Kabanata 21 - Espita

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

KABANATA XXI

KASAYSAYAN NG ISANG INA


TAUHAN:
Sisa - Ina nina Crispin at Basilio
Alperes - Namumuno sa mga guardia sibil
Crispin - Bunsong anak ni Sisa at nakababatang
kapatid ni basilio
Basilio - Nakakatandang anak ni Sisa at nakakatandang kapatid ni Crispin
Guardia sibil

Unang Tagpo

Si Sisa’y patakbong umuwi sa kanyang bahay na gulo ang pag-iisip. Sa malapit sa


kanyang bahay at sa itaas ng bakod ng kanyang halamanan ay natanaw niwa ang
mga guardia sibil. Sandali siyang huminto upang pigilin ang panginginig ng kanyang
buong katawan. Noon ay paalis na ang mga sibil sa kanyang bahay na walang
kasama.

Nanumbalik na muli sa puso ni Sisa ang pagtitiwala, at ipinagpatuloy ang paglakad


hanggang sa mapalapit sa mga sibil. Nag-anyong walang napapansin at tumitingin sa
ibang dako.

Hindi gaanong nakalayo nang marinig niyang siya’y mapiling tinatawag ng mga sibil.
Napilitan siyang lumingon na putlang-putla at nangangatal sa takot. Lumapit ang isang
sibil at sinabing.

Guardia SIbil 1:
Ikaw ba ang ina ng mga magnanakaw? Ikaw nga ba?

Guardia Sibil 2:
Sabihin mo ang totoo kung hindi itatali ka namin sa
punong iyon at babarilin

Sisa:
Hindi magnanakaw ang mga anak ko!!!!

Guardia Sibil 1:
Ikaw nga

Guardia Sibil 2:
Nasaan ang salaping ibinigay sayo ng mga anak mo?

Sisa:
A-anong salapi?

Guardia SIbil 2:
Huwag mo ng ikaila!!!

Sisa:
Walang salaping ibinigay sa akin ang mga anak ko

Guardia SIbil 1:
Naparito kami upang hulihin ang iyong mga anak ,ang
malaki ay nakatakas at saan mo naan itinago ang maliit?

Narrator:
Pagkarinig nito si Sisa’y nakahinga siya ng maluwag

Sisa:
Ginoo, hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang
anak kong si crispin. Pumunta ako sa kumbento ngunit ang sinabi lang sa akin ay---

Guardia SIbil 1:
Kung gayon, ibigay mo sa amin ang salapi at hahayaan ka na naming makalaya

Sisa:
Ginoo, hindi magagawa ng mga anak ko ang
magnakaw kahit na sila’y nagugutom.Kami po’y bihasa nang magtiis ng gutom.At ang
anak kong si basilio’y
walang ibinigay ni isa mang salapi. Saliksikin ninyo ang buong bahay namin at kung
may makita kayo gawin ninyo ang anumang naisin niya sa amin. Oo kami ay mahirap,
mga maralita ngunit hindi kami magnanakaw! Hindi magananakaw ang mga anak ko!!!!

Guardia SIbil 1:
Kung gayon ay sumama ka sa amin. Ang mga anak mo’y bahala nang magsilitaw at
ibalik ang salaping kanilang ninakaw.(banayad na sabi ng isang sibil na naktitig kay
Sisa)

Narrator:
Nagmakaawa si Sisa sa mga sibil nakaluhod siya at sinabing

Sisa:
Parang awa niyo na mga ginoo kunin niyo na ang lahat ng makita niyo sa aming
bahay, bayaan niyo na lamang akong makalaya.
Guardia SIbil 1:
Sa tingin mo makukuha mo kami sa pagmamakaawa mo (tumawa) halika at doon mo
patuyan sa bayan na walang kasalanan ang iyong mga anak

Sisa:
Ngunit mga ginoo maaari bang paunahin niyo ako sa paglalakad?

Guardia SIbil 2:
Hindi maaari at baka makatakas ka pa.

Guardia SIbil 1:
Ngunit kung tayo’y makapasok na sa bayan hahayaan ka naming mauna ng
dalawampung hakbang.

Narrator:
Dahil umiinit na ang sikat ng araw tinanong siya ng mga sibil kung nais niya bang
mamahinga.

Guardia SIbil 1:
Umiinit na ang sikat ng araw nais mo bang magpahinga muna?

Sisa:
Maraming salamat mga ginoo (natatakot)

Narrator:
Ang mga nakakasalubong niya’y pinaguusapan siya at sinusundan ng tingin-lahat ng
ito’y kaniyang napapansin. Walang anu-ano’y narinig niya ang sigaw ng isang
guwardiya sibil

Guardia SIbil 1:
Oy,dito and daan!

Ikalawang Tagpo

Nagpihit si Sisa at tumakbo, ngunit isa pang lalong makapangyarihan na tinig ang
narinig niya at nagturo ng kanyang daraanan.Nagtungo siya kung saan
nanggaling ang tinig at nararamdaman niyang siya’y itinutulak. Ipinikit niya ang
kanyang mga mata at nagpatibuwal sa lapag.Nakarating na sila sa kwartel.

Guardia SIbil 2:
Nasaan ang Sarhento? Naipagbigay-alam na ba sa alperes and babaitang ito?

Guardia SIbil 3:
Hindi pa
Dalawang oras napiit si Sisa sa himpilan, at halos nababaliw sa isang sulok at gusot na
gusot ang buhok. Tanghali na nang malaman ng alperes na nakulong si Sisa, at ang
naipasya niya’y pawalang-halaga ang bintang ng kura.

Alperes:
Gawa-gawa lamang iyan ng Praile!Kung nais niyang mabawi ang salapi ay hingin niya
ito kay San Antonio. Ano pang hinihintay niyo alisin na ninyo ang babaeng yan!
Narrator:
Dahil sa pasiya ng alperes, si Sisa ay pinakawalan ng mga guwardiya sibil na
ipinagtutulukan, pagka’t ayaw nang kumilos kinalulugmukang tabi.

Ikatlong Tagpo:

Nang siya’y nasa gitna na ng daan matulin siyang naglakad patungo sa kanyang
bahay. Pagdating niya roon ay nilibot niya ang kabahayan, nanaog at lumakad na
naman nang walang sadyang tinutungo. Nagbalik at nagtuloy muli sa kanyang bahay
habang isinisigaw ang
pangalan ng mga anak niya at nakinig ng mabuti kung may sumasagot.

Sisa:
Basilio!!!Crispin!!!Mga anak ko nandito na ang nanay nasaan na kayo!!!!!!Magpakita na
kayo kay nanay, magsasama-sama na ulit tayo nasaan na kayo mga anak ko!!!!

Inuulit ng alingawngaw ang kanyang tinig-Ang lagaslas ng tubig sa kalapit na ilog at


ang kaluskos ng mga dahon ng kawayan na siyang tanging mga tinig ang iyong
maririnig.
Maya-maya ay tinawag na naman niya ang kanyang mga anak.

Sisa:
Basilio!!!Crispin!!!

Ikaapat na Tagpo

Bumalik siya sa kanyang bahay, naupo sa banig na kanilang hinigan ng sinundang


gabi, tumingala at namataan ans isang pilas ng damit ni basilio na may bahid ng dugo.
Tumayo, kinuha ang pilas na damit at inaninaw. At patuloy pa rin siyang palakad-
lakad,sumisigaw at umuungol nang di-maunawaan.

Sisa:
Basilio!!!Anak ko!!!Crispin!!! (Humahagulgol) Nandito na si nanay Basilio!!!Crispin!!!
Mahal na mahal kayo ni nanay.Basilio!!!Crispin!!!

Narrator:
Si Sisa’y inabot ng gabi sa gayong kaawa-awang kalagayan. Kinabukasan si Sisa’y
Nakita nang palabuy-laboy, kumakanta at nakikipag-usap sa mga nilalang ng
Kalikasan.
Script ni:
Zhyra Eivrah Jane L. Espita
G9-Sampaguita

You might also like