Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LAGUNA
DON MANUEL RIVERA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
BULILAN SUR, PILA, LAGUNA
DIAGNOSTIC TEST SA ARALING PANLIPUNAN 7
Quarter I
(ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba)

Pangalan: Petsa:
Baitang at Pangkat: Guro:

A. MULTIPLE CHOICE. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang
bago ang bilang.
1. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang interpretasyon ang kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
A. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay parepareho.
B. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
C. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
D. Insular ang malaking bahagi ng kontinente ng Asya.
2.Sa artikulo ng isang pahayagan sinasabi na “Ang hindi wastong pagtatapon ng solid waste o basura ay isang malaking suliraning
pangkapaligiran sa Bangalore India. Ang kawalan ng pasilidad at epektibong pamamahala upang itapon ito sa maayos na pamamaraan ang mga dahilan
nito. “Walang habas na pagtatapon ng basura kung saan-saan ang nagging suliranin, alin sa sumusunod ang nagging malaking epekto nito sa
kapaligiran ng Bangalore, India?
A. Nahaharangan ang mga daluyan ng tubig sa mga estero at ilog.
B. Nanunuot sa lupa ang ilang mga maasido at organikong material.
C. Nakokontamina o narurumihan ang hangin, tubig at maging ang lupa.
D. Nahahalo ang nakakalasong katas nito sa tubig na iniinom at sa tubig na dumadaloy sa irigasyon.
3. Ikaw ay isang Ambasador of Goodwill na naatasang maghikayat at mag impluwensiya ng mga kabataang Asyano na mapalaganap ng mga
programa na susuporta sa ikabubuti ng kapaligiran at kapakanan ng mga Asyano sa pamamagitan ng paggawa ng isang multimedia advocacy.Alin sa
sumusunod na pamantayan ang dapat mong isaalang-alang?
A. Organisasyon, bilang ng pahina, at pagkamalikhain.
B. Kaankupan ng salita, kawastuan ng datos, at pagkamalikhain
C. Nilalaman, pagkamalikhain, impact, organisasyon at kapakinabangan
D. Kawastuan ng mga datos at madaling maunawaan
4. Ano ang mahihinuha mo sa yamang tao ng Asya?
A. Ang mga Asyano ay walang pagkakaisa
B. Ang mga Asyano at iba’t iba ang katangian
C. Ang mga Asyano ay may iisang pagkakakilanlan na masasalamin sa mayamang kultura nito.
D. Ang mga Asyano ay may iba’t ibang katangian at pagkakakilanlan na nagpapayaman sa kultura ng rehiyon.
5. Ang karaniwang panahon o average weather ay tumutukoy sa .
A. Kontinente B. Klima C.. Relihiyon D. Rehiyon
6. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga rehiyon sa Asya maliban sa:
A. Hilagang Asya B. Kanlurang Asya C. Hilagang Asya D. Timog Asya
7.Wika ang kaluluwa ng isang kultura. Ang mga sumusunod ay mga wastong pagpapakahulugan sa pahayag maliban sa .
A. Ang wika ay nagsisisilbing balakid upang magkaintindihan ang bawat isa.
B. Ang wika ang nagsisilbing pundasyon ng pagkakapatiran at pagtutulungan ng bawatisa.
C. Ang wika ang sentro ng pagkakakilanlan ng bawat isa.
D. Ang wika ang sumasalamin sa pagkakabuklud-buklod ng bawat isa.
_________8. Sa pabrika nagtatrabaho si Minda. Sa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho ay bigla na lamang siyang tumumba. Isinugod agad
siya sa ospital ng kanyang mga kasamahan. Napag- alaman na nakalanghap siya ng matapang na kemikal na nakaapekto sa kanyang paghinga.
Ano ang dapat gawin ng pamunuan na kanyang pinagtatrabahuhan sa ganitong sitwasyon?
A. Hindi sasagutin ang anumang gastos
B. Ipagamot lamang
C. Sagutin ang lahat ng gastusin at papasukin na lang ulit kapag magaling na
D. Tanggalin at humanap nakaagad ng kapalit
9. Ang sumusunod ay negatibong epekto ng patuloy na lumalaking populasyon sa daigdig maliban sa __.
A. Kakulangan sa suplay ng pagkain at likas na yaman C. Nadadagdagan ang lakas- paggawa
B. Magiging masikip ang tirahan D. Pagkakaroon ng polusyon
10.Ano ang hugis ng Timog Asya?
A. Bilog B. Parisukat C. Parihaba D. Tatsulok
11. Alin sa sumusunod na mga uri ng grasslands ang may damuhang mababaw o shallow rooted short grasses?
A. Prairie B. Steppe C. Savanna D. Tundra
12.Pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa ibang mga kontinente sa daigdig. Sa kalakihan nito, ito ay hinati sa
ilang rehiyon?
A. Apat B.Anim C. lima D. pito
13.Ano ang epekto ng land conversion sa natural na kalikasan?
A. Nagpapataas sa antas ng ekonomiya C. Nakatutulong sa kabuhayan ng mga tao.
B. Nakakapagpadami ito ng mga halaman at hayop D. Nasisira ang tirahan ng mga hayop
14. Dahil sa pagbabago ng kalagayan ng panahon ay pati na rin ng kalikasan unti-unting naaapektuhan ang mga pananim sa Timog
Asya. Ang mga sumusunod ay naglalahad ng masamang epekto ng pagbabagong ito MALIBAN sa:
A. Mababawasan ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng tao.
B. Maraming pananim ang tumutubo sa mga palayan
C. Mas dumadami ang magsasaka na nahihirapan na magtanim
D. Mauubos ang mga pananim sa palayan
15. Ang mga sumusunod ay implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano maliban sa .
A. Nagbibigay ito ng hanapbuhay C. Nagsisilbing panahanan
B. Nagpapahirap sa mga tao D. Pinagkukunan ng pagkain
16. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagpapahalaga sa balanseng kalagayang ekolohiko.
A. Pag-abuso sa lupa
B. Pagbabawal sa panghuhuli at pagpapatay sa mga endangered species
C. Pagpuputol ng mga punong may ilang libo ng nabubuhay sa kagubatan
D. Pagtatapon ng mga industriya ng kanilang waste water o tubig sa lupa.
17. Alin sa mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapaligiran maliban sa .
A. Paglilinis ng kapaligiran C. Pagtatanim ng mga puno at halaman
B. Pagsusunog sa mga plastic D. Pagtatapon ng basura sa tamang lagayan.
18. Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa pagsasagawa ng earth quake drill sa paaralan?
A. Aktibong makilahok sa pagsasagawa ng Earth Quake drill sa paaralan
B. Huwag pumasok sa paaralan
C. Manatili sa loob ng paaralan habang ang lahat ay nagsasagawa ng earh quake drill.
D. Manood na lamang habang isinasagawa ang Earth Quake Drill.
19.Bakit isinasagawa ang Earth Quake Drill sa mga pampubliko at pribadong institusyon?
A. Pagsunod sa utos
B. Para makasama asa pagkuha ng larawan ng mga nagdodokumentaryo
C. Para maranasan ang Earthquake Drill
D. Upang maging handa sa anumang pagbabago dulot ng kalikasan.
20. Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa ating sariling wika?
A. Paggamit ng gay lingo sa pakikipagtalastasan
B. Paggamit ng sariling wika
C. Pakikipag-usap sa mga kamag-aral gamit ang wika ng mga Koreano.
D. Pagtuturo ng wikang dayuhan sa mga kabataan
21.Tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagdan tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa permenenteng pagkawala ng
kapakinabangan.
A. Desertification B. Red Tide C. Ozone Layer D. Salinization
22.Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito ang pangunahing apektado ng land conversion o paghawan ng kagubatan,
pagpapatag ng mga mabundok o maburol na lugar upang magbigay- daan sa mga proyektong pangkabuhayan.
A. Habitat B. Salinization C. Ozone Layer D. . Siltation
Suriin ang talahanayan tungkol sa populasyon ng ilang bansa sa Asya at sagutin ang kasunod na mga tanong kaugnay nito.Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.

Bansa Populasyon Bilis ng Bahagdan ayon sa Edad


paglaki ng 0-14 15-64 65+
Populasyon
Sri Lanka 20,237,730 0.86 24.9 67 8.1
Laos 6,320,429 2,29 36.1 60.1 3.7
Indonesia 229,964,723 1.10 27 66.6 6.4
Japan 127,156,225 -0.24 13.5 62.6 23.9
India 1,198,003,272 1.38 29.3 65.2 5.6
23. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano ang tamang pagkakasunod-sunod
nito?
A. India, Indonesia, Japan, Sri Lanka, at Laos C. Indonesia, India, Japan, Laos at Sri Lanka
B. India , Sri Lanka, Laos, Indonesia, at Japan D. Sri Lanka, India, Indonesia, Laos at Japan
24. Makikita sa talahanayan na ang Japan ang may pinakamababang bahagdan ng pagbilis g paglaki ng populasyon, sumunod ang Sri
Lanka at Indonesia samantalang mabilis naman ang paglaki nito sa India at Laos. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng
populasyon ng isang bansa?
A. Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon
B. Upang magamit sa pagplaplano ng pamilya
C. Upang maunawaan kung paano bibigyan ng kalutasan ang masamang epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon.
D. Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagtatakda ng angkop na patakaran/ programa ukol sa mga epekto ng mabilis na paglaki ng
populasyon.
25. Bakit sa kabila ng kahirapan marami pa ring Asyano ang nag-aanak ng marami?
A. Mas masaya pag maraming anak.
B. Naghahabol sila ng anak na lalaki/babae
C. Naniniwala sila na mas maraming anak, mas marami ang tutulong sa kanila sa pagtratrabaho.
D. Upang dumami ang kanilang lahi

Suriin ang dayagram sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Bansa Literacy Rate (%) Unemployment Rate (%)

Malaysia 94.6 3.1


Philippines 96.3 5.6
Qatar 97.8 0.4
Pakistan 56.4 6.5
India 72.1 5.4

26. Iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng bahagdan ng marunong bumasa at sumulat. Ano ang tamang
pagkakasunod-sunod nito?
A. India, Qatar, Pakistan,Philippines, Malaysia C. Quatar, Philippines, India, Malaysia, Pakistan
B. Philippines, Malaysia, India, Pakistan, Qatar D. Quatar, Philippines, Malaysia, Indonesia, Pakistan
27. Batay sa impormasyong nakapaloob sa talahanayan, anong rehiyon sa Asya matatagpuan ang bansang may pinakamababang
bahagdan ng walang trabaho?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog Asya
28. Naatasan ka ng iyong guro na mamuno sa paglikha ng presentasyon ng iba’t ibang rehiyon sa Asya. Ano ang gagawin mong
pamantayan sa pagbuo ng nilalaman ng presentasyon?
A. Kasaysayan ng rehiyon, sino ang nagtatag, saan itinatag, mahahalagang aral, mga impluwensiya sa mga bansang asyano.
B. Kasaysayan ng rehiyon, sino ang nagtatag, saan itinatag, mahahalagang aral.
C. Kasaysayan ng rehiyon, sino ang nagtatag, saan itinatag.
D. Kasaysayan ng rehiyon sino ang nagtatag.
29. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba’t ibang suliranin gaya ng pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na
nakaaapekto sa pag-unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang isang kabataan ay naanyayahan na dumalo sa isang pulong upang talakayin ang
solusyon sa paglutas sa suliranin. Ano ang iyong mungkahi upang malutas ang suliranin?
A. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
B. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran.
C. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng anak.
D. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng kapaligiran at tao sap ag-unlad ng isang bansa.
30. Ang puno sa kagubatan ay unti-unti ng nauubos. Sa iyong palagay ano ang iyong maitutulong upang masolusyunan ito?
A. Huwag sayangin ang pagkain C. Magtanim ng mga puno
B. Magdasal D. Mag-alaga ng hayop
31. Isa sa mga mahalagang ambag ng mga likas na yaman ng bansa ay pagpunan sa aspetong panahanan ng mga tao. Alin sa mga
sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng paggamit sa likas na yaman para magsilbing panahanan?
A. Pinagkukunan ng materyales para sa mga pagawaan
B. Pagsasagawa ng land conversion at pagtambak ng lupa.
C. Paggamit ng teknolohiya para tumaas ang pambansang kita
D. Pagpaparami sa produksyon ng bansa para sapat ang pagkain
32. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa epekto ng malaking populasyon sa kalikasan?
A. Tumataas an g produksyon ng basura
B. Tumataas ang pangangailangan sa likas na yaman
C. Tumataas ang pangangailangan ng tao sa espasyo
D. Tumataas ang supply ng yamang likas sa kapaligiran
33. Sa bawat paaralan ay itinuturo ang mga natural na kalamidad na dinaranas ng ating bansa. Ikaw bilang Pilipino at Asyano, ano ang
kapakinabangan mo sa pagkakaroon ng ganap na kaalaman sa katangian ng mga natural na kalamidad na dinaranas ng ating bansa?
A. Mayroon na akong sapat na kaalaman upang makapasa sa darating na pagsusulit.
B. Mayroon na akong sapat na kaalaman upang makapaghanda ako sa oras ng kalamidad.
C. Mayroon na akong sapat na kaalaman upang makapagdagdag ako sa mga dahilan ng kalamidad.
D. Mayroon na akong sapat na kaalaman upang ipaalam ito sa iba pang mamamayan at makapaghanda kami sa oras ng kalamidad.
34. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng
.
A. Barley at Mais C. Mahogany at Palm
B. Langis, niyog at kopra D. Trigo, Langis ay niyog
35. Dahil sa matatabang lupaing prairie sa Mongolia, ano ang pinakapangunahing hanapbuhay rito?
A. Pag-aalaga ng hayop C. Pagtatanim ng mga pagkaing butil
B. Paggawa ng feed para sa mga hayop D. Pagtrotroso
36. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa Timog Asya?

A. Pagmimina B. Pagsasaka C. Pag-aalaga ng hayop D. Pagtrotroso


37.Ang palay ang pangunahing butil pananim sa maraming bansa sa TImog-Silangang Asya. Bakit ito itinuturing na
napakahalagang butil pananim?
A. Maraming panluwas na produkto galing sa palay
B. Maraming matatabang lupa at bukirin ang angkop sa pagtatanim nito.
C. Pamalit ito sa butil na mais, barley at trigo.
D. Pangunahing pagkain ito ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.
38. Ang likas na yaman ay binubuo ng mga .
A. Yamang lupa at yamang tubig
B. Yamang kagubatan at mga produktong pang agrikultura
C. Yamang mineral at kagubatan
D. Yamang kagubatan, mineral, tubig at lupa.
39.. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa Timog Asya?

A. Pagmimina C. pag-aalaga ng hayop


B. Pagsasaka D. pagtrotroso
40. Ang mahogany, molave, narra at acasia ay ilan sa mga halimbawa ng yamang .
A. Yamang Gubat C. Yamang Mineral
B. Yamang Lupa D. Yamang Tubig
41. Ang mga sumusunod ay negatibong epekto ng patuloy na lumalaking populasyon sa daigdig MALIBAN sa .
A. Kakulangan sa suplay ng pagkain at likas na yaman. C. Nadagdagan ang lakas- paggawa.
B. Magiging masikip ang tirahan. D. Pagkakaroon ng polusyon
42. Kung iba-iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya, nangangahulugang malaking hamon sa rehiyon ang .
A. Ideolohiyang politikal C. Modernisasyon
B. Pagkakakilanlan D. Pagkakaisa

43. Ang hanging nagtataglay ng ulan.


A. Klima C. Temperatura
B. Moonsoon D. Vegetation Cover
44. Ang uri ng klima sa rehiyon ng Silangang Asya.
A. Klima C. Temperatura
B. Moonsoon D. Vegetation Cover
45. Sentral Kontinental ang klima na matatagpuan sa rehiyon ng .
A. Hilagang Asya C.Timog Asya
B. Silangang Asya D. Timog Silangang Asya
46.Pagbabago bago ng pandaigdigang o rehiyonal na klima na maaring dulot ng likas na pagbabago sa daigdig o mga
Gawain ng tao.
A. Global Climate Change C. Salinization
B. Siltazion D. Ozone Layer

47. Ang mga katangian ng Pacific Ring of Fire ay ang sumusunod maliban sa .
A. Ang pagsabog ng bulkan ay nagdudulot ng lindol C. Malimit ang pagputok ng bulkan
B. Hindi pumuputok ang Bulkan D. Nagtataglay ng maraming hanay ng Bulkan.
48. Tumutukoy sa bahagdan ng pagbilis ng pagdami ng tao sa isang bansa sa bawat taon.
A. Life Expectancy C. Populasyon
B. Population Growth Rate D. Unemployment Rate

49. Ang ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar.


A. Life Expectancy C. Populasyon
B. Population Growth Rate D. Unemployment Rate
50. Ang pangunahing layunin ng patakarang ito ay limitahan ang mabilis na paglaki ng populasyon.

A. Etnolingguwistiko C. Migrasyon
B. Kultura D. One Child Policy

You might also like