3rd PT in Filipino 4

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

HSL – BRAILE COLLEGE, INC.

26C Durian Extension, Pag-asa Avenue, Barangay Katuparan, Taguig City


Approved for reproduction
PANGATLONG PAMPANAHUNANG PAGSUSULIT SA
FILIPINO- IKAAPAT NA BAITANG
SY 2019-2020
Pangalan: Antas/Pangkat:
Guro: Petsa: Lagda ng Magulang:

I. Pagpili-pilian: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat sa patlang ang malaking letra ng tamang sagot.
_____1. Alin sa mga sumusunod na pandiwa ang nasa aspektong naganap.
A. nagkabisado B. nagkakabisado C. magkakabisado D. magkabisado
_____2. Kinagat ng daga ang pagkain na tinago __________. Ano ang panghalip na maaring idugtong sa pangngusap?
A. kami B. ko C. ikaw D. sila
_____3. Ang aming punong-guro ay mahaba ang pasensya. Anong anyo ng pangngalan kabilang ang salitang may salungguhit?
A. payak B. maylapi C. tambalan D. inuulit
_____4. Saan kayo mamamasyal ngayong darating na pasko? Anong aspekto ng pandiwa kabilang ang salitang may salungguhit?
A. naganap B. nagaganap C. magaganap D. nangyari
_____5. Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng inuulit na anyo ng pangngalan?
A. bituin B. usap-usapan C. punong-barangay D. kabundukan
_____6. Piliin sa mga sumusunod na salita ang HINDI pandiwa.
A. nagbubura B. nagwawasto C. napakaganda D. nagpapalipad
_____7. Nagtaka ako kung _______ ang nakaiwan ng bag na ito. Ano ang panghalip pananong na wastong ilagay sa
pangungusap?
A. ano B. kanino C. nino D. sino
_____8. Ang magkaklase ay bumuo ng sayaw para sa Pagdiriwang ng Pasko. Ano ang wastong panghalili na
panghalip panao sa salitang may salungguhit?
A. kami B. kayo C. sila D. nila
_____9. Paano ang kailanan ng panghalip na kanila?
A. isahan B. dalawahan C. tatluhan D. maramihan
_____10. Si Berto ay umakyat sa puno ng bayabas kahapon. Tukuyin ang uri ng panlapi mayroon ang salitang may
salungguhit.
A. unlapi B.gitlapi C. hulapi D. kabilaan
_____11. Isalin sa aspektong naganap ang pandiwa na takbo?
A. tumakbo B. tumatakbo C. takbo D. tatakbo
_____12. Laging nagsusuklay ng buhok si Ara. Anong aspekto ng pandiwa kabilang ang may salungguhit na salita?
A. naganap B. nagaganap C. magaganap D. nangyari
_____13. Paano ginagamit ang panghalip pananong?
A. Panghalili sa ngalan sa paraang patanong. C. Pantukoy sa ngalan na tinuturo
B. Panghalili sa ngalan ng tao. D. Panaklaw sa kalahatan, dami o kaisahan ng ngalan.
II. A. Pagkilala: Surrin ang anyo ng sumusunod na mga pangngalan. Isulat ang P kung payak, M kung maylapi, I kung
inuulit at T kung tambalan sa patlang.
_______ 1. laki _______ 5. tagu- taguan
_______ 2. maya-maya _______ 6. anak-pawis
_______ 3. Balik-bayan _______ 7. malaki
_______ 4. magsasaka _______ 8. laya
II. B. Pagkilala: Tukuyin ang wastong panghalip panauhin na gagamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Bilugan
ang wastong panghalip sa loob ng saklong.
1. Labhan na (inyo, ninyo) ang inyong labahan.
2. Dadaan (namin, kami) riyan sa pansitan ninyo.
3. Saan kaya (tayo, natin) makakabili ng gamit para sa ating proyekto?
4. Kinagat ng daga ang aklat (ko, akin).
5. Sa (amin, natin) magaganap ang pagpupulong.
6. Nagsabi (nila,sila) sa akin na mahuhuli sila sa byahe.
7. Inamin (sila, nila) ang kanilang pagkakamali.
8. (Ikaw, Ka) ba ang kumuha ng bolpen ko dito?
9. Hinawakan (niya,siya) ang Christmas Tree kaya naputol ito.

Iskor:_________ Katumbas:___________
P2 FILIPINO G4
III. A. Pagtutumbas: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Punan ng wastong panghalip pananong ang patlang upang
mabuo ang pangungusap.
1. Hindi pa ako makapagdesisyon kung _________ ko ibibigay ang luma kong sapatos.
2. _________ ang kaibigan mo sa loob ng silid-aralan?
3. Sinabi ni Allan sa akin kung _________ ang paborito niyang gawin tuwing araw ng Sabado.
4. Nakapili na ako kung _______ sa dalawang bola ang gagamitin ko sa laro.
5. Sa dalawang batang nakatayo, ________ diyan ang mas matangkad?
6. ________ mo gusto pumunta, sa Lolo mo o sa Tiya mo?
7. Alam na alam na ng aking ina kung _______ ang paborito kong pagkain na niluluto niya.
8. ________ sa dalawang regalo ang gusto mong buksan?
III. B. Pagtutumbas: Tumbasan ng wastong panghalip na pamatlig ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang dito, diyan
at doon sa patlang.
1. Narito kami ngayon sa Baguio kasama ang aking mga kaklase, malamig ________.
2. Ang aming lalawigan ay sa Bikol, _________ matatagpuan ang Bulkang Mayon.
3. _______ sa Ocean Adventure matatagpuan ang mga dolphin.
4. _______ sa bahay na iyan nakatira ang aking paboritong Ninang.
5. Sa mall na ito kami magkikita ng aking pinsan, _______ kami mamimili ng laruan.
6. _______ mo ilagay ang mga maduming damit.
7. Sa kanto na iyon nakatira ang mabait kong Tiyahin. ________ ako lagi nakikipaglaro.
8. Mayaman ang kultura _______ sa Pilipinas.
9. _______ sa palengke na iyan makakabili ng mga magagandang bulaklak.
10. Sa lupang tinatayuan natin ngayon, _______ dati nakatayo ang pinakamataas na gusali sa ating lalawigan.
11. Sa Quezon City nakatira ang mga kapatid ko, lagi akong pumupunta ________.
IV.A. Pagtatala: Magtala ng wastong kasagutan sa bawat bahagi ng graph. Ihiwalay ang salitang-ugat sa panlapi.
Uriin kung ito’y unlapi, gitlapi, hulapi o kabilaan.

Salitang-ugat Panlapi Uri

1. batayan

2. tumawag

3. sinulat

4. mahalin

5. pahiram

IV.B. Pagtatala: Isulat sa patlang ang mga panghalip na panao bilang panghalili sa mga salitang may salungguhit.(2puntos
bawat isa)
1. Ang mga magkaklase ay nagbabasa sa silid-aklatan.
__________________ ay naghahanda para sa pampanahunang pagsusulit.
2. Si Ram ay hindi sumusunod sa otos ng kanyang magulang.
__________________ ay laging napapagalitan.
3. Si Ada at ako ay sasama sa lakbay-aral sa Sabado.
__________________ ay pupunta sa Ocean Adventure.
4. Si Maria, Jacob at ikaw ang maglilinis ng silid-aralan ngayon.
__________________ ay mag-aayos at magtatapon ng mga kalat.
5. Ikaw at ako ang pagpipilian kung sino ang mananalo sa patimpalak.
__________________ ay makinig ng mabuti sa resulta.
V. Isulat: Sumulat ng dalawang pandiwa sa sumusunod na bilang. Gamitin ito sa pagbuo ng pangungusap. (3 puntos bawat
isa)
1. ________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
2. ________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Inihanda ni: Bb.Mary Anne G. del Mundo.

You might also like