Professional Documents
Culture Documents
Lalaki Sa Dilim
Lalaki Sa Dilim
TAUHAN
➢ Rafael Cuevas- eksperto at doktor sa mata, ang lalaki sa dilim na gumahasa kay Ligaya
➢ Don Benito- Ama ni Rafael
➢ Ligaya- biktima sa panggagahasa ni Rafael at Ina ng anak ni Rafael
➢ Margarita- unang asawa ni Rafael na nagtaksil sa kaniya
➢ Nick Cuerpo- matalik na kaibigan ni Rafael
➢ Marina Cuerpo- legal na asawa ni Nick
➢ Aling Sela- Ina ni Ligaya
➢ Seto- kapatid ni Ligaya
BANGHAY
➢ Simula
Kinakausap ni Don Benito ang kaniyang anak na si Rafael Cuevas ukol sa nalalapit nitong kasal
nina Margarita habang sila ay nasa sala. Nais nitong magbago na ang kaniyang anak mula sa mabisyo
nitong buhay. Sa kalagitnaan ng kanilang usapan ay biglang tumawag ang kaibigan ni Rafael na si Nick
na nagyayayang lumabas. Hindi alam ni Rafael na stag party sa isang night club ang pupuntahan nilang
magkakaibigan. Sa kanilang kasiyahan ay may nakainitan ang grupo nina Rafael na nagdulot ng
pagkagulo sa pook-inuman na ito. Rumesponde ang kapulisan upang itigil ang kaguluhan sapagkat
walang bouncer ang tumugon. Sa takot ni Rafael na mahuli ng pulis ay dali-dali itong tumakas at
sumakay sa taxi. Ayaw niyang madungisan ang kaniyang pangalan lalo na ng kaniyang Ama.
➢ Saglit na Kasiglaan
Sa kaniyang pagtakas ay kung saan na siya nakarating hanggang sa napadpad siya sa isang hindi
pamilyar na lugar. Sa kaniyang pagtungo ay nakita niya ang mag-inang lumabas sa isang bahay, kaya
ay pumasok siya rito. Sa kaniyang pagdako ay nakita niya ang isang dalaga na may magandang katawan
at itsura. Dulot ng kalasingan ay nag-init si Rafael at pinagsamantalahan ang dalagang si Ligaya habang
siya ay nag-iisa. Sa kaniyang pagkatino ay napagtanto niyang bulag pala ito. Natauhan si Rafael at
binabagabag ng kaniyang konsensiya nang malaman niya ang kondisyon ng dalaga. Upang mahugasan
ang kasalanang nagawa, nag-iwan siya ng salaping may halagang 50,000.00 upang panggamot sa mata
nito. Bumalik muli si Rafael sa tahanan ni Ligaya matapos ang ilang araw at nagpaabot ng mensahe na
naglalaman ng pag-amin sa kaniyang kasalanan sa dalaga sa pamamagitan ni Seto. Nang
makapagdesisyon na si Ligaya upang ipagamot ang kaniyang mata ay tumungo sila sa isang klinik, at
wala silang alam na ito’y pag-aari ni Rafael. Nahinuha niya na maaaring magamot ang pagkabulag ng
dalaga, bilang siya ay isang eksperto sa mata. Kalaunan ay nalaman niyang buntis ito.
LALAKI SA DILIM
Ni: Benjamin Pascual
➢ Tunggalian
Sa kabila ng pagkakamaling ito ni Rafael ay natuloy ang kasal nina ni Margarita. Nang una ay
maayos naman ang kanilang pagsasama hanggang sa nakita ni Rafael na magkasama sina Nick at ang
kaniyang asawa sa isang kapehan. Nilapitan niya ang dalawa at tinanong, samantalang ang depensa nila
ay nagkita lamang sila kaya ay ipinagwalang bahala ito ni Rafael. Sunod na paghinala niya ay nang
madatnan niyang masayang nag-iinuman ang dalawa sa sarili nilang tahanan. Sunod naman ay nang
nahuli niyang pumunta ang dalawa sa isang hotel. Dito na nagsimula ang pag-aaway ng mag-asawa at
nagsimula na silang matulog sa magkaibang kwarto. Sa kabila ng gusot na ito ay nawawala ang
problema ni Rafael sa tuwing nasisilayan niya ang kaniyang anak kay Ligaya na si Rafael Jr.
➢ Kasukdulan
Binista ni Rafael sina Ligaya at ang kaniyang anak upang kumustahin ang lagay ng kaniyang mag-
ina ngunit nasundan siya ni Margarita. Doon ay binastos niya sa Ligaya kaya naman ay agad inuwi ni
Rafael ang asawa. Sila ay nagtalo at tuluyan na ngang tinuldukan ang kanilang relasyon. Dahil may
relasyon sina Nick at si Margarita, nakipaghiwalay si Marina kay Nick dahil sa panloloko ng lalaki. Sa
kanilang paghihiwalay ay kinuha ni Nick ang kanilang mga anak mula sa panig ni Marina na siyang
ikinagalit nito. Pumaroon siya sa dako ni Nick upang pag-usapan sana ang isyung ito ngunit walang
nahanap si Marina sa presensya ni Nick. Agad naman siyang kumuha ng baril at tinakot ang lalaki.
Nguit sa kasamaang palad ay nakagawa ng krimen si Marina at napatay nito sina Nick at Margarita.
➢ Kakalasan
Namatay si Don Benito kapo-problema sa hindi magandang kalagayan ng kaniyang anak. Hindi
niya ito kinaya sapagkat hindi niya inaasahan ang mga pangyayari. Nabalitaan naman ni Rafael ang
pagkamatay ng kaniyang dating asawa at kaibigan. Ang krimen ay nangyari sa isang hotel at suspek si
Marina. Sa paglipas ng panahon ay nakapag-ipon na ng lakas-loob si Rafael upang umamin kay Ligaya
na siya ang lalaki sa dillim, ang gumahasa kay Ligaya at ang nagbigay ng pera kapalit ng kaniyang
pagkasala.
➢ Wakas
Nagulat man sina Ligaya at Aling Sela, napatawad at natanggap nila si Rafael sapagkat nakita nila
ang kaniyang pagbabago at sinseridad nang magkaroon siya ng anak. Sa panahon ng hamon para kay
Rafael ay nakatagpo siya ng pahinga at tahanan sa piling ni Ligaya. Nais din niyang magpakasal silang
dalawa at sila’y naging masaya sa kanilang pagsasama.
SULIRANIN
➢ Ang karahasang naidudulot ng masamang pagnanasa na buhat pa sa pagkalulong sa bisyo.
➢ Ang pagpapanaig sa tusko ay nakasisira ng iba’t ibang relasyon.
➢ Paggawa ng kasalanan dahil sa pagkabulag sa galit.
➢ Pagnanasa sa mga bagay na hindi sa iyo.
➢ Maling pagpili ng kaibigan.
LALAKI SA DILIM
Ni: Benjamin Pascual
TEMA
➢ Pag-ibig ➢ Pagpapakumbaba
➢ Pagbabago ➢ Kataksilan
➢ Pag-asa ➢ Karahasan