Professional Documents
Culture Documents
Grade 8 Module
Grade 8 Module
Kontribusyon ng Kabihasnang
Romano
Ang Roma ay isang sinaunang kabihasnan sa kontinenteng Europa na
matatagpuan sa Italy, isang Peninsula na napapaligiran ng Dagat Ionian sa timog,
Dagat Tyrrhenian sa kaliwa, at Adriatic naman sa kanan. Ang lungsod-estado nito
ay nakatayo sa pitong burol malapit sa Ilog Tiber. Ang maliit na agrikultural na
lungsod ay lumaki at naging isa sa mga pinakamalawak na imperyo ng sinaunang
panahon sa Dagat Mediteraneo.
Ang mga Latino ang unang naininirahan sa sinunang distritong tinatawag
na “Latium” noong 750 BCE. Sila ang nagbigay sa Rome ng mga simulain sa
pamamagitan ng panitikan. May mga naninirahan naman sa hilaga at timog ng
Roma na tinatawag na mga Etruscan galing sa Asia Minor na sumakop sa Roma.
Sila ay may kapangyarihang pangmilitar na naging dahilan sa paglawak ng
kapangyarihan.
Ang lipunang Roma ay nahahati sa dalawa; ang mga patrician at mga
plebeian. Ang mga Patrician ay mga mayayamang may-ari ng lupa na maaaring
manungkulan sa pamahalaan at ang mga Plebeian naman ay mga karaniwang tao
na binubuo ng mga magsasaka, mangangalakal at mga banyaga na nagtatamasa
lamang ng iilang karapatan. Ang mga sinaunang Romano na nakatira sa kapatagan
at lambak ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka. Samantala, nangangalakal
naman ang mga nasa tabing dagat at nagpapastol naman ang mga
nasa burol.
Ang mga Romano ay magsisimulang mag-aral pagsapit ng taong 6-7 sa
anumang edad. Sa edad na 12 ay marunong na silang magsalita ng Latino at
Griyego. Ngunit, hindi lahat ay may karapatang magkaroon ng edukasyon dahil
iilang alipin lang ang napagbibigyan ng pagkakataong makapag-aral pansamantala.
Sa mga siglo ng pag-iral, ang Romanong kabihasnan ay isang malakas na
imperyo na pinamumunuan ng hari. Ito ay naging malawak na kaharian na may
pamahalaang tinatawag na isang oligarkiyang republika. Nang daan-daang taon
kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng kanlurang Europa, pati na rin ang
buong kasakupang pumapalibot sa Dagat Mediteraneo at Dagat na Itim.
Bumagsak ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD sa mga barbaro
habang ang Silangang Imperyo Romano ay tumagal hanggang 1453 AD bago
bumagsak ang kabisera nito sa mga Turkong Ottoman.
Arkitektura
Ang mga Roman ang tumuklas ng semento. Marunong na rin silang gumamit
ngstucco,isang plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader. Umaangkat sila ng
marmol mula sa Greece. Ang arch na natutuhan ng mga Roman mula sa mga
Etruscan ay ginagamit sa mga templo, aqueduct, at iba pang gusali. Ang gusali na
ipinakilala ng mga Roman ay ang basilica, isang bulwagan na nagsisilbing korte at
pinagpupulungan ng assemblya. Mayroon din silang pampublikong paliguan at
pamilihan na nagsisilbing tagpuan para sa mga negosyo at pag-uusap. Ito ay nasa
forum, sentro ng lungsod. May iba pang gusaling pinatayo na hanggang ngayon ay
makikita pa rin sa Romano. Pinakatanyag ang Coliseum, isang bukas na arena na
may upuan para sa 50000 katao. Ito ay isang ampitheater para sa mga labanan ng
mga gladiator.
Inhenyeriya
Ipinakita ng mga Romano ang kanilang galing sa inhenyeriya. Nagtayo sila
ng mga daan at tulay upang pag-ugnayin ang buong imperyo kabilang ang
malalayong lugar. Marami sa mga daan na ginawa nila noon ay ginagamit pa
hangang ngayon. Isang halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay sa Romano at
Timog Italy. Gumawa ri sila ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa lungsod.
Pananamit
Ang kasuotan sa sinaunang Roma ay nakadepende sa katayuan o estado
nito sa lipunan. Ang mga Patrician o mayayamang tao sa lipunan ay nakasuot ng
kulay puting damit na hanggang tuhod at pulang sapatos. Samantala, ang mga
Plebeian o mga karaninwang tao ay nakasuot ng malabnaw na kulay ng damit.
Dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman.
Ang tunic ay kasuotang pambahay na hanggang tuhod. Ang toga ay
isinusuot sa ibabaw ng tunic kung sila ay lumalabas ng bahay. Ang mga babaing
Roman ay dalawa rin ang kasuotan. Ang stola ay kasuotang pambahay at palla ay
isinusuot sa ibabaw ng stola.
Agham
Dalawa sa mga natatanging siyentipiko sa panahon ng kulturang Greaco-
Romano ay sina Galen at Ptolemy. Si Galen ay isang Griyego, ngunit ang mga
teorya niya ay hango sa medisinang Romano. Upang mapag-aralan ang katawan ng
mga tao, pinag-aralan at sinuri niya ang katawan ng mga hayop.
Bagamat hindi naging perpekto ang kaniyang mga nakita, naging basehan
ito ng mga makabagongkaalaman sa medisina sa kanluran. Si Ptolemy ay isang
mahusay na matematisyan, heograper at astronomer na kilala sa kaalamang “Ang
mundo o Earth ay sentro ng mundo (Geocentric Theory)”. Tanyag din sya unang
kaalaman tungkol sa “Trigonmetric Table”.
Ang iba pang mga naging kontribusyon
ng sinaunang imperyong Romano ay ang
Roman numerals na nagmula sa sinaunang
kabihasnan nito. Unang naging kilala ang mga
pangunahing simbolo na I, V, X, L, C, D at M.
Ginagamit ang mga ito bilang karaniwang
pamamaraan sa pagbibilang at sa pakikipag-
ugnayan lalo na sa larangan ng kalakalan.
Ang Simbahan ng Katoliko Romano ay isang matandang paniniwala ng sinaunang
Roma. Ito ay lumaganap sa ibat-ibang bahagi ng daigdig at isa na dito ay ang
ating bansang Pilipinas. Ang paniniwalang ito ay mga pinakamaraming tagasunod na
mga kababayang Pilipino. Ang mga naglalakihang struktura ng simbahang Katoliko sa
ating bansa ay isa sa mga patunay na naimpluwensiyahan tayo ng sinaunang
kabihasnang Romano.
FILIPINO 8
BALAGTASAN
Lakandiwa
Ito ang makatang namamagitan sa dalawang panig na nagtatagisan
ng mga katwiran sa matulain at masining na pamamaraan. Ang lakandiwa
ang kalimitang nagsisimula ng balagtasan sa pamamagitan ng
pagpapakilala sa mga pangkat na magtatalo at gayundin sa paglalahad sa
madla ng paksang pagtatalunan.
Mambabalagtas
Mga makata o mambabalagtas ang tawag sa panig na nagtatalo sa
balagtasan kung saan ang isa ay sang-ayon at ang isa naman ay sa panig
ng di sang-ayon sa paksang pinagtatalunan. Hangarin ng bawat panig na
mapaniwala ang katalo at ang mga tagapakinig sa kaniyang
pangangatwirang inilalahad. Samakatuwid, dapat gumamit ang mga
mambabalagtas ng mga salitang tiyak at malinaw upang ang kanilang mga
pangangatwiran ay ganap na maunawaan. Dapat din silang magbigay ng
mga patunay na makatotohanan kaya’t nararapat na ang bawat panig ay
may sapat na kaalaman sa paksang pinagtatalunan upang maging handa sa
pagtugon sa ano mang pag-uusisa ng kalaban tungkol sa paksang
pinagtatalunan.
Ang balagtasan ay may dalawang panig na nagtatalo at ang bawat
panig ay maaaring gampanan ng isa, dalawa, o tatlong kalahok na
mambabalagtas o makata, depende sa kagustuhan at pagkakasunduan ng
mga naghahanda ng balagtasan. May kani-kaniyang oras ng pagtindig ang
bawat panig kaya may unang tindig sa panig ng pagsang-ayon at di-sang
ayon, may ikalawa, ikatlo, at ikaapat depende kung gaano kahaba ang
balagtasan.
Narito ang mga kasanayang dapat taglayin ng isang mambabalagtas:
1. Marunong at sanay tumindig sa harap ng madla.
2. May magandang kaasalan sa pakikipagtalo, hindi pikon.
3. May pagsasaalang-alang at pitagan sa kaniyang katalo, sa
lakandiwa, at sa mga nakikinig.11
Mga Manonood
Ang mga manonood ang mga tagapakinig na minsa’y sila ring
nagbibigay ng hatol sa mga narinig na paglalahad ng mga katwiran ng
magkabilang panig.
B. Pinagkaugalian
Gaya din ng ibang tula, taglay rin ng balagtasan ang mga katangian
ng tulang Pilipino: tugma, sukat, at indayog. Tugma ang tawag sa pag
iisang tunog ng mga huling pantig sa huling salita ng bawat taludtod ng
balagtasan. Sukat naman ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
At indayog naman ang sining ng pagbigkas na siyang nagbibigay-kariktan
sa balagtasan sa siyang umaakit sa mga tagapakinig. Hindi magiging
maganda ang balagtasan kung hindi ito bibigkasin nang may indayog. Ito
ang ikinaiiba nito sa karaniwang pagtatalo o debate.
C. Paksang Pagtatalunan
Ito ang pinakatema o isyung pagtatalunan ng mga mambabalagtas.
Kalimitang ito ay mga napapanahong isyung nagdudulot ng malalaking
katanungan sa mga mamamayan. Kinakailangang ang tema ng balagtasan
ay maging tiyak upang sa gayon ay malimitahan ang sakop at lawak ng
paksang pagtatalunan. Ang kalimitang paksain o isyung pinagtatalunan sa
balagtasan ay mga paksang may kinalaman sa politika, ekonomiya, kultura,
pag-ibig, kalikasan, lipunan, edukasyon, at maging mga karaniwang bagay.
Ilan sa mga halimbawa ng paksa ay ang sumusunod:
Suriin Natin
Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang salitang TAMA
kung ito’y nagpapahayag ng katotohanan at MALI kung nagpapahayag ng
kamalian. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
____ 1. Isang anyo ng panulaan ang balagtasan.
____ 2. Sa paglalahad ng sariling pananaw at saloobin sa anyong pasulat,
mahalagang malaman ang mga salitang magbibigay ng hudyat ng
pagsang-ayon o pagsalungat.
____ 3. Lakandiwa ang tawag sa manunula na magpapahayag ng oposisyon
sa paksa.
____ 4. Nararapat na ang isang mambabalagtas ay may sapat na kaalaman
sa paksang pinagtatalunan upang maging handa sa pagtugon sa ano
mang pag-uusisa ng kalaban.
____ 5. Ang sukat ng tula ang siyang nagbibigay-kariktan sa balagtasan at
nagbibigay ito ng kaibahan sa karaniwang debate o pagtatalo.
Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang titik A kung ito’y
nagpapahayag ng pagsang-ayon at titik B kung pagsalungat. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
____ 1. Lubos akong nanalig sa sinabi mong maganda ang buhay rito sa
mundo.
____ 2. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda
ang buhay ngayon kaysa noon.
____ 3. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa
mundo.
_ 4. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay.
____ 5. Maling-mali ang kaniyang tinuran. Walang katotohanan ang
pahayag na iyan.
____ 6. Kaisa ako sa lahat sa mga pagbabagong nais nilang mangyari sa
mundo.
____ 7. Hindi ko matanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan
sa ating pag-uugali at kultura.
____ 8. Maling-mali talaga ang mga pagbabago kung ito’y hindi makabubuti
sa lahat.
____ 9. Ganoon rin ang nais kong sabihin sa kaniyang sinabi.
____ 10. Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t gawin natin ito sa tamang
paraan