Araw NG Pagkilala

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARAW NG PAGKILALA

I. PROSESYONAL
Isang maganda at mapagpalang hapon sa ating lahat! Malugod pong inihahandog ng pamunuan, at mga guro ng
Balagtas National Agricultural High School ang programang ito para sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkilala.
Layunin ng ating palatuntunan ang pagkilala sa natatanging galing at kahusayan gayundin ang talinong ipinamalas
ng mga mag- aaral sa buong taon na kanilang inilagi sa paaralan.

Atin pong saksihan ngayon ang pagpasok ng mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan kasama ang kanilang mga
magulang…

Tunghayan naman natin ang pagpasok ng mga guro at kawani ng paaralan sa pangunguna ng ating minamahal na
punong guro- G. Reynaldo S. Cristobal, Punong Guro IV at ang ating panauhin.

II. PAGPASOK NG BANDILA NG PILIPINAS AT SAGISAG NG PAARALAN


Ngayon naman po ay ating saksihan ang pagpasok ng watawat ng Pilipinas at ang sagisag ng paaralan.

III. PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS/ PANALANGIN


Ang lahat ay inaanyayahang tumayo nang tuwid at makiisa sa pag- awit ng pambansang awit ng Pilipinas sa
pagkumpas ni Gng. Marife L. Baluyot- Guro II, na susundan ng isang panalangin sa pangunguna ni Bb. Mercy C.
Morales- Guro III.
IV. BATING PAGTANGGAP AT MENSAHE
Salamat! Maaari nang magsi- upo ang lahat. Sa puntong ito, ay nais kong muling batiin ang bawat isa ng
“Magandang hapon at magandang buhay!” At para po kumpletuhin ang kagandahan ng hapong ito, ay atin pong
pakinggan ang isang makabuluhang mensahe mula sa ating minamahal na haligi ng paaralan - G. Reynaldo S.
Cristobal, Punong Guro IV.

VI. NATATANGING BILANG


Maraming salamat po Sir Rey para sa inyong mensahe! Ngayon naman ay atin pong saksihan ang inihandang
pampasiglang bilang ng SHS Dance Troupe.

VII. PAGPAPAKILALA SA PANAUHING PANDANGAL


Magaling! Sadyang napakahuhusay ninyo, muli po nating bigyan ng masigabong palakpakan ang mga miyembro ng
Dance Troupe!

Matapos ang nakaaaliw na pampasiglang bilang, ay akin naman pong tinatawagan ang ating masayahin at mabait na
Ulong Guro I at Ulong Guro sa Departamento ng ESP- Dr. Aldin C. Tanate para sa pagpapakilala sa ating panauhing
pandangal.

VIII. Talumpati

IX. NATATANGING BILANG


Maraming- maraming salamat po Sir Macalinao para sa inyong makabuluhang mensahe!

Ngayon po ay ating pakinggan ang inihandang awitin ni Lowell Jay T. Ajose mag- aaral sa Ikalabing- dalawang
baitang, Pangkat HE 2/ CSS.

X. PAGBIBIGAY NG MEDALYA
Maraming salamat Lowell! Sadyang napakalamyos ng iyong tinig.

At ngayon po ay dadako na tayo sa bahaging pinakahihintay ng lahat, ang paggagawad ng medalya.

Akin pong hinihiling na pumunta sa gitna ng entablado ang ating minamahal na Punong Guro- Sir Rey, ang ating
butihing Ulong Guro- Sir Aldin gayundin ang ating panauhing pandangal- Sir Macalinao para pangunahan ang
paggagawad ng mga medalya.

Samantala, hinihiling din namin na samahan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pagtanggap ng medalya.

XI. MENSAHE
Muli ay binabati namin ang lahat ng mga- aaral gayundin ang lahat ng magulang na naririto.
Sa puntong ito ay ating pakinggan ang mensahe ni Mariz SD. Alcaraz- mag- aaral mula sa Pangkat 11- ABM na
nagkamit ng mataas na karangalan.

Salamat Mariz!

XII. PAG- AWIT NG BNAHS HYMN


Bilang pangwakas, ay inaanyayahang tumayo ang lahat at makiisa sa pag- awit ng BNAHS Hymn na
pangungunahan ni Bb. Ann Lorraine L. Samaniego- Guro II.

Maraming salamat ma’am!

Ang buhay at edukasyon ay parang tubig sa ilog. Ito’y nagsasanga- sanga kaya’t maaari kang dalhin at mapadpad sa
iba’t ibang lugar. Minsan mababaw, minsan di’y lumalalim. Ang mahalaga ay puro at dalisay ang iyong hangarin sa
pagtamo ng karunungan upang matiyak ang tagumpay sa hinaharap.

Muli ang aming pagbati sa lahat ng naririto. Sa lahat ng mag- aaral lalo’t higit sa inyong mga magulang na kaagapay
ng paaralan sa paghubog ng mga kabataang handa sa pagharap sa mundo.

*************************************************************************************************************************************
Mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 11- ABM

Mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 12- GAS B

Mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 11- GAS

Mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 12- GAS C

Mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 11- HE 1

Mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 12- AFA

Mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 11- AFA/ HE 2

Mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 12- CSS

Mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 11- IA 1

Mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 12- HE 1

Mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 11- IA 3

Mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 12- HE 2/CSS

Mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 11- ICT

Mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 12- SMAW 1

Mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 12- GAS A

Mga mag- aaral na nagkamit ng karangalan sa 12- SMAW 2

You might also like