Kabanata 26 - Endaya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA 26

ANG BISPERAS NG PISTA


Tagapagsalaysay:Ika sampu na ng Nobyembre, bisperas ng fiesta.
Umuusbong mula sa kanyang nakasanayang monotony, Naging masigla
sa paghahanda ang kilusan sa lahat ng dako Ang mga bintana ay
natabunan ng mga banner at maraming palamuti.May mga nagpapaputok
ng mga kwitis at ang lahat ng espasyo ay puno ng ingay at musika, at ang
hangin ay puno ng mga kagalakan.
Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang minatamis na bungang
kahoy,may nakahandang pagkain,alka na binili pa sa Maynila na katulad
ng hamon at ng relyenong pabo, serbesa,tsanpan at iba pang klase ng alak
na inangkat pa mula sa Europa.Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa mga
banyaga,kaibigan o kaaway, at sa mga Pilipino, mahirap man o mayaman
upang masiyahan sila sa pista
Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga
kanununuan ay inilalabas din kabilang na ang kanyong binurdahan ng mga
dalaga,belong ginansilyo,alpombra,bulaklak na gawang kamay, banehang
pilak na lalagyan ng tabako, sigarilyo,hitso at nganga.Dahil sa sobrang
kintab ng sahig ay pwedeng ng makapanalamin.Puno ng kurtinang sutla
ang mga pinto at at pati ang mga santo at imahen ay nagagayakan din.
Ang mga masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong kawayan.
Naglagay naman ng malaking tolda at mayroong tukod sa may paligid ng
patyo ng simbahan. Ang tolda ay mayroong tukod na kawayan upang
makadaan ang prusisyon. Sa liwasang bayan naman ay itinayo ang
magandang tanghalan siyang pagdarausan ng komedya ng mga taga-
Tundo. Madalas na tinutogtug ang kampana kasunod ang mga putok ng
mga kuwitis at bomba
Lahat-lahat ay mayroong limang banda ng musiko at tatlong oirkestra ang
inihanda para sa pagdiriwang ng pista. Sina Kapitan Tiyago at Kapitan
Juaquin na may dalawang 18,000, ang intsik na si Carlos na siyang
naglalagay sa sugal na liam-po at mga mamamayan buhat pa sa Lipa,
Tanauan, Batangas at Sta. Cruz ang inaasahang na darating. Batay sa
mga balita Si Padre Damaso ang magsesermon sa umaga at magiging
bangkero naman pagdating ng gabi.Habang ang mga magbubukid at taga
bundok ay naghahanda ng mga pagkain
Magbubukid:Mga kasama halina’t samahan niyo akong mag handa nitong
mga dala dala kong manok,baboy,bungangkahoy at mga gulay
Tagapagsalaysay:Ito ay dadalhin nila sa mayayamang may-ari na
kanilang sinasaka.
Sa isang lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra tinatapos ng mga
trabahador ang katangang semento na siyang pagtatayuan ng bahay
paaralan. Si Nyor Juan, ang nangangasiwa sa mga manggagawa.
Trabahador:Bilis gumawa ng mabilis!
Matandang Lalaki:Nyor Juan matanong ko lang po ano po ba ang iyong
ipapatayo riyan at bakit abalang abala kayo?
Tagapagsalaysay:Tanong ng isang matandang lalaking nanonood sa
pinapatayo nila Nyor juan .Habang abala ang mga manggagawa
ipinaliliwanag ni Nyor Juan ang kanilang itatayong malaking paaralan
Nyor Juan:Ah ito ba ako ay nagpapatayo ng isang bahay paaralan na
kung saan dito mag-aaral ang lahat ng bata para sa mga batang lalaki ang
isang panig at ikalawa ay para sa mga babae magiging kauri ito ng mga
makabagong paaralan sa alemanya ito po ay isang proyekto ni Ibarra
Tagapagsalaysay:Sagot ni nyor juan
Matandang Lalaki:Ah ganon po ba,siguradong matutuwa ang mga bata
kung ganoon
Tagapagsalaysay:Sabi ng matandang lalaki
Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman
samantalang ang kura ay humiling na siya ang gawing padrino at
magbabasbas sa paglalagay ng unang bato sa huling araw ng pista. Sa
mga pag-alok ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra sapagkat hindi naman
simbahan ang kaniyang ipinagagawa. Sasagutin niya ang lahat ng gastos.
Nyor Juan:Naghandog ng tulong kay ibarra ang lahat ng maykaya,nais ng
kurang na siya ang gawing isang padrino at siya rin daw ang magbabasbas
sa paglalagay ng unang bato sa huling araw ng pista
Tagapagsalaysay:Batay sa planong ginawa ng mga trabahador, na
arkitekto ang tagiliran ng eskwela ay tatamnan ng maraming puno at gulay,
magkakaroon ng bodega at piitan para sa mga batang tamad na mag-aral.
Dahil dito,si Ibarra ay hinangaan ng mga binata o at nag-aaral sa Maynila.
Ginawa siyang huwaran ngunit karaniwan, ang atin lamang natutularan sa
kanila ay maliliit na bagay na kanilang ginagawa at
ang mga kasiraan ay napupuna tulad ng ayos ng kurbata, tabas ng
kuwelyong damit, bilang ng butones ng tsaleko o amerikana. Nawala sa
isipan ni Ibarra ang mga natatakot na hinala ni Mang Tasyo, at ito ay
kaniyang nasasabi ngunit tinugon siya ng matanda sa isang aral ni
Balagtas na
Mang tasyo:"Kung ang isalubong sa iyong pagdating may masayang
mukha't pakitang gilliw, lalong pag-ingata't kaaway na lihim...siyang isaisip
na kakabakahin.

You might also like