Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Fernando, Hazel Marie C.

BSN 3B

Sa pelikulang “Die Beautiful” sa direksyon ni Jun Robles Lana ay pinakita ang daan na
tinahak ng pangunahing tauhan para sa isang pangarap at ang paninindigan sa tunay na sarili.
Binigyang silay din ang mga hamon at paghihirap kaakibat ng pagiging isang bakla. Sa kabila ng
masaya at kaaliw-aliw na personang madalas na nakikita sa isang bakla, nagkakataong may mga
taong nang-aapi, namamahiya, at nang-aabuso sa kanila dahil lamang sa pagpapahayag ng
kanilang pagkatao. Bukod pa rito, napakita rin sa pelikula ang mga preperasyon at kaganapan sa
mga paligsahan sa kagandahan o beauty contest ng mga bakla. Sa likod ng makukulay at
nakalilibang na pagtatanghal, may malaking dedikasyon, oras, at salaping ginugol ang mga
lumalahok dito at sa iba’y ginagawa na itong kabuhayan. Sa panooring pampanitikan na ito ay
makikitaan ng teoryang bayograpikal sapagkat umiikot ang kwento sa mundo ng pangunahin
tauhan na bakla. Nabigyang tanaw ang pagmamalupit ng kanyang ama sa panahon ng kanyang
kabataan at ang iba’t-iba pang emosyonal na pagpapakasakit ng mga tao sa kanyang paligid dulot
lamang ng kasarian. Bagama’t nito, siya’y tumindig para magtagumpay sa pangarap na maging
isang beauty queen bago pa dumating ang dulo ng kanyang buhay. Nahahaluaan din ng teoryang
realismo dahil sa malungkot na realidad sa kasawiang palad ng ilang bakla makahanap ng tunay
at pangmatagalan na pag-ibig. Ang tatlong lalaking kanyang natipuan at maging ang sariling ama
ay sinaktan lamang siya bandang huli.
Ang kabuuang produksiyon ay nakakaudyok ng kasiyahan, poot, at galit. Ang mga
pabirong banat ng mga bakla at mga monologo sa patimpalak ay nakaaaliw pakinggan sapagkat
ito’y may dakit na talino at katatawan. Malaking tinik naman sa puso mapanood ang ilang eksena
at ang iba’y mahirap sikmurain. Sensitibo ang ilang parte ng pelikula at maaaring hindi kayanin
ng ibang manonood. Mapanahon ang representasyon sa mga tauhan at madaling makaakit ng mga
manonood lalo na sa mga Gen Z. Malinaw ang mga kaganapan sa istorya ngunit maaaring malito
ang mangilan-ngilan dahil sa iba’t-ibang pagkakasunod ng oras at panahon sa pagitan ng mga
tauhan at tagpuan. Sa kabuuan, mauunawaan ang kahalagahan ng isang tao sa pagtaguyod sa sarili
upang makamit ang pangarap sa buhay. Tulad ng pangunahing tauhan na paulit-ulit munang sumali
sa ilang taong paligsahan bago makoronahang beauty queen, ang tagumpay ay hindi nakakamit sa
isang subok lamang. Mapupulot ang asal na pagiging matiyaga at malakas ang loob para
malampasan ang lahat ng hamon sa buhay. Upang pagdating sa dulo ng lahat, ika’y nakapag-iwan
ng makabuluhang buhay na walang pagsisisi.

You might also like