Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

SCENE 5

INT. RIZAL'S HOUSE IN CALAMBA - 1896

The scene is set in the heart of Calamba, the ancestral home of *JOSE RIZAL*. He is in
his house, deeply engrossed in his scientific and artistic pursuits. The room is filled with
his research materials, artifacts, and paintings, and the atmosphere is one of intellectual
contemplation.

Suddenly, the tranquility is shattered as the front door is kicked open. A group of
*SPANISH AUTHORITIES* and *GUARDIA CIVIL OFFICERS* storm in, their faces
stern and resolute.

*RIZAL* stands up, his expression a mix of shock and confusion, as the authorities
advance, ready to handcuff him.

**RIZAL** (astonished) "Anong ibig sabihin nito?"

**SPANISH AUTHORITY 2** (accusatory) "Ikaw ay inaaresto dahil sa iyong pagiging


kaanib sa mga patagong kilusan at sa iyong mga mapanghimagsik na sulatin."

*RIZAL* is handcuffed, his demeanor calm yet defiant.

**RIZAL** (resolute) "Ang layunin ng aking mga sulatin ay ilantad ang kawalan ng
katarungan at pang-aabuso ng kolonyal na pamahalaan, hindi upang manghikayat ng
karahasan o pag-aaklas."

The authorities lead Rizal out of his ancestral home in Calamba, leaving behind the
cherished memories and the intellectual sanctuary he had created. His arrest marks a
pivotal moment in his life and in the ongoing struggle for Philippine independence.

The scene shifts to a small, dimly lit cell in Fort Santiago, where *JOSE RIZAL* is held
captive. The cell is bare, and Rizal sits on a hard wooden bench, his face reflecting a
mix of resolve and introspection.

**RIZAL** (whispering to himself) "Paano ito nangyari? Ang aking dedikasyon sa


mapayapang reporma ang siyang maging dahilan para ako’y parusahan at ikulong?"

The sound of footsteps outside the cell draws near, and *GUARDIA CIVIL OFFICER*
enters, carrying a tray with meager rations.
**GUARDIA CIVIL OFFICER** (dismissive) "Narito ang iyong pagkain, Rizal. Iyong
unti-untiin dahil baka yan na ang iyong huling kain."

Rizal accepts the food without a word, his thoughts drifting. The cell door slams shut,
leaving Rizal alone with his thoughts, the weight of his captivity pressing upon him. The
room darkens, but his determination remains unbroken.

*JOSE RIZAL* sits in his dimly lit cell, deep in thought. His yearning to continue writing
is evident, but he's run out of ink and paper. He approaches the cell bars where the
*GUARDIA CIVIL OFFICER* stands on duty.

**RIZAL** (polite) "Paumanhin, Opisyal. Naubos ang aking panulat ng tinta at papel.
Maaari po bang manghiram para sa aking pagsusulat?"

The Guardia Civil Officer eyes him suspiciously but reluctantly hands over a meager
supply of paper and a worn-out quill.

**GUARDIA CIVIL OFFICER** (grudgingly) “Heto. Huwag mong asahang magbibigay


pa ako ng karagdagang tulong."

Rizal accepts the supplies with gratitude.

**RIZAL** (thankful) "Salamat, Opisyal. Malaking bagay ito para sa akin."

Back in his cell, Rizal places the ink and paper on his wooden desk and continues
writing. His quill scratches the parchment as he pours his thoughts into letters to his
family, friends, and for his country.

*JOSE RIZAL* sits in his dimly lit cell, a small window providing just enough light to
write. He hunches over a crude wooden desk, quill in hand, and his thoughts spill onto
the paper as he speaks quietly to himself.

**RIZAL** (whispering) "Bagamat ako ay nakakulong, ang aking mga salita ay maaaring
pa rin makapagbigay ng pag-asa. Para sa aking pamilya, mga kaibigan, at bansa."

Rizal's quill scratches the parchment as he pours his thoughts into his writing. He pens
heartfelt letters to his family, his siblings, and close friends, sharing his love and his
hopes for their future.The words flow from his heart as he writes about the Philippines'
beauty, its struggles, and the need for justice and liberty.
**RIZAL** (resolute) "Nakakulong man ako, nananatili ang aking lakas upang
ipagtanggol ang bansa. Ang aking mga sulatin, ang aking mga pahayag— dadalhin nito
ang mensahe ng pagbabago.

The scene captures Rizal's determination, his love for his homeland, and his
unwavering commitment to the cause of peaceful reform and enlightenment, even in
captivity.

INT. COURTHOUSE - 1896

Jose Rizal’s Trial and Execution Script

The trial of Rizal is proof of the injustice of the Spaniards. On December 26, 1896, the
military court began Rizal's trial, during which he remained calm despite being tied from
elbow to elbow.

Kapt. Rafael Dominguez: “Magsitayo ang lahat.”

Kapt. Rafael Dominguez: “Mga Mamamayan ng Pilipinas laban kay Dr. Jose Protacio
Rizal Mercado y Alonso Realonda. Ang nasasakdal ay nahaharap sa korteng ito sa
salang rebelyon, sadisyon at pagbabalak ng masama laban sa bansang Espanya.
Siya’y sinampahan ng mga Kastilang awtoridad sapagkat di umano'y nasasangkot ang
nasasakdal sa pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng Katipunan sa pag-aaklas laban sa
pamamahala ng Espanya. “

While the Judge Advocate Capt. Dominguez explained to the court the case against
Rizal.

Chief Judge Ten. Alcocer: “Ngayon ay maaari nang ibigay ng prosekusyon ang
kanyang panig. Tinatawagan ko sa hukumang ito si Atty. Enrique de Alcocer upang
tumayo sa harapan at magsaad ng kanyang panig.”

Atty. Alcocer: “Gracias, Senyor! Ngayon ay babasahin ko sa iyo Dr. Rizal, bilang
bahagi ng iyong karapatan, ang mga ebidensiya laban sa iyo.”

(READ THE EVIDENCES.)

Una, sumulat si Antonio Luna kay Mariano Ponce na nagpapatunay ng iyong


koneksiyon sa kampanya para sa reporma sa Espanya.

Pangalawa, sumulat ka sa iyong pamilya na nagsasabing mabuti ang pagpapatapon


dahil hinihikayat nito ang mga tao upang maghimagsik.

Pangatlo, sumulat si Marcelo del Pilar kay Deodato Arellano na nagpapatunay na may
kinalaman ka sa propaganda laban sa Espaniya.
Pang-apat, sumulat ka ng isang tulang pinamagatang Kundiman na naghihikayat ng
himagsikan.

Panglima, sumulat si Carlos Oliver sa hindi matukoy na isang tao na naglalarawan sa


iyo bilang isang taong magpapalaya sa Pilipinas.

Ika-anim, isang dokumentong masonika na nagpapatunay sa iyong mapanghimagsik


na serbisiyo.

Ika-pito, isang sulat na pinirmahan ng isang Dimasalang na nagsasaad na ikaw ay


naghahanda ng isang lugar na maaaring tuluyan ng mga lumalaban sa Espaniya.

Ika-walo, sumulat si Dimasalang sa isang di matukoy na organisasyon na humihingi ng


tulong rito para sa paghihimagsik.

Ika-siyam, isang di kilalang sulat na tumutuligsa sa pagpapatapon sa iyo.

Ika-sampu, isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagsasabing ikaw ang


tagapagligtas ng mga Pilipino.

Ika-labing-isa, isang sulat ni Ildefonso Laurel din para sa’yo na nagpapaalam sa iyo
tungkol sa pagpapatapon ng gobyerno kina Doroteo Cortes at Ambrosio Salvador.

Ika-labindalawa, isang sulat ni Marcelo del Pilar kay Don Juan Tenluz na
nagrerekomenda ng pagpapatayo ng isang espesiyal na organisasyon.

Ika-labintatlo, isang kopya ng talumpati ni Emilio Jacinto kung saad nakasaad,


“Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang kalayaan! Mabuhay si Doktor Rizal!”

Ika-labing-apat, isang kopya ng talumpati ni Jose Turiano Santiago kung saan


nakasaad, “Mabuhay si Jose Rizal! Kamatayan sa mga manlulupig!” At

Ika-labinlima, isang tula ni Laong Laan na pinamagatang Talisay na umaawit ng


paglaban para sa karapatan. Ngayon, sabihin ninyo sa akin na walang kinalaman si Dr.
Rizal sa mga pag-aalsang nagaganap ngyon laban sa ating mga Kastila. Sabihin ninyo
sa aking hindi ang indiong ito ang puno’t dulo ng mga kalapastangan laban sa Espanya!
Hindi pa ba sapat ang mga ebidensyang nakalap? Sinasabi ko sa lahat ng nandirito,
walang sinuman ang di makalabag sa bansang Espanya para sa atin. Walang sinuman
ang maaaring kumontra sa kung anuman ang nais ng ating bansa―ang sinuman ang
hindi gumawa noon ay nararapat na ikulong at ipapatay! Iyan ang nararapat kay Doctor
Jose Rizal. Siya ay nandito ngayon sa salang rebelyon laban sa ating bansang
Espanya at mga pagkakatatag ng mga samahang may layong Kontrahin ang mga batas
na itinatag ng ating mga Kastila dito sa Pilipinas. Hindi ba’t nararapat lamang ang sinabi
kong parusa sa taong masahol pa sa hayop, walang modo, at walang utang na loob sa
bansang nagpaaral sa kanya? Nararapat lamang sa isang taksil tulad niya ang
ipapatay.

Spectators/Audience: (MAGBUBULUNGAN. MAG-IINGAY.) Siyang tunay. Parusang


kamatayan para sa taksil!

After reading by Atty. Alcocer said the evidence was contradicted by Ten. Traviel de
Andrade.

Ten. Taviel de Andrade: Isang kahangalan!

Chief Judge Ten. Alcocer: (IPAPALO ANG GAVEL.) Silencio! Gracias, Atty. Alcocer.
Ngayon naman ay ating pakinggan ang panig ng depensa, aking tinatawagan sa
hukumang ito si Kapitan Luis Taviel de Andrade upang ipagtanggol ang kanyang panig.

Kapitan Taviel: Gracias, Senyor! Buenos días a todos. Soy Tenyente Luis Taviel de
Andrade, ang manananggol ng nasasakdal na si Dr. Jose Rizal. Ang pangalang Rizal
ay naging simbolo ng mga karaingan ng mga tao at ngayon ay na sa panganib ng
kamatayan. Hindi nasusukat ang kadakilaan ng isang tao sa yaman o sa dami ng kilala
niyang. Ito ay nasusukat sa katatagan ng loob at katapangan na ngayo’y ipinamalas ni
Doctor Jose Rizal. Bago niyo siya husgahan, tingnan niyo muna ang inyong mga sarili;
ang nais lamang niya ay maging pantay ang trato ng mga Kastila sa mga Pilipino. Hindi
kayo dapat magpadalos-dalos sa pagbibigay ng mga parusa na hindi karapat-dapat sa
nasasakdal. Kaya naman ipinapanalangin ko sa harapan ng kagalang-galang na
korteng ito na bigyan ng kapatawaran sa kung anumang pagkakamaling kanyang
nagawa. Yun lamang.

Chief Judge Ten. Alcocer: Gracias, Kapitan Taviel. Ngayon ay binibigyan ng


pagkakataon ang nasasakdal upang magbigay ng panghuli niyang depensa.

Jose Rizal: Gracias, Senyor! Nalaman kong kailangan ng Espanya ng isang doktor na
tutulong sa Cuba upang gumamot ng mga biktima ng digmaan. Dali-dali akong sumulat
sa Gobernador Heneral upang magboluntaryo ngunit ito ang nakuha kong kapalit!
Nakalulungkot isipin na may mga taong sumantala sa aking katahimikan sa Dapitan at
ginamit ang aking pagkawala upang idiin ako. Ngayon ay nadidiin ako sa loob ng
korteng ito dahil sa mga paratang at mga kasalanang ipinupukol sa akin. Isa lang ang
alam kong nagawa kong kasalanan iyon ay ang minahal ko ang sarili kong bayan.
Kasinungalingan ang ibinibintang ninyo sa akin. Wala kayong konkretong ebidensya at
tanging mga liham at inyong mga galit lamang ang nagtutukoy sa aking pagkakasala.
Wala rin akong kinalaman sa mga pag-aaklas at mas lalong wala akong alam sa
paggamit nila sa aking pangalan sa kanilang mga aktibidades. Ngayon ay papatunayan
ko ang aking pagiging inosente batay sa mga punto na ito:
(Rizal statement about clearing himself.)

Unang-una, wala akong kaugnayan sa rebelyon dahil ako pa mismo ang nagpayo kay
Dr. Pio Valenzuela noon sa Dapitan na huwag ipagpatuloy ang himagsikang pinaplano
ng Katipunan.

Ikalawa, hindi ako nakipagsulatan sa mga elementong radikal at rebolusyonaryo.

Ikatlo, ginamit ng mga rebolusyonaryo ang aking pangalan nang hindi ko nalalaman.
Kung ako’y may sala, ‘di sana’y tumakas na ako sa Singapore.

Ika-apat, kung may kaugnayan ako sa rebolusyon, ‘di sana’y tumakas na ako sakay ng
isang vintang Moro at di na nagpatayo ng tahanan, ospital, at bumili ng lupain sa
Dapitan.

Ikalima, kung ako ang pinuno ng rebolusyon, bakit hindi ako kinonsulta ng mga
rebolusyonaryo?

Ika-anim, totoong sinulat ko ang Konstitusyon ng La Liga Filipina, ngunit ito ay isa
lamang asosasyong pansibiko, hindi isang rebolusyonaryong samahan.

Ikapito, hindi nagtagal ang La Liga Filipina dahil pagkaraan ng unang pulong ay
ipinatapon ako sa Dapitan.

Ikawalo, kung muling nabuhay ang La Liga Filipina pagkaraan ng siyam na buwan,
hindi ko ito alam.

Ikasiyam, hindi itinataguyod ng La Liga ang mga simulain ng mga rebolusyonaryo.


Kung hindi, sana’y hindi na itinatag ang Katipunan.

Ikasampu, kung totoong may mapapait na komentaryo sa aking mga sulat, ito ay dahil
isinulat ito noong 1890 nang ang aking pamilya ay inusig, kinumpiska ang aming
tahanan, bodega, at lupain at ang aking kapatid na lalaki at mga bayaw ay ipinatapon.

Ikalabing-isa, ang buhay ko sa Dapitan ay kapuri-puri gaya ng mapatutunayan ng mga


komandanteng politikomilitar at mga misyonaryong pari.

At panghuli, hindi totoong pinukaw ng aking talumpati ang rebolusyon, gaya ng


ipinaparatang ng mga testigong gusto kong makaharap. Alam ng mga kaibigan ko ang
aking pagtutol sa armadong rebolusyon. Bakit nagpadala ang Katipunan ng isang sugo
sa Dapitan na hindi ko kakilala? Dahil yaong mga kakilala ko ay batid na hindi ko
sasang-ayunan ang anumang kilusang marahas. Napakarami ko pang maaaring
sabihin na magpapatunay sa aking pagkakawalang-sala, ngunit sana’y gamitin ninyo
ang inyong mga utak upang magawa ninyo ang nararapat.
Spectators: (MAGKAKAGULO AT MAG-IINGAY.) Huwad! Taksil! Sinungaling!

Chief Judge: (IPAPALO ANG GAVEL.) Silencio! Magkakaroon muna ng isang


masusing deliberasyon kung ano ang hakbang na isasagawa ukol sa kaso ni Doctor
Jose Rizal. Babalik ang mga hukumang militar pagkatapos ng ilang minuto upang
ipapaalam sa hukumang ito kung ano ang magiging resulta ng deliberasyon.

(THE JUDGES GO TO THE SIDE, AND DOMINGUEZ AND POLAVIEJA)

Judge 1: Hindi natin ito dapat pagtalunan pa, kailangan hatulan ng kamatayan si Rizal
dahil sa krimen na

kanyang ginawa.

Judge 2 and 3: Sang-ayon kami diyan.

Judge 4: Panahon pa upang tuldukan ang mga himagsikan laban sa atin.

Judge 5: Sang-ayon ako sa kaparusahang kamatayan.

Judge 6: Sang-ayon din ako. Chief Judge: Kung gayon, parehas pala ang ating
nararamdaman ukol sa kasong ito. Itutuloy ko ang sentensyang kamatayan kay Rizal.
Gobernador Polavieja, Kapitan Dominguez, sumasang-ayon ba kayo sa desisyon
naming ito?

Kapt. Polavieja: (writing his decision) voiceover

“ Sang-ayon sa sumunod na opinyon. Inaprubahan ko ang sentensya ng


Hukumang-Militar sa kasalukuyang kaso, dahilan nito ay parusang kamatayan ang
ipinataw sa akusadong si Jose Rizal Mercado, na isasagawa sa pamamagitan ng
pagbaril sa kaniya sa ganap na alas-siyete ng umaga ng ika-Tatlumpu sa araw ng
buwang ito sa Bagumbayan. “

(PAPASOK SA KORTE ANG 6 JUDGES, SI DOMINGUEZ AT SI POLAVIEJA.)

Kapt. Rafael Dominguez: Ngayon, ipapahayag ko na sa inyo ang hatol ng korte. Ang
nasasakdal na si Dr. Jose Rizal ay hinahatulan ng korteng ito ng kaparusahang
kamatayan. Ito ay pinagtibay ni Gobernador Heneral Camilo de Polavieja at ipapatupad
sa ika-30 ng Disyembre, 1896 sa ganap na alas 7:00 ng umaga sa Bagumbayan.

(IIYAK SI JOSEPHINE. MAGSASAYA ANG MGA ESPANYOL.)

Narrator - “Disyembre ika-Dalawampu’t Walo, nilagdaan ni Gobernador Heneral


Polavieja ang desisyon na hatol kay Rizal na kamatayan.”

SCENE 6
INT. FORT SANTIAGO - CAPTIVITY CELL - 1896

*NARRATOR YOU NA BAHALA SA TIMEFRAME VOICEOVER*

“Disyembre ika-Dalawampu’t Siyam sa taong Labing-Walonglibo’t Siyamnapu’t Anim ng


huling Bente-Kwatro oras ni Rizal.”

**MOVING PICTURE NA UNG PART NA TOH ung audio dito ung mix-mix na flashback
vibe ung transition din siguro**

***Jose Rizal timeframe for his farewell last visits***

6:00 AM - Si Kapitan Rafael Dominguez, na inatasang mamahal sa paghanda ng


pagbitay kay Rizal, ay ang siyang nagbasa ng napagdesisyunang hatol sa kanya na
kamatayan.

7:00 AM - Dinala siya sa kapilya ng preso. Binisita siya ng mga Heswitang pari
na galing Ateneo na sina Padre Miguel Saderra Mata (Raktor ng Ateneo Municipal) at
Padre Luis Visa, isang guro.

7:15 AM - Umalis na si Padre Saderra. Ang Sagradong Puso ni Hesus na inukit


ni Rizal, dala-dala ni Padre Viza at ibinigay kay Rizal at siya namang tinggap.

8:00 AM - Umalis na din si Padre Viza at dumaan naman si Padre Antonio Rosell
na siyang nagyaya kay Rizal na mag-agahan. Matapos ang agahan, dumating ang
tagapagtanngol ni Rizal na si Ten. Luis Taviel de Andrade at siya ay pinasalamatan sa
serbisyong ibinigay niya sa kaniya.

9:00 AM - Dumating si Padre Federico Faura, na siyang nagpa-alala kay Rizal


sa sinabi niya sa kaniya noon na mapupugutan siya ng ulo ng dahil sa Noli Me Tangere.
Tinawag ni Rizal ang Padre na isang “Propeta” dahil sa kaniyang babala noon pa man
ngunit hindi lang pinakinggan.

10:00 AM - Dinalaw naman siya ng isa sa mga guro sa Ateneo na si Padre Jose
Vilaclara kasama si Vicente Balaguer na isa namang paring heswita sa Dapitan na
napalapit kay Rizal noong siya ay naka-destino doon. Pag-alis nila ay nakausap naman
niya ang isang mamamahayag na Espanyol ng El Heraldo de Madrid na si Santiago
Mataix.

12:00-3:30 PM - Naiwang magisa sa selda si Rizal, at matapos niya kumain ay


dito na siya naging abala sa pagsusulat. Sa mga oras na ito ay maaaring naisulat ni
Rizal ang kaniyang huling paalan na itinago sa alkohol nalutuan na regalo ng asawa ni
Juan Luna na si Paz Pardo de Tavera.
Ang huling liham niya kay Propesor Blumentritt, sa wikang Aleman na
naglalaman ng kaniyang huling paalam kasama ng isang aklat.

3:30 PM - Bumalik si Padre Balaguer sa Fuerza Santiago upang kausapin muli si


Rizal. Ang kanyang dahilan ay upang talakayin ang pagbawi ni Rizal sa mga ideyang
anti-Katoliko sa kanyang sulatin at pagsapi sa Masonerya.

4:00 PM - Dumating ang ina ni Rizal. Nang kanyang hagkan ay pilit na


pinaghiwalay sila ng guwardiya at siyang dahilan ng pagiiyakan nila. Pumasok na m sa
selda si Trinidad para sunduin ang ina, ibinigay ni Rizal ang alkohol na lutuan na siyang
naglalaman ng kanyang huling pamamaalam.

- Pagkaalis ni Doña Teodora at Trinidad ay dumating naman sila Padre Vilaclara,


Padre Estanislao March at Padre Rosell.

6:00 PM - Dumating naman si Don Silvino Lopez Tuñon, and Dekano ng


Katedral ng Maynila. Umalis na sina Padre Balaguer at Padre March at naiwan si Padre
Vilaclara kasama nina Rizal At Don Tuñon.

8:00 PM - Ang huling hapunan ni Rizal. Sa mga oras na rin na ito ay ipinaalam
ni Rizal kay Kapitan Dominguez na pinapapatawad na niya ang kanyang mga kaaway
kasama na rin rito ang mga huwes-militar na nagsentensiya sa kanya ng kamatayan.

9:00 PM - Ang sumunod na panauhan ni Rizal ay si Don Gaspar Cesteño, ang


piskal ng Royal Audiencia de Manila. Matapos ng kanilang magandang usapan ay
napaniwala ang piskal sa angking katalinuhan ni Rizal.

10:00 PM - Pinadala ni Padre Balaguer kay Rizal ang burador ng pagbawi na


ipinadala ng Arsobispong anti-Pilipino na si Bernardino Nozaleda, ngunit hindi ito
nilagdaan ni Rizal dahil hindi niya ito nagustuhan.

- Ayon naman kay Padre Balaguer, nagpakita siya ng mas maikling burador na
inihanda ni Padre Pio Pi (Superyor ng mga Heswita sa Pilipinas). At makaraan ng ilang
pagbabago ay isinulat ni Rizal ang kanyang retraksiyon, na kung saan itinatakwil na
niya ang Masonerya at mga relihiyosong ideang anti-Katoliko.

December 30, 1896

3:00 AM - Nakinig ng misa si Rizal, nangumpisal at nangumunyon.

5:30 AM - Ang huli niyang agahan. Pagkatapos nito ay sumulat siya para sa
kanyang pamilya at isa pa para sa kanyang kapatid na si Paciano.

-Dumating si Josephine Bracken kasama ang kapatid ni Rizal na si Josefa.


Nagpaalam si Josephine kay Rizal na lumuluha. Ibinigay niya kay Josephine ang isang
relihiyosong aklat na Imitation of Christ ni Padre Thomas a Kempis na kanyang
nilagdaan.

Liham sa Pamilya:

- Paghihingi ng tawad ni Rizal sa bigat ng pagdurusang naidulot niya sa pamilya.

- Ang huling habilin niya ukol sa kanyang libing.

Liham kay Paciano:

- Pagpapasalamat sa lahat ng naidulot ni Paciano kay Rizal.

- Paghihingi ng tawad kay Paciano at ang habilin na sabihin sa ama nila na mahal niya
ito at hingan ng kapatawaran.

6:00 AM - Habang naghahanda ang mga sundalo para sa Pagmamartsa. Si


Rizal ay sumusulat para sa kanyang mga mahal na magulang.

EXT. LUNETA PARK - 1896*

(BAGO ANG DEATH MARCH)

Darating si Dr. Felipe Ruiz Castillo, isang doktor na Espanyol na siyang tumingin sa
pulso ni Rizal at laking gulat nito na normal ang kanyang pulso, na siyang nagpapakita
na hindi takot si Rizal sa kanyang kamatayan.

6:30 AM - Nagsimula nang tumunog ang mga trumpeta sa Fuerza Santiago na


siyang hudyat ng simula ng pagmartsa. Apat na armadong sundalo ang nanguna,
sunod naman ay si Rizal na nasa pagitan ng kanyang tagapagtanggol, Ten. Luis Taviel
de Andrade, at dalawang Heswitang pari, Padre March at Padre Vilaclara.

-Si Rizal ay nakasuot ng itim na terno, sumbrero, sapatos,kurbata at putting polo.


At nakagapos ang sa braso siko pa-siko tulad noong sa hukuman ngunit mas maluwag
para maigalaw niya ang kanyang braso

Jose Rizal: Padre, gaya ng iyong nais, narito ang aking retraksyon. (IBIBIGAY ANG
LETTER KAY BALAGUER.)

Fr. Balaguer: Mainam ang iyong naging desisyon, Jose. Mabuti naman at nagbalik-loob
ka na sa Simbahang Katoliko.

NARRATOR - Nagpaalam si Rizal sa kanyang mga kasama na sina Padre Vilaclara,


Padre March at ang kanyang magiting na tagapagtanggol na si Ten. Luis Taviel de
Andrade.
-Binasbasan siya ng isang pari at pinahalikan ang krusipiho.

- Humiling si Rizal na siya'y barilin na nakaharap sa mga sundalo, ngunit hindi


siya pinagbigyan dahil sa istriktong pagsunod ng komandante sa utos ng ibinigay sa
kanya.

Guard: Adelante! Kumilos ka na!

(TIME FOR DEATH MARCH.)

(SA BAGUMBAYAN)

In the middle of the place can be seen the Rizal family: Teodora, Narcisa, and
Josephine, who are crying

Teodora: Jose… anak. (Hinahaplos ni Teodora ang larawan ni Jose Rizal, habang
umiiyak)

Teodora: Anong klaseng katarungan ito?(Hindi makapaniwala sa nangyayari)

Narcisa: (lumapit kay teodora and hold Teodora’s hand) Nay, kailangan natin maging
matapang para sa kanya. Hindi natin dapat ipakita ang ating lungkot sa kanyang huling
sandali.

Josephine: (umiiyak) Rizal, mahal ko, ito ang huling sandali nating magkasama.
Minahal kita nang buong puso, at lagi kang mananatiling buhay sa aking puso.

Jose Rizal: Bago ninyo ako patayin, maari bang humiling ako sa kahuli-hulihan? Maaari
bang barilin niyo ako nang paharap?

Guard 1: Imposible! Ipinag-utos sa amin ng heneral na babarilin ka namin habang ika’y


nakatalikod.

Jose Rizal: Kung gayon ay maaari bang huwag ninyong barilin ang aking ulo?

Guard 1: (TATANGO.)

Jose Rizal: (YUYUKO AT HAHALIKAN ANG CRUCIFIX NA HAWAK NI VILACLARA.


KAKAMAYIN SI ANDRADE.)

(RIZAL WILL STEP FORWARD AND TURN BACK.)

Guard 2: (SISIGAW.) Sa ngalan ng hari ng Espanya, ang sinumang magsisigaw ng


kanyang boses na kasang-ayon sa kriminal ay paparusahan din ng kamatayan.

Rizal: (SISIGAW.) Consummatum est!


Guard 1: Preparar! (ITATATAS ANG MGA BARIL.) Apuntar! (ITUTUTOK ANG MGA
BARIL KAY RIZAL.)

Disparar! (BABARILIN SI RIZAL. MATUTUMBA SI RIZAL AT TITINGALA SA LANGIT.)

Lahat ng mga Kastila: VIVA ESPANYA! MUERTE A LOS TRAIDORES! (3 TIMES


WHILE MARCHA DE CADIZ PLAYS)

7:30 AM - Oras ng kamatayan. Sa edad na 35, 5 buwan at 11 araw.

Scene 7

Catalyst for Revolution - EXT. PHILIPPINE REVOLUTION - 1898

EDITORS KERI NYU NA TUNG SCENE KAU NA BAHALA

● Picture ng Katipunero at Andres Bonifacio


● Insert video ng pag aaklas at revolution

- Show the aftermath of Rizal's execution.

- The revolution gaining momentum.

- Philippines declaring independence on June 12, 1898.

- Inspiring speech or narration by a voice-over/narrator.

Closing Credits

● Acknowledge historical facts and figures. (pictures of every characters)


● Dedicate the film to the memory of Jose Rizal.

“Mamamatay akong natatanaw sa likod ng dilim ang bukangliwayway, Kung


kailangan mo ang pulang pangulay, Dugo ko’y gamitin sa kapanahunan nang ang
liwanag mo ay lalong kuminang.” —Dr. Jose Rizal

You might also like