Q2 AralPan 6 - Module 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

6

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ang Pilipinas sa Panahon ng
Komonwelt
Araling Panlipunan – Ika-anim na Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang Pilipinas sa Panahon ng Komonwelt
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jarwin Eli J. De La Victoria
Editor: Rosemarie T. Realino, Deah Love B. Arlan
Tagasuri: Roldan L. Roperos, Rosemarie T. Realino
Tagaguhit: Emjay Paul M. De Jesus, Delfin M. Albores
Tagalapat: Jarwin Eli J. De La Victoria
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena,
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao City Division – DepEd Davao

Office Address: E. Quirino Ave., Davao City 8000


Telefax: +63 (082) 224-0100 / (082) 222-1672
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
6

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ang Pilipinas sa Panahon ng
Komonwelt
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Mahalaga ang ginampanang papel ng mga Amerikano sa paghubog ng


ating pagka-Pilipino. Ang simbolong makikita ninyo sa ibaba ay magpapaalala
sa atin sa kanilang malaking kontribusyon sa kung ano man ang sistemang
nakagisnan natin ngayon. Marami tayong natutunan
sa larangan ng politika, ekonomiya, sosyal, at saiba
pang mga aspeto ng ating pamumuhay. Sa modyul
na ito, matutunghayan natin kung paano sinanay ng
mga Amerikano ang Pilipinas para sa nalalapit nitong
kalayaan. Ang pamahalaang Komonwelt ay naging
pagsasanay ng mga Pilipino sa pamamahala ng
bansa tungo sa tunay na kasarinlan.

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nasusuri ang pamahalaang Komonwelt; at


2. Napahahalagahan ang papel ng Pamahalaang Komonwelt sa
paghubog ng kasaysayan ng bansang Pilipinas.
Kaya halina at matuto tayo nang mabuti sa modyul na ito. Huwag
kalimutang ihanda ang sagutang papel.

1
Subukin Natin

Hindi naging madali ang naging karanasan ng mga Pilipino sa


paghahanda para sa kasarinlang ipinangako ng mga mananakop. Kaya, sa
pamamagitan ng gawain sa ibaba, ihanda ang sarili sa paglalakbay ng
Pilipinas sa Panahon ng Komonwelt.

Gawain 1: Ayusin at Tuklasin


Panuto: Ayusin ang mga letrang pinaghalo-halo upang malaman ang mga
konseptong tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Ang batas na ito ay ang pagkakaloob ng serbisyong militar or sibil.

2. Ito ang tawag sa nararapat na sahod para sa mga manggagawa.

3. Sinuri ito ng isang komisyon upang magkaisa at magkaintindihan ang


mga Pilipino.

4. Ito ang nagiging batayan sa pamamahala ng isang bansa.

5. Dahil dito, nabigyan ng karapatan ang mga Pilipino magkaroon ng


lupang sakahan lalo na sa Mindanao.

2
Aralin Natin

Ang huling hakbang ng Pilipinisasyon na tinalakay sa nagdaang


modyul ay ang karanasang mamahala sa bansa na may gabay ng Estados
Unidos. Alinsunod sa Batas Tydings-McDuffie ng 1934, sinunod ng Pilipinas
ang mga panuto ng Estados Unidos ukol sa paghahanda sa itinakdang
kasarinlan. Nagkaroon ng kumbensyong susulat ng mga batas na magiging
batayan sa pamamahala. Ang saligang batas na nabuo ng kumbensyong ito
ay pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Amerika noong ika-25
ng Marso, 1935.

Nagkaroon ng dalawang halalan. Ang unang


halalan ng Mayo 14, 1935 ay para
mapagsang-ayonan ng buong Pilipinas ang
nabuong saligang batas na ginamit ng ating
bansa hanggang taong 1971.

Ang pangalawang halalan na naganap noong


Setyembre 17, 1935 ay para makapili ang
bansang Pilipinas ng mga mamumuno sa
pamahalaang ito. Ang nanalong presidente ay
si Manuel Quezon at ang bise presidente ay si
Sergio Osmeña.

Ang bagong pamahalaan ay pinasinayaan noong


Nobyembre 15, 1935. Itinaas ang mga bandila ng
Pilipinas at Amerika sa labas ng Legislative Building sa
Luneta bilang simula ng Pamahalaang Komonwelt. Ang
papel ng pamahalaang ito ay ang pagsasanay sa mga
Pilipino sa sariling pamamahala, pagtatag ng sistemang
politikal, at pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga
Pilipino sa loob ng sampung taon. Ano nga ba ang
naging karanasan natin sa loob ng panahong ito?

3
Tunghayan ang larawan sa sumunod na pahina, at subukan nating
iugnay ang sitwasyon at ang karanasan ng mga Pilipino sa Pamahalaang
Komonwelt. Basahin at intindihin ang mensahe nito.

Para ako’y maging isang


doktor na may kasanayan sa
panggagamot, may
kaalamang magtaguyod ng
isang pagamutan, at may
kakayahang makipagsabayan
sa pandaigdaigang
pamantayan, kailangan ko
munang mag-aral at
magsanay nang mabuti. Ito
ang aking gagawin para
matupad ang pangarap ko.

Maiuugnay sa larawan sa itaas ang pagkamasunurin ng mga Pilipino sa


mga batas na inilaan para makamit ang minimithing kasarinlan. Naging
training ground ang Pamahalaang Komonwelt para sa pagsasarili ng
Pilipinas. Kailangan matutong tumayo sa sariling mga paa ang Pilipinas sa
ngalan ng politika para makipagsabayan sa pamantayang pandaigdig. Kaya
napakalaking tulong mula sa mga Amerikano ang pagbibigay sa atin ng mga
kaalaman sa pamamahala. Kaya, ating suriin ang kabuuan ng Pamahalaang
Komonwelt at kung paano ito nakatulong sa bawat Pilipino.

4
Ang Batayan sa Pagkatatag ng Pamahalaang Komonwelt

Nang magsimula ang aking panunungkulan,


agad kong binuo ang aking organisasyon para
sa pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan ng
bansa. Ang Lupon ng Pamahalaang Tagasiyasat
ay aking nilikha upang pag-aralan ang lahat ng
probisyon ng Saligang Batas ng 1935 at para
makita ang kalagayan ng bansa sa kabuuan.
Dito nagsimula ang mga kagawaran at
kawanihan na pamilyar sa inyo hanggang
ngayon.

Ang Saligang Batas ay aking gabay sa


pamamahala sa Komonwelt. Nakasaad dito
ang mga aspetong dapat bigyan pansin para
mapaunlad ang bansang Pilipinas. Bilang
isang mambabatas, kailangan ang lahat ng
Manuel Quezon programang ipapatupad ko ay nakabatay sa
mga probisyon nito.

Ano nga ba ang nasa Saligang Batas na dapat mong bigyang-


pansin bilang mag-aaral?
• ang mga karapatan ng mga Pilipino na dapat respetuhin ng
sinuman (Bill of Rights)
• ang tungkulin bumoto ng lalaking Pilipino at ang probisyon
para sa pagboto ng kababaihan (Suffrage)
• ang kapangyarihan at katungkulan ng tatlong sangay ng
gobyerno – lehislatibo, ehekutibo, at hudisyal
• ang mga dapat gawin sa mga likas na yaman ng bansa
• ang mga probisyong pankalahatan, transisyonal, at iba pang
batas na may espesyal na katungkulan

5
Ang Istruktura ng Pamahalaang Komonwelt

ANG TATLONG SANGAY NG PAMAHALAANG KOMONWELT

LEHISLATIBO EHEKUTIBO HUDISYAL


(Tagapagbatas) (Tagapagpaganap) (Tagahukom)

• Ayon sa Artikulo VI • Ayon sa Artikulo VII • Ayon sa Artikulo VIII


ng Saligang Batas ng ng Saligang Batas ng ng Saligang Batas ng
1935, ang 1935, ang 1935, ang
kapangyarihang kapangyarihang kapangyarihang
gumawa ng batas ay magpatupad ng mga manghukom at
nasa Pambansang batas ay nasa manglitis sa lahat ng
Asamblea. Sa Pangulo (Manuel kasong kriminal ay
kalaunan nahati ito Quezon). nasa Korte Soprema.
sa dalawa: ang • Ang Pangulo, sa • Ang lahat ng
Mataas na tulong ng miyembro ng Korte
Kapulungan o Pangalawang Suprema ay mga
Senado at ang Pangulo (Sergio hinirang ng Pangulo.
Mababang Osmeña), ang
Kapulungan o nagpapatakbo sa
Kapulungan ng mga lahat ng kagawaran
Kinatawan at kawanihan ng
(Kongresista). gobyerno.
• Ang mga nabibilang • Kapwa silang halal
sa lehislatibong ng buong bayan.
sangay ay mga halal
ng mga taong nasa Lahat ng mga
distritong mamumuno sa tatlong
Sergio Osmeña
kinabibilangan nila. sangay ay pawang mga
Pilipino lamang.

6
Mga Programang Ipinatupad ng Pamahalaang Komonwelt
Ang pinakaunang batas na pinagtibay ng
Pambansang Asamblea ay ang Batas ng Tanggulang
Pambansa (Commonwealth Act No.1). Ayon sa
Saligang Batas ng 1935, kailangan ito upang
maprotektahan ang estado mula sa panlabas at panloob
na panganib. Pangunahing tungkulin ng gobyerno ang
ipagtanggol ang bansa sa anumang oras at karapatan
nitong manawagan sa mamamayan na maglingkod sa
bayan sa serbisyong militar man o sibil.
Binuo ni Pangulong Quezon ang Sandatahang
Lakas ng bansa na magtatanggol sa kalupaan (Hukbong
Panlupa), sa katubigan (Hukbong Pandagat), at sa
kahanginan (Hukbong Panghimpapawid). Hinirang niya

1 si Heneral Douglas MacArthur bilang kanyang


tagapayong militar.
Ang Pagtatag ng
Tanggulang
Pambansa

Sa pamumuno ni Heneral MacArthur, nakapaloob


sa kanyang plano na magsanay ng dalawang bahagi ng
hukbo: ang mga propersyonal na sundalo na nagsilbing
regular na puwersa ng bansa at ang reserbang lakas na
binubuo ng mga kalalakihang may edad na 21 pataas.
Ngunit, dahil sa malaki ang gastos, sinanay ang
mga mag-aaral na lalaki sa mataas na paaralan sa
pamamagitan ng Preparatory Military Training or PMT
para maging handa sa panahon na kinakailangan ng
bansa.

7
Mga Programang Ipinatupad ng Pamahalaang Komonwelt

Nakasaad sa Artikulo XIII ng Saligang Batas ng


1935 na ang gobyerno ay magtatatag at magpapanatili
ng isang kumpleto at sapat na sistema ng pampublikong
edukasyon. Kaya minabuti ng Administrasyong Quezon
na mapahusay ang sistemang pang-edukasyon sa
pamamagitan ng paglikha ng Pambansang Sanggunian
sa Edukasyon (National Council for Education).
Naisabatas din ng Pambansang Asamblea ang
Education Act of 1940 na may mga importanteng
probisyon para sa repormang pang-edukasyon:
1. pag-alis sa pampitong baitang sa elementarya
2. pagtakda sa taong pampaaralan mula buwan
ng Hunyo hanggang Marso
3. libreng edukasyon sa elementarya
2 4. pagtakda sa edad na pito ang gulang ng mga
Ang Paglinang mag-aaral na pwedeng makapag-aral sa
ng Edukasyong unang baitang
Pilipino 5. pagbibigay importansya sa edukasyon sa
paglinang ng damdaming makabayan
Dati rati’y pinagtutuunan ng pansin ang buhay ng
mga bayaning Amerikano ngunit sa panahon ni Quezon,
itinuro na ang mga buhay ng mga Pilipino bayani lalo
na sa panahon ng Kastila tulad nila Andres Bonifacio,
Jose Rizal, atbp. Itinuro din ang magagandang asal,
disiplina, at mga teknikal at bokasyonal na mga gawain.
Itinatag din ni Pangulong Quezon ang Tanggapan
ng Edukasyong Pribado upang mangasiwa sa
kapakanan ng mga pribadong paaralan at ang
Tanggapan ng Edukasyong Pangmatanda upang
makabahagi ng edukasyon sa madla lalo na sa mga
matatanda.

8
Mga Programang Ipinatupad ng Pamahalaang Komonwelt
Alinsunod rin sa mga probisyon ng Artikulo XIII sa
Saligang Batas ng 1935, ang Pambansang Asamblea ay
magsasagawa ng mga hakbang patungo sa pag-unlad at
pag-aampon ng isang karaniwang pambansang wika
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Kaya,
bilang isang mahalagang sangkap ng pagsasarili,
nilayon ni Pangulong Quezon na makapili ang bansang
Pilipinas ng isang linggwaheng magbibigay ng
pagkakilanlan. Itinatag niya ang Surian ng Wikang
Pambansa (Commonwealth Act No. 184) na
pinamunuan ni Jaime C. de Veyra upang magsiyasat
sa iba’t ibang mga wika na mayroon sa Pilipinas.

3
Ang
Pagkakaroon ng
Isang Wikang
Pambansa
Ang mga pinagpilian ay ang Tagalog, Cebuano,
Hiligaynon, Kapampangan, Ilokano, Bikolano, Waray, at
Pangasinense. Nang matapos ang pagsusuri,
inirekomenda ang wikang Tagalog bilang Pambansang
Wika sa bisa ng Executive Order No. 134 dahil mas
marami ang gumagamit, mas maraming panitikan at
literatura na isinulat gamit nito, at mas madaling pag-
aralan ang sistemang balarila nito.
Naging epektibo ang pagamit ng wikang Tagalog
bilang pormal na wika ng Pilipinas noong 1939. Ang
tawag na dito ay Wikang Pilipino na naging Wikang
Filipino sa kasalukuyan. Inutos ni Pangulong Quezon
na ituro ito sa lahat ng antas ng mga paaralan.

9
Mga Programang Ipinatupad ng Pamahalaang Komonwelt
Dahil pasan ni Pangulong Quezon ang bigat ng
mga suliraning kinakaharap ng Pilipinas bilang isang
nagsasariling bansa, pinag-isipan niya nang mabuti ang
lahat ng mga hakbang gagawin upang matugunan ang
mga pangangailangan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.
Kaya, minabuti niyang magkaroon ng katarungang
panlipunan para sa ikauunlad ng bawat Pilipino.
Isinaalang-alang din niya ang potensyal ng ating bansa
sa larangan ng agrikultura. Ang iilan sa mga
programang panlipunan na kanyang isinagawa ay ang
sumusunod:
1. Ipinagkaloob sa mga magsasakang Pilipino ang mga
4 lupang sakahan para sa kanilang kabuhayan at
Ang hiraman ng salapi para sa sistemang pananalapi ng
Katarungang kanilang mga sakahan;
Panlipunan 2. Isinabatas ang Homestead Law na naging basehan
( Social sa pagpapatayo ng mga pamayanan para sa mga
Justice) magsasaka at inilikas ang maraming manggagawa
mula sa Luzon para manirahan sa Mindanao;
3. Itinatag ang Rural Progress Administration of the
Philippines para mapaunlad ang pamumuhay sa
mga probinsya;
4. Nagkaroon ng Court of Industrial Relations para
magkaroon ng hukumang susuri sa mga alitan ng
manggagawa at kapitalista;
5. Isinabatas ang kaukulang sahod ng manggagawa
(minimum wage) at ang pagtatalaga ng walong oras
sa pagtatrabaho; at
6. Itinadhana ang Public Defense Act para mabigyan
ng libreng serbisyo ng pagtatanggol sa mga
mahihirap.
Mga Programang Ipinatupad ng Pamahalaang Komonwelt

10
Ang mga kababaihan sa panahon ng Komonwelt ay
nabigyan ng pagkakataong lumahok sa iba’t ibang
pansibikong gawain tulad ng pagboto at pagserbisyo sa
gobyerno.
Alinsunod sa Artikulo V ng Saligang Batas ng
1935, kailangan magdaos ng plebisito upang malaman
ang saloobin ng mga kababaihan para sa karapatang
ito. Noong Abril 30, 1937, naganap ang unang pagboto
ng mga kababaihan na sumang-ayon sa naturang
oportunidad. Kabilang sa karapatang ipinagkaloob ay
ang pagpasok sa politika at ang pagkakataong
manungkulan sa anumang posisyon sa gobyerno.

Ang Pagtaguyod
sa Karapatan ng
mga
Si Dr. Maria Paz Mendoza ang naging pangulo ng
Kababaihan sa
Women’s Citizens League at ang nanguna sa kampanya
Gawaing
ukol sa karapatang bumuto ng mga babae.
Pansibiko

Si Carmen Planas ang unang babaeng konsehal


sa Maynila.

Si Elisa Ochoa ay naging unang babaeng nahalal


bilang kinatawan ng Agusan sa Mababang Kapulungan.
Mga Programang Ipinatupad ng Pamahalaang Komonwelt

11
Dahil sa pamumuhunan ng mga Amerikano sa
edukasyon, naging maunlad ang sining, agham, at
panitikan ng Pilipinas. Maraming mga Pilipino ang
6
nagpahayag ng mga talento nila lalo na sa balagtasan,
Ang Paglinang
sarswela, at pagsusulat ng sanaysay at maikling
ng Sining,
kwento. Sa panahon ng Komonwelt, ginawang
Agham, at
patimpalak ang iba’t ibang larangan. Nais din ng mga
Panitikan
Amerikano na maibalik ang mga katutubong sayaw at
awitin.

Sa panahon ng Komonwelt, minabuti ni Pangulong


Quezon ang pagpapagawa at pagpapahusay sa
sumusunod:
1. mga tulay at daan para mapadali ang
7
paglalakbay sa mga magkatabing probinsya;
Ang Pagpaunlad 2. mga paliparan para mapadali ang paglalakbay
sa sa mga malalayong probinsya;
Transportasyon
at
Komunikasyon

3. mga trambiya at mga linyang dinadaanan; at


4. mga himpilan ng telepono at radyo

Nang magsimula na ang pagsasarili ng mga


Pilipino, itinigil ng Amerika ang malayang kalakalan sa
pagitan ng dalawang bansa at ito’y nakaapekto sa
8
ekonomiya ng Pilipinas. Para matigil ang pag-aangkat
Ang “Made-in- ng mga produkto mula sa labas, iniutos ni Pangulong
the-Philippines Quezon, sa kanyang Proklamasyon Blg. 76, na
Product Week” tangkilikin ang sariling produkto. Mas pinaunlad din
niya ang pagluluwas ng mga produktong Pinoy at mga
hilaw na sangkap para sa ekonomikal na pagtubo.

12
Gawin Natin

Palalawakin natin ang ating puso’t isipan sa pag-intindi sa mga


mahahalagang detalye ng ating pag-aaral.

Gawain 2: Mukhang May Pakinabang

Panuto: Sa ibaba ay mga mukhang kilala sa kanilang kontribusyon sa


Pamahalaang Komonwelt. Tukuyin ang kanilang katungkulan sa
pamamagitan ng pagsasayos ng nagkahalo-halong mga parirala. Buuin ang
pangungusap sa sagutang papel. Nakasalungguhit ang unang parirala sa
pangungusap.

Mga Personalidad Mga Katungkulan sa Pamahalaang Komonwelt

na may layuning ang Surian ng Wikang Pambansa


Pinamunuan niya pumili ng Pambansang Wika.

__________________________________________________
__________________________________________________

bilang tagapayong militar ng pangulo Tumayo siya


para sa reserbang lakas. at nagsanay sa kalalakihan

__________________________________________________
__________________________________________________

ang lahat ng suliranin Hinarap niya ng Pilipinas.


bilang Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt

__________________________________________________
__________________________________________________

13
karapatang bumoto ng mga kababaihan.
Pinangunahan niya ang kampanya para sa

_________________________________________________
__________________________________________________

ng mga adhikain ng gobyerno. sa pagpalaganap


bilang pangalawang pangulo Tumulong siya

__________________________________________________
__________________________________________________

Sanayin Natin

Kailangang mapagtibay mo ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng isa


pang pagsasanay. Kakailanganin natin ng mas matinding pagsusuri para
maiugnay ang mga konsepto mula sa nakaraan patungo sa kasalukuyan.

Gawain 3: Mula Noon Hanggang Ngayon

Panuto: Ihambing ang Pamahalaang Komonwelt sa sistema ng pamamahala


ng mga Espanyol at sa kasalukuyang gobyerno sa Pilipinas. Kopyahin ang
tsart sa baba at lagyan ng bituin sa tamang hanay.

14
Mga Karanasan Espanyol Komonwelt Kasalukuyan

1. Ang babae ay pwedeng


bumoto ng pinuno.
2. Anim lang ang baitang
sa elementarya.
3. Mayroong sariling
Wikang Pambansa.
4. Libre ang pag-aaral sa
mababang paaralan.
5. Mayroong pangulo at
pangalawang pangulo.
6. May telepono at radyo
para sa madla.
7. May halalan na
ginaganap sa bansa.
8. Maaaring tumakbo ang
babae sa kongreso.
9. Ang bansa’y nasa
ilalim pa rin ng
kolonyalista.
10. May paliparan para
sa paglalakbay.

15
Tandaan Natin
Tunghayan natin sa ibaba ang balangkas ng ating aralin tungkol sa
Pamahalaang Komonwelt.

Pamahalaang Komonwelt
Ang kapangyarihan ay
ipinamamahagi sa:
Nakasaad dito
ang gabay sa
pamamahala: Ehekutibo Lehislatibo Hudisyal
Saligang Batas ng Binubuo ng Ang
1935 mga Korte
senador at Suprema
kongresista
Naging posible
dahil sa
probisyon ng:
Ang Pangulo ng
Batas Tydings- Pilipinas ay ang
McDuffie ng 1934 “kapitan ng barko” na
maghahatid sa bansa
sa landas ng
Manuel Quezon kasarinlan.

Tanggulang Sistema sa Wikang Katarungang


Pambansa Edukasyon Pambansa Panlipunan
Paghahanda Nilinang ang Pagpili sa Programang
sa depensa pundasyong Tagalog bilang pangkabuhayan
sa tulong ni isip ng mga wikang opisyal para sa ikauunlad
General Pilipino ng Pilipino
McArthur

Karapatan ng Paglinang sa Pag-unlad ng Linggo ng


Kababaihan Sining, Transportasyon Produktong
Agham, at at Pilipino
Binigyan ng
Panitikan Komunikasyon Hinikayat
pagkakataon
lumahok sa Nagpatimpalak Naging mas ang Pilipino
pansibikong para mas maunlad ang na
gawain ang maraming kalakalan at tangkilikin
mga babae talentong Pinoy pakikipag-ugnayan ang gawang
na maipakita lokal
16
Suriin Natin

Upang mas lalong mapaigting ang mga kaalaman, subukin pa natin


ang ating kakayahang masuri ang mga kaganapan sa ating kasaysayan.

Gawain 4: Palaisipang Pagpapares


Panuto: Buuin ang mga pares sa sumusunod na analohiya. Hanapin ang
hinahanap na konsepto sa mga salitang nakasulat sa loob ng kahon. Isulat
lamang ang letra sa sagutang papel.

a. Tagapagbatas d. Proklamasyon Blg. 76

b. Surian ng Wikang Pambansa e. Paliparan

c. National Council for Education f. Agusan

Douglas MacArthur : Tanggulang Pambansa


1.
Jaime C. de Veyra : ________________________________

Unang Babaeng Konsehala : Maynila


2.
Unang Babaeng Kongresista : ________________________________

Tagapagpaganap : Ehekutibong Sangay


3.
________________________________ : Lehislatibong Sangay

________________________________ : Linggo ng Produktong Pilipino


4.
Executive Order No. 134 : Pagpili sa Wikang Pambansa

Magpapadali sa paglalakbay sa
: ________________________________
malalayong lugar
5.
Magdudugtong sa karatig lugar : Tulay

17
Payabungin Natin

Linangin natin ang lahat ng natutunan mo sa araling ito. Sa


pamamagitan ng gawaing ito, mas mapalalim pa ang iyong pagkakaintindi
tungkol sa mga nangyari sa panahon ng Komonwelt.

Gawain 5: Lakarin Ang Daang Tinahak

Panuto: Sagutin ang tanong na ito. “Kung ikaw ang naging pangulo ng
Pamahalaang Komonwelt, ano ang gagawin mo?” Magbigay ng 2-3
suhestiyon kung paano mo patatakbuhin ang pamahalaan. Ipaliwanag ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Hindi ko alam ang mangyayari


bukas pero gagawin ko ang
lahat ng makakaya ko para sa
Pilipinas. Ikaw, ano ba ang
gagawin mo kapag ika’y “nasa
sapatos” ko?

GABAY SA PAGPUPUNTOS

NILALAMAN:

5 Malinaw ang mga konseptong


inilalarawan sa paliwanag.
3 Hindi malinaw ang mga konseptong
inilalarawan sa paliwanag.
1 Malayo ang punto ng sagot.

DISENYO AT KALINISAN:
5 Maayos ang presentasyon.

3 Hindi gaano maayos ang


presentasyon.
1 Hindi maayos ang presentasyon.

18
Pagnilayan Natin

Ang karanasan ng Pilipinas sa panahon ng Komonwelt ay isang


magandang simula para sa sistemang panggobyerno. Nagmistulang “on-the-
job training” ito ng mga Pilipino sa isang pansibikong gawain na kailangan
magampanan sa harap ng nagbabagong mundo. Sa pamamagitan ng
pagkakataong ito, tayo ay natutong tumayo sa sarili nating mga paa at
natutunan natin kung paano harapin ang mga suliranin ng isang
nagsasariling bansa. Magpasalamat tayo sa ating mga ninuno lalo na sa
kanilang mga katalinuhan at pagpupursigi upang magkaroon ng matibay na
pundasyon ang Pilipinas bilang isang bansa.

Hindi natin mararating ang ating kasalukuyang sistemang


panggobyerno kung wala rin ang Saligang Batas ng 1935. Sa katunayan, ang
konstitusyong ito ay pinagtibay noong 1943, ginamit hanggang 1971, at
naging inspirasyon ng sumunod na mga konstitusyon. Dapat alam natin na
halos lahat ng probisyon sa ating kasalukuyang Konstitusyon ng 1987 ay
hinango mula sa pinakaorihinal na saligang batas lalo na Bill of Rights na
naging sandigan na ng sambayanang Pilipino. Pati ang mga programang
ipinatupad sa panahon ni Quezon ay nagsilbi ring giya sa paggawa ng mga
programang panlipunan.

Marami tayong dapat ipagpasalamat sa impluwensiya sa atin ng


mga Amerikano. Kahit lumisan na sila, ang kaalamang pang-gobyerno at iba
pang mga kaalaman ay ating pinahahalagahan. Sa pagtatapos ng modyul na
ito, ika’y aking tatanungin. Nanaisin mo bang nasa panahon pa rin tayo ng
pamahalaang Komonwelt na kung saan nandiyan pa rin ang mga mananakop
na Amerikano na gumagabay sa atin? Ang sagot ay nasa inyong puso’t isipan
kaya patuloy sa iyong paglalakbay!

19
20
Subukin Natin Sanayin Natin
1. tanggulang pambansa
2. minimum wage
3. wikang pambansa
4. saligang batas
5. Homestead Law
Gawin Natin
1. Pinamunuan niya ang Surian ng
Wikang Pambansa na may layuning
pumili ng Pambansang Wika.
2. Tumayo siya bilanag tagapayong
militar ng pangulo at nagsanay sa
kalalakihan para sa reserbang
lakas.
3. Hinarap niya bilang Pangulo ng
Pamahalaang Komonwelt ang lahat
ng suliranin ng Pilipinas.
4. Pinangunahan niya ang kampanya
para sa karapatang bumoto ng mga
kababaihan.
5. Tumulong siya bilang pangalawang
pangulo sa pagpalaganap ng mga
adhikain ng gobyerno.
Suriin Natin
1. b
2. f
3. a
4. d
5. e
Payabungin Natin
Answers may vary.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Antonio, E.D. (2017). Kayamanan: Batayan at Sanayang Aklat sa


Araling Panlipunan. Sampaloc, Manila: Rex Book Store.

Baisa-Julian, A.G. & Lontoc, N.S. (2017). Bagong Lakbay ng Lahing


Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House.

Presidential Communications Operations Office. The 1935


Constitution. Retrieved from
https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/the-1935-
constitution/

(2015). Kababaihan sa Panahon ng Komonwelt. Retrieved from


https://www.slideshare.net/jetsetter22/kababaihan-sa-panahon-ng-
komonwelt

21
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Davao City

Quirino Avenue, Davao City

Telefax: (082) 224-0100

Email Address: info@deped-davaocity.ph

You might also like