa pamamagitan ng panukalang ito’y maisagawa ang mga sumsunod na
tunguhin ng programang Pilipino:
Linangin ang mga kakayahan sa paggamit ng Pilipino (use/function) sa tulong ng mga
tuntuning pambarila (usage) upang matamo ang mga kasanyang makro (pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, pansangunian), gayundin ang mga panimulang pag-aaral/pag-unawa sa
pagsasaling-wika,sariling pagwawasto at mga kasanayan sa paggawa ng
pag-aaral/pananaliksik.

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 22 - of 40
Layuning Panlahat
A. Linangin ang kasanayan at kaalaman sa paggamit ng Pilipino sa pakikipagtalastasan
pasalita at pasulat ng angkop na sitwasyon, pangangailangan at pagkakataon.
B. Linangin ang kasanyan sa pag-uunawa, pagpapakahulugan, pagsusuri at
pagbibigay-halaga sa mga kaisipang halaga sa mga kasipang/paksang naririnig at
binabasa.
C. Linangin ang kaalaman, kasanayan at pagpapahalaga sa panitikang Pilipino.
D. Linangin ang kakayahan at kasayan sa pagpapakilala at paglikha ng iba’t ibang uri ng
salitang panitikan.
E. Paunlarin ang kaalaman at kasanayan sa pagsasaling-wika at paggawa ng
pag-aaral/pananaliksik.

Balangkas at Saklaw ng mga Araling Pilipino

Sa ilalim ng planong ito’y ibabalik ang dating katawagang Pilipino (I-IV) kapag tinutukoy
ang mga asignaturang ito, gayundin ang mga sumusunod na balangkas:

Wika
1. Mga kasanayang makro (pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat paggawa ng mga tala,
transcoding, kasanayang pangsangunian, kasama na ang pag-aaral o pananaliksik.
Panitikan
1. Kasanayang pampanitikan
2. Halagang pangkatauhan
3. Pangangailangang panlipunan
4. Patakarang pampamahalaan

2. Pag-aaral/pananaliksik
Sa panitikan, ituturo at pag-aaralan din sa Ikalawang Taon ang isa lamang sa mga
sumusunod: Nena at Nenang, Florante at Laura, Ikatlong Taon: Noli Me Tangere, o Ilaw sa
Hilaga, Ikaapatan na Taon: El Filibusterismo o Banaag at Sikat.

Ang Noli at Fili ay maaring ituro sa pamamagitan ng pagdulog na pampanitikan (literary),


pangkasaysayan, pilosopikal, sosyolohikal o polotikal man (sa loob ng natitira pang lingo
bago matapos ang bawat taong panuruan), gayundin ang pagkakaroon ng Elektib na laan
para sa lahat ng antas o taon.

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 23 - of 40
GAWAIN

PANUTO: Bumuo ng mahalagang konseptong natutunan sa aralin sa pamamagitan ng


pagsagot sa mga tanong gamit ang grapikong presentasyon. (100 points)

1.
Sining ng
Pakikipagtalastasan
(Communication Arts)

KAHALAGAHAN PAG-UNAWA

2.

Sining na Panggawain
(Practical Arts)

KAHALAGAHAN PAG-UNAWA

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 24 - of 40
Sining ng
Pakikipagtalastasan
3.
(Communicat

1.

ion Arts) PAG-UNAWA


KAHALAGAHAN

Edukasyon sa
4. Pagpapalakas ng
Katawan

KAHALAGAHAN
PAG-UNAWA

……………………………Wala ng kasunod…………………………….

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 25 - of 40
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
National Highway, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato

GENRAL EDUCATION DEPARTMENT


___________________________________________________

LEARNING MODULE
FOR
EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA(ESTRUKTURA AT
GAMIT NG WIKANG FILIPINO)
___________________________________________________

WEEK 4
September, 2021

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 26 - of 40
WEEK 4
BILINGGWALISMO SA ANTAS NG ELEMENTARYA AT IBA’T IBANG
KAALAMANG PAMBOKASYONAL

Ang bagong hugis ng edukasyonng pang-elementarya sa patakarang bilinggwal ay


nagkikintal at nagsasanay sa mga murang isipan sa pagkatuto sa tumpak na paghahanapbuhay,
upang sa gayon ay hindi sila lumabas na may pinag-aralan ngunit walang nalalamang trabaho.
Pinatunayan sa ngayon na hindi lamang ang mamamayan o may kaya sa buhay ang
nakapag-aaral sa magasto na propesyon humihingi ng mataas na talino. Maging ang mga
batang mahihirap na hindi kayang itaguyod ng kanilang mga maralitang magulang
nakapagpapatuloy bunga ng pagbabago sa kalakaran ng pagtuturo sa patakarang bilinggwal.
Sa pamamgitan ng wikang katutubo sa ating bayan bilang panturo ay madaling madaling
maunawaan ng mga bata ang ituturo sa kanya, lalo na kung nasa mababang baitang pa
lamang siya, kayat sa pasimula pa lamang ay nakikintal na sa kanyang murang isipan ang
kasanayang tunguhin para sa kinabukasan.
Upang matamo ang layunin ng bilinggwalismo, hinihikayat ang lahat ng paaralang gumawa
ng mga aklat at iba pang mga kagamitang pampagtuturo na makakatulong sa paglinang ng
kakayahang makagamit ng dalawang wika.
Isa sa mga naging kalakaran sa larangan ng pagtuturo sa Pilipinas ay ang paggamit ng mga
Self-Learning Kit o mga kagamitan sa sariling pagkatuto. Ang mga ito ay nadadala ng mga
mag-aaral sa sarili nilang tahanan upang mapag-aralan sa tulong ng mga magulang, kapatid, o
iba pang tao sa pamayanan batay sa ipinapagawa sa kit. Iniisip ng mga edukador na ang mga
kagamitang ito sa sariling pagkatuto ay makakatulong nang malaki upang malunasan ang
suliranin sa lumalaking populasyon o bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng sapat
na kagamitan upang matuto.
Ang SLK ay angkop sa anumang uri ng mag-aaral. Ang mga may kahinaang mag-aaral at
maasahang mahuhuling makatapos ng mga aralin kaysa mga marunong na mag-aaral. Subalit,
kahit sila nahuhuli ay hindi nila mararamdamang sila’y pinagmamadali. Nalalaman din nilang
sila ay hindi nahahambing sa iba nilang mag-aaral.Malaya nilang matatapos at nauunawaan
ang kanilang mga aralin nang hindi sila kinakabahang naiiwan ng iba. Hindi sila
nakikipagpaligsahan sa kanilang mga kamag-aaral kundi sa kanilang sarili.

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 27 - of 40
Ang Pagkakaugnay ng SLK at Modyul
A. Kapwa kagamitan sa pagtuturo na umaakay sa mga mag-aaral sa lubos na pagkatuto sa
isang kasanayan.
B. Kapwa sangkap ng mga gawaing nakatutulong sa mag-aaral upang makamtan ang mga
layunin ng aralin.
C. Parehong magagawa ng gurong malikhain, may kakayahang sa pagsulat, may malawak
na kaalaman sa paksa, layunin at pagawa ng pagsusulit.
D. Ang SLK, tulad ng modyul ay sistematikong paglahad ng mga gawaing tutulong sa
mag-aaral na magtamo ang layunin ng aralin.

Iba’t Ibang Kaalaman Sa Edukasyong Pambokasyonal

Ang mga palatuntunan at kasanayan sa edukasyong bilinggwal ay naglaan ng gawain para


sa mga gawaing pang-industriya sa iba’t ibang antas, tulad ng pangkalakal at pang-industriyang
edukasyon, pampagsasaka, pampangingisda at iba pa, para sa layunin ng pagtuturo at sa
pagsasakatuparan ng iba’t ibang palatuntunan ng gawain, maaring pangkatin ang mga ito sa
tatlong kategorya na gaya ng sumusunod:
(1) Kasanayan at kakayahan
(2) Kaalaman at impormasyong teknikal
(3.) Pagsasanay na pangmamamayan. Ang anumang gawaing pagsasanay ay dapat mapaloob
sa tatlong kategoryang nabanggit.

Pinagtutuunan din ng pansin ng pamahalaan ang pag-paunlad buhay rural. Bukod dito’y
sisinisikap din ng pamahalaang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang hindi
makapag-aaral, itong mga nasa labas ng paaralan, na kumikita at makakatulong sa
produksyon.

Ang paglinang ng mga kasanayang madaling pagkakitaan ay nag-iiba-iba sa bawat rehiyon


at mula sa dahilang ito ay nagkakaroon ng paggamit o paggawa ng mga kagamitang tanging sa
isang pook lamang matatagpuan. Sa rehiyon, halimbawa maraming pandan ang siyang
pangunahing mapagkakitaan. Gayundin naman ng mga dayami. Pagkatapos ng anihan ng
palay, maari itong gamitin sa pagpapatubo ng kabuti at mabuti rin itong pagkakakitaan.

Mula sa Ilog-Pasig, ang mga water lily na pang-abala lamang sa mga naglalakbay ay

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 28 - of 40
pinagmumulan ng malaking-kita ng mga mangangalakal. Ginawa itong bag, sapatos ay
sinturon na maipagbibili rin sa ibang bansa.

Ang mga dalubhasang tagapagturo ay naniniwalang ang pinakatambok na layunin ng


edukasyon ay makalinang ng mga mamamayang matalino, mapanuri, mag-isip at may
kakayahang makilahok sa mga pambansa at pandaigdig pang talakayan.

GAWAIN
Panuto: Gumawa ng Self-Learning Kit o mga kagamitan sa sariling pagkatuto. Makikita sa
ibaba ang markahan sa paggawa ng Self-Learning Kit. (60 points)

Nilalaman 25
( Naipakita at naipaliwanag ng maayos ang ugnayan ng lahat ng konsepto)
Pagkamalikhain 15
(Gumagamit ng tamang kombinasyon ng kulay upang maipahayag ang
nilalaman, konsepto at mensahe)
Kalinisan at kagandahan 10
( malinis at hindi sakit sa mata)
Pagkakaisa 10

KABUUAN 60

---------------------------------------------Wala ng kasunod--------------------------------------

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 29 - of 40
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
National Highway, Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato

GENRAL EDUCATION DEPARTMENT


___________________________________________________

LEARNING MODULE
FOR
EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA(ESTRUKTURA AT
GAMIT NG WIKANG FILIPINO)
___________________________________________________

WEEK 5

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 30 - of 40
WEEK 5

BAGONG KURIKULUM AT ANG GURO SA PAGGAMIT NG


WIKA

Ang Bagong Kurikulum

Ang NESC (New Elementary School Curriculum) ay nabuo sa pamamagitan ng mga


sunud-sunod na pagpapalitang-kuro at talakayan, mga pagpupulong at mga sesyon ng
iba-ibang pangkat na dalubhasa sa kurikulum at ng mga taong may kinalaman sa edukasyon.

Ang bagong kurikulum pampaaralang ito sa elementarya ay naglalayong maiangkop ang


edukasyon sa mababang paaralan para sa pambansang pagpapaunald at mailunsad ang isang
kurikulum na ibinatay sa kinalabansan ng pananaliksik na gaya ng PCSPE, SOUTELE AT
EEEP. Binigyang-diin sa kurikulim na ito ang kaunlarang pangmamamayan, pang-intelektuwal
at pangkatauhan. Sumasaklaw rin ito sa edukasyong panlahat ng bata bilang tao, mamamayan
at isang nalikhang kapki-pakinabang.

Ang NESC ay nagbibigay-diin sa pagtamo ng kahusayan sa mga pangunahing kasanayan


sa unang dalawang baitang na tinitiyak sa mabilis at pinakamataas na antas ng pagkatuto sa
mga susunod na baiting. Ang diin ay ini-ukol sa paglinang ng apat na sangkap ng katauhan:
ang katalinuhan, pagpapahalagang pandamdamin, kasanyan sa pag-gamit ng mga kamay at
pangkalusugan.

Ang mga pangunahing katangian ng NESC ay ang mga sumusunod:


Kakaunti ang asignaturang pag-aralan at bibigyang diin ang sa lubusang pagkatuto
Higit ang panahong iniukol sa paglinang ng pangunahing mga kasanayan lalung-lalo na
ang kilalang 3R’s.Higit ang diing ibibigay sa paglinang ng kaisipan na kasing halaga rin
ng kanasayan sa paggawa.
Magbibigay-diin sa pagpapaunlad ng damdaming pangkatauhan at pambansa sa lahat
ng lawak na sinasaklaw ng mga aralin.
Pagsasanib ng mga aralin sa kalusugan sa kurikulum bukod sa takdang panahong
inuukol sa paghubog sa wastong pagpapakatao at sa agham at kalusugan.

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 31 - of 40
Sa ilalim ng NESC, ang una at ikalawang baitang na siyang itinuturing na pundasyon ng
pag-aaral ay magkakaroon ng apat na lawak ng pag-aaral: Pilipino, Ingles, Matematika at
Sibika at kultura.

Sa ikatlong baitang, ang lawak ng pag-aaral ay bubuuin ng anim (6) na unit: Pilipino, Ingles,
Matematika, Sibika at kultura na pinalawak ang nilalamang mailakip ang kasaysayan,
Heograpiya at Etika sa Paggawa, Agham at Kalusugan, at ang mga Sining (Musika at Sining) at
ang edukasyo sa Pagpapalaks ng katawan.

Ika-IV hanggang ika-VI na baitang, ang lawak ng pag-aaral ay bubuuin ng Pitong (7) yunit:
Pilipino, Ingles, Matematika, Kasaysayan/Heograpiya/Sibika, Agham at Kalusugan, mga Sining
at ang edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan, at Sining at ang Pangkabuhayan, Ang buod o
lagom ng mga asignaturang ukol sa Baitang I-VI ay gaya ng sumusunod:

BAITANG I-II BAITANG III BAITANG IV BAITANG V-VI

Pilipino Pilipino Pilipino Pilipino


Ingles Ingles Ingles Ingles
Matematika Matematika Matematika Matematika
Sibika At Kultura
Sibika At Kultura Kasaysayan/ Kasaysayan
(Kasaysayan, Heograpiya/ /Heograpiya/Sibika
Heograpiya, Etika Sibika Agham At Kalusugan
Sa Paggawa
Agham At
Agham At Kalusugan Mga Sining At
Kalusugan Pagpapakalakas Ng
Mga Sining At Mga Sining At Katawan
Pagpapalakas Ng Pagpapalakas Ng Sining Pantahanan At
Ktawan Katawan Edukasyong
Sining Pantahanan Pangkabuhayan

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 32 - of 40
Sa pagtutupad ng bagong kurikulum isasaalang ang probisyon ng patakarang bilinggwal at
ang pagpapalawak ng kakayahan sa wikang Pilipino at Ingles.

Sa liwanag ng mga nabanggit na salik, ang pagbubunsod sa bagong kurikulum ay


bai-baitang na ipatutupade batay sa sumusunod na takdang panahon.

 Hunyo,1983-Unang Baitang
 Hunyo,1984-Ikalawang Baitang
 Hunyo,1985-Ikatlong Baitang
 Hunyo,1986-ikaapat na Baitang
 Hunyo,1987-ikalimang Baitang
 Hunyo,1988-Ikaanim na Baitang

Subalit bago ganapin ang pambansang paglulunsad ng kurikulum magkakaroon muna ng


maliliit na pagsubok para rito sa mga piling pook mula sa Hunyo,1983 hanggang Hunyo,1986
na gaya ng ginawa sa EEEP. Ang takdang panahon para sa paghahanda ng pangunahin at
karagdagang mga kagamitan sa pagtuturo gayundin sa pagsasanay ng mga gurong gagamit sa
nabanggit na bagong kurikulum.

Nasa sumusunod na talahanayan ang talakdaan ng mga pagsubok at pambansang


implementasyon ng kurikulum.

BAITANG I BAITANG II BAITANG III

PAGSUBOK PAMBANSA PAGSUBOK PAMBANSA PAGSUBOK PAMBANSA

TAPOS NA 1983 TAPOS NA 1984 1983 1985

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 33 - of 40
BAITANG IV BAITANG V BAITANG IV

PAGSUBOK PAMBANSA PAGSUBOK PAMBANSA PAGSUBOK PAMBANSA

1984 1986 1985 1987 1986 1988

Tatayahin ang implementasyon ng bagong kurikulum upang magkaroon ng mga datos o


batayan ng mga susunod na pagbabago kung ito ay kakailanganin. Ang pagsasanay ng mga
guro para sa bagong kurikulum ay isusunod sa talakdaan nito upang ang mga kakayahan at
kasanyang matatamo nila ay makapag-ambag sa lalong ikataas ng uri ng sistema ng
edukasyon lalo na ang pag-pagpapaunlad ng kakayahan ng mga mag-aaral.

ANG GURO AT ANG PAGGAMIT NG WIKA

Isa sa mahalagang kasangkapan ng guro ang wika sa pagsasagawa ng iba’t ibang


tungkulin sa pagtuturo. Dapat maunawaan ng sinumang guro ang iba’t ibang tungkulin ng wika
o isinasagawa niya sa silid-aralan ilan dito ang sumusunod:
1. Pagpapanatili ng interes at pagkuha ng atensiyon ng mga bata
2. Pagbibigay o pagtangging magbigay ng pahintulot
3. Pagganyak sa pag-aaral
4. Pagtatanong tungkol sa aralin
5. Pagpapahalaga sa kasagutan ng mga mag-aaral
6. Pagsesermon/pagpapadala sa mag-aaral

Pinatunayan ng pag-aaral ni Falnders (1960) na ang personalidad ng guro ay may


malaking kinalaman sa pagsulong ng mga mag-aaral at paglinang ng kanilang pag-uugali.
Ipinapakita sa pag-aaral na ang mga gurong mapagpasensiya at hindi tuwiran sa kanilang
pagsasalita ay nagkakaroon ng mga mag-aaral na higit na matalino kaysa mga mag-aaral ng
gurong magagalitin at tuwiran kung magsalita.

Ang mga gurong di-tuwiran ay nakahihikayat sa mga mag-aaral. nagbibiro siya upang
mabawasan ang tensiyon at gumagamit siya ng mga galaw ng katawan at ekspresyon ng
mukha upang ipahiwatig ang nais niyang sabihin. Natatanong siya at tumatanggap ng mga

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 34 - of 40
ideya nang hindi natatakot o naaalangann ang mag-aaral.

Isa-isahin natin ang mga tungkuling pangwika ng guro at ang ilang mga mungkahing
pormularyo sa pagsasagawa nito.
1. Pagganyak sa mga bata
Unang tungkulin ng guro na pukawin ang interes ng mga bata bago niya ilahad ang aralin.
Sinasabi na kapag nagtagumpay raw sa pagganyak ang guro, ang iba pang suliranin sa
pagtuturo ay halos nalutas na.

Dahil ang pagtuturo ay itinuturing na sining kinakailangang isasagawa ang pagganyak sa


makasining ng paraan. Kinakailangan nito ang sapat na paghahanda at matiyang
pagsasanay. Makatutulong nang malaki sa guro ang pag-aaral na mabuti sa aralin. Sa
pamamagitan ng masistemang pagtatanong ay napupukaw ng guro ang interes ng mga
mag-aaral.

Kung ang aralin, halimbawa ay tungkol sa kuwento ng Ibong Adarna, maaring simulan
ang pagganyak sa pagtatanong nang ganito:

Anu-anong mga ibon ang inyong kilala?


Umaawit ba ang mga ibong ito?
Ano ang nararamdaman niyo na may isang ibon na nakagagamot sa
maysakit sa pamaamgitan ng pag-awit.
Ang ibong ito ay tinatawag na Ibong Adarna. Basahin ninyo ang kuwento at
alamin kung paano niya isinasagawa ang pagpapagaling.

Tulad ng nasabi na maaring gumagamit ng larawan ang guro. Magpakita siya ng larawan
Ng Ibong Adarna at ganyakin ang mga mag-aaral nang ganito:

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 35 - of 40
Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Ang nakalarawan ay ang Ibon Adarna.
Ang Ibong ito ay pambihira. Mayroon siyang nagagawang higit kaysa
karaniwang ibon.

Masasabi ba ninyo kung ano iyon?


Alamin natin sa kuwento.

2. Pagpapanatili ng Interes at pagkuha ng Atensiyon ng mga Bata


Hindi natatapos sa pagganyak o paglalahad ng aralin ang tungkulin ng guro sa pagtuturo.
Suliranin pa niya ang pagpapanatili ng interes at pagkuha ang atensyon ng mga bata mula
sa pagsisimula hanggang sa katapusan ng aralin.

Narito ang ilang mga mungkahi upang higit na mabisang mapanatili ang interes ng mga
mag-aaral.
2.1. Pananatilihin ang eye contact sa mga mag-aaral habang nagtuturo. Magagawa
lamang ito kung ang guro ay may ganap na kaalaman sa kniyang ituturo. Mahalaga
na pananatili ng guro na nakatingin ang mag-aaral.
2.2. Obserbahan ang reaksiyon ng mga bata habang isinasagawa ang aralin. Makikita
sa bukas at ekspreswyon ng kanilang maukha kung sila’y nasisiyahan o nababagot.

Bago pa makapagsimulang manggulo at makasira ng aralin ang mga mag-aaral, maari


nang matawag ng tagapagkwento ang kanilang pansin. Maari niyangsabihin ang anuman
sa mga sumusunod:

a. Maari ba akong magpatuloy nang walang nag-iingay?


b. Nakakahanda bang makinig ang lath?
c. Mukhang maraming di handa.
d. Abala yata kayo sa ibang bagay?

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 36 - of 40
e. Mayroon ba kayong nais sabihin>
f. Mayroon ka yatang gustong itanong,___________
g. Hintayin nating matapos si,_______________________

3.Pagtatanong at paghihikayat sa mga Bata na magtanong


Kapansin-pansin sa pagtuturo ng guro ang madalas niyang magbigay ng tanong na
inaasahang sasagutin ng mag-aaral, walang masama rito. Upang ganon ay matiyak na
maunawaan nila nang lubusan ang aralin.

Karaniwan nang nagsisimula ang tanong sa Ano, Alin, Saan o Sino. Maari ring singitan ng
Bakit, Paano, Patunayan, Ipaliwanag upang malinang ang higit na malalaim na pag-iisip.

Ang kasanayan sa pagbuo ng mga tanong ay matatamo sa matiyang paghahanda at


pagsasanay bago humarap ang guro sa klase.

4.Pagbibigay Halaga sa mga kasagutan ng mga mag-aaral


Isa sa mga bagay na nakapagpapasigla sa mga bata ay ang pagtanggap ng feedback mula
sa kanilang guro. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kapuri-puri ang mga gawain ng
mag-aaral kaya’t nakakatikim din sila ng mga negatibong puna buhat sa kanilang guro.

Sinasabi na ang papuri raw ay nakahihikayat sa mga mag-aaral para sa pagsikap pa at


umunlad sa kanilang pag-aaral, samantalang ang pintas ay nakahahadlang sa pag-unald at
nakaragdag sa kabiguan ng mag-aaral.
Narito ang ilang mungkahi sa pagbigay-halaga sa kasagutan:

4.1. Kung kasiya-siya ang sagot ng mga bata, maaring sabihin ng guro ang alinman ang
alinman sa mga sumusunod:

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 37 - of 40
a. Magaling ang inyong sagot
b. Mahusay
c. Tama!
d. Talagang magaling!
e. Iyan ang gusto ko sa bata. Nag-iisip.

4.2. Kung medyo tama ang sagot subalit nangangailan pa ng kaunting kaliwanagan,
maaring sabihin ang mga sumusunod:
a. Pwede rin. Mayroon ba kayong maidaragda?
b. malapit diyan ang tamang sagot.
c. Medyo tama ang kasagutan pero may iba pang higit ang sagot mo.
d. Sino ang makapagbibigay ng karagdagan sa kanyang sago

GAWAIN

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang module na ibinigay. Sagutin ang mga sumusunod
na katanungan. (15 points)

1. Bilang guro sa hinaharap magbigay ng mga salik na isinasaalang-alang ang kurikulum.

2. Bakit tinuturing na Sining ang pagtuturo?

3. Bakit napakahalaga ang pagpapanatili ng interes at pagkuha ng atensiyon ng mga bata?

4. Bakit isa sa mga mahalagang tungkulin ng guro ay paggawa ng pagganyak bago ilahad ang
kanyang aral

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 38 - of 40
Rubriks
Nilalaman 5 4 3 2 1

Lawak at lalim ng pagtalakay


Balarila

Wastong gamit ng wika


Hikayat
Pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay
ng guro kaugnay ng gawain

5- Pinakamahusay 2- Mapaghuhusay
4- Mahusay 1- Nangangailangan pa ng mga pantulong sa pansanay
3- Katangap-tangap

--------------------------------------Wala ng kasunod--------------------------------------

EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)


SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 39 - of 40
EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO)
SOUTH EAST ASIAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY, INC.
Page - 40 - of 40

You might also like