Ako si Salome isang dalagang naninirahan sa isang simpleng kubo at
may kakayahang manahi ng kasuotan. Sabi nila kalugod-lugod akong tingnan sapagkat nasa akin ang kariktan ng kabataan, at taglay ko ang mga matang marikit, ilong na katamtaman ang laki, at isang bibig na maliit, subalit isang kagandahan na hindi agad umaakit ng paningin saunang pagkakita. Nasa dako ako ng pantalan habang nananahi kung saan kasama ko ang mga mga itik, mga pabo, at mga kalapati na sinisimot ang mga butil ng palay at mais na nakakalat sa isang lugar na tila patyo. Hinihintay ko ang aking matalik na kaibigan na si Elias , kaibigan nga ba? Hindi, dahil higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya. Sa pagdating ni Elias nagliwanag ang aking mukha at nakaramdam ng mumunting kasiyahan. Kwinento ni Elias ang tungkol sa kaniyang pinuntahang pagdaraos ni Senor Ibarra kung saan akoy’ biglang nakaramdam ng lungkot at napatungo nalamang habang tahimik na lumuluha habang si Elias ay nakatitig sa ulap. Binasag ni Elias ang katahimikan ng namaalam siyang aalis na ngunit nakita niya ang aking pagluha at ninais na itanong kung bakit Sumagot akong malapit na ang aking paglisan sa lupang aking sinilangan at kinalakihan sapagkat ako ay uuwi na ng Mindoro kung saan mamumuhay akong kasama ng aking mga kamag-anak at ng madali kong mabayaran ang utang na naiwan ng aking namayapang ina. Si Elias ay nanatiling nag-iisip pagkatapos ay hinawakan ang aking kamay at puspusang nakatitig sa aking mga mata na nagtanong na bakit ako’y parang umiiwas. Tumugon ako na kung dati’y gabi at umaga lamang ang mahalaga sa akin ngayon ay mas higit ang hapon dahil sa oras na ito kami ay laging magkasama.