Ipinagdiriwang NG Mga Muslim Ang Ramadan Dahil Inaalala Nila Ang Unang Beses Na Pagkikita NG Anghel Na Si Gabriel at Propeta Muhhamad

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Isinasagawa o ipinagdiriwang ng mga Muslim ang Ramadan dahil inaalala nila

ang unang beses na pagkikita ng anghel na si Gabriel at Propeta Muhhamad. Pagpatak ng


ikasiyam na buwan ng kalendaryong Islam, sila ay nag-aayuno o fasting. Nagsimula ang Duyog
Ramadan sa komunidad na may ibang relihiyon sa muslim, ito’y ginaganap kapag panahon ng
pag-aayuno o pagsasalo-salo sa pagkain. Ang ganitong uri ng tradisyon ay sinimulan ng Muslim
at Kristiyano sa Mindanao. Ang salitang “duyog” ay nangangahulugang “pagsama”. Sa panahon
ng pananakop ng Espanyol, ginamit sa komunidad ng Muslim ang relihiyon, upang hatiin ang
mga Pilipino at mas mapadali ang pagsakop nila dito. Pinaigting ng mga Espanyol ang
pagpapalaganap ng mapanghating kaisipan laban sa mga Moro kahit pa sila ay magkakalahi at
may minimithing Kalayaan.

Umabot pa ang mga tropang Amerikano sa pagmasaker ng libo-libong


mamamayang Moro mapasok lamang ang teritoryo at makuha ang likas na yaman ng bansa.
Hinati ng Gobyerno ng Amerika ang mamamayan ng Mindanao sa dalawang pangkat, ito ay ang
“sibilisado” at “di sibilisado”. Noong 1913, walang-awang pinatay ng Bud Bagsak ang libo-
libong kabataan at kababaihan, maging ang mga may tungkod ay ‘di nila pinalampas. Ang
masaker na ito ay nagtulak sa maraming mamamayan ng Amerikano na tuligsain ang gobyerno at
pagtataguyod nito ng imperyalismo, kabilang ang kilalang manunulat na si Mark Twain.

Ang Duyog ay nagsisilbing daan upang magkaisa ang Muslim at Kristiyano. Iisa
lang din ang layunin ng dalawang pangkat na ito, makamit ang kalayaan.

You might also like