Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

5

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan–Modyul 2:
Ang Kristiyanisasyon sa Panahon
ng Espanyol
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Ang Kristiyanisasyon sa Panahon ng Espanyol
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jovelyn E. Montilla
Editor: Rosemarie T. Realino, PhD
Tagasuri: Jessie Magallano, Roldan Roperos, Rosemarie T. Realino, PhD
Tagaguhit: Hazel Gay Sereňo
Tagalapat: Jovelyn E. Montilla
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Reynaldo M. Guillena, CESO V
Emma A. Camporedondo, CESO VI
Basilio P. Mana-ay Jr., CESE
Alma C. Cifra, EdD
Amelia S. Lacerna
Aris B. Juanillo, PhD
Fortunato B. Sagayno

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region XI – Davao CitySDS
Evelyn R. Fetalvero Division
Office Address: Quirino Street, Davao City______
Janette G. Veloso CID Chief
Telefax: 224-3274/224-0100___________
E-mail Address: Analiza C. Almazan
lrmds.davaocity@deped.gov.ph_ LRMS Manager
Ma. Cielo D. Estrada CID ADM Focal Person
CLMD EPS (Learning Area) CID EPS (Learning Area)
5

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan–Modyul 2:
Ang Kristiyanisasyon sa Panahon
ng Espanyol
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Mga bata, alam kong napag-aralan mo na sa nakaraang aralin ang ibat


-ibang perspektibo ukol sa pagkakatatag ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas.
Bukod diyan, ay napag-alaman mo na rin ang ibat- ibang salik kung bakit
nagtagumpay ang mga Espanyol sa pagsakop sa ating bansa.
Sa araling ito, pagtutuunan mo ng pansin ang pag-aaral ng mga paraan
ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyarihang Espanya
ukol sa paksang Kristiyanisasyon.
Ang modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies
ng Araling Panlipunan5: Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng
katutubong populasyon sa kapangyarihan ng Espanya
a. Pwersang militar/ divide and rule
b. Kristyanisasyon
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• natatalakay ang Kristiyanisasyon sa panahon ng mga Espanyol;
• natutukoy ang mga positibo at negatibong epekto ng
Kristiyanisasyon; at
• nakakasulat ng isang sanaysay tungkol sa pamamaraan ng
pagpalaganap ng Kristiyanisasyon sa Pilipinas.

1
Subukin Natin

Gawain 1: Sino Sila?


Sa puntong ito, susubukin natin ang iyong nakatagong kaalaman sa
susunod nating aralin. Sagutin mo ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang letra
ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Sino- sino ang sundalong Espanyol na nakatulong sa pagpapalaganap
ng kolonyalismo?
a. Conquistador
b. Encomienda
c. Polista
d. Tulisanes
2. Anong uri ng mga pari ang dumating sa Pilipinas noong noong 1565
na pinamunuan ni Andres Urdaneta?
a. Agustinian c. Franciscan
b. Dominican d. Recoleto
3. Ano ang naging opisyal na relihiyon ng Pilipinas sa panahon ng
Espanyol?
a. Animismo b. Budhismo
c. Katoliko Romano d. Paganismo
4. Sino ang namumuno sa Parokya ng bayan sa panahon ng
kolonyalismo?
a. Pari c. Padre Kura
b. Diyoses d. wala sa nabanggit
5. Alin sa mga sumunod ay may malaking papel na ginampanan sa
pagpapatupad ng kolonyalismo?
a. bahay c. parke
b. bayan d. simbahan

2
Aralin Natin

Gawain 2: Magbasa at Matuto


Si Miguel Lopez de Legazpi ay nagtagumpay sa pagtatag ng
kolonyalismong Espanyol sa ating bansa noong 1565. Nang dahil dito ay
nagsimulang magbago ang kinagisnang pamumuhay ng mga katutubong
Pilipino na napasailalim sa kapangyarihang Espanyol.
Alamin kung ano ang ibat-ibang paraan na ginamit ng mga Kastila
upang tuluyang masakop ang Pilipinas at maipalaganap ang Kristiyanismo.

Suriin ang mga larawan na nasa ibaba.

Ano ang ipinakita sa larawan?


Ano ang naging kaugnayan ng mga ito sa pagsasailalim ng katutubong
populasyon sa kapangyarihang Espanya?
Handa ka na bang matuto? Basahin ang sumusunod na teksto ukol sa
panibagong aralin.
Isang malaking hamon ang hinarap ng mga katutubo bunsod ng
kolonyalismong Espanyol. Nagpatupad ng ibat-ibang pamaraan ang mga
Espanyol upang maging matagumpay ang pananakop tulad ng
kristiyanisasyon at mga pwersang militar gaya ng patakarang reduccion.
Sinasabing malaki ang papel na ginampanan ng simbahan o ang relihiyong
dala ng mga mananakop sa tagumpay ng kolonyalismo.

3
Malaki ang naging epekto ng mga patakarang ito sa pamumuhay ng
mga katutubo. Bagama’t instrumento ang mga ito sa pagsakop ng Pilipinas,
ito naman ay nagsilbing daan upang magkaroon ng kamalayan ang mga
katutubo hinggil sa kahalagahan ng pagtanggol sa sarili at pagbuo ng bayan.
Alam mo ba na noong ika- 15 siglo, ninais ng mga bansa sa Europa na
maging pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sila sa buong mundo?
Ibig nilang madagdagan ang kanilang kayamanan sa pamamagitan ng
pagsakop ng isang lugar. Nagkaroon sila ng ibat-ibang paraan upang
masakop nila ang ibang bansa. Ang makakuha ng mga panrekado at
ipalaganap ang Kristiyanismo ay isa din sa mga layunin nila.

Kristiyanisasyon
Ang simbahan ay may malaking papel na ginampanan sa
pagpapatupad ng kolonyalismo. Bukod sa kayamanan at kapangyarihang
maidudulot ng kolonya sa mananakop, isa rin sa mga layunin ng pag-igting
ng kolonyalismo ay ang pagpalaganap ng relihiyong Katolisismo.
Ang paglaganap ng kanilang kultura at ang pagsakop sa bansa ay isa
sa mga dahilan kung bakit ipinasok ng mga Kastila ang Kristiyanismo.
Bukod dito, gusto nilang palaganapin ang Kristiyanismo sa ibat- ibang bahagi
ng bansa kung kaya ay maraming Pilipino ang naging Kristiyano at natuto ng
wikang Espanyol.
Tiniyak ng Espanya ang pagmimisyon ng mga prayle sa kolonya
kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Tinawag itong
Kristiyanisasyon, ang pagmimisyon ng mga prayle at paghikayat sa mga
katutubo na tanggapin ang relihiyong Kristiyanismo.
Dumaong si Miguel Lopez de Legazpi noong 1565 sa Pilipinas at kasama
niya ang limang paring Agustinian na pinamunuan ni Andres de Urdaneta.
Ipinapatupad ni Legazpi ang unang pagmimisyon sa Cebu na kung saan
unang tumanggap ng Kristiyanismo ang pamangkin ni Rajah Tupas na
nagngangalang Isabel. Samantala, ito ay sinundan naman ng pagbibinyag sa
pito o walong mga bata na malapit ng mamatay at ilan pang nagpalit ng
paniniwala noong 1566. Kasama na rin dito ang isang Muslim mula sa Borneo
na si Camotuan, kasama naman ang kanyang mga anak at mga apo.

4
Si Rahaj Tupas at ang kanayang anak na nagngangalang Pisuncan ay
nagpabinyag noong Marso 1568 at ang ilan sa mga apo nito. Sa karagdagan
ay marami na ring mga katutubong Pilipino ang nagpabinyag sa
Kristiyanismo dahil sa pagtanggap ng kanilang mga pinuno sa bagong
relihiyon.
Nang masakop na ng mga Espanyol ang Cebu, dito itinatag ang kauna-
unahang panirahan ng mga Espanyol sa Pilipinas. Nagpapatuloy ang misyon
ng mga paring Espanyol sa Pilipinas. Bukod sa Cebu ay nagpatuloy ang
kanilang misyon sa Tondo, Maynila, Pasig, maging sa Ilocos, Timog Luzon,
Gitnang Luzon at maging ang ilan sa mga bahagi ng Visayas.
Sa bawat lupain na sinakop ng mga Espanyol, nagtulungan ang mga
pinuno ng pamahalaan at mga prayle o pari. Pinalaganap ng mga prayle ang
relihiyong Romano Katoliko sa pamamagitan ng kanilang mabisang
pananalita at makukulay na seremonya. Ang mga pinuno ay nagpairal ng
mga batas sa pamahalaan na umayon sa mga alituntunin ng relihiyon.

Mga Orden ng Misyonero


Sinasabing ang mga pari ay kabilang sa iba-ibang orden ng misyonero
sa Katolisismo sa buong mundo. Tingnan sa tsart ang mga orden, at kung
kailan sila dumating sa Pilipinas at ang mga lugar na kanilang
pinangasiwaan.
Hinati-hati at nagtalaga ang pamahalaang kolonyal ng mga tiyak na
lugar kung saan magmimisyon ang mga prayle. Sinikap nilang puntahan ang
mga liblib na lugar upang mahikayat nila ang mga katutubo na sumanib at
magpabinyag sa relihiyong Katolisismo.

5
Talahanayan 1.1 Ang mga Samahang Relihiyoso sa Pilipinas at ang mga
Naitakdang Lugar sa Pagmimisyon
Mga Ordeng Taon Dumating Mga Lugar na
Misyonero Pinangangasiwaan
1. Agustino Cebu, Ilocos, Negros, Pampanga,
1565
Panay
2. Franciscano Bicol, Catanduanes, Laguna,
1577
Masbate, Quezon
3. Jesuita Antipolo, Bohol, Cainta, Cavite,
1581
Leyte, Samar
4. Dominicano Bataan, Batanes, Cagayan,
1587
Manila, Pangasinan
5. Recoleto Mindoro, Palawan, Zambales
1606

Ang mga Dayoses at Parokya


Dahil sa pagdami ng mga prayleng misyonero sa ating bansa ay naging
mas aktibo ang pagpalaganap ng Kristiyanismo rito. Sa katunayan ay
kinakailangan ng magtatag ng mga diocese na binubo ng mga pinagsamang
Parokya. Sa pagdating ng unang Obispo sa Maynila na si Domingo de Salazar
ay sinimulan ang pagtatag ng mga diocese. Hinati ang ating kapuluan sa mga
dayoses (diocese) upang matugunan ang mga pangangailangan sa
paglilingkod na panrelihiyon at pinamunuan ito ng isang Obispo.
Pinamunuan ng Arsobispo ang pangunahing dayoses tulad ng Maynila. Mas
mataas ang kanilang katungkulan kaysa sa mga Obispo. Hinati naman ang
bawat dayoses sa Parokya na pinamunuan naman ito ng isang Padre Kura.
Sa kabilang dako ay nagpagawa ang mga Espanyol ng malaking
simbahan. Dito makikita ang ibat-ibang imahen at magarang altar para sa
Banal na Misa upang lubos na maipalaganap ang Kristiyanismo sa ating
bansa.
Ang sumusunod ay gawain ng Padre Kura:
• nangongolekta ng buwis sa parokya
• namamahala ng lokal na eleksiyon
• nag-aayos ng gawain sa kawanggawa
• sumusubaybay sa gawain ng paaralan, pagtuturo ng dasal at
kautusang panrelihiyon.

6
Mga Pagbabago at Pagpapatuloy sa Paniniwalang Panrelihiyon
Ang sumusunod ay ang mga malaking pagbabago sa paniniwalang
panrelihiyon ng mga katutubong tumanggap sa Kristiyanismo:
a. Isa lamang ang diyos na dapat sambahin hindi gaya ng dati na
marami silang mga anito na sinamba.
b. Kung dati ay nasa kababaihan (sa katauhan ng mga babaylan) ang
pamumuno sa larangang espirituwal, sa Kristiyanismo naman ay
nasa kapangyarihan ng mga kalalakihan ang pagiging pari at walang
karapatang humawak ng kapangyarihang panrelihiyon ang mga
kababaihan.
c. Sa Kristiyanismo ay mahalaga ang pagpapatayo ng simbahan bilang
banal na espasyo ng pagsamba ng mga pananampalataya hindi gaya
ng dati na walang tiyak na lugar na sambahan ng mga espiritu (mga
bagay sa kalikasan ang lugar na sambahan sa aminismo o
katutubong relihiyon).

Reaksiyon ng mga Katutubo sa Kristiyanismo


Apat ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa pagtatag ng Katolisismo
sa Pilipinas.
1. Sumampalataya nang lubos.
2. Nag-alsa.
3. Tahimik na bumalik sa dating pananampalataya.
4. Nagpakalayu-layo para hindi marating ng mga pari.

7
Gawin Natin

Gawain 3: Timbangin Mo!


Batay sa binasang teksto, punan ang talahanayan ng wastong sagot
tungkol sa Mabuti at di-mabuting epekto ng Kristiyanisasyon sa mga
katutubong Pilipino. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Kristiyanisasyon
Mabuti Di-mabuti

Sanayin Natin

Gawain 4: Pagsulat ng Sanaysay


Ikaw ba ay sumasang-ayon sa naging pamamaraan ng mga Espanyol
sa pagpalaganap ng Kristiyanismo sa ating bansa sa Panahon ng
Kolonyalismo? Opo o Hindi po? Bakit?
Gumawa ng isang sanaysay ukol dito. Gawing gabay ang Rubrik bilang
pamantayan sa pagsusulat ng sanaysay.

Krayterya Natatangi Mahusay Medyo Hindi


4 puntos 3 puntos Mahusay Mahusay
2 puntos 1 puntos
Kaalaman sa Paksa
Kalidad ng mga
Impormasyon o
ebidensiya
Kaalaman sa
kontekstong
Pangkasaysayan
Istilo at pamamaraan ng
presentasyon
Kabuuang Marka

8
Tandaan Natin

Gawain 5: Maalala mo Kaya?


Isulat sa patlang ang itinutukoy na konspeto sa bawat bilang. Isulat
ang tamang sagot sa sagutang papel.
_______1. Siya ang kauna-unahang tumanggap at nagpabinyag sa
relihiyong krisiyanismo.
_______2. Siya ay mas mataas na katungkulan kaysa Obispo na siyang
namumuno sa mahalaga at pangunahing dayoses tulad
ng Maynila.
_______3. Siya ang namuno sa limang paring Agustinian na dumating sa
Pilipinas noong 1565.
_______4. Sila ay mga ordeng misyonero na dumating sa Pilipinas noong
1587.
_______5. Ito ang pagmimisyon ng mga prayle at paghikayat sa mga katutubo
na tanggapin ang relihiyong kristiyanismo.

Suriin Natin

Gawain 6: Tanong Mo, Sasagutin Ko!

Tukuyin ang tamang sagot sa mga konsepto na inilalarawan ng bawat


bilang. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Siya nag kauna-unahang prayleng Obispo na dumating sa Pilipinas.

a. Andres Urdaneta

b. Domingo de Salazar

c. Miguel Lopez de Legazpi

d. Wala sa nabanggit

2. Saan unang ipinapatupad ang pagmimisyon ng mga misyonerong prayle?

a. Bohol c. Maynila

b. Cebu d. Visayas

9
3. Bakit hinati ang kapuluan ng ating bansa ng mga diyoses o diocese?

a. hindi mahirapan sa pagmimisyon

b. magkaroon ng pokus sa pagmimisyon

c. matugunan ang mga pangangailangang panrelihiyon

d. mapadali at mapabilis ang pagpapatupad ng pagmimisyon

4. Alin sa sumusunod ang HINDI gawain ng Padre Kura?

a. nangongolekta ng buwis sa parokya

b. namamahala ng local na eleksiyon

c. nag-aayos ng gawain sa kawanggawa

d. nagpapatupad ng mga gawaing pang industriyal

5. Alin sa mga ordeng misyonero ang unang dumating sa Pilipinas?

a. Agustino

b. Dominicano

c. Franciscano

d. Recoletos

Payabungin Natin

Gawain 7: Tala-hanayan (3-2-1)


Punan ang sumusunod na chart na may kaugnayan sa aralin sa
modyul na ito. Gawin ito sa kuwaderno.

____________________________________
3 Mga Bagay na ____________________________________
Aking Nalaman ____________________________________

____________________________________
2 Mga Interesanteng ____________________________________
Ideya

1 Tanong na Nais ____________________________________


kong Masagot

10
Pagnilayan Natin

Gawain 8: Nararamdaman Ko: Iguguhit Ko!

Batay sa naging aralin natin sa modyul na ito, iguhit mo ang iyong nais
iparating sa mga Espanyol ukol sa pagpalaganap ng Kristiyanismo sa ating
bansa sa Panahon ng Kolonyalismo.

Binabati kita! Mahusay mong nagampanan ang mga gawain sa modyul


na ito. Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa
pamamaraan ng pagsasailalim ng Espanya sa Pilipinas ukol sa konseptong
Kristiyanisasyon. Handa ka na sa susunod na aralin.

11
12
Pagnilayan Natin
Gawain 8:
Nararamdaman ko;
Iguhit ko!
Maaaring magkaiba ang
mga sagot
Pagyabungin Suriin Natin Tandaan Natin
Natin
Gawain 6: Tanong Gawain 5: Maalaala Mo
Gawain 7: Tala- Mo, Sagot Ko! kaya!
hanayan
1. A 1. Isabel
Sumangguni sa 2. B 2. Arsobispo
tsart na nasa 3. D 3. Andres Urdaneta
pahina 10 4. Dominican
4. D
5. Kristiyanisasyon
5. A
Sanayin Natin Gawain Natin Subukin Natin
Gawain 4: Gawain 3: Gawin 1: Sino
Pagsulat ng Timbangin Mo! Sila?
Sanaysay 1. A
Sumangguni sa
Sumangguni sa talahanayan na 2. A
rubriks na nasa nasa pahina 8
pahina 8 3. C
4. C
5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

A. Aklat
Antonio, E. D. et al. Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan:
Kayamanan 5; Rex Bookstore, rex publishing Manila, Philippines

Gabuat, M P. et. al Batayang aklat: Araling Panlipunan 5, Pilipinas Bilang


isang Bansa. FEP Printing Corporation Vibal Group

Blando, Rosemarie C. et. Al Kasaysayan ng Daigdig, Vibal Group Inc.


(DepEd-IMCS)

B. Websites

https://dokumen.tips/education/reaksyon-ng-pilipino-sa-kristiyanismo.html
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Davao City

Quirino St., Davao City

Telefax: (082) 224-0100

Email Address: info@deped-davaocity.ph

You might also like