Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

SIMULA

Sunday Sep 27, 1998

Nagising ako kanina pawis na pawis , hinihingal at nakataas ang aking mga kamay at paa naninigas at di
ko maibaba.

Nanaginip ako may isang malaking babae na nakasuot nang itim. Nakakatakot sya' at hawak nya ko nang
sobrang diin. Di ko kita ang kanyang Mukha dahil Hinde ako makalingon sakanya.

Monday Sep 28, 1998

Matapos ang Isang taon at pitong buwan naming pagsasama ganon nalang yon? Bakit bigla nalang nya
kong iniwasan? Ganon naba talaga nagagawa nang mga taong may ambisyon sa buhay? Hinde ko rin
talaga sya' masisisi dahil pamilya nya yon pero talagang di ko tanggap.

Sunday Oct 04, 1998

Wala parin akong magawang matino...

5 Araw, 18, na oras at 45 minuto na kaming hindi nagkikita kahit telepono wala. Pero bakit ganon? Hinde
ko na to gusto, Hinde na maganda nangyayari sa amin.

Pero wala nakong magagawa, Sana magising nako sa bangungot ko nato haayy.

Monday Oct 05, 1998

Lagi nalang ba ko aasa, matagal nako wala sa Mundo nya? Ah ewan.

Pinag deposit ako ni tita auring kanina sa far east bank. Pinulikat ako kakatayo dahil mahaba ang pila
nagbasa lang ako ng bandera habang nakapila naalala ko nanaman yung itim na babae sa panaginip ko
sana makalimutan nya nako.
Thursday Oct 8, 1998

Sunod sunuran nanaman ako sa tiyo at tiya ko

Oo may Utang na loob ako sakanila pero minsan inisip ko matanda naman nako bat kailangan kupang
makitira? Kinuha lang naman Ako nila tiya linda para makatapos nang highschool at malayo sa wala
kong kwentang ama.

Friday Oct 09, 1998

Ikukuwento kupa si lola pero short cut na.

Natatandaan ko nakapag grade 1 ako Tapos 5 years old ako non, dahil teacher sya' sa San ildefonso
national, Pero di ko alam yung mga binabanggit ni tatay na NPA at kalaban daw nang gobyerno sila lola.
Di ko na maalala pero di rin nag babatian si tatay at Lola,

Saturday Oct 10, 1998

Nanaginip nanaman ako naglalakad ako mag isa malamig na may humawak sakin at natigilan ako hindi
ko sya kilala napahinto sya sa pag Hila sakin na may yumakap sa likod ko

Wednesday Oct 14, 1998

Good news ! Pagkatapos nang tatlong Araw nakita kuna ulit journal ko! Akala ko gagawa nanaman ako
nang panibago, mawawala talaga ako.

Saturday Oct 17, 1998


Walang saysay ang practice kaya nauwi kami sa inuman kassma ang tropa ko, madaming kwento ang
kaibigan ko tungkol sa bagay na nakakatakot at di kapanipaniwala, naikwento ko din sakanila yung
napapaginipan ko na babae, na masamang espiritu,

Monday Oct 19, 1998

Sixteen years old and three months nako ngayong araw. May nag aabot pa nang pamphlets sa labas
nang gate Ng school, tanggap ko kagad, Yun pala born again , nagtatanong kung alam ko raw ba kung
saan ako napupunta pagkamatay.

Wednesday Oct 21, 1998

Milagro nakita na ni lao yung journal ko napaghalo lang pala sa ibang section.

Napa check ko na din at agad nilagyan nang grades.

Thursday Oct 22, 1998

3:10am. Diko na magawang pumikit baka bumalik nanaman yung bangungot ko, hawak nanaman nya
ko. Naninigas mga kamay at paa ko nakabaluktot din, ganon din ang itsura nang babae itim na itim ang
gown nya' pati ang balat nya.

Friday Oct 23, 1998

Kagabi lang ulit ako nakatulog nang maayos simula nung finals. Pero di padin maalis sa isip ko yung
babaeng nakaitim, Isang pikit kolang kita ko ulit sya ang linaw linaw parang mag kaharap lang kami.

Saturday Oct 31, 1998


may natanaw daw syang matandang kulay itim ang mukha at nakatingin sakanya Akala nya guni guni
lang pero biglang nawala kalasingan nya nang may dumaan sa pagitan nila na ataol.

Monday Nov 1, 1998

Tinanong ako ni tiya auring kung uuwi ako sa probinsya mahina na daw kasi di lola, Hinde nya nabanggit
kung kanino nya nabalitaan, kung ano lang ibalita nya sakin kuntento nako don ayuko na mag usisa
masyado dahil nakakahiya.

Thursday Nov 5, 1998

8:27pm. Pumunta akong school para mag enrollment, dapat kahapon pa pero mahabang kwento di
natuloy. Nakita ko si Louie parang Wala sa sarili yun pala di binigyan nang pang tuition nang daddy nya,
pero di ko muna kinausap,

Friday Nov 20, 1998

5:07pm. Hinde ko alam kung saan ako kukuha nang pamasahe papuntang eskwelahan, Matagal na yung
huling abot sakin ni tiya auring tinodo kuna yung pag titipid ko pero wala padin naubos na yung class
fund na hawak ko, pag di sya' nag bigay next week patay na talaga.

Saturday Nov 21, 1998

Akala ko makakatulog nako pero hinde pala iyak nang iyak pinsan ko tapos mukhang pinag hihinalahan
pa ko sa pag kawala nang cellphone.

Sunday Nov 22, 1998


3:48pm, weird. Huli na naman ako ni tiya auring sa pag yoyosi sa tindahan ni nang cards. Noon lang
naman ulit ako bumili pero nakakapag taka wala syang sinabing kahit ano.

Monday Nov 23, 1998

11:05pm. Maraming tambak na home work baka umaga na ko makatulog neto pero gusto kulang talaga
maglabas nang sama nang loob. Hinde ako makapag concentrate, nagkakagaguhan e, Hanggang ngayon
nanginginig ako sa Galit. Ikinotse ni Roy si Andrea.

Thursday Nov 26, 1998

swerte may pang tuition nako at pamasahe araw araw saka ko nalang poproblemahin ang kulang kung
kailan ko yon ibabalik. Bahala na si batman.

Friday Dec 11, 1998

. Hirap pa dahil may nawawala nanamang gamit si tiya auring , syempre puro nanaman parinig, ayuko
nalang mag balat nang sibuyas papangit nang papangit atmosphere dito sa bahay.

Friday Jan 1, 1999

May tawag daw ako kahapon si Sheryl sumagot pinapauwi daw ako sa probinsya , masama na talaga
siguro lagay ni lola kesa sa inaakala ko pero pano naman ako makakauwi?

Monday Jan 11, 1999


Hinde nako nag hapunan punong puno nako sawang sawa nako dito sa bahay nato babyahe nako
papunta sa probinsya, handa na gamit ko bahala na si batman.

Tuesday Jan 12, 1999

7:52am. Dito nako sa istasyon ng victory, alanganing umalis ako nang maaga dahil darating ako kila Lola
ng gabi at wala akong masasakyan pag dating sa dagat, pero tumuloy padin ako kasi sobrang
nakakapikon talaga sa bahay,

GITNA

Thursday Jan 14 1999

8:20 am. Dumating ako dito kahapon ng pasado alas-kwatro. Ayos naman, nagulat lang ako dahil ang laki
ng pinagbago ni lola

Saturday Jan 16 1999

3:13 am, May gumagalaw ng pintuan ko. Nagising ako dahil sa tunong. May pumihit ng door knob,
tatlong beses na magkakasunod, mabilis.

Monday Jan 18 1999

Hindi ako makakita dito ng magazine o kahit anong babasahin kahit isa. Ang pumalit sa mga magazine at
libro, rebulto! Andami ni lolang imahe ng santo.

Wednesday, Jan 20 1999

2:56pm. ilang araw na 'ko nakakarininng mga yabag ng paa at ngumunguyngoy. Iniisip ko na lang na
guni-guni ko, dahil matatakot na 'ko dito sa bahay kung iisipin kong hindi.
Saturday Jan 23 1999

Pagpunta ko sa kusina, noon ko lang nakita na meron palang dalawang bata sa maliit na kwarto sa
pababa ng hagdan, kumakain ng biko.

Sunday, Jan 24 1999

"Hindi mo ba naririnig 'yon, Galo"

"Yung alin po?" tanong ko.

"Ang iyak ng mga batang isisilang pa lamang. Mula sa hinaharap. Nagsusumigaw ang paraing na
henerasyon...

nagmamakaawa at humingi ng tulong!'

Thursday Jan 28, 1999

Humirit pa si jezzel, sabi niya: "Hindi siya lola". Pero hindi ko na pinansin

Friday Jan 29 1999

Tawang-tawa na 'ko noon, sobra! Kung kasama ko sina Jovit, sigurado laugh trip. Sobrang panatiko ni
Lola, parana talaga silang kulto. Tapos andami pang nag-iiyakan , sigaw nang sigaw: "Mama! Mama!"

Saturday Jan 30 1999

Ang totoo, kinikilabutan na 'ko. Nakakatakot kasi pag tinitigan ka nila pabalik habang nanginginig sila sa
sa sahig.

Wednesday, Feb 3 1999

pagtayo ko bigla akong napasigaw ng 'shit' dahil nasa haapan ko na pala si Lola, hindi ko alam muntik
akong maihi sa salawal!

Monday, Feb. 8, 1999


Umakyat siya sandali ay may kinuha sa itaas.

Pagbalik, dala niya na ang garapon na may lamang tubig-dagat at mga nangingitim na medalyon,
nakababad doon ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ko.

"Sabi ni Jezel magagalit daw yung kaibigan ni Mama Susan," maingat ang paliwanag ni Niko.

"Sinong kaibigan?"

"Siya" itinuro ni Jezel ang loob ng kwarto ko ng hindi tumitingin.

tu es meus quod nullo modo permutare potes

Sunday, Feb. 21, 1999

" Hindi sa akin nanggaling si Melissa. Hindi mo na 'ko tatawaging Lola. Ang nasa harap mo ay si Mama
Susan."

Monday Feb, 22 1999

HIndi maganda lagay ni (Lola) Mama Susan. Iyak sya nang iyak kanina habang nakayakap sa akin.
Natatakot daw siya. Malapit na raw ang katapusan.

nihil scis ignarissime ac stultissime puer

Friday, Feb. 26 1999

pagkagising ko noon nasa tabi ako ng nakaburol na poon chapel Mama Susan.

te recusare non sinam


Thursday, March 11, 1999

Pero dahil sa alok ng matanda (Mang Narcing yata, potek nakalimutan ko pangalan), parang naisip kong
samantalahin na yuung pagkakataon paramakaalis dito, habang may natitira pa 'kong pamasaheng
magagamit.

Sunday,March 14 1999

Nagdadasal na lang ako habang may takip na unan sa mukha para wala akong marinig o makita. Ayoko
na talaga dito.

Monday, March 15 1999

Hindi ko nakita kung saan talaga galing yung tinidor, pero nang masilip ko yung kwarto biglang tumayo
ang mga balahibo ko sa buong katawan:

Meron din doong mga lumang ribbon na ginamit nito lang December sa burol ni Josefina Cleopas padua.
Si Mama Susan!

HULI

Tuesday, March 16, 1999

12:13am. Tumuloy ako ng alis kanina bago mag alas-siyete ng gabi, hindi ko na nahintay ang umaga.

Pero nung sandaling 'yon lumangitngit na ang sahig ni Mama Susan. Alam kong gising na at nakatayo na
ang matanda. Halos kasabay noon, tumunog din ang sahig sa kwarto ng labindalawang imahen,

Saturday, March 20 1999


"Naririnig mo na ba ang mga kaibigan ko, Galo?"

"Sabi nila kinuha mo ang pera ng mga kamag-aral mo!'

"Ninakawan mo rin ang mga kamag-anak mo at kaibigan!''

"Galit ka sa nakaraan, takot ka sa hinaharap...hindi ka masaya sa kasalukuyan! Wala kanng sinasambang


diyos! Mapagmataas ka sa kapwa! AT hindi mo kinaawaan ang batang ipinalaglag ng dalagang binuntis
mo!"

Sunday March 31 1999

"Marami pong nakikita si jezel na hindi natin nakikita. Pero wag mo ipapaalam kina Mama Susan dahil
yun ang bilin lagi sa kanya ni Nanay sa pagtulog niya tuwing gabi"

Wednesday March 24, 1999

Di pa nakuntento, isa-isa niya na ring ibinenta ang lupain ng mga magulang niya at ibinili ng mga antique
at mamahaling imahen ag kita

Friday March 26,1999

6:13am. Dinala nila si Niko sa hospital.Patay na si Mama Susan. Nahihilo ako

Para sa akin, yung lola ko... yung nanay ng nanay ko, matagal nang wala. Ang nakaratay nasa itaas, si
Mama Susan. Hindi ko siya kaanu-ano.

Maraming nakasulat ngayon ko langnakita ko ang mga isunulat ko. kinakalampag na nila ngayon ang
pinto ko at may mga taong isinisigaw na ang pangalan ko! May mga laman itong journal na hindi ko alam
kung sino ang nagsulat! Kinopya ko ang dasal ng kapatiran para ipabasa sa paring makakaintindi pero
nagkaroon ng iba pang dasal dito hindi ako ang nagsulat!

huwag mong babasahin ang hindi mo naiintindihan.

erimusAngs umulat nitoay sa akin. ang nagbabasa nitoay saakin. Ik a w ay pinili. N

araramdam an mo ba angm g higpit nayakap sa iyonga ' yon ng isangka ibigan?

You might also like