Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA 22

MGA LIWANAG AT DILIM

Isinalin ni: Gweneth Allison V. Florentino

MGA TAUHAN:
Pare Salvi
Maria Clara
Tiya Isabel
Juan Crisostomo Ibarra

Tatlong araw ang nilaan ng mga mamayan ng San diego ang


kanilang oras at pagod para paghandaan ang nalalapit na pista ng kanilang
bayan. Naging usap-usapan ng mga mamamayan ang pagdating ni Tiya
Isabel kasama ang isang dalagang nagngangalang Maria Clara.
Ikinatutuwa ng marami nang marinig nila ang balitang ito dahil sa
kadahilanang labis nila itong hinahangaan at napupusuan, sapagkat ang
taglay niyang kagandahan ay natatangi. Sa kabilang banda'y may bali-
balita rin na labis ang pagbabagoi ng ugali ni Pare Salvi na pinagtatakahan
ng mga tao roon. Mayroong sabi-sabi ang kaniyang mga kinukumpisal na
ang pare raw ay madalas natitigilan sa kalagitnaan ng pagmimisa nito;
hindi na siya tulad ng dati na nakikipag salitaan sakanila; at labis na
kapansin-pansin din ang lubha niyang pamamayat at madalas nila itong
nakikita na malungkot tila ba'y marami siyang problema. Ngunit mas
napapalala ang bulung-bulungan ng mga tao dahil madalas nilang
napapansin na mayroong higit sa dalawang ilaw ang nagliliwanag sa
kumbento kada gabi, habang si Pare Salvi ay naroroon sa tinutuluyan ni
Maria Clara para dumalaw sakaniya.
Ang mga usap-usapa'y mas lalo pang lumala ng sa ikatlong
araw ay nasilayan nilang muli si Juan Crisostomo Ibarra mula pa sa
ulumbayan ng lalawigan. Ang binata'y nakasakay sa isang karwahe,
huminto ito sa tapat ng bahay ng kaniyang iniibig, bago pa ito mangyari ay
nabati na ni Ibarra si Pare Salvi na patungo rin sa bahay ng kaniyang
kasintahan.
Kung magsasadya tayo sa tahanan ni Maria Clara, ay ating
madaratnan ang dalawang magsing-ibig na nag lalambingin sa isang
bintanang nakaharap sa lawa.
Mga salitang malalambing pa kaysa sa pagaspas ng mga dahon at
mababango pa kaysa sa hanging puno ng halimuyak ng mga bulaklak ang
kanilang pagpapalitan ng salita. Ngunit ating dinggin ang mga huling
pangungusap ng dalawa.

Juan Crisostomo Ibarra: Bukas, bago pa sumikat ang araw ay matutupad


ang iyong ninanais. Ngayong gabi ay ihahanda ko na ang lahat ng ating
kakailanganin.
Maria Clara: Kung ganoon ay susulatan ko na ang aking mga kaibigan
upang anyayahan silang makadalo. Sikapin mong huwag nating
makasama ang Pari.

Juan Crisostomo Ibarra: At bakit?

Maria Clara: Sapagkat sa aking napapansin, ay binabantayan niya ako.


Ako'y natatakot pagkat bakas sa kaniyang mata ang kalungkutan at mas
lalo na pag siya ay nakatitig sayo. Pag ako nama'y kaniyang kinakausap,
hindi ko mawari ang kaniyang nais iparating, hindi ko ito maunawaan, at tila
ba puro katatawa lamang ang kaniyang sinasabi. Minsa'y itinatanong niya
sa akin kung akin bang napapanaginipan ang mga sulat na galing sa aking
ina. Sa aking palagay ay isa siyang loko-loko, kaya't sikapin mong huwag
siyang maanyayahan!

Juan Crisostomo Ibarra: Hindi natin maaaring 'di siya anyayahan. Ito ay
iniuutos ng kaugalian dito sa atin at mabuti naman ang kaniyang
pakikitungo sa akin.

(Nakarinig sila noon ng mahihinang yabag; ito ay ang Pari na papalapit


sakanila na may pilit na ngiti lamang)

Pare Salvi: Malamig ang hangin! Ang magkaroon ng sipon ngayo'y di na


iiwan niyo hanggang sa dumating ang tag-init. Di ba kayo natatakot
magkasipon? (Ang boses niya'y nanginginig at hindi tumitingin sa dalawa)

Juan Crisostomo Ibarra: Para po sa amin, ang gabi ay kaaya-aya at ang


hangin nama'y napakasarap langhapin.

Pari Salvi: Ang mga buwang ito'y siyang nagiging taglagas at tagsibol dito
sa amin; nalulugas and ilang dahon ngunit noon di'y sumisibol ang sanga
ng mga bulaklak.

Noong mapagusapan nila ang nalalapit na pista ng bayan ay nagdahilan si


Maria Clara atsaka lumabas.

Juan Crisostomo Ibarra: Gayon namang naguusap na rin po tayo sa


pista, pahintulutan niyo po sanang anyayahan ko kayo sa isang salu-
salong aming idaraos bukas. Isang kasayahan pambukid na inihanda
naming magkakaibigan.

(Ilang sandaling nag-isip ang Pari bago sumagot)

Pari Salvi: Ang inyong anyaya'y nakagaganyak, kaya't malugod ko itong


tinatanggap.
(Di rin gaanong nagtagal ay nagpaalam na si Ibarra, upang pangasiwaan
ang paghahanda ng salu-salo para sa kinabukasan.)

Noo'y laganap na ang kadiliman. Nang siya ay nasa daan na ay


mayroong lumapit sakaniyang lalaking hindi niya kakilala

Juan Crisostomo Ibarra: Sino po ba kayo?

Estranghero: Ako po'y hindi ninyo kilala. Dalawang araw ko na po kayong


hinihintay.

Juan Crisostomo Ibarra: At bakit?

Estranghero: Wala pong naaawa sa akin, ginoo. Ako'y tinatawag nilang


tulisan. Ngunit nangawala po ang aking mga anak, ang aking asawa ay
naluka at ang lahat ay nagsasabing ito ay nararapat sa aking mangyari.

(Pinagmasdan mabuti ni Ibarra ang lalaki at tinanong niya ito)

Juan Crisostomo Ibarra: Ano ngayon ang ibig ninyo sa akin?

Estranghero: Humingi po sana ng tulong sainyo ukol sa aking asawa at


anak

Juan Crisostomo Ibarra: Ako'y nagmamadali ngunit kung makasusunod


kayo sa akin ay isalaysay niyo sa akin sa daan ang mga nangyari sainyo.

You might also like