Course Pack Filkom 1100 Modyul 2. Aralin 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Modyul sa Kursong

FILKOM 1100-KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Modyul 2. Aralin 1
HALAGAHAN AT GAMPANIN NG WIKANG PAMBANSA SA KOLEHIYO AT
LAGPAS PA

O
N
PI
LI
I. MGA TUNGUHIN

FI
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay :

G
1. Naipaliliwanag ang adbokasiya ng mga tagapagtanggol at tagapagtaguyod ng
N
wika kaugnay ng papel ng Filipino bilang epektibong wika ng komunidad sa
loob at labas ng bansa;
TO

2. Nakabubuo ng mga presentasyong multi-modal hinggil sa pagmamahal sa


wikang pambansa sa paraang mapanghikayat, malikhain at kaakit-akit; at
3. Napatitibay ang unawa at pagpapahalaga sa gampanin ng wikang pambansa.
EN

II. PAGTALAKAY SA ARALIN


M

Panimula
A
RT

Ano sa Filipino ang “The square root of 4 is 2”? Paano ito sinagot sa binasa mong
talakay ni Dr. Antonio Contreras? Ano ang opinyon mo rito? Ipaliwanag mo nga.
A
EP

Pagtalakay
D

Ang pagbabago ng kurikulum ng sistemang pang-edukasyon sa bansa na


nagsilang sa pagdaragdag ng dalawang taon sa hayskul ay nagdulot ng iba’t ibang
pangyayari na maituturing na negatibo at derogatoryo sa wikang pambansa. Bago pa
man ito naganap ay naging laman nang mga usapan at balitaktakan ang pagbabawas
ng mga asignatura sa kolehiyo at nagkatotoo nga ito. Tahasang tinanggal ang
asignaturang Filipino nang walang pagsasaalang-alang sa ibubunga nito. Itinakda sa
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

CHED Memorandum Blg.20, serye 2013 ang mga pangunahing kurso sa bagong
kurikulum sa kolehiyo at doon ay wala na nga ang Filipino at Panitikan. Isang
masaklap na katotohanan na magpahanggang ngayon ay humahanap pa rin ito ng
puwang sa sariling bayan. Sa mga nakaraang panahon ay inakala ng mga
tagapagtaguyod ng Filipino na malapit na nitong maabot ang luklukan nito sa kabila ng
pagtutol dito ng iilan. Ngunit masahol pa sa pagtutol ang nangyari sapagkat lantaran
itong dinusta at tinalikuran pa nga.

O
Sa mga pangyayaring ito ay hindi natinag ang mga makawika – ang mga
maka-Filipino. Sa pagkakataong higit na nararapat na mahigpit na panghawakan ng

N
bawat mamamayang Pilipino ang pagkilala at pagpapahalaga sa sariling wika. Isang

PI
pambansang wika na maglalapit at mag-uugnay sa mga Pilipino. Isang pambansang
wikang magiging daluyan ng kanilang mga hinaing at mga pangarap. Isang

LI
pambansang wikang mag-iingat sa kalinangan ng bayan. Isang pambansang aydentidad
ng bansa at mga mamamayan. Isang pambansang wikang titindig saan mang dako ng

FI
daigdig para sa Pilipino.
At isinilang ang Tanggol Wika o Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang

G
Filipino, isang organisasyong kinabibilangan ng mga guro, propesor at iba pang
N
nagmamalasakit sa Filipino. Layunin nitong ipanawagan at ipakipaglaban ang pananatili
ng mga asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo. Kaya naman ang mga kolehiyo at
TO

unibersidad sa buong kapuluan na naniniwala at sumusuporta sa adbokasiya ng Tanggol


Wika ay naglabas ng kani-kanilang posisyong papel na naglalatag ng kanilang matibay
at matatag na paninindigan sa usapin.
EN

Narito ang haylayt ng nilalaman ng mga siniping piling posisyong papel ng mga
nakiisang pangunahing unibersidad at organisasyon sa bansa (Angeles,2019):
M
A
RT

A. Central Luzon State University (CLSU)


A

Pamagat: Posisyong Papel ng Departamento ng Filipino ng CLSU sa Pag-aalis sa


Filipino Bilang Asignatura Bunga ng CMO 20,s.2013 gayundin ang Paggamit ng Filipino
EP

Bilang Wikang Panturo.


Petsa ng Pagpapatibay: Hunyo 24,2014
D

Pangunahing Argumento:
“Dapat na panatilihin kundi ma’y magkaroon ng tatlong bagong asignaturang
Filipino sa kolehiyo na ang tuon ay nasa kultura pa rin upang makaalinsabay sa rasyunal
ng CHED Memo 20,s.2013. Ito’y hindi lamang sa usapin na maraming guro ng/sa
Filipino ang mawawalan ng kabuhayan kundi sa mas malalim pang kadahilanan.”
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

1. Nakatadhana sa Artikulo 14, seksyon 6-9 ng Konstitusyon ng 1987 ang ganito: “Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.”

O
N
2. “Ang lahat ng asignaturang may kaugnayan sa kultura ay ituturo sa Filipino
samantalang sa Ingles naman ang agham, teknolohiya at matematika ( Kautusang

PI
Pangkagawaran Blg.25, s.1974 at Kautusang Pangkagawaran Blg.52, s.1987 )

LI
3. Ang pagpapalakas ng Filipino sa antas tersyarya ay magsisilbing paghahanda natin sa

FI
panahon ng ASEAN Integration. Kung ang Pilipinong nag-aaral sa ibang bansa ay
obligadong mag-aral ng wika ng bansang kanyang pinuntahan ay dapat na maging
ganoon din ang maging sitwasyon at senaryo sa kanilang pagpunta sa Pilipinas. Dito

G
natin dapat na higit na palakasin ang wikang Filipino at ang kulturang Pilipino upang
N
maibandila natin sa mundo.
TO

B. Departamento ng Filipino ng Dela Salle University-Manila


(DLSU-MANILA)
EN

Pamagat: Pagtatanggol sa Wikang Filipino,Tungkulin ng bawat Lasalyano


M

Petsa ng Pagpapatibay : Agosto 2014


Pangunahing Argumento :
A
RT

1. “Ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging


mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang
A

Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating


pinaglilingkuran…”
EP

2. “Dapat bigyang-diin na ang Filipinisasyon ng iba’t ibang departamento at


kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong din nang malaki sa pagtitiyak na ang
D

ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapaki-pakinabang sa ating mga


kababayan…”
3. “Ang adbokasiyang ito ay pagsasalba sa kolektibong identidad,sasalamin ng
ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa,at pagtataguyod ng
nasyonalistang edukasyon nahuhubog ng mga estudyanteng magiging mga
kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa.”
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

C. Ateneo de Manila University (AdMU)

Pamagat : Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de


Manila sa Suliraning Umuugat sa CHED Memo No.20,s.2013
Pangunahing Argumento:

1. “Ang pagkakait ng espasyo sa Filipino ay pagkakait din ng espasyo para sa iba

O
pang wika sa bansa.

N
2.”Ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng
ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang

PI
panrehiyon.

LI
D. Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas,Unibersidad ng

FI
Pilipinas-Diliman (DFPP,UP-D)

G
Pangunahing Argumento:
1.” Nasa sariling wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga kaalamang
N
patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan.Sariling wika ang pinakamabisang
daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan at kaalamang pinanday sa
TO

akademya.
2. “Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersyarya ang sanayin ang mga
EN

mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki-pakinabang ang


napili nilang disiplina sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.
M

E. Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU)


A

Pangunahing Argumento:
RT

“Isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang hindi
magmamaliw na karunungan na pakikinabangan ng mga mamamayan para sa
A

pambansang kapakanan . Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay


mahalagang domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasanayan ng bawat
EP

mamamayan ng bansa. Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang


wikang Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa paaralan ng buhay
D

ang mga araling hindi lang nagtatapos sa apat na sulok ng paaralan.”.


FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

F. Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP)

Pangunahing Argumento :

“Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat.Mga


Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging
katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino.
Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino. Kaya kung ihihiwalay sa mga

O
mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng wikang

N
Filipino,tinanggal na rin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano
ang wika mo,iyon ang identidad mo.”.

PI
LI
G. Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF)

FI
Tuon: Pagtiyak sa Katayuang Akademiko ng Filipino Bilang Asignatura sa Antas
Tersyarya
Petsa ng Pagpapatibay: Mayo 31,2013
G
Tagapamuno: Dr.Aurora C. Batnag
N
May-akda: Dr.Lakandupil C. Garcia
TO

Pangunahing Argumento: “Sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang


intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat,
EN

pagsasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya”.

Ilan pang mahahalagang argumento ng PSLLF:


M

1. Mga argumentong maka-Filipino sa konteksto ng globalisasyon.


2. Ugnayan ng wikang pambansa at ng holistikong paghubog sa mga
A

mamamayang Pilipino.
RT

3. Historikal na paninindigan para sa bilinggwalismong pabor sa wikang


pambansa
A

H. National Commission on Culture and the Arts on Language and


EP

Translation (NCCA-NCLT)
D

Tuon : Paghiling sa CHED, Kongreso at Senado ng Pilipinas na agarang magsagawa ng


mga hakbang upang isama sa bagong General Education Curriculum (GEC) sa antas
tersyarya ang mandatory na 9 na yunit ng Filipino.
Petsa ng Pagpapatibay: Mayo 23,2014
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pangunahing Argumento:

1. “ puspusan lamang masusunod ang Konstitusyon ng 1987 sa paggamit ng


Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo
sa sistemang pang-edukasyon kung mananatili sa antas tersyarya ang
asignaturang Filipino.
2. “puspusang imungkahi sa CHED na gawing kautusan ang pagtuturo sa Filipino

O
ng tatlong asignaturang pangkolehiyo sa level ng edukasyong heneral sa

N
kolehiyo.

PI
I. Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)

LI
Tuon: Kapasyahan ng Kalipunan ng mga Komisyoner Blg.14-26 serye ng 2014

FI
Petsa ng Pagpapatbay: Hunyo 20,2014
Pangunahing Argumento : “Pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa wikang Filipino, na
hindi pag-uulit lamang ng mga sabdyek na Filipino sa antas tersyarya kundi naglalayong

G
magamit at maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina – na pagkilala sa Filipino
N
bilang pintungan ng karunungan at hindi lamang daluyan ng pagkatuto, at upang
matiyak ang pagpapatuloy ng intelektwalisasyon ng Filipino.
TO

Hindi huminto sa pagbuo lamang ng mga posisyong papel ang Tanggol Wika at
mga tagapagtaguyod nito. Sa pangunguna ng Pambansang Alagad ng Sining sa
EN

katauhan ni Dr. Bienvenido Lumbera at Representante Antonio Tinio kasama ang iba pa
ay nagsampa ng kaso ang Tanggol Wika sa Korte Suprema. Kasunod nito ay ang
M

paglabas ng Temporary Restraining Order (TRO). Subalit noong Mayo 2019 ay kinatigan
ng Kataas-taasang Hukuman ang CHED.
A
RT

Sa kasalukuyan ay nakahain ang House Bill 223 ng ACT Partylist Representative


na si France Castro para sa mandatoryong siyam (9) na yunit ng Filipino at Panitikan sa
kolehiyo. Kinakatigan naman ito ng ilang mga kongresista at mga senador na
A

nagpahayag ng kanilang suporta rito. Pinaniniwalaang isa itong malaking hakbang sa


EP

pagbabaklas sa diwa ng kolonyalisasyon at pagpapatibay sa sariling kaakuhan ng bawat


mamamayang Pilipino.
D

III. PAGPAPATIBAY

Bilang mga kabataan na sinasabing pag-asa ng bayan ay marapat lamang na


mahubog ang inyong kamalayang pambansa at pagmamahal sa bayan. Bahagi nito ang
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

pagkilala at paglinang sa sariling wika at kultura. Inaasahan na sa pamamagitan ng


mga talakay sa klase, mga dokumentaryong pinanood at sinuri gayundin ng mga
artikulong binasa ay naikintal sa inyong puso at diwa ang kahalagahan ng sariling wika
at kultura.
Subalit hindi lamang kayo ang dapat na magkaroon ng kaalaman at kamalayan
hinggil dito. Mahalagang maibahagi rin naman ito sa higit na maraming bilang ng tao.
Sa pamamagitan ng inyong mga tinig ay inyong maititindig ang dangal ng kultura

O
at wikang Filipino na pilit na niyuyurakan ng mga Pilipinong ang puso at isip ay pinipinid

N
sa/ng makadayuhang pag-iisip.

PI
Buhat sa paksang tinalakay ay bubuo ka ng isang Public Service Announcement
kaugnay ng pagpapahalaga at kahalagahan ng wikang Filipino. Unawain at sundin ang

LI
ibibigay na pamantayan ng iyong guro sa pagbuo nito gayundin ang rubriks sa
pagmamarka nito.

FI
IV. PAGTATAYA

G
N
Upang matiyak na ganap mong nauunawaan ang paksang tinalakay, sikapin
mong ipaliwanag nang maikli ngunit komprehensibo ang gawaing pasulat na
TO

ipagkakaloob ng iyong guro. Antabayanan ito sa inyong Google Classroom.


EN

V. TAKDANG ARALIN
M

Sipiin sa internet ang awit na “ Speak in English Zone” ni J.C. Malabanan at ang
artikulong”Language, Learning,Identity, Privilege” ni James Soriano. Paglimian ang mga
A

ito at itala ang mahahalagang kaisipang nakuha mo rito. Gagamitin itong lunsaran sa
RT

inyong gawaing pangklase kaya inaasahang gagawin mo ito.


A

VI. MGA SANGGUNIAN


EP

Angeles, C. I. (2020). Instruksyong modyular sa kursong FILKOM 1100-


D

kontekstwalisadong komunikasyon sa filipino: Central Luzon State University

Angeles,C.I.,Tuazon,M.Q.T., Fabrigas,N.P.F., Agaton,F.L., Rosales,G.B., Angeles,W.B.,


Soriano,L.A. (2017). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang pilipino.
Panday-lahi Publishing House, Inc.
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Bernales, R. A., Angeles, C. I., Cabrera, H. I., De Vera, N. D., Gabuyo, A. P., Gonzales, A.
L. M., Ledesma, G. M., Pura, A. V., Tacorda, A. L., Tuazon, M. Q. T., Villanueva, J.
M. (2013). Akademikong filipino para sa kompetetibong pilipino. Mutya Publishing
House, Inc.

Irabagon, C. C., Babasoro, R. B., Bulaong, J. C., Dollete, R. D., Gonzales, C. C., Quijano,
M. L. R., Salvador, J. S., Tuazon, M. Q. T. (2003). Sining ng komunikasyon. Mutya

O
Publishing House, Inc.

N
San Juan, D. M., Quijano, M. L. R., De Vera, M. R., Perez, S. D., Adigue, A. P., Villanueva,

PI
J. M., Bimuyac, M. B. (2018). Bahaginan. Kontekstwalisadong komunikasyon sa
filipino. Mutya Publishing House, Inc.

LI
FI
G
N
TO
EN
M
A
RT
A
EP
D

You might also like