Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ALAMAT NG BULALAKAW

Isang sultanato sa Florida ang labis na pinangingilagan ng ibang kaharian. Kilala siya sa kanyang
angking tapang, kaistriktuhan at kalupitan, ang ngalan niya si Sultan Makal.

Mayroon siyang dalawang anak na dalaga sina Maya at Tala. Sila ay kapwa magaganda.
Maraming binata ang nagkakagusto sa mga ito subalit hindi makapanligaw dahil sa malaking
pangamba sa Sultan.

Nakapagdesisyonan ni Sultan Makal na siya ang pipili sa mapapangasawa ng mga anak. Sa


gayong paraan ay matitiyak niya na maharlika ang magiging kapalaran ng mga ito. Gayunman ay
dumaan rin sa mahigpit na pagsubok ang mga manliligaw nito. Katulad na lang sa isang
mangingibig ni Maya na anak ng isang kilalang kapitan ng malalaking barko.

Kinailangan pa nitong pumasa sa pagsubok upang makapasa sa sultan. Ang mga pagsubok ay
pawang imposible dahil nakabase ito sa angking tapang, katalinuhan at kayamanan na kayang
tumbasan ang kahit anong kagamitan. Ang lahat na iyon ay napasa ng manliligaw. Ang mabuti
nga lang ay iniinbig din ni Maya ang lalaki kaya naging maligaya ito sa pag-aasawa.

Kung marami ang nagkakagusto kay Maya ay mas marami ang nanuyo kay Sultan Makal upang
makamit ang pag-ibig ng bunsong si Tala.

Isa narito si Zeke, isang prinsipe na namamalagi sa kalawakan. Siya ay nagbabalatkayo bilang
isang magsasakang tao upang makatulong at pagmasdan sa malayo ang kanyang iniibig na si
Tala. Gustuhin man niyang kausapin ang dalaga ay may pumipigil sa kanya dahil na rin siguro sa
kautusan ng kanyang Haring Araw na pinagbabawalan ang sinumang bituin na umibig sa hindi
kauri.

Pinagmamasdan palagi ni Zeke si Tala mula sa mga ulap at minsan ay sekretong maglalagay ng
mga magagandang bulaklak sa tarangkahan ng hardin kung saan palaging pinupuntahan ng
dalaga.
Isang araw, sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkasalubungan ang dalawa sa labas ng hardin.
Ibig sana niyang maglagay ng mga bulaklak sa tarangkahan gaya ng ginagawa niya noon ngunit
siya ay nadatnan ni Maya. Tatakbo na sana siya nang siya ay pinigilan ni Maya, "Sandali", sabi ni
Maya. "Sino ka? At anong ginagawa mo rito?" saad pa nito.

"Tila yata ay pinagtagpo tayo ng tadhana, Maya bulong niya sa sarili. Umm, ako si.. ako si Zeke,
mahal na prinsesa." Sabay pagyuko ng ulo na nagpapakita ng respeto sa maharlika. "Nandito
po ako upang ibigay ang mga bulaklak sayo bilang handog sa iyong nalalapit na kaarawan".

"Huwag mo kong lokohin, Zeke. Dahil malayo pa ang aking kaarawan at tsaka yan ang
pinakamababaw na rason upang magbigay ng bulaklak sa akin" sabi ni Tala."Sabihin mo na ang
iyong pakay rito kung ayaw mo akong tumawag ng mga guwardiya",dagdag pa nito.

"Narito ako upang ibigay ang mga bulaklak sayo. Yun lang po mahal na prinsesa", sabi ni Zeke.
Dali-dali niyang ibinigay ang bulaklak at tumakbo palabas ng palasyo na kalaunan ay biglang
naglaho ng parang bula ng malapit na siyang makita ng mga guwardiya. Lingid sa kanyang alam
ay sinundan pala siya ni Tala pagkatapos ibigay ang mga bulaklak sa kanya, hindi siya
nakapaniwala sa kanyang nakita.

Mula noon, parati na dinadatnan ni Tala si Zeke sa tarangkahan ng hardin na may bitbit na
bulaklak. Kalaunan ay naging kaibigan na naging magkasintahan sa paglipas ng panahon.

Bagama't takot sa sultan na malaman na umiibig na mayroon na siyang iniibig ay itinago ng


dalawa ang relasyon. Upang hindi mahalata ng sultan ay nagkukunwari si Tala na mamimitas ng
mga bulaklak sa hardin. Sa mga gabi namang madilim ay pasekretong pumupunta sila sa
kapatagan gamit ang kanyang kapangyarihang lumipad.

Mahilig si Tala sa mga bulaklak kaya hindi agad nagduda ang sultan. Ngunit walang lihim na
hindi nabubunyag.

Natuklasan ni Sultan Makal ang lihim ng magnobyo. Palibhasa ay malupit kaya noon din ay
nagdeklara ng kautusan na kung sino man ang makakahanap at makakahuli kay Zeke ay
bibigyan ng gatimpala. Noong araw din yun ay natuklasan ng Haring Araw na umibig si Versales
sa hindi kauri kaya siya ay paparusahin.

Wala siyang kaalam-alam na siya ay pinapahuli ng sultan. Kaya ng magkita muli sila ni Tala sa
hardin ay sinabihan siya na magtago at magpakalayo-layo dahil sa takot na baka siya ay mahuli
at ipapatay. "Hindi kita iiwan Tala" saad ni Zeke. "Sumama ka sa akin at tayo ay magpakalayo-
layo, iiwanan natin ang lugar na ito".
"Patawad! Di ko kayang iwan ang lugar na aking sinilangan, sana'y maintindihan mo". wika ni
Tala kay Zeke na ." Umalis ka na Zeke baka ikaw ay mahuli ng aking malupit na ama!" sabay
humikbi.

"Babalikan kita Tala, hindi kina makakalimutan magpakailanman", wika ni Zeke.

Binigyan ni Zeke ng isang halik ng pamamaalam si Tala bago siya umalis patungo sa kalawakan.
Ngunit hindi niya inaasahan na siya ay inaabangan ng mga bituin sa kanyang pagdating.
Sinubukan niyang umalis ngunit siya ay hinarangan ng napakaraming bituin. Nanlaban siya sa
mga ito subalit siya ay napigilan pa rin. Siya ay dinala sa konseho.

"Ama! Pakiusap po. Ako ay iyong pagbigyan. Ang taong ito ay minamahal ko ng lubos at may
busilak na puso", nagmamakaawang sambit ni Zeke kay Hari ng kalawakan.

Zeke nakalimutan mo ba na hindi maaaring umibig ang isang katulad mo sa isang mortal na tao?
Ikaw na aking anak na kailanman ay hindi sumaway sa aking pinag-uutos ay nagkasala. Bilang
parusa ikaw ay mahuhulog sa kalangitan.

Ang pagkakagusto sa isang tao ay labag sa batas ng mga bituin kung kaya't hindi ka na
makakababa sa lupa upang makita ang dalagang ito. Anak, patawad." Malungkot na tumalikod
si Haring Araw mula sa umiiyak na si Zeke.

Samantala, hindi pa rin mapigilan ang pag-iyak ni Tala sa kanyang silid dahil sa pamamaalam ng
kanyang minamahal na kasintahan. Lumipas ang dalawang araw, pumunta muli siya sa hardin
kung saan sila unang nagkakilala, hindi niya muling mapigilan ang kanyang pag-iyak ng makita
niya ang isang kumpol ng iba't-ibang bulaklak.

Noong gabing iyon ay napatingin siya sa kalangitan, isang maliwanag na bituin na dumaan sa
kanyang paningin. Naalala muli niya si Zeke kung paano siya bumaba sa kalangitan. Sabi niya,
"Guhit ng ilaw na dadaan sa aking kalangitang 'to, Ako rito'y hihiling, Na kita ay makita muli".

Simula noon ay naging ugali na ng mga tao ang paghiling sa tuwing may bumabagsak na bituin.
At dahil sa kaakibat na paghihintay ni Tala sa muling pagbalik ni Zeke ay tinawag ang bolang
naliliyab sa kalangitan na "BULALAKAW" dahil ito ang kahulugan ng pangalan ng kanyang
minamahal na si Zeke.

You might also like