Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
Mindanao

SOSYALEDAD AT
LITERATURA
Toolkit sa 2GED-FIL03

Prop. Rachel C. Payapaya


Fakulti, FTD
LINGGO 5

Panitikan na Pumapaksa sa Kahirapan at Karapatang Pantao

Ang mga akda nina Axel Alejandro Pinpin, Stum Casia, Ericson Acosta, Pia
Montalban at iba pang mga aktibista ay pawang tumatalakay sa paksa ng
Karapatang Pantao. Samantala, ang mga nobela ni Lualhati Bautista tulad ng “Dekada
70”, “Gapo” at “Desaparesidos” ay tumatalakay din sa katulad na paksa. Sa musika
naman, ang mga awit nina Heber Bartolome, Paul Galang, Jess Santiago, Levy Abad Jr.,
Danny Fabella at Empiel Palma at marami pang iba ay dokumentasyon din ng mga isyu
tungkol sa Karapatang Pantao.
Sa pelikula naman, ilan sa mga nagawa ni Lino Brocka tulad ng “Bayan Ko, Kapit
sa Patalim” at “Ora Pronobis” ay salamin ng kalagayan ng Pilipinas sa panahon ni
Marcos. Ilan lamang ito sa mga akdang pampanitikan na nagtataguyod ng Karapatang
Pantao upang mamulat ang sambayanan sa kalagayan ng lipunan.
Samantala, naglabas din sina Rom Dongeto, Noel Cabangon at Rene Boncocan
ng bagong awit ng Buklod pagkalipas ng mahigit na 20 taon. Ang awit ay naglalaman ng
obserbasyon ni Rom Dongeto sa kalagayan ng lipunan sa kasalukuyan:

Mga halimbawa:

1. Pagbabagong Nagbabago
Musika at Titik ni Rom Dongeto (2018)
Buklod

Kanina lang umaga


Nadaanan ko ang pila
Mga lumang sasakyan
Hinuhuli sa daan
E, biglang tumigil ang tren
Nasira na naman
Bulok na nga ang sasakyan
Bulok pa ang patakaran

Tumambay dun sa kanto


Nasilip ko sa diyaryo
Ang ating teritoryo
Ibinigay na sa Tsino
Ang sabi ng Palasyo
Utang ng loob ito

23
Wag tayong magreklamo
Para sa ‘ting pag-asenso

Oh pagbabago
Oh nagbabago
Ano’ng klaseng pagbabago
Ito ba ang gusto mo?

Ang presyo ng bilihin


Maya’t maya tumataas
Ano’ng silbi ng TRAIN
Kung sweldo’y walang gain
Tatlong buwan ang pangako
Korupsiyon ay hihinto
Yung droga at ang Endo
Ano ba ang totoo?

Ang gusto ng Pangulo


At mayorya sa Kongreso
Baguhin ang gobyerno
Federalismo na tayo
Ngunit ano ang dahilan
Ng gulo at kahirapan
Porma ba ng pamahalaan
O namumunong kawatan?

Ginugulat ang mga tao


Wag kang malilito
Lahat pinatatahimik
Ang Martial Law ay ibinalik
Tayo ay hinati-hati
Tinatakot, ginagalit
Ang totoo ay sinusupil
Ang wasto’y minamali

Wag kang magalinlangan


Kakampi mo ang kasaysayan
Kung yuyurakan ang karapatan
Karapatan din ang lumaban
Noon ay nagka-EDSA
Bumagsak ang diktadura
Lahat ay kayang-kaya
Kung tayo ay iisa

24
(Mapapanuod ang live performance ng Buklod sa awit na “Pagbabagong Nagbabago”
sa https://www.youtube.com/watch?v=DzSwohulqP4 )

2. Sumpa at Pangako
(Kislap – Kuwentong Isang Iglap o Flash Fiction ni Abdon Balde Jr.)

3. Tanaga ng makatang si Mark Angeles

Nangalampag ang ostrich


Sa pagsargo ng COVID.
Sumama pati kambing
Nang PhilHealth ay mabuking.

25
4. Lockdown Series: Buhay-Guro (bilang 26)
Joel Costa Malabanan

Apat na oras din ang ginugol ni Prof. Catherine delos Reyes para maihanda ang video
sa kanyang asynchronous online teaching sa 23 niyang mag-aaral. Maganda ang paksa
niya tungkol sa Gender and Development, Feminism at RA 7877 o Anti-Sexual
Harrassment Law. Angkop na angkop ito sa mga mag-aaral niyang first year college na
puro babae pa naman na kumukuha ng kursong Understanding the Self.

Sa screen ay naka-online lahat ng 23 estudyante at kampante siyang nanunuod at


nakikinig lahat ng kanyang mga mag-aaral. Ngunit nang mga oras na iyon, iba ang
nagaganap sa bahay nina Anna, ang pinakatahimik sa buong klase.

“Tumahimik ka!
“Uncle, huwag po!

Ang lipunang patriyarkal


Nais baguhin, ibuwal;
Pananakit na pisikal
At pang-aabusong sekswal!

5. Lockdown Series: Buhay-Guro (bilang 40)


Joel Costa Malabanan

Desperado na si sir Jimmy. Dalawang buwan na siyang walang sweldo dahil sa


lockdown at walang katiyakan kung magbubukas pa ang private school na kanyang
pinagtuturuan. Wala sa listahan ang pangalan sa mga mabibigyan ng Social
Amelioration Program ng gobyerno dahil nakasagutan niya ang Kapitan ng barangay.
Kamag-anak pala nito ang isinireklamo mo niyang nagtatapon ng basura sa kanilang
bakuran. Naka-confine sa ospital ang asawa niyang tinamaan ng Covid 19 at kanina ay
may lagnat din ang 5 taong gulang niyang anak na naiwan niya sa bahay.

At ngayon, napaliligiran siya ng mga pulis dahil sa mga grocery items na itinakas niya
matapos na hindi niya mabayaran.

“Sumuko ka na!”, ang sabi ng isang pulis nakatutok ang baril limampung metro mula sa
kinaroroonan niya.

“Bitiwan mo ang hawak mo at itaas mo ang iyong mga kamay!”, ang sabi naman ng isa
pang pulis na nasa kabilang direksyon naman.

Hindi kumibo si sir Jimmy at akmang may kukunin sa kanyang clutch bag.

Bang! Bang! Bang!

26
Tatlong bala ang agad tumama sa katawan ni sir Jimmy. Mahigpit ang hawak niya sa
kaliwang kamay ang PRC ID na nagpapatunay na isa siyang guro.

“Bakit mo binanatan agad?”, ang sabi ng isang pulis.


“Akala ko ay terorista!”, ang sabi ng bumaril.

Sa Anti-Terrorism Bill
Pag ang pulis ay nanggigil
Ang hinala’y di napigil
Kahit sino’y masisingil!

Mga Karapatang Pantao Sa Larangan Ng Pamamahayag at Sa Larangan ng


Panitikan ni Efren R. Abueg
https://ejournals.ph/article.php?id=10234

Paglilinaw sa mga Prinsipyo at Konsepto ng Karapatang Pantao


https://www.youtube.com/watch?v=rRCy4YQWXv8

Video: Prinsipyo at Konsepto ng Karapatang Pantao


https://www.youtube.com/watch?v=rRCy4YQWXv8

“Karaniwang Tao” ni Heber Bartolome sa


https://www.youtube.com/watch?v=NhDYyQTaf7Y

Locdown Series Buhay-Guro Blg. 40” ni Joel Costa Malabanan sa


https://www.facebook.com/search/top/?q=Lockdown%20Series%20Joel%20Costa%20
Malabanan%20Dos&epa=SEARCH_BOX

Gawain 9: Pumili ng isa at suriin ito.

1.“Ang Buhay ng Tao” ni Jose Corazon de Jesus sa


https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-
various-authors-ang-buhay-ng-tao-tula-ni-jose-corazon-de-jesus_1075.html

2. “Lockdown Series Buhay-Guro Blg. 40” ni Joel Costa Malabanan sa


https://www.facebook.com/search/top/?q=Lockdown%20Series%20Joel%20Costa%20
Malabanan%20Dos&epa=SEARCH_BOX

3. Paglalagom kung papaanong ang kahirapan ay naibigyang diin sa mga akdang


binasa Pagsusuri sa awiting “Karaniwang Tao” ni Heber Bartolome sa
https://www.youtube.com/watch?v=NhDYyQTaf7Y
27
4. Pagbasa: Mga Tula sa Pandemya:
https://rappler.com/life-and-style/literature/filipino-poetry-coronavirus-pandemic-
winners?fbclid=IwAR0EL66xz5kRBmUDx-
zPngoi9erRexRDKMGTEYO08L4MS33ZMwD_wWWr2pc

5. Pagsusuri sa Album na Karapatang Pantao:


https://www.youtube.com/watch?v=wXI45UcULok&list=PL1-
HFByaINkKzYFADr8YHVRLhJzqhbmck

Gawain 10: Repleksyon

Ang kahirapan ng tao bilang isyung panlipunan ay nakikita sa Panitikan sa

___________________________________________________________________
____________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Gamit ang Panitikan, naipaglalaban ang Karapatang Pantao sa pamamagitan ng

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Batay sa talakayan, ang pinakamahalagang naunawaan ko ay __________________

____________________________________________________________________

at maisasabuhay ko ito sa pamamagitan ng _________________________________

____________________________________________________________________

28
LINGGO 6
Paggamit ng Musikang Makabayan sa Pagsusuri
ng Kalagayang ng Lipunan at ang Konsepto ng
Pagtatahip-Dunong

Sa panahong ito na hinahambalos tayo ng cultural invasion ng K-Pop na bitbit


ng globalisasyon, mainam na maipakilala sa mga estudyante ang mga
komposisyon ng mga makabayang mang-aawit na hindi nabibigyan ng airplay
sa mga FM stattions. Kapag nakilala ng mga magiging guro ng wika, panitikan at
kasaysayan ang mga makabuluhang awit, sila mismo ang magdadala ng mga awit na ito
sa loob ng silid-aralan upang mapakinggan ng mga kabataan. Ang mga awit ay maaaring
gamitin sa motibasyon, sa pagpapalalim ng talakayan at sa pagbubuo ng enduring
understanding at valuing. Ang pagsusuri ng liriko ay nakakatutulong sa pagpapatalas ng
bokabolaryo at maaaring gamiting performance task sa pamamagitan ng song
interpretation na maitatanghal sa mga programa sa paaralan.
Isa lamang ang paggamit ng musikang makabayan bilang bahagi ng Pagtatahip-
Dunong sa Edukasyon.

Ang Pagtatahip-Dunong sa Edukasyon Gamit ang Akdang Pampanitikan

Ang pagtatahip ay ang sistematiko at tantiyadong pagtataas-baba ng dulo ng bilao


upang ang magaaang bahagi ng binayong palay gaya ng ipa at batong maliliit ay pumunta
sa dulo ng bilao at malaglag. Ito ang paraan ng paghihiwalay ng ipa, bato at iba pang
bagay sa bigas upang ligtas itong makain.
Ang Pagtatahip-Dunong sa panitikan ay pagtatangkang suriin kung ang akda ay
nagtataglay ng bigas o makabuluhang mensahe sa pagkatuto, sining upang maging
kapakipakinabang basahin at pakinggan at sustansiya upang busugin ang
pangangailangan ng bayan para palayain ang sarili mula sa kolonyal na kaisipan
(Malabanan, 2017).
Ang ipa ay ang mga konseptong hindi nakatutulong sa pag-aangat ng kamulatan
ng sambayanan kaugnay ng mga isyung panlipunan at hindi makakain at makabubusog
sa pangangailangan ng tao na mag-isip at magsuri nang kritikal.
Tungkulin ng mga makabayang guro, mag-aaral at manggagawang
pangkulturang magpapayabong ng akda at sining na nagtataguyod ng makauring
pananaw ang Pagtatahip-Dunong. Ang mga ipa at bato ay hindi nakabubusog sa
sambayanan bagkos ay dapat maihiwalay sa bigas na dapat isaing upang maihain at
pagsaluhan. At sapagkat may tunggaliang umiiral sa lipunan, ang mga akdang may anti-
imperyalistang tindig ang kasangkapan upang maihiwalay ang katotohanan mula sa mga
kasinungalingan at pagsasamantalang nagaganap.
29
Hindi Sarado sa Dayong Konsepto ang Pagtatahip-Dunong

Ang Sikolohiyang Pilipino, Pantayong Pananaw, Pilipinolohiya at iba pang


katutubong dalumat ang nagsisilbing pundasyon ng Pagtatahip-Dunong. Ang mga ito ang
nagsisilbing bilao kung saan nagaganap ang pagtatahip habang ang mga makabayang
awit, akda at iba pang sining ang pwersa na nagpapakilos upang higit na maunawaan ng
mamamayan ang mga isyu at kalagayan ng lipunan na dapat baguhin upang makamit
ang inaasam na buhay, dangal at ginhawa. Subalit sa Pagtatahip-Dunong, hindi
nagiging sarado sa dayong kaisipan ang konsepto. Ang paggamit ng mahalagang salik
ng Marxismo ay bahagi nito upang mabigyang diin ang makauri at anti-imperyalistang
pakikibaka upang matamo ang buhay, dangal at ginhawa ng sambayanang Pilipino.

Paraan ng Paghihiwalay ng Bigas sa mga Ipa at Bato sa mga Akdang Pampanitikan

Sa Panitikan, itinuring na Bigas ang akda kung:

1. Nakabubusog para sa pagpapaunlad ng bayan


2. Nagtataglay ng paksang tumatalakay sa mga isyung panlipunan
3. Nalikha bunga ng mataas na pagpapahalaga sa sining at kultura
4. Nagtataguyod ng pagkakakilanlan ng ating lahi
5. Nakikibaka laban sa pagsasamantala

Ipa naman ang akda kung:

1. Ang anyo ng pagkalikha ay salat sa sining, magulo at walang direksyon


o walang malinaw na mensahe
2. Nagtataglay ng mga paksang mapanira, mapangwasak, mapanlinlang o
mapang-insulto sa kababaihan, sa mga katutubo, sa mga magsasaka
at sa bansa sa pangkalahatan

Video: Pagtatahip-Dunong Gamit ang Musikang Makabayan:

https://www.youtube.com/watch?v=Iem1f0c9dhE

Video ng mga Musikang Makabayan:


https://www.youtube.com/watch?v=UvvFBeieh0g&list=PL6qnnHqvWaZ4RBegnoaVxKg
PwY86QxoGQ

30
Gawain 4 Repleksyon

Kaugnay ng aking majorship, magagamit ko ang Pagtatahip-Dunong sa

pagtuturo sa pamamagitan ng ________________________________

___________________________________________________________________

Dahil sa pakikinig sa mga Musikang Makabayan, natuklasan ko na ______________


_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________

31

You might also like