• Ang akdang “Sa Pula sa Puti” ni Francisco Rodrigo ay
isang sikat na panitikan na dulang pangkomedya.
• Unang tinanghal ito noong ika-10 ng Setyembre 1939, panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Orihinal na sinulat sa wikang Ingles, ngunit isinalin nya rin sa wikang Filipino at inilathala noong taong 1950. • Inihalintulad ng manunulat ang akda sa kanyang buhay, kung paano nya napagtanto ang kanyang kamangmangan sa paghuhuwego/panunugal. • Francisco Rodrigo. Si Francisco “Soc” Rodrigo • Ipinanganak sa Bulacan noong Enero 29, 1914. • Nag-aral sa Pamantasang Ateneo de Manila • Namatay noong Enero 4, 1998 dahil sa kanser. • Nanalong senador ng dalawang termino sa magka-ibang administrasyon. • Isang kolumnista sa pahayagan ng Malaya at Philippine Star. • Naging mamahayag sa telebisyon sa ABS-CBN para sa “Mga Kuro-kuro ni Soc Rodrigo”. • Isang kilalang kritiko ng politika at isyu ng sosyo- ekonomikal. a.Tinali - sumisimbolo sa alagang manok ni Kulas. b.Manok - sumisimbolo sa kagustuhan ni Kulas na mapadali ang pagkamit sa mga bagay na nais niyang makuha. Ito ang nag-uudyok sa kaniya na magsugal at kumapit sa suwerte. c. Tinola - sumisimbolo sa tuluyang pagbabago at pagtalikod ni Kulas sa pagsusugal. Kulas • Ang pangunahing tauhan sa dula na isang mananabong na hindi nawawalan ng pag-asang suwertehin sa pananabong na laging pinapaaalahanan ang kanyang asawa na tigilan na ang pananabong. Celing • Asawa ni Kulas. Siya ay pumusta sa manok ng kalaban sapagkat sabiniya na kapag matalo ang kanyang asawa ay hindi mababawasan ang kanilangpera. Teban • Kaibigan ni Kulas na siyang inutusan ni Ceiling na pumusta sa manok ng kalaban. Sioning • kaibigan ni Ceiling Castor • Ang pumipilit kay Kulas na hindi mawalan ng pag-asa sa pagsabong at ang nagpayo kay kulas sa mga nararapat gawin para manalo. Kikay • Kapitbahay nila Kulas at Celing. Ang tagpuan ng kwento ay sa tahanan ng mag asawang Kulas at Celing na malapit sa sabungan, sa isang probinsiya. Nakatira sa isang probinsya ang mag-asawang Kulas at Celing. Sa hirap ng buhay, nakahiligan ni Kulas ang magsabong, ngunit madalang itong Manalo. Maaga pa lamang ay nag-aaway na ang mag-asawa dahil sa paulit- ulit na paghingi ni Kulas kay Celing ng perang pantaya. Upang makumbinsi ang asawa, nangako si Kulas na pag siya’y natatalo, iluluto ang mga natitirang manok niya at gagawing ulam. Dahil sa pag-aalala ni Celing na matalo ang kanyang asawa, inutusan niya ang katulong nilang si Teban na pumusta sa manok na kakalabanin ni Kulas upang mabawi pa rin ang perang ipinangpusta ni Kulas kung sakaling matalo ito. Ngunit, may plinano rin sila Kulas at kanyang kaibigang si Castor, na siyang nagkumbinsi kay Kulas na mandaya, kung saan sinadya nilang pahamakin ang sariling manok upang ito’y matalo para sila ay tataya sa kalaban. Pero, sa hindi inaasahan, nanalo ang manok ni Kulas. Bagama’t nanalo, wala pa rin silang naiuwing pera dahil sa kalaban – na siyang natalo – sila pumusta. Nang umuwi si Kulas sa kanila ay nagkabukingan ang mag-asawa na parehong natalo sa sabong. Sa huli ay kinatay nila at nilutong tinola ang mga manok ni Kulas dahil sa ipinangako niya sa asawa. • Ang pandaraya ay walang naidudulot na kabutihan sa atin at sa ibang tao.
• Gaya sa salitang “suwerte,” ginagawa tayo nitong tamad at
huwag magpursigi sa anumang ikabubuti ng nakararami.
• Tandaan, ang suwerte ay walang kasiguraduhan. Patuloy tayong
umahon at maglakbay sapagka’t wala tayong kahihinatnan kung aasa tayo sa wala at titigil. Ang akdang ito ay nagpapakita ng mga isyu ng lipunan partikular sa ugali ng pag-asa ng karamihan sa swerte, na isa paring isyu sa kasalukuyang lipunan, dahil marami pa rin hanggang ngayon ang lulong sa sugal at kumakapit sa salitang swerte ngunit hindi nakikita ang masamang epekto nito. Ito ay isang paalala na mahirap ang malulong sa sugal at huwag kumapit sa swerte dahil hindi tiyak ang mangyayari sa iyo sa pagpapaniwala sa swerte lamang. Dahil ayon sa akda magiging mahirap ang buhay kung aasa ka lang sa swerte imbes na magsikap. Kaya naman tayo ay magpursige at magpatuloy sa buhay at huwag manatiling magpalinlang sa salitang swerte.