Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Host:

Magandang umaga sa bawat isa

Sa harapa’y may dalang paksa

Patungkol sa kaunlaran at kalikasan.

Ano ba ang mas mainam makamtan?

Sa kanang bahagi ay si Kaunlaran,

Dulot sa atin ay kasiyahan.

Sa kaliwa naman ay si kalikasan,

Na dala’y katiwasayan.

Ating pakinggan ang kanilang mga saloobin,

Ano-ano ang kanilang mga hangarin.

Hindi ko na ito papatagalin.

Sa harap sila’y ating bigyang pansin.


Kaunlaran:

Ako, Kaunlaran, ang dala'y pag-asenso,

Mga gusali't kalsada, simbolo ng progreso.

Gadgets at teknolohiya, kayamanang nararapat,

Ako ang lakas na nagpapalago sa lahat.

Ako ang bunga ng industrialisasyon,

Sa akin umaasa ang ating nayon.

Ako ang mas kinakailangan,

Upang kasiyaha’y makamtan.

Kalikasan:

Kalikasan, diwa ng kabuhayan,

Sa mga bundok, lawa, at gubat, nag-uumpisa.

Iyong ganda, kayamanan ng bayan,

Ngunit Kaunlaran, ito’y minamasama.


Bunga ng progreso, init ng klima’y nagbabago,

Ilog at karagatan, polusyon na nagiging lason.

Kaunlaran, parang unos na dumadaan,

Sa Kalikasan, pinsala’y iniwan.

Kaunlaran:

Kaunlaran, ilaw ng pag-unlad,

Magandang buhay, progreso’y umuunlad.

Mga opprtunidad, sa iyo’y nagbubukas,

Sa industriya’t teknolohiya,tao’y umaangat.

Higit pa sa damo’t ulap ng kalangitan,

Kaunlaran, sa buha’y nagbibigay kahulugan

Trabaho, edukasyon, sa aki’y nagmumula

Kalikasan, ano bang ambag?


Kalikasan:

Subukan mong tingnan, sa kinabukasan,

Ang mundong nilikha, di alintana ang agham.

tubig na malinis, bawat patak ng ulan,

di ko nilalabag, tao ang nangangailangan.

Kaya ako’y inyong ingatan.

Mahalin niyo at alagaan.

Prutas ay ako ang pinagmulan,

Kung kaya ako’y inyong pahalagahan.

Kunlaran:

Ngunit sa modernong panahon,

Mga teknolohiya, ang ating panimbang.

kanyang handog pagsulong ng ekonomiya,


Sa Kaunlaran, buhay ay masagana.

Sa pagsulong ng teknolohiya,

Buhay ng tao’y nagging maginhawa

Kalikasan, tila ba’t napag-iiwanan,

Ang pag-unlad ng tao’y, tila ba napag-iiwanan.

Kalikasan:

Kung tuluyang mamamatay ang kalikasan,

Tao’y mawawalan ng sariwang hangin

Tubig na inumin, kakaunti na lamang

Kaunlaran, hindi ito pang habang buhay.

Sa araw ng bukas, dapat nating isipin,

Kalikasan ay kayaman, huwag nating sirain

Itigil ang pag-aaksaya pangalagaan ang yaman,


Sa maayos na kalikasan, tagumpay ay makakamtan.

HOST:

Tama na sukat na mahuhusay na makata

Ang pagtatalo niyo’y wag nag palawigin pa

Sa madlangng manood, kayo na po ang magpasya

Alin ang mas mahalaga,

Kaunlaran o Kalikasan, alin nga kaya.

Kung ako ang tatanungin,

Pagkakaisa ang aking mithiin.

Habang patuloy ang kaunlaran,

Atin ding ingatan ang kalikasan.

Pag-tatalo’y ating iwaksi.


Dapat pagmamahalan lagi.

Iba-iba man ang ating pinagmulan,

Ipag-isa natin ito para sa kinabukasan.

You might also like