Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pagkwekwento ng Kakaibang Karanasan: Magbahagi ng pagsasalaysay tungkol sa isang kakaibang

karanasan na iyong naranasan. Maaring ito ay isang paglalakbay, karanasang pangkultura, o anumang hindi
pangkaraniwang pangyayari.

Gamitin ang PDF FILE / MS WORD at pagkuha ng larawan na maaring isumite sa gawain

na ito.

Ito ay aking karanasan noong 2022, ako ay nahilig sa pagbabike noon dahil nasa
kalagitnaan parin tayo ng ECQ. Nakasanayan ko na kapag mag aalas singko na ng hapon
ay magbabike ako para nadin magpahangin at makita din ang sunset at ang lagi kong
pinagbabike-an ay ang kahabaan ng c6 simula sa keneth talipapa na malapit dito sa amin
haggang san Lorenzo at tansya ko ay mga nasa 2 o 3 kilometro ang layo at ito ay
karaniwang natatapos ko ng 30 minuto. Isang araw non ng ako na ay nagbabike sa
kahabaan ng c6 ay maayos naman ang mga unang nangyayari, malamig na hangin at
Magandang sunset ang bumungad sa akin ngunit nung mag aalasais na ay nag pasya ako
na ikutin ulit yung kahabaan ng c6 at sinimulan ko sa keneth talipapa ngunit sa oras na ito
dito na mangyayari ang kakaibang karanasan ko. Nagsimula ito nung may Nakita akong
sasakyan ng mga kapulisan, ganun parin ang ginagawa ko pedal lang ng pedal at dinadama
ang lamig ng hangin ngunit maya maya napapansin ko halos nasa 30 minutos na ako ng
pagbabike at di ko parin nakikita ang dulo na karaniwan ay nakikita ko na, kaya naman
mas binilisan ko pa ang pagpadyak ko dahil Narin sa gabi na, 15 minuto ang lumipas at
hindi ko parin nakikita ang dulo kaya naman nalilito nako at pumasok nadin sa isip ko na
baka naliligaw ako ngunit hindi yun maaari dahil ang kahabaan ng c6 ay dire diretso lang
kaya naman hindi maaari na magkamali ako ng daan kaya naman naisipan ko na ng mga
oras na yun na bumalik nalang at hindi na tapusin hanggang dulo at ito na nakabalik ako
ng keneth talipapa ng halos 15 minuto lang at Nakita ko padin yung sasakyan ng kapulisan
nung gabing iyon. Umuwi na ako agad pagkatapos nun at kwinento ko sa aking magulang.
C6 road

You might also like