Filipino 3RD Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 3

Name:_________________________________Grade/Section:____________Date:__________

Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Si Totoy Aksaya
Sa bahay, napansin ng nanay na hinahayaan ni Totoy na nakabukas ang gripo habang ito ay nagsisipilyo
“Totoy pakisara ng gripo, huwag kang mag-aksaya ng tubig”, sabi ng nanay. Pero hindi nakinig si Totoy sa
sinabi ng ina at patuloy lamang siya sa kaniyang ginagawa.
Isang gabi, nakita niya ang nanay na nakahiga at nilalagnat. “Totoy, ikuha mo nga ako ng tubig”. Agad
na tumakbo sa kusina si Totoy para kumuha ng tubig ngunit walang tubig na lumabas sa gripo. Wala ring tubig
sa pitsel.
Nakita ni Totoy na nahihirapan ang kaniyang nanay. Gulong-gulo ang isipan ni Totoy kung saan siya
kukuha ng tubig; wala pa naman ang tatay sa bahay dahil naghahanapbuhay ito sa ibang lugar. Nanghihina si
Totoy at umiyak nang umiyak sa isang tabi.
Nagising si Totoy na basang-basa ng luha ang kaniyang mukha. “Hay! Salamat at panaginip lang pala”.
Ang nasambit ni Totoy sa sarili. Simula noon hindi na siya nag-aaksaya ng tubig.

1. Ano ang paksa ng kwento?


A. Tubig B. May Sakit si Nanay C. Si Totoy Aksaya D. Panaginip
2. Ano ang napansin ng nanay sa kuwentong binasa?
A. Hindi naliligo si Totoy.
B. Maagang matulog si Totoy.
C. Nagiging masunurin si Totoy.
D. Hinahayaan ni Totoy na nakabukas ang gripo
3. Anong ugali ng batang si Totoy?
A. matipid B. maaksaya C. masunurin D. mapagmahal
4. Ano ang tema ng tekstong binasa?
A. Huwag mag-aksaya
B. Laging patayin ang gripo
C. Makinig sa nanay.
D. Huwag matulog para hindi managinip.
5. Kung ikaw si Totoy, paano mo pahalagahan ang tubig?
A. Hayaang nakabukas ang gripo.
B. Patayin ang gripo kung di ginagamit.
C. Aksayin ang tubig dahil hindi ito nauubos.
D. Balwalain ang paalala ni Nanay na huwag mag-aksaya ng tubig.

Basahin at unawain ang sumusunod na aytem, Piliin ang titik ng tamang sagot.
6. Ipinagbabawal sa klase ni Bb. Narciso ang paglalaro ng cellphone sa oras ng klase. Ano ang iyong reaksyon
tungkol dito?
A. Di ako sang-ayon dahil ito’y mahalagang gamit.
B. Sa opinyon ko, nakatutulong ang cellphone sa pag-aaral.
C. Sa aking palagay, magiging sagabal ito sa pakikinig.
D. Sumasang-ayon ako dahil baka mawala ang cellphone.
7. Mahalaga bang matukoy o masabi ang paksa o tema sa isang kuwento?
A. Oo, dahil ito ang gumagabay sa pag-unawa sa binabasa
B. Hindi, dahil ang teksto ay laging may tema o paksa.
C. Oo dahil itatanong ito ng iyong guro pagkatapos bumasa.
D. Wala sa nabanggit
8. Hatinggabi na ng nakauwi si Rene kaya napagalitan siya ng kanyang mga magulang. Ano ang kahulugan ng
tambalang salitang ginamit sa pangungusap?
A. trabaho C. kalagitnaan ng gabi
B. payat na payat D. tubig galing sa dagat
9. Anong salita ang idadag sa ________ bahay upang maging tambalang salita na may kahulugang taong
nakatira sa katabi o kalapit na bahay
A. akyat B. silid C. kapit D. loob
10. Ano ang angkop na tambalang salita sa kahon upang mabuo ang pangungusap.
Kailangang mahinahon at may _____________ na harapin ang mga sakunang gaya nito.
A. hatinggabi B. taos-puso C. urong-sulong D. lakas-loob
11. Ang pandiwa ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng ________________.
A. ngalan B. damdamin C. posisyon D. kilos o galaw
12. Kaming magkapamilya ay sama-samang naglinis ng bahay. Alin ang salitang kilos o pandiwa sa
pangungusap?
A. kami B. magkakapamilya C. naglinis D. sama-sama
13. Alin sa sumusunod ang hindi salitang kilos o pandiwa?
A. nagulat B. masaya C. nakinig D. kumatok
14. Ano ang angkop na pandiwa na naglalarawan sa ipinapakitang kilos.

Masaya kaming ______________ ng aming aralin sa aming tahanan.


A. nag-aaral C. naglilinis
B. gumuguhit D. nagpapasa

15. Sa salitang laba, anong salita ang mabubuo kung daragdagan ng /n/?
A. lambat B. laban C. labas D. labis
16. Anong salita ang mabubuo kung papalitan ng /t/ sa unahan ang salitang hitik?
A. titig B. tigil C. tinda D. titik

Basahin at unawain ang talata.

Galit na Langit
Galit na galit ang langit. Ang buhos ng ulan ay napakalakas na para bang wala nang
bukas. Ang kulog na maririnig ay parang malakas na pagsabog. Ang matatalim at nakakatakot na
kidlat ay makikita sa madilim na papawirin.

17. Ano ang pangunahing kaisipan sa binasang talata?


A. Ang kulog na sumasabog.
B. Galit na galit ang langit.
C. Ang kidlat na matatalim sa papawirin.
D. Ang napakalakas na buhos ng ulan.
18. Alin ang nagpapatunay na galit na galit ang langit o ang mga sumusuportang kaisipan?
A. ang malakas na buhos ng ulan
B. ang kidlat na matatalim ang nakikita sa papawirin
C. ang kulog na maririnig ay parang malakas na pagsabog
D. lahat ng nabanggit

Aling bahagi ng liham ang hindi wasto ang pagkakasulat?


A

B
C

D
E

19. __________ 20. ___________

Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
21. Lumabas at pumila ang mga mag-aaral papuntang kantina. Ano ang mahihinuha mo bago ang pangyayari?
A. Tumunog ang bell.
B. Nagsimula na ang klase.
C. Kumain ng meryenda ang mga bata.
D. Nagkaroon ng pagsusulit ang mga mag-aaral.
22. Ano maaring mangyari o prediksyon mula sa larawan?

A. Magiging madilim ang paligid.


B. Gaganda ang bahay.
C. Magkakaroon ng sunog.
D. Madudumihan ang kurtina.
23. Aling pandiwa ang nasa aspektong naganap na?
A. nagtuturo B. nahulog C. lumilipad D. sasama
24. Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay. Ano ang aspekto ng pandiwang ginamit sa pangungusap?
A. Aspektong Naganap C. Aspektong Magaganap pa lang
B. Aspektong Nagaganap D. Aspektong Panghinaharap
25. Kami ay __________ tuwing Linggo. Ano ang wastong pandiwang bubuo sa pangungusap?
A. nagsimba B. nagsisimba C. sisimba D. sumimba

Piliin ang angkop na pamagat ng mga piling kuwento.


26. Mahilig maglaro ng saranggola sina Berto at Berta. Pinapalipad nila ito tuwing bakasyon dahil madalas ay
malakas ang ihip ng hangin. Kahit mainit ang sikat ng araw ay tuwang-tuwa ang magkapatid sa pagpapalipad
nito.
A. Ang Magkapatid C. Sina Berta at Berto
B. Tuwing Bakasyon D. Ang Saranggola ng Magkapatid
27. Masama ang panahon kaya walang pasok. Naisip ng magkapatid na sina Samuel at Lita na tumulong na lang
sa kanilang Ina sa mga gawaing-bahay. Natuwa ang kanilang mga magulang. Kinabukasan, dinagdagan ng
kanilang Ama ang baon nila.
A. Walang Pasok C. Ang Magkapatid na Matulungin
B. Mga Gawaing Bahay D. Pagpasok sa Paaralan

Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
28. Tahimik na nakatingin si Lorena sa mga panauhin. Alin ang pang-abay na ginamit sa pangungusap?
A. tahimik B. nakatingin C. Lorena D. panauhin
29. Ano ang angkop na pang-abay na kukumpleto sa pangungusap.
___________ na naghahabulan ang mga bata.
A. Dahan-dahan C. Malungkot
B. Mabilis D. Mahinahon
30. Ang sumusunod na pangungusap ay gumamit ng angkop na pang-abay, alin ang HINDI.
A. Tumakbo nang mabilis ang atleta.
B. Tinahi nang maayos ni Aling Thelma ang mga bestida.
C. Nagdasal nang taimtim ang magkapatid bago kumain.
D. Malamig na umakyat ang mga tao sa matarik na bundok.
31. Ang sanhi ay ang salitang ginagamit sa pagtukoy sa pinagmulan o dahilan ng mga pangyayari, samantalang
ang resulta o kinalabasan ng mga pangyayari ay tinatawag na __________.
A. tauhan B. tagpuan C. pamagat D. bunga
32. Naglinis ang mga bata sa bakuran ng paaralan. Gumanda ang paligid at natuwa ang punongguro. Ano ang
may salungguhit na pangungusap?
A. sanhi B. bunga C. dahilan D. pinagmulan
33. Narinig nilang tinutugtog ang pambansang awit. Tumigil sila sa paglalakad at tumayo nang tuwid. Ang may
salungguhit na pangungusap ay tumutukoy sa sanhi?
A. Hindi dahil ito ay tumutukoy sa bunga.
B. Hindi dahil ito ay tumutukoy sa epekto ng isang pangyayari.
C. Oo dahil ito ang dahilan kung bakit tumigil sila sa sa paglalakad.
D. Oo dahil epekto ito ng pagtigil nila sa sa paglalakad.
34. Si Brenda ay sakitin, madalas siyang dalhin sa ospital. Ano ang maaring sanhi nito?
A. Nakikipaglaro sa mga bata sa kapitbahay.
B. Pagbabahagi ng baon sa kaklase.
C. Paghuhugas ng kamay bago kumain.
D. Pagkain ng hindi masusustansyang pagkain at hindi paghuhugas ng kamay
35. Mahilig kang kumain ng gulay at uminom ng tubig, lagi ka ring naglalakad bilang ehersisyo, ano ang
magiging bunga nito sa iyong katawan?
A. Magiging malusog ka C. Magiging sakitin ka
B. Lalabo ang kanyang mata mo D. Bibilis ang iyong takbo
36. Ito ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa, at pang-abay sa ibang salita
sa pangungusap.
A. pandiwa B. pang-uri C. pang-ukol D. pang-abay
37. Ang patalastas na ito ay hinggil sa mga dapat gawin upang maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit.
Alin ang pang-ukol na ginamit sa pangungusap?
A. sa mga B. hinggil sa C. upang D. ang pagkalat
38. Ang pang-ukol na ayon sa ay ginagamit na pag-ugnay sa pangngalang pambalana. Alin naman ang pang-
ukol na ginagamit na pang-ugnay sa ngalan ng tanging tao?
A. ayon kay B. tungkol sa C. laban sa D. ukol sa
39. Ang paksa ng usapan sa kanto ay ___________ kalamidad ng bansa. Ano ang angkop na pang-ukol na
bubuo sa pangungusap?
A. ayon sa B. tungkol sa C. tungo sa D. para sa
40. Labag sa balita, magtataas na naman ang singil ng kuryente sa susunod na buwan. Ang pang-ukol na
ginamit sa pangungusap ay hindi angkop, ano ang tamang pang-ukol na gagamitin para dito?
A. Ayon sa B. Nang may C. Para sa D. Tungo sa

You might also like