Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 3

***BAHAY***

(Queeny): *uunat at uupo sa higaan* *tutulala saglit hanggang matapos itong unang
VO* Hi! I’m Elin . Pinangalanan ako ni mama ng Elin kasi naniniwala siya na simula
nang dumating Ako sa kaniyang buhay ay nagkaroon nang liwanag ang kaniyang magulong
Buhay at Ang ibig sabihin Kasi nang Elin ay Liwanag Kaya eto Ang ipanangalan Niya
sakin at naniniwala Kasi siya na Ako daw Ang swerte Niya sa buhay. Pero habang
lumalaki ako nakita ko na, “There’s no such thing as luck” like “You are the one
that is responsible for everything that is happening to you” o kaya naman “You
create your own destiny”. Pero syempre may mga bagay na nangyayari talaga kasi
pinapahintulutan ng Diyos. Pero, ayon na mismo yung rason kung bakit mas naniniwala
ako sa “Do your best and God will do the rest” diba.
(Queeny): *magpepray* Lord, Good Morning po. Salamat po sa araw na ito at may
pagkakataon po ulit akong gawin yung best ko. Samahan mo po ako sa buong araw ko,
at makita ka sa buhay ko. In Jesus Name, Amen.
(Abby): Elin!! Kain na at nang makaligo ka na.
(Queeny): Opo mama. Pababa na po. *bababa na at makikita ang kaniyang mama* Good
Morning po mama. *yayakapin at hahalikan niya*
(Abby): Hay naku hindi ka pa nga nag tu-toothbrush eh. *pabirong banggit*
(Queeny): Mama naman. *kakamot ulo*
(Abby): Sige na para makapasok ka na sa school at makapasok na sa work si mama ah.

-----End Scene-----

***SCHOOL***
(Keru-guard ng school): *Hihikab at inaantok* Another day. Hindi man natupad ang
pangarap kong maging guro nasa school parin ako nagtatrabaho. *ngingiti*

(Queeny-nakauniform): Good Morning po Kuya!! *ngingitian* Ampogi mo po ah. Kuya


medyo naiinis po ako.

(Keru): Oh. Bakit naman?


(Queeny): Kasi po kahit anong aga ko, lagi ka parin pong nauuna dito sa school
HAHAHA *pabirong banggit*
(Keru): Ay kala ko naman kung ano na. Oh Kape ka muna.

(Queeny): Ay okay lang po kuya. Tara po simula na po tayo bago po mag simula ang
klase, Dating gawi?

*ilalabas ang kanyang notebook

(Keru): Dating gawi!! Alam mo diko talaga mapigilang maisip na ang swerte talaga ng
mama mo sayo no? Mabait ka na Maganda ka pa, Matalino pa at masipag. Kaya ba kahit
alam kong hindi sapat pero dahil ito lang kaya ko magte-thank you talaga ako sayo
palagi. Biruin mo ikaw lang yung nagiisang estudyante ditong lumapit sakin at
nakipag close sakin. Kahit guard lang ako dito.
(Queeny): Walang anuman po kuya. Math po tayo ngayon ah
(Keru): Yun oh. Bumagsak ako dyan sa math dati eh. Pero feeling ko naman
matutulugan mo talaga ako.

----End Scene----

***CLASSROOM***
(Myor-Classmate): **namomroblema** **uupo ng malungkot**
(Queeny): *magtataka* *Lalapit* Uy!! Good Morning! Okay ka lang?
(Myor): Hindi eh. Napakagulo kasi sa bahay. Kumpleto naman kami sa bahay, pero
parang hindi kami magkakakilala lahat Kasi sila sa cellphone nakatutok o Kaya Naman
nasa galaan. May babayaran pa Naman Tayo mamaya, at walang akong pambayad kasi
hindi ako nakahingi.
(Queeny): Uyy ako na bahala sayo. Deserve mo naman tulungan kasi kahit nahihirapan
ka na sa acada tas sabayan pa ng family problem ay nag-aaral ka pa rin mabuti. Kaya
ako na bahala nag bigay naman si mama kanina ng sobra.
(Myor): Nakakahiya naman. Wag na okay lang. Bigay ng mama mo yan para sayo. Hindi
para kung kani-kanino.
(Queeny): Hindi ka naman kung sino sino lang no. Ikaw kaya tumutulong sakin minsan
kapag nahihirapan ako sa English. Kaya wag ka na mahiya Arte pa iy what friends are
for diba Kung Di Tayo mag tutulungan oh ito na oh *iaabot yung pera*
(Myor): Salamat ha. Wag ka mag-alala kapag chef na ako babawi ako sayo. Ikaw unang
kakain sa lutuin na magagawa ko.
(Queeny): Sure akong maabot mo pangarap mo. Basta kapag kailangan mo ng tulong wag
kang mahihiya ha.
(Dale-teacher): Good Morning Class!! Sit down no need to greet. I have a good news.
As usual sa section niyo na naman ang pinakamatataas ang scores nako lagi nalang ha
HAHAHA. Back to the topic Let me mention the top scorers ng tests natin. Sila lang
naman yung kapag pinag-add yung scores sa lahat ng test ay pinaka mataas sa buong
grade-9. Lahat kayo mataas, don’t get me wrong. Pero syempre may iba talaga na
grabe ang nakuha. Nakakuha sila ng 392 total of scores meaning sa lahat ng subject
isa lang ang wrong nila. Sila sina Elin and Marvin.
**Queeny at Myor magugulat** *magtitinginan at mag aapir**

(Myor): Oy thank you ahh grabe talaga ang mga tulong mo sakin.
(Queeny): Nu kaba you helped me also. Do not ever forget that.
(Dale): Thank you sa inyo. Dahil sa inyong lahat na mga nakakakuha ng scores na
mataas. Nakikita naman na natuturo naming ng maayos ang mga subjects nyo. At kitang
kita yung pagtutulungan nyo for reviewing a week before exam day. Gumagaan ang loob
naming mga guro. At dahil dyan may prize ako para sa kanilang dalawa. Tig 200 kayo
dahil hinusayan nyo.

---End Scene---

***SA DAAN PAUWI***

(Pulubi#1): Ate penge po barya.


(Pulubi#2): Ate kahit magkano lang po.
(Queeny): Ay wait lang kayo dyan babalik ako promise.
(Myor): Napakabait mo talaga eh no. Sana katulad mo matutunan ko din yang hindi
mabilis magalit.
(Queeny): Ano ka ba kahit ako hirap din ako dati baguhin yon.
(Myor): Oo nga pala no nag chuchurch ka nga pala. Isa ka mga nag chu-church na
talagang nakikita yung pusong bigay ng Diyos. Naku aattend nga din ako dyan.
(Althea): Sa totoo lang maraming nangu
umalis sa church kasi akala nila ang church ang tunay na nakakatulong sa kanila
para mag bago, pero sa totoo lang kailangan mo talaga ng pagtiya tiyaga at
pananampalataya. Dapat matatag ka, kasi hindi ka naman mabilis mag babago at marami
ring mga hindi pa maayos ang ugali sa church kaya kapag naoffend ka baka umalis ka
lang din agad.
(Myor): So ano ba talaga yung dapat gawin kapag nasa church na.?
(Queeny): Lagi mong tandaan na ang Diyos ang pinuntahan mo. At ang Diyos lang ang
perpeko. Kaya kung saka-sakaling may makagawa sayo ng mali. Just Forgive them and
consider mo na parehas kayong bago lang sa church at kailangan ng pagbabago.
(Queeny): Ay andito na Tayo sa bakery Ate pabili po ng tinapay mga walo po.
(Tindera): Ay sakto ineng wala pa kaming benta ikaw ang unang bibili samin. Ang
tumal Kasi ngayong araw kala ko kailangan ko na magsara kasi walang bumibili.
Biyaya ka mula sa langit ineng.
(Queeny): Ay grabe naman po. Walang anuman po yun.
(Myor): Tara balikan na natin yung mga bata.
(Pulubi#1): Oh si ate bumalik.
(Pulubi#3): Oo nga no.
(Pulubi#4): Ate sorry po sa inasal naming kanina, nagugutom lang po talaga kami at
kahapon pa po walang tumutulong samin.
(Pulibi#2): Biyayaan ka pa po sana ng Diyos.
(Althea): Masaya akong makatulong sa inyo. Hayaan nyo kung kaya ko bukas ulit ah.
Dito ulit kayo pumwesto para makita ko kayo agad.
(Pulubi#3): Opo ate. Salamat po ulit.
---End Scene---

***SA BAHAY***
(Abby): Oh anak. Kamusta school? Diba labasan ng result nyo sa exam, o kamusta?
Pero bago mo pala sagutin lahat ng tanong ko umupo kana at naghanda ako ng paborito
mong adobo.
(Queeny): **bibiruin** Ay mama, ambaba ng scores ko. Sorry po nabigo ko po kayo.
(Abby): Ay ganun ba? *yayakapin* Okay lang yan anak. Ginawa mo best mo. At dahil
dun magcecelebrate parin tayo.
(Queeny): Joke lang po ma. HAHAHA. Mahal mo po talaga ako no? Kahit ano pong
mangyari talagang mas importante po ako sa inyo no kaysa sa mga kaya kong gawin sa
school kaysa sa grades ko.
(Abby): Aba oo naman. Ikaw ang dahilan ko kung bakit kinakaya ko. At palagi akong
magiging grateful sa Diyos sa binigyan Niya ako ng anak na katulad mo.
(Queeny): Thank you po mama.

---End Scene---

**SA KWARTO**

(Queeny): Hay kapagod. Pero napakasayang makatulong sa maraming tao.. Magawa na nga
mga assignments ko.

**gagawa assignments**

(Queeny): Yes tapos na din. Time to pray na.


“Lord, maraming salamat po sa mga oportunidad na makatulong. Thank You po kasi
binigyan mo ko ng kalakasan. Kanina po napasaya ko na naman ang mama ko. Thank you
at natutulungan ko siya kahit sa maliliit na bagay. Si Kuya guard naman po sobrang
bait talaga. Thank you po at marami na po akong naturo sa kanya. Si Marvs at si
Sir, grabe po talaga salamat po. At yung mga pulubi po kanina salamat po kasi may
kakayahan mo akong bigyan sila. Thank you po kasi alam kong kinaya ko po lahat ng
dahil sa Iyo. I prayed that ang pinaka napasaya ko po ngayon ay ikaw. Lahat po ng
papering natanggap ko mula sa kanila ay ibinibigay ko po sa inyo dahil kayo po ang
natatanging karapat dapat sa mga papering iyon. In Jesus Name, Amen.

You might also like