Final Tesisbookbind

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 85

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 1

Kabanata 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN

Panimula

Ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t ibang akdang pampanitikan at

ang mga akdang ito ang nagsisilbing daluyan upang higit na mapaunlad ng

indibidwal na mambabasa ang kanyang sarili at gayundin upang mapalawak

ang kanyang kaisipan at kamalayan upang mapahalagahan hindi lamang

ang kanyang sarili kundi maging ang kapwa, lipunan na kinabibilangan at

mundong ginagalawan.

Ang panitikan ay may kaakibat na halaga para sa ating mga Pilipino.

Ito ay nagsisilbing panlunas na tumutulong sa mga tao upang matugunan

ang kanilang mga suliranin at gayundin upang maunawaan ang diwa at

kalikasan ng pagiging makatao.

Ang kayamanan ng isang tao ay maaring mawala at maubos maging

ang pagiging makabayan nito ay maaring maglaho, ngunit mananatili pa rin

ang panitikan dahil ito ay nagsisilbing patunay sa mga kaganapan sa

nakaraan.

Ayon kay Reyes (1992), ang panitikan bilang instrumento ng

pagbabago ay magagamit upang mabuksan ang kaisipan ng tao sa

kanilang kalagayang api (p.70).


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 2

Batay kay Cabrera (2017),Nagsisilbing espada ang bawat titik at

salitang nabuo sa panitikan sa mga dapat na putuling maling ideolohiya, at

upang wasakin ang mga paraan ng pag-iisip na idiniin ng mga

nagmamataas. Gayundin nagbubungkal ang panitikan ng mga nakatagong

karanasan at hirap na nararanasan ng isang tao sa lipunan. (p.1).

Mula pa noon nakalikha na ang mga Pilipino ng mga akdang naging

daan upang masining na maipahayag ng isang manunulat ang kanyang

damdamin at saloobin.

Hindi maikakaila ang ambag ng mga akdang ito sa pagmumulat ng

kaisipan upang makita ang tunay na mukha ng ating lipunan.

Bago pa man dumating ang mga dayuhang Kastila na sumakop sa

ating bansa ay mayaman na sa panitikan ang Pilipinas. Sa panahon ng mga

kastila, naging palasak ang pagsulat na ang pangunahing paksa ay

pumapatungkol sa relihiyon. Sa panahon ng pananakop ng Kastila ay isa

sina Dr. Jose Rizal at Marcelo H. Del Pilar sa pagsusulat ng mga akdang

nagpapakita sa panunuligsa sa kolonyal na panahon. Gayundin sa panahon

ng mga Amerikano at sa kanilang pananatili sa ating bansa, dumami ang

mga Pilipinong manunulat hindi lamang sa larangan ng tula ngunit maging

sa pagsulat ng nobela, maikling kwento at iba pa.

At sa pag-usbong ng bagong republika, ang panitikang Pilipino ay

nasubok sa ilalim ng pamamahala ng rehimeng F. Marcos sa pagpapatupad


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 3

ng Martial Law noong taong 1972, maraming manunulat na Pilipino ang

nakapagsulat o nakalikha ng mga akdang naglalayong magbukas ng isip at

kamalayan ng masang Pilipino sa hindi makatarungang pagtrato sa atin

hindi lamang ng mga dayuhan kundi pati na rin sa sarili nating pamahalaan.

Isang hamon ang pananaliksik na ito upang buhayin ang pag-ibig ng

bawat kabataang Pilipino para sa ating bayan at maunawaan ang

kalagayan ng manggagawang Pilipino sa kamay ng mapanlinlang at hindi

makatarungang pamamahala sa ilalim ng rehimeng F. Marcos At C. Aquino

sa pamamagitan ng pag-unawa at pagsuri sa mga piling tula sa akdang

Sigliwa Kamao.

Si Bayani Abadilla At Ang Sigliwa Kamao

Si Bayani Abadilla, kilala rin sa tawag na ‘Ka Bay’ ng kanyang

malalapit na kaibigan at kasamahan, anak ng modernistang manunulat na si

Alejandro Abadilla (AGA) Hindi lamang mahusay na manunulat si Bayani

Abadilla kung hindi ay isa rin siya sa mga hinahangaang guro lalo na sa

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), isa ring mamamahayag at

isang makata ng kanyang panahon. Namana ni Ka Bay ang galing at talim

ng kanyang panulat sa kanyang ama na si Alejandro Abadilla. Madalas

umikot ang kanyang mga likha sa pagdurog sa estado, pagpapakita ng

paghihirap ng mga uring inaapi, kabulukan ng mga nagdaang pangulo at

rehimen at talagang kakikitaan ng proseso ng paglubog sa masa.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 4

Ayon kay Marasigan (2008), isa sa mga kakilala ni Ka Bay,

inilarawan niya ito bilang magiliw sa mga talakayan, kahit sa karaniwang

mga pag-uusap at lalo na sa mga debate, madiin siya sa mga punto niya at

tumataasang boses. (Bayani ng Pakikibaka, para.1).Ilan lamang iyan sa

mga katangiang nasasabi at nakikita sa kanya hindi lamang ng kanyang

mga kasamahan sa trabaho kundi maging ng kanyang mga naging mag-

aaral.

Kilalang progresibong manunulat sa kanyang panahon si Bayani

Abadilla at gaya nang nabanggit, karamihan sa kanyang mga likha ay

pumapatungkol sa uring manggagawa at ng mga magsasaka. Sinasalamin

din sa kanyang mga akda ang masakit na katotohanan sa ating lipunan, ang

masang napagsasamatalahan at mga nanamantala, maging ang baluktot na

sistema ng gobyerno at ang kalagayan ng manggagawang Pilipino.

“….Noong panahong kumakati sa aking bumbunan ang sangkatutak


na ilusyon, hindi kailanman sumagi sa kabaliwan ko ang maging
manunulat. Maging abogado ang gusto ko.” –Bayani Abadilla

Ayon kay Peña (2015), Abogasya ang kanyang inaasam na

propesyon ngunit hindi niya inaasahan na magiging isa rin siyang

manunulat kagaya ng kanyang ama. Gayunpaman, hindi ito pinagsisihan ni

Bayani Abadilla dahil nabuo sa kanyang puso ang pagmamahal at

pagpapahalaga niya sa pasusulat (p. 87).


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 5

Batay kay Torres-Yu sa pag-aaral niya sa mga akda ni Amado Hernadez

(2006):

Karaniwang tema ng kanyang mga tula ay tungkol sa


hustisya, balintunang lipunan at buhay ng bilanggo ng
pulitika. Ang pangyayaring ito ay patunay lamang na ang
konkretong kalagayan ng isang tao ang pinagbubukalan ng
kanyang kamalayan na ang mga tiyak na karanasan ng isang
manunulat ang init at lakas ng kanyang panitikan. (p.168).

Ang sinabing ito ni Torres -Yu ay maaaring iugnay kay Bayani

Abadilla dahil sa may parehong layunin ang mga manunulat na ito. Ang

mga karanasan nila sa lipunang kinabibilangan ang kanilang naging

puhunan upang makapagsulat ng mga tula na tumutuligsa sa hindi patas na

pamamahala sa ating bansa na nangyayari noon at patuloy na lumalala sa

kasalukuyan.

Nagsilbi si Ka Bay bilang isang associate editor ng isang sikat na

progresibong pahayagan na Pinoy Weekly na kung saan ay lalo pang

pagpapatunay na siyang sumusulat para sa masa at sa pagtatagumpay ng

rebolusyon.

Hindi kaila ang galing ni Ka Bay sa pagsulat ng tula sapagkat buong

puso niyag inalay ang kanyang pluma sa pagpapakita ng kalagayan ng

mamamayang Pilipino at makikita ito sa librong Sigliwa Kamao na kaisa-isa

niyang libro na nailimbag. Nakapagtrabaho rin si Ka Bay sa Panulat para sa

Kaunlaran ng Sambayanan (PAKSA) na nabuo sa taong 1970 kasama si


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 6

Bienvenido Lumbera. Isa rin si Bayani Abadilla sa matapang at masigasig

na lumaban sa diktadura ni Marcos at kalauna'y naging miyembro ng

Communist Party of the Philippines at naging organisador din para sa

Kabataag Makabayan sa taong 1970.

Batay kay Alejandro (2008), Nakapagsulat si Ka Bay ng mga iba’t

ibang artikulo sa pahayagan na tumutuligsa sa Martial Law noong panahon

ng diktaduryang Marcos. Namuhay si Ka Bay na may makabayang puso at

handang lumaban para samasang Pilipino at isa rin siya sa mga taong

nakibaka para sa pambansang kalayaan at tunay na demokrasya. Naging

kasapi siya ng Kabataang Makabayan noong 1970.

Halos kalahati ng buhay ni Ka Bay ay inalay niya paglahok sa

paglaban sa tumitinding tiraniya sa ilalim ng rehimeng Ferdinand Marcos.

Sa isang artikulo, ayon pa sa kanyang mga kasamahan sa Pinoy Weekly ay

isa lamang si Ka Bay sa mga taong walang hinihinging kapalit sa kanyang

paglahok sa larangan ng aktibismo. Matapos ang diktaduryang Marcos,

nagturo siya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas noong 1986, ngunit

nagpatuloy sa pagsulat sa mga progresibong pahayagan katulad ng Ang

Masa at Diario Uno sa ilalim ng pamahalaang Estrada. Habang siya'y

nagtuturo pa sa PUP ay tumuwang din siya pag organisa sa mga ka-

guruan, mga empleyado at estudyante sa PUP.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 7

Ayon pa sa mensahe ng CPP, sa panahon ng Second Rectification

Movement noong 1990s ay nanatiling matatag ang kapit ni Ka Bay sa mga

prinsipyo ng Partido. Kung kaya't tumigil man siya sa aktibong paglahok sa

armadong pakikibaka ay itinuloy naman niya ang pagtuturo ng progresibong

panitikan sa kalunsuran partikular sa PUP. Si Bayani Abadilla rin ang pinaka

unang nagsulong ng Filipinolohiya sa PUP at organisador din ng mga

manggagawa at isang unyonista.

Noong 2006, bago binawian ng buhay si Ka Bay noong ika-14 ng

Mayo dahil sa kanyang karamdaman na tinatawag na lymphoma,

nakapagsulat siya kanyang koleksyon ng mga tula at ito ay pinamagatang

Sigliwa Kamao.

Ang Sigliwa Kamao ay naglalaman ng mga tula tungkol sa kalupitan

at hindi makatarungang pagtrato at pamamahala ng mga nagdaang

rehimen, iniaalay ito ni Bayani Abadilla sa masang Pilipino upang

magsilbing boses para sa mga Pilipinong pinipilit na lamang itikom ang

kanilang mga bibig at magbulag-bulagan sa maling sistema at

pamamalakad ng mga nagdaang pamahalaan dahil sa ordinaryong

mamamayan lamang at walang kapangyarihan sa lipunan na kontrolado ng

mga naghaharing-uri.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 8

Ayon kay Rafal (2015), Naisama ang akdang Sigliwa Kamao sa

katipunan ng Bisig at Braso na kilala bilang progresibong katipunan ng mga

akdang nagmumulat at nagsisilbi sa mga naisasantabi.

Isa si Bayani Abadilla sa mga gurong may radikal na tindig at may

sosyo-politikal na pananaw noong pamamahala ni Dr.Prudente na

maraming mga naganap na pagbabago (Introduksyon para. 12).

Ayon pa Abadilla sakanyang akdang Sigliwa Kamao:

…Mahal ko na ang pluma sapagkat sa kanya ako nagpapakatao.


Tula ang sayad ng ulo ko. Kasi, malapot-malagkit ang tula sa
sa sensibilidad. Mahurap akong “sukatin” Kasi, hindi domestikado
ang utak ko.(Abadilla, afterword para. 5)

Makikita ang reputasyon na matagal ng nagsisilbi si Ka Bay sa mga

taong nasa laylayan at ginagamit niya ang kanyang akda upang sila ay mas

mamulat sa mga pangyayari sa ating lipunan.Tumutulong din siya sa mga

taong may hangarin na baguhin ang mga bulok na sistema na nangyayari

sa lipunan

Ang ganitong mga produkto na likha ng isang premyadong dikit at

alam ang danas ng mga kalakhang mahihirap ay napakagandang

pagkakataon upang higit na pag-aralang mabuti ang estado ng lipunang

Pilipino.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 9

Mahalaga na patuloy ang mga tao sa pag-alam ng totoo sa hindi, ng

tunay at huwad, at ang mga itinatagong hindi dapat itago, kaya marapat na

halungkatin at ibayong suyurin ang mga akda ni Ka Bay at ang nais nitong

ipahiwatig sa mga mambabasa upang alamin ang kalagayan ng lipunang

Pilipino na makatutulong sa kasalukuyang panahon sapagkat patuloy pa rin

na nasasadlak sa kahirapan at kadustahan ang masang Pilipino.

Ang Sigliwa Kamao ang pangunahing pagtutuunan ng pansin ng mga

mananaliksik upang bigyang suri at nang sa gayon ay malaman ang

kalagayan ng mga manggagawa sa mga tulang nakalathala sa aklat na ito.

Ang aklat na Sigliwa Kamao ay naglalaman ng koleksiyon ng kaniyang mga

tula at ang mga tulang ito ay talagang mapaghimagsik at nagpapamulat sa

mga tao sa kadahilanang kontrolado lamang ng mga naghaharing uri o mga

uring mapagsamantala ang ating ekonomiya at pulitika.

Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang kalagayan ng

manggawang Pilipino sa akdang Sigliwa Kamao, bukod pa rito ay

prayoridad ng mga mananaliksik ang magkaroon ng malalim na pag-unawa

at pagdiskurso sa ilang mga tula sa Sigliwa Kamao na pumailalim sa

rehimeng Marcos at Cory Aquino nang sa gayon ay maiparating sa mga

mambabasa at mag-aaral ang kahalagan ng panitikan sa pag-unawa at

pag-aaral ng ating lipunan.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 10

Paglalahad Ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang PAGSUSURI SA AKDANG

SIGLIWA KAMAO: ANG KALAGAYAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO

SA PANAHON NG LIGALIG AT KAHIRAPAN ay naglalayong sagutin ang

mga sumusunod na katanungan:

1. Paano ipinakita sa sigliwa kamao ang kalagayan ng

manggagawang Pilipino?

2. Ano-ano ang mgasuliraning panlipunan na umusbong na naging

dahilan ng paghihirap ng manggagawang Pilipino sa panahon nina

F.Marcos at C.Aquino?

3. Paano nakatulong ang ang paggamit ng panitikan bilang daan sa

pagsisiwalat ng kalagayan ng Lipunang Pilipino?

Batayang Teoretikal

Sa mga nagawang mga pag-aaral, hindi natin maisasantabi ang

paggamit ng mga teorya na magagamit bilang gabay sa pag-aaral na

isasagawa ng mga mananalisik.

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng tuong ‘Marxismo’ bilang

pangkabuuang teorya na nakabatay sa pagsipat ni Terry Eagleton na

nakatuon sa sining at panitikan. Sinusuri sa Marxismong kritisismo hindi

lamang ang kultura, kundi maging ang larangan ng politika, ekonomiya at


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 11

pilosopiya na kung saan naglalahad ito ng pag-aaral kung bakit may

pagkakaiba sa uri ng lipunan na naglalayong mapalaya ito sa sitwasyong

kinalalagyan bunga ng baluktot na sistema upang makapagpabago ng isang

lipunan.

Ayon kay Eagleton (1976), sa kanyang librong Marxism and Literary

Criticism:

Literary works are not mysteriously inspired, or explicable


simply in terms of their authors' psychology. They are forms of
perception, particular ways of seeing the world; and as such
they have a relation to that dominant way of seeing the world
which is the 'social mentality' or ideology of an age. That
ideology, in turn, is the product of the concrete social relations
into which men enter at a particular time and place; it is the
way those class-relations are experienced, legitimized and
perpetuated. (p.55)
Sinasabi na ang layunin ng Marxismong kritisismo ay hindi lamang

nakatuon sa mismong literatura, lagi't laging mayroong sinasabi ang

panitikan sa kalagayan ng lipunan at sa mismong kasaysayan ng isang

bansa.

Mula sa mga pagpapakahulugan na ito masasabi na ang Marxismo

ay ginagamit kapag ang pag-aaral ay ukol sa relasyon sa pagitan ng isang

akda sa lipunan. Sa paggamit ng tuon na ito ay sisikapin ng mga

mananaliksik na malaman ang kalagayan ng lipunang Pilipino sa akdang

Sigliwa kamao ni Bayani Abadilla at alamin ang kaugnayan at maging

ambag nito sa lipunan.-


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 12

Balangkas Konseptuwal

Kalagayan ng manggagawang
Pilipino

*PULITIKAL *KULTURAL *EKONOMIKAL

Marxist Literary Criticism

Sigliwa Kamao

Makikita sa ginawang Balangkas konseptuwal ng mga mananaliksik,

sa unang kahon ay ginamit ang Marxist Literary Criticism upang higit na

maunawaan ang mga tulang nakapaloob sa Sigliwa Kamao at malaman

kung ano ang sinasabi ng mga tula na may kinalaman sa pang Ekonomikal,

Pulitikal at Kultural na kalagayan ng mga Pilipinong manggagawa upang sa

gayon ay tuluyang matanto ang kalagayan ng lipunan sa mga katha ni

Bayani Abadilla.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 13

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pagsusuri na ito na pinamagatang PAGSUSURI SA AKDANG

SIGLIWA KAMAO: ANG KALAGAYAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO

SA PANAHON NG LIGALIG AT KAHIRAPAN na sasaklawin ang

labindalawang tula mula sa Sigliwa Kamao. Nakatuon ang pananaliksik na

ito sa pagsusuri at pag-unawa sa mga napiling tula na pumapatungkol sa

mga manggagawa.

Ang panahon ng ‘ligalig’ at ‘kahirapan’ ay tumutukoy sa dalawang

rehimen na Ferdinand Marcos na kung saan ay ito ay itinuturing na pinaka

madilim na parte ng kasaysayan ng Pilipinas at sa rehimen ni Cory Aquino

na kung saan ay hindi tuluyang nakamit ang tunay na demokrasya at

kalayaan sa Pilipinas, lalo lamang nalugmok sa kalagayan ang masang

Pilipino sa kahirapan.

Hindi alinsabay sa isinagawang pag-aaral ang iba pang akda ni

Bayani S. Abadilla na kaniyang nailimbag tungkol sa pag-aaral ng wika.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na PAGSUSURI SA

AKDANG SIGLIWA KAMAO: ANG KALAGAYAN NG

MANGGAGAWANG PILIPINO SA PANAHON NG LIGALIG AT

KAHIRAPAN ay naglalayong maipabatid ang mga sumusunod na layunin:


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 14

Sa mga Mananaliksik

Masuri ang kalagayan ng lipunang Pilipino sa pamamagitan ng

pagsasalaysay sa tula ni Bayani Abadilla sa kanyang akdang Sigliwa

Kamao at makapag ambag sa pagpapaunlad ng makabayang panitikan

sa panahon ng modernisasyon.

Sa mga Mambabasa

Naglalayong maimulat ang mga mambabasa sa mga panlipunang

isyu na kinaharap ng ating lipunan sa pamamagitan ng pagbasa at pag-

unawa sa akdang Sigliwa Kamao.

Sa mga Guro

Maipabatid ang kakayahan ng panitikan sa anyo ng tula sa

pagmumulat sa mga hindi makatarungan at makataong pamamahala ng

mga may kapangyarihan sa lipunan.

Sa mga Mag-aaral

Maipabatid sa kapwa mag-aaral ang papel ng panitikan sa kahit

ano mang anyo kagaya ng tula, nobela, maikiling kwento atbp. sa

pagpapakita ng katotohan hinggil sa kalagayan ng lipunang Pilipino.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 15

Sa mga Manunulat

Magsilbing inspirasyon na gamitin din ang tangang panulat upang

gawing instrumento sa paglikha pa ng kahit anong uri ng panitikang

nagpapakita ng kalagayan ng lipunang Pilipino sa kasalukuyan.

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

Ang mga sumusunod na salita ay ginamit ng mga mananaliksik

upang lalong mabuti at maging angkop sa isa’t isa ang mga salita sa loob

ng pangungusap. Binigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na salita

ayon sa pagkakagamit ng mga ito sa pananaliksik.

Sigliwa kamao

-Ayon kay Abadilla ito ang Sigliwa ay nagmula sa dalawang salita.

Ang ‘Sigla’ at ‘diwa’ gaya ng kanyang ama mahilig si Ka bay na bumuo

ng mga salita at pagkatapos ay pagdurugtungin upang makabuo na

panibagong kahulugan. (B.Abadilla,w.t)

-Ang sigliwa kamao ay lupon ng mga tula na tungkol sa “hinagpis-

himagsik ng masa ang likhadiwa sa mga estropa” na nagsisiwalat sa mga

kaganapan sa mga ng nagdaang rehimen


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 16

Burgesya

Pang-uring salita na tumatalakay sa gitnang-uri ng tao sa lipunan,

kinabibilangan ito ng mga kapitalista, mga namumuhunan at mga

malalakal.

Lipunan

Organisadong asosasyon ng mga tao tungo sa layuning kultural,

agham at pang-politika. Maaaring hindi balanse ang daloy ng isang

lipunan kung magkakaroon ng tunggalian sa iba’t-ibang aspeto,

halimbawa sa politikal, ekonomikal at kultural.

Marxismo

Pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan sa ugnayan at

tunggalian ng mga uri sa lipunan. Gumagamit ng ekonomiko at sosyo-

pulitikal na pag-uusisa ang metodolohiyang Marxista, upang masiwalat

ang uri sa sistematikong pagbabago pang-ekonomiya.

Marxist Literary Criticism

Kritisismong pampanitikan na tumutuon sa pagsusuri at kahulugan

ng akda na tumutukoy sa isang particular na kasaysayan at ugnayan ng

lipunan sa panitikan.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 17

Obrero

Lupon ng mga tao nagmamay-ari ng lakas-paggawa na

iginugugol sa mga kapitalista, na kinabibilangan ito ng Masang Pilipino.

Rehimen

Sumasakop ito sa panahon ng pag-iral ng isang pamahalaan o

sistema ng pamumuno.

Imperyalista

Pinakamataas na yugto ng kapitalismo na kung saan nakontrol na ng

mga kapitalista ang ekonomiya, pulitika at kultura

Kapitalismo

Sistema sa pagpapataakbo sa pamahalaan bilang isang negosyo

Pyudalismo

Sistema ng produksyon kung saan ang mga magsasaka at ang mga

lupang binubungkal ang pangunahing ginagamit upang pagkakitaan.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 18

Kabanata 2

REBYU NG MGA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito inilahad ng mga mananaliksik ang mga kaugnay

na pag-aaral at literatura na makatutulong upang higit maunawaan ang pag-

aaral.

Ang mga Uri sa Lipunang Pilipino

Mahalagang malaman at makilala ang iba’t ibang uri sa Lipunang

Pilipino nang sa gayon ay higit na maunaawan ang kanilang mga papel at

katayuan sa pulitikal, kultural at ekonomikal na aspeto sa sistema ng

produksyong panlipunan at pagkakaiba-iba upang mailantad kung sino ang

mapagsamantala at pinagsasamantalahan. Ang Lipunang Pilipino ay

binubuo ng Uring panginoong maylupa, Burgesya, ang mga uring

magsasaka at Proletaryado.

Ang uring panginoon maylupa ang nag-aari sa malalawak na

lupaing pang-agrikultura. Hindi nakikilahok sa paggawa at kung gagawa o

magtatrabaho man ay maliliit na gawain lamang. Nanggagaling ang yaman

nila sa pamamagitan ng pananamantala sa masang magsasaka sa

pamamagitan ng paniningil ng mataas na upa sa lupa, tributo at

pangangamkam ng lupain. Ang mga lupa ng mga naghihirap na magsasaka

ay kanilang binibili.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 19

Batay ka Guerrero (2009), Maaring ikategorya ang panginoong

maylupa sa mga tagapagtaguyod ng mga huwad na kooperatibang

pansakahan dahil kumikita sila sa pyudal na pagsasamantala. Sila ang

pangunahing sagabal sa pag-unlad ng Pilipinas sa pulitika, ekonomiya at

kultura dahil hinahadlangan nila ang pag-unlad na pwersa ng produksyon

(p.125).

Samantalang ang burgesya naman ay binubuo ng tatlong saray.Una

ang Malaking burgesya komprador. Sila ang nakikinabang nang husto sa

pakikipagkalakalan sa iba pang imperyalistang bayan at sila rin ang may

limpak-limpak na kinikita sa pakikipagkalakan at pinansya. Ang kanilang

yaman ay nagmumula sa pag-eeksport ng mga hilaw na materyales katulad

ng mineral at asukal at gayundin sa pag-iimport ng mga produktong yari na.

Nakokontrol ng malaking burgesya komprador ang sistemang political dahil

sila ang pinakamalaking nagpipinansya sa mga kampanya at organisasyon.

Sila ang pinakamalupit at pinakamabagsik dahil sila ang nagpapanatili sa

imperyalistang paghahari sa Pilipinas at nagtataguyod ng mga hakbangin

sa pulitika, ekonomiya, kultura at maging military.

Pangalawang saray ng burgesya ang tinatawag na Panggitnang

burgesya. Sinasaklaw ng interes ng mga panggitnang burgesya na

tinatawag ding pambansang burgesya ang mga pangisdaan, maliit na

pagawaan, maliit na pagmamanupaktura at katamtamang negosyo.

Binubuo sila ng mga negosyante sa syudad at probinsya na interesado sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 20

makabansang industriyalisasyon ngunit walang pagkakataong mapaunlad

nang husto ang kapitalismo o maghari sa ilalim ng diktadurang uri nila.

Panghuli ang petiburgesya. Ang Petiburgesya ang pinakamalaki ngunit

pinakamababa sa mga saray ng burgesya. Sila ay nasa pagitan masang

anakpawis at naghaharing-uri dahil kaunti lamang ang ari-arian at sapat

lamang ang kabuhayan sa produksyon. Binubuo ng mga manggagawang

propesyonal na maliit ang kinikita,panggitnang magsasaka at may maliit na

negosyo kaya’t kumpara sa pambansang burgesya sila ang mas naaapi ng

imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo.

Ang pangatlo sa uri ng lipunang Pilipino ay ang uring magsasaka.

Ang mga magsasaka ang siyang nag-aalaga, nagtatanim at nagpapatubo

ng mga palay bilang pagkain. Dagdag pa ni Guerrero (2009b), Magsasaka

ang pitumpu’t limang poryento (75%) ng buong populasyon ng Pilipinas

(p.132). Nahahati ang uring magsasaka sa tatlo, Ang mayamang

magsasaka, ang panggitnang magsasaka at maralitang magsasaka.

Ang mayamang magsasaka ay siyang nagmamay-ari ng lupang

sakahan ngunit marami pa rin sakanila ang umuupa ng lupa. Mahuhusay

ang kanilang kagamitang pansaka at mas marami ito nasiyang nagpapabuti

sa kanilang mga ani. Ang ibang bahagi ng kanilang kinikita ay nagmumula

sa pagpapa-upa ng mga sobrang lupang sakahan, pagpapaarkila ng hayop

at kagamitang pansaka. Gayunpaman, ang mayayamang magsasaka ay

makakatulong sa pakikibaka ng masang magsasaka upang maisulong ang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 21

antiimperyalistang pagkilos at manatiling nyutral laban sa mga panginoong

maylupa.

Ang panggitnang magsasaka naman ay karaniwang may sarili ring

pagmamay-ari ng lupa at kagamitang pansaka na sapat para sa sariling

paggawa. Sa sariling lakas paggawa sila umaasa upang magkaroon ng

sapat na kita kaya’t hindi na nila kinakailangan magbenta ng lakas

paggawa. Simple lamang ang pamumuhay ng mga panggitnang magsasaka

ngunit madalas tinatamaan sila ng mga krisis gaya ng mahinang ani kaya’t

naiipit sila sa mga gastusin at papataas na gastos sa produksyong

agricultural maging ang presyo ng mga kalakal.

Ang panghuli ay ang mga maralitang magsasaka na karaniwan ay

kasama ng mga panginoong maylupa at walang sariling pag-aaring lupa.

Maaari may kapirasong lupang pag-aari ang ilan sa kanila ngunit balewala

rin ito dahil nakaasa ang kabuhayan ng maralitang magsasaka sa

panginoong pyudal.

Ayon sa pag-aaral ni Guerrero (2009c):

Ang pangunahing porma ng pagsasamantalang dinaranas ng


mga maralitang magsasaka ay ang regular na pagbabayad
ng upa sa lupa katumbas ng kalahati ng kanilang ani o higit
pa. Ito ang uring magsasaka na nabibiktima nang husto at iba
pang pyudal na pang-aabuso.(p.134-135)
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 22

Kabilang sila sa kategorya ng malaproletaryado at ang esensyal na

suliranin nila ay ang lupang sakahan. Kaya’t sila ang madalas na naaapi at

napagsasamantalahan.

Ang pang-apat na uri sa lipunang Pilipino ay ang mga proletaryado.

Ang mga manggagawa sa industriya ay kabilang sa mga proletaryado. Ang

mga proletaryado ay walang pag-aaring kagamitan o kasangkapan kaya’t

kinakailangan na magbenta ng lakas-paggawa upang mabuhay. Sila ang

gumagawa ng mga produktong tinutubuan ng malaki ng mga kapitalistang

lokal at dayuhan. Karaniwang matatagpuan ang mga ito sa mga pabrika

tulad ng tela, kemikal; sa mga minahan at trosohan; planta ng public

utilities; repinerya ng langis; at mga asyenda ng mga eksport na pananim.

Ang mga proletaryado ang tumatanggap ng pinakamababang sahod at ang

pinakakonsentradong uri sa lipunan.

Gayunpaman, mahalaga na masuri natin ang mga uri na bumubuo

sa ating lipunan nang sa gayo’y magkaroon tayo ng wastong pagtingin sa

kondisyon at pagbabago sa ekonomiya. Hindi lamang ang pangkabuhayan

ang dapat na gamitin sa pagkaklasipika ng indibidwal bagkus nararapat na

bigyang importansya ang pagbabago ng ideolohiya.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 23

Ang Ugat ng kahirapan ng mga manggagawa at magsasakang

Pilipino

“Sa pagharap ng problema, dapat makita ng Marxista


ang kabuuan at pati ang mga parte. –Mao Zedong

Katangian ng Pilipinas ang malakolonyal at malapyudal na lipunan na

ngayon ay nagpapahirap at nagsasamantala sa masang Pilipino. At

kinatawan ang paghahari ng pundamental na suliraning nagpapahirap sa

lipunang Pilipino ay ang imperyalismong US, pyudalismo at burukratang

kapitalismo.

Batay sa pag-aaral mula sa Maikling kurso sa lipunan at rebolusyong

Pilipino (w.t.), Ang pangunahing nakikinabang sa kasalukuyang naghahari

sa sistema sa Pilipinas ay ang imperyalismong US. Ang imperyalismo ay

ang monopolyong yugto ng kapitalismo at nagsimula ang paglitaw nito nang

makontrol ng mga kapitalista ang ekonomiya, pulitika at kultura (p.94).

Layunin ng mga imperyalista na mapalawak ang larangan ng monopolyong

pamumuhunan at gawing posible ang pag-aalis ng mga yaring kalakal at

maagaw ang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales. Esensyal para sa

mga imperyalista ang bayan na mapagkukunan ng murang hilaw na

materyales dahil kung wala ito hindi mapapanatili ng mga imperyalistang

bayan ang pagpapalawak sa produksyon at mabilis na pamumuhunan. Ang

Amerika ang pinakamalaking imperyalista sa buong daigdig sa kasalukuyan

sumunod na lamang ang mga bansang Japan, Pranya, Britanya at iba pa.

Makikita ang pangongontrol ng imperyalistang US sa Pilipinas sa larangan


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 24

ng ekonomiya. Hawak ng mga monopolyong kapitalista ng US ang mga

industriya sa Pilipinas gaya ng petrolyo, bangko at pananalapi,

transportasyon at mina at patuloy na nakatali ang ekonomiya ng Pilipinas

sa eksport at import. Hinubog tayo ng mga imperyalistang US sa

ekonomiyang nakaasa sa eksport ng hilaw na materyales at import ng mga

yaring produkto at ito ang kanilang kasangkapan upang matuloy na

makontrol ang Pilipinas. Sa larangan naman ng pulitika, kontrolado nila ang

papet na gobyerno at ang armadong pwersa ng ating bansa. Dahil umaasa

ang Pilipinas sa mga kagamitang armas at pandigma maging ang

pagsasanay mula sa mga imperyalistang US. Bukod dito hindi

maipagkakaila ang impluwensya ng imperyalistang US sa ating kultura kung

saan laganap at itinataguyod ang panggamit ng ingles sa mga paaralan,

negosyo at maging sa gobyerno.

Makikita kung paano tayo pinagsasamantalahan ng imperyalistang

US. Nasasamsam nila ang limpak-limpak na tubo mula sa pinaghirapan na

dugo’t pawis ng mga manggagawa at mamamayan.

Batay pa rin sa pag-aaral ni Guerrero (2009d), Ang pyudalismo ay

nananatili parin sa Pilipinas kahit na bahagyang kapitalistang pag-unlad ang

imperyalistang US (p.83). Ang pyudalismo ay sistema ng produksyon na

kung saan ang pangunahing kasangkapan sa produksyon ay ang mga

magsasaka at ang mga lupang binubungkal. Sa sistemang pyudal, ang

pinakakagyat na manipestasyon nito ay ang pagmamay-ari ng lupa ng mga


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 25

panginoong maylupa at pinagbabayad nila ng mataas na upa ang mga

magsasaka.

Makikita na umiiral ang pyudalismo sa ating bansa sa pamamagitan

ng pagkokontrol at pag-aari ng iilang panginoong maylupa sa mga lupain at

naiipit ang masang magsasaka dahil sa kakulangan sa lupang sakahan.

Nagpapa-upa sila ng lupain na sobrang taas ang singil at patuloy na inaalila

ang masang magsasaka sa pamamagitan ng hindi patas na parte ng ani

ang ibinibigay, mababa ang pasahod kaya’t napipilitan ang mga magsasaka

na mangutang na lamang sa mga usurero na siyang panginoong maylupa

rin naman.

Ang isa pang ugat ng kahirapan ng mga manggagawa at

magsasaka sa Pilipinas ay ang burukratang kapitalismo. Ang burukratang

kapitalismo ay ang sistema sa pagpapatakbo sa gobyerno na tila isang

negosyo. Lalong yumayaman ang mga may kapangyarihan at pawang

gobyerno ang kinatawan ng uring burgesyang kumprador at panginoong

maylupa. Instrumento nila ang pulitika upang makapagsilbi sa mga

dayuhang imperyalista bukod pa rito, ginagamit nila ang kanilang posisyon

upang mapalawak ang pagmamay-aring lupa at negosyo at patuloy na

nangungurakot. Malaking pasanin sa ating bansa ang burukratang

kapitalismo dahil pinapahirapan nito ang buong bansa sa pamamagitan ng

panunupil sa estado ng mamamayan.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 26

Ayon pa rin sa MKLRP (w.t.):

Espesyal na tungkulin ng mga burukratang kapitalista ang


direktang pagpapatakbo ng reaksyunaryong estado. Para
sugpuin ang mga kilusan at pakikibaka na naglalayong
palayain ang lipunang Pilipino sa paghahari ng
imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo,
itinataguyod ng mga burukratang kapitalista ang pasismo.
Ito ang marahas na pananalakay at panunupil ng
reaksyunaryong estado sa mamamayan. (p.120)

Ang burukratang kapitalista rin ang gumagawa at siyang

nagpapatupad ng mga batas na pumapabor sa mga naghaharing uri,

nagpapatupad ng mga programang tumutulong sa naghaharing uri upang

patuloy na mapagsamantalahan ang mga mamamayan upang lalong

magpayaman. Ang korapsyon, katiwalian at kabulukan ng gobyerno ay

laganap dahil tumatanggap sila ng mga suhol mula sa mga naghaharing uri.

Kontrolado rin ng burukratang kapitalista ang sistema ng masmidya na

pinakapangyarihan sa bansa at maging ang edukasyon ginagamit nila ang

mga ito upang mapasunod ang mga mamamayan at mailayo sa landas ng

rebolusyon.

Ang pag usbong ng panitikan at rebolusyonaryong panulat sa lipunang

Pilipino

Ang panitikan ay isang daan upang mainlantad ng isang tao hindi

lamang ang mga kathang-isip kundi maging ang katotohanan sa lipunan sa

pamamagitan ng pagsulat. At sa pagbabasa nito, nagtataglay ito ng

madamdaming emosyon na siyang pumupukaw sa damdamin ng mga


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 27

mambabasa. Maaari rin na makapagbago ng pananaw at paninidigan ang

panitikan depende sa pag-unawa ng taong nagbabasa nito.

Para kay Salazar (1995), ang pagtingin niya sapanitikan ay lakas na

nagpapagalaw sa lipunan bilang kasangkapang makapangyarihan na

maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala.

Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa

sangkatauhan.

Sa mga susunod na talata ay maipapaliwanag ang pag-usbong ng

panitikan sa panahon ng Amerikano hanggang sa panahon ni Cory Aquino

upang malalaman natin ang naging kalagayan ng mga manggagawa gamit

ang mga naisulat ng mga tanyag na manunulat sa panahong iyon.

Lipunan at Panitikan sa Panahon ng Amerikano

Ang umusbong na progresibong panulaan sa Pilipinas ay nagpatuloy

sa pagpasok ng mga Amerikano sa bansa, taong 1898. Binigyang kalayaan

ang mga manunulat na Pilipino na tahakin ang panunuligsa at pagmumulat

sa kaapihang dinanas sa nagdaang pananakop ng Espanyol.Umigting ang

mga makabayang panulatan na nagmumungkahi sa kasarinlan ng bayan.

Ngunit kasabay ng demokrasyang iminungkahi, ang pagtatag ng

Batas Sedisyon o Act No. 292 na itinatag ni William Howard Taft noong

Nobyembre 4, 1901 na nagsasaad ng pagpaparusa ng kamatayan o


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 28

matagal na pagkakabilanggo sa mga Pilipino sa pagsasalita, pagsusulat, o

pagtangkilik, pagsasarili at paghihiwalay ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Ayon pa kina Rubin et.al na (2006), “Hindi sila maaaring magsulat

ng laban sa mga Amerikano, laban sa kanilang mga pagmamalabis, laban

sa kanilang mga layunin na hindi naman pawang sa kapakanang

Pilipino”(p.9). Tahasang inilalayo ng mga Amerikano sa pagmumulat ng

makabayang kamalayan ang mga Pilipino na maaaring tumuligsa at

makapigil sa kanilang pagkokolonisa.

Nagkaroon ng malaking pagbabago ang daloy ng panitikan sa bansa,

nang simulang ituro ng mga Amerikano ang ideolohiyang Romantisismo.

Sangay upang ibahin ang nakagawian nasyonalismong panulaan, at ibaling

sakaisipang ng masidhing pag-iibigan ng mayaman at mahirap.

Batay sa aklat na Panitikan ng Pilipinas (2006):

Ito ang uring nahihimig sa Romantisismo ng Kanluran---


lubhang emosyunal, malabis ang pagkamoralistiko, sadyang
sumusumang sa hindi kayang abutin ng isipan, dumadakila sa
kagandahan at kapangyarihan ng kalikasan, gumagamit ng
matayog na imahinasyon o guniguni at bumabandila ng tungkol
sa kalayaang sarili.(w.p)

Mahihinuha na itinataguyod ang Romantisismo upang ituring ang

panitikan bilang libangan na lamang at hindi sandata o salamin ng

mapagpalayang bansa. Ilan sa mga nalimbag ay ang Mga Kuwentong

Ginto: Katipunan ng Pinakamahusay na Katha mula sa 1925- 1935. Ito’y


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 29

tinipon at ipinalagay na pinakamahusay nina Clodualdo del Mundo at

Alejandro Abadilla.

Mula sa librong Panitikan ng Pilipinas (2006b), Mahahati ang

panahong ito batay sa mga itinatag na mga samahan ng mga manunulat

noon. Ang Aklatang- Bayan (1900-1921), at Ilaw at Panitik (1922-1934).Ito

ang mga porgresibong organisasyon ng panulataan na naglalathala ng

panunuligsa at paglaban sa mala-pyudal na pamumuno ng Amerikano.

Sa patuloy na pag-usbong ng ekonomiya, sa maayos na sistema

ngtransportasyon at komunikasyon sa ilalim ng pananakop ng Amerika ay

patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga napagsasamantalahang

manggagawa at iba pa.

Sabi ni Guerrero (1970):

From the ranks of these exploiting classes, the U.S.


imperialists chose their top political agents and trained them
to become bureaucrat capitalists sharing in the spoils of the
colonial government. At the base of the society were the
toiling masses workers and peasants who comprised more
than 90 per cent of the people.

Ngunit sa kabila nito ay patuloy na nanatiling malawak ang

populasyon ng mga magsasaka ang lumitaw. Hindi lamang sa aspekto ng

ekonomiya, edukasyon at kultura kontrolado ng U.S ang Pilipinas kundi

maging ang politika sa Pilipinas ay tila hawak ng U.S.

Sa lumalawak na uring manggagawa sa bansa, lumalawak na rin ang

mga nananamantalang uri. At ang pagsasaka bilang pangunahing hanap-


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 30

buhay noon, ay ginawang paupahan ang bawat lupaing taniman upang sa

gayo’y babayaran sila ng mga magsasaka matapos ang anihan.

Sumisimbolo na ang Masang Pilipino ay dayuhan lamang sa sariling bansa.

Walang pagmamay-ari at tuluyang napasailalim sa Estados Unidos.

Si Amado V. Hernandez na itinuring na “Makata ng Manggagawa” ay

nagpahayag sa kanyang mga akda, ang kalunos-lunos na kalagayan ng

bansa. Ayon nga kay Rubin et. Al (2006c),”Ang mga tula niya ay

naglalantad ng tumatawag na kamalayang panlipunan”(w.p). Ang tula ni Ka

Amado na “Bago na Kaya?” ay umani ng madaming kritisismo, marahil

ipinababatid sa bawat saknong at taludturan ang diwang makabayan.

Sapagkat hindi kailanman naniwalang walang magandang dulot ang

pamamalagi ng Amerikano, kundi pangangakamkam ng likas na yaman at/o

mga makinaryang pumapabor sa Kano ang ginhawa.

Si Lope K. Santos na kinilala naman sa klasikong akda na Banaag at

Sikat. Na hindi lumihis sa makabayang adhikain, ang mapalaya ang

PIlipinas sa kamay ng mananakop. Gamit ang Tagalog, ay binuhay niya ang

nasyonalismo at tinaguriang “Makata ng Buhay”.

Kinilala rin ang mga tulang mapaghimagsik ni Alejandro Abadilla, na

nagpapahayag sa danas ng sambayanang Pilipino sa akdang 'Ako ang

Daigdig' noong 1940.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 31

Bilang bahagi ng pag-aaral, ang ugnayan ng lipunan at panitikan sa

panahon ng Amerikano ay naipabatid sa paglalayon na mapalaya ang

Pilipinas. Inilahad din ang mga kinilalang manunulat sa makabayang

panulatan na nag-uusig sa pakikibaka. Ipinaliwanag rin ang kapitalismong

ipinapataw sa mga uring manggagawa sa pamamalagi ng Estados Unidos

sa bansa. At kaagapay ang mga pahayagang nagmumulat at nangangaral

sa Masang Pilipino upang makiprotesta at ipaglaban ang layong

nasyonalismo.

Ang Panitikan at Lipunan sa Panahon ng Batas Militar

Muling sigla ng panitikan sa Pilipinas sa panahon ng Batas Militar.

Ang pagtatampok sa natatanging kalupitan higit lalo sa mga kababaihan ay

siyang namutawi sa bawat palimbagan at pahayagan.

Sa pagdedeklara ng Batas Militar taong Setyembre 21,1972 sa ating

bansa ay siyang naging bunga ng aktibismo at malawakang pagkilos ng

maraming Pilipino sa pag-aasam ng kalayaan mula sa diktaturya. Kasabay

ng deklarasyon ay ang pagpapatigil ng mg publikasyon ng mga pahayagan,

pambansa pati na rin sa mga paaralan. Ang pagpapalabas ng mga pelikula

at pag-eere ng radyo ay hindi rin nakalagpas sa pinaiiral na batas.

May mga naitatag na kilusang tumutuligsa sa rehimeng Marcos tulad

ng Bagong Hukbo ng Bayan (New People’s Army) at mga organisasyon na

humihingi ng pagbababago sa takbo ng pamahalaan. Binubuo ito ng


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 32

malaking bilang ng mga Kabataan, nag-aalab ang adhikaing makaalis sa

Diktaturyang Marcos.

Ayon pa kina Kahayon at Zulueta (2000):


The youth became completely rebellious during this
period. This was proven not only in the bloody
demonstrations but also in literature. Campus
newspapers showed rebellious emotions The once
aristocratic writers developed an awareness for society.
They held pens and wrote on placards in red paint the
equivalent of the word MAKIBAKA (To dare!). (p.97)

Sinasabing maging ang kabataan ay mulat sa baluktot na kalakaran,

binibigyang kaganapan ang kalakasan ng panitikan upang kalabanin ang

pagkukundina ng kalayaan sa pagpapahayag. Ang panulataan ang silbing

boses ng masa upang tahasang isiwalat ang katiwalian sa ilalim ng

rehimeng Marcos. Tinahak ng mga manunulat ang rebolusyonaryong

paraan ng pagsulat tulad nina Virgilio Almario (Rio Alma) pinamagatang

Elehiya sa isang Rebelde, Rolando Tinio sa tulang “Mahabang Kuwento,

Rogelio Mangahas, Efren Abueg at Clemente Bautista na nagpapahayag

sa mga makata na huwag matakot sa pagpapahayag ng kanilang saloobin

sa kanilang mga akda. Ang tula ni Jess Santiago na ‘Halina’ naman ay

tumatalakay sa buhay ng tatlong biktima ng rehimen ni Marcos: isang

babaing factory worker, isang taga-bukid at isang pamilyang nakatira sa

iskwater.

Sa mga pinagkait na kasarinlan, ay mas lalong tumindi ang iisang

layon ng Masang Pilipino, mula sa uring manggagawa at mag-aaral ay


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 33

pinagyabong ang pagkakaisa upang mapabagsak ang diktaturya. Laganap

ang mga hindi rehistradong pahayagan na tumutuligsa at nagsisiwalat ng

katiwalian.

Ayon pa kay Aramba (2000):

Newspaper felt that the shackles that muzzled their


voices during the repressive years had had been broken
and, like a bird “trying its wings after a long time of
bondage the desire to write about this “miracle of change”
was electric.(p.123)

Bilang impluwensiyal ang mas midya sa bansa, kaya minabuting

ipatigil ang pagpapalabas ng mga ito. At nagtatag ng Ministri ng Kapatirang

Pangmadla na sumusubaybay sa pahayagan, aklat at babasahing

panlipunan. At upang sa gayon, ay malayo sa malay ng mamamayang

Pilipino ang kaganapan sa lipunan. Naging mabisa payak at

makatotohanang salitaan ang nobelang nalimbag samga panahong ito,

tulad ng Ginto ang Kayumangging Lupa ni Dominador Mirasol, May tibok

ang Puso ng Lupa ni Beinvenido Ramos, Dekada ‘70 ni Lualhati Bautista at

Hulagpos ni Mano de Verdades.

Mas lalong umigting ang hidwaan sa pagitan ng Rehimeng Marcos at

Masang Pilipino nang napaslang si Benigno Aquino Sr. At ang inhustisya

natamo ng pamilya Aquino ang lalong nagpalakas sa mga organisasyong

nakararanas ng panggigipit sa oposisyon. Naganap na ang People’s Power

Revolution o Lakas ng Bayan noong Pebrero 21-25, 1986 mula sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 34

bayanihan at pagkakapit-bisig ng Masang Pilipino, mag-aaral, manggawa,

pari’t madre na pinasimulan ni Corazon Aquino asawa nang pinatay na si

Benigno Aquino Sr.

Ipinaliwanag sa pag-aaral na ito ang opresyong at diktaturyang ng

Masang Pilipino, sa panunalatan, pahayagan, maging telebisyon at radyo

sa ilalim ng Batas Militar ni Marcos. Na nagpaigting sa aktibismo ng mga

uring manggagawa, mag-aaral at karaniwang Pilipino na tuligsain

pamamalakad na ito. Tumindig din ang ilang mga pahayagan, kahit na

kinukondina, ay patuloy paring nag-aaklas gamit at papel at pluma ay

naglalabas ng mga artikulong nagpapaliwanag sa kalagayang panlipunan

sa rehimeng Marcos.

Panitikan at Lipunan sa Rehimeng Corazon Aquino

Bunga ng masidhing adhikain sa pagkamit ng tunay na

demokratikong bansa, inilunsad ang People Power Revolution o Lakas-

Bayan na umabot ng apat na araw na, simula Pebrero 21-25, taong 1986.

Tinagurian bilang apat na makasaysayang araw na siyang humubog

ngpagkakaisa, kapit-bisig, balikat sa balikat na barikada, higaan sa kalyeng

at pagmumutawi ng diwang nasyonalismo na nagmartsa ang libu-libong

Pilipino, may iisang sigaw kundi ang kalayaan sa diktaturyang Marcos.

Ayon pa kina Kahayon at Zulueta (2000b):

Philippine society was in turmoil for a few weeks but the


rejoicing after the then Pres. Marcos was toppled down from
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 35

power was sheer euphoria.Singing, dancing and shoutings were


the order of the day. (p.124)
Ang lahat ng kasapi ng kabataang aktibismo boluntaryong nakisama

sa malawakan at mapayapang pagprotesta,mga kolumnistang binilanggo

mula sa makabayang panitikan sa humigit dalawampung taong pagtatalaga

ng Batas Militar. Kasabay ng pagluloklok kay Corazon Aquino bilang

Presidente, na tinaguriang “Ina ng Demokrasya”, ay ang muling pagbuhay

ng panitikan sa bansa.

Sa unang taon ng panunungkulan, ay lumaganap ang makabagong

bihis ng panulaang Pilipino. Umusbong ang labis na pagpapahalaga sa

kalayaang nakamit. Mula sa panulaan ng kilalang makata tulad nina

Francisco Rodrigo sa kanyang Giting ng Bayan, Alambreng may Tinik,

Bombang Tubig at Usok na Malupit naman ang kay Remi Alvarez Alva na

pumayagpag matapos ang matagumpay na kilusang makabayan. Namutawi

rin ang mga piling sanaysay na tumatahak sa karanasan ng Pilipino sa

nagdaang taon ng pananakop at pang-aabuso.

Sa panahon ding ito, nakapaglimbag ng dalawang aklat na

tumatalakay makasaysayang pangyayari sa rehimeng Aquino, bilang

panimula ng kasarinlan ng bansa. Ito ay pinamagatang People Power na

naisakatuparan sa ilalim ng PCI Bank Human Resource Development

Foundation at ang librong Bayan Ko na nabigyan pa ng pagkakataon na

ipresinta sa Kowloon, Hongkong at kasabay na din sa Pilipinas sa ilalim ng

Veritas Publications and Communications Foundations. Hindi maikakala


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 36

ang kalbaryong sinapit ng Pilipinas sa rehimeng Marcos, kung kaya pati ang

kaban ng bayan ay nasasadlak sa malaking utang na hanggang sa

rehimeng C. Aquino ay itinuturing na panlipunang suliranin. Ang

pagmamay-ari ng lupaing sakahan ng mga magsasaka, na ipinagkait sa

matagal na panahon ay ipinangako niya sa madaming bilang ng mga

manggagawang magsasaka dito sa Pilipinas. At bilang kaganapan,

nilagdaan na ni Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program sa

taong 1988.

Ngunit kabaligtaran sa inaasahang taniman ang nakamit ng mga

manggagawang magsasaka sa Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng

nakaluklok na Presidente. Mula sa demokratikong panulataan, ay muling

bumalik ang rebolusyonaryong panitik nang umalingawngaw ang masaker

sa Hacienda Luisita, ang pagkamatay ng labim-pitong magsasaka kabilang

na ang kababaihan at mga bata. Dumanak ang dugo sa barikada, sa pag-

aakala kuno na ang mga ito ay kasapi sa gerilyas ng New People’s

Army(NPA).

Bumuhos muli ang pahayagan tulad ng Bulatlat, na nagsiwalat sa

mga larawan ng aktwal na ingkwentro sa pagitan ng magsasaka at mga

sundalo. At muling umigting ang panitikan tungkol sa kamatayan ng

makabayang Pilipino.

Ang kasarinlan ng Pilipinas sa diktaturyang Marcos alinsabay sa

panunumbalik ng mga pahayagan, panulataan, at ang kalayang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 37

pagyamanin pa ang Panitikang Pilipino sa larang ng kaunlaran. Ipinakita sa

panahong ito ang umiral na suliranin ng pamahalaang Aquino, ito ay

pagkamatay ng mga sibilyan sa Hacienda Luisita matapos paulanan ng bala

at nakalalasong gas.

Ang Panitikan Bilang Instrumento ng Pakikibaka

Malaki ang papel ng panitikan sa pagbabago ng kamalayan ng mga

tao. Nagsisilbi itong instrumento o daan upang maipahayag at mailarawan

ang mga suliraning kinahaharap ng ating bansa. Suliraning panlipunan man

ito, pampulitika o kahit pangkabuhayan mula noon ginamit na ang pantikan

upang maisiwalat ang pang-aalipin pang-aalispusta at masidhing

diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino noong panahon ng

rebolusyon.

Ayon kay Gonzaga (2014), “Ang Panitikan ay nagbubunsod sa

pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang mga hinaing, damdamin o

kaisipang nais ipahayag.ito ang lakas na nagbubuklod ng kanilang

damdamin, nagmumulat ng kanilang mga mata sa katwiran at katarungan”

(Introduksyon, para. 3).

Sinasabing ang panitikan ay maituturing na mapaghimagsik kung ito

ay tumutuligsa sa katayuan ng lipunan at lumalaban sa hindi

makatarungang pamamahala ng gobyerno, tuwirang humahamon sa

umiiral na panahon, katiwalian, kultura at moralidad.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 38

Ayon kay kay Guillermo (2006), sa kanyang New Mass art and literature:

The scientific character of these art and literature of national


democracy stems from their opposition againts the
metaphysical and idealist worldview and all other supertitious
peddled by bourgeouis and feudal ideologist regarding human
nature the, the economic,political and social practices. Being
mass and literature, they combat elitist art and literature which
focus on the achievements,ambitions, llifestyle tastes,
idosyncrasies of the ruling classes as matters of emulation and
treat the masses as an object of their fund”. (sinipi mula kay
Torres-Yu, 2011, p. 447)
Ibig sabihin ginagamit ang panitikan bilang instrumento sa

pagbalikwas sa mga naghaharing uri na walang sawa

pinagsasamantalahan ang mga nasa mababang uri at sila naman ay

patuloy na aangat sa lipunan at hindi titigalan ang pang-aapi sa mga taong

na nasa laylayan dahil sa kanilang kulang na kaalaman sa mga bagay na ito

kung kaya’t ginawang sandata ang panitikan upang maimulat sila sa mga

pangyayaring ginagawa sa kanila.

Ayon pa kay Torres-Yu (2006), Hindi lamang ang mga manggagawa

ang nakikibaka kundi nakikibaka rin ang mga manunulat sa larangan ng

pampanitikang produksiyon. Makikita na hindi lang sa dahas nila ginagawa

ang pagtutol sa sistema noon kung hindi ginagamit din nila ang panitikan

upang makibaka (p. 67).

Sintesis ng pag-aaral rebyu ng mga literatura at pag-aaral

Bilang kabuuang pag-aaral, ang mga nailahad na mga kaugnay na

pag-aaral at literatura ay naipahayag. Natalakay sa kabanatang ito ang uri


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 39

sa lipunang Pilipino na binunuo ng panginoong maylupa,burgesya,mga

magsasaka at mga proletaryado. Kasabay nito ay nailahad din kung paano

pinagsamantalahan ang mga manggagawang Pilipino na sa kabila ng

yaman ng Pilipinas ay patuloy parin itong naghihirap, patuloy parin ang

pagsasamantala ng mga Panginoong Maylupa sa mga magsasaka, ng mga

kapitalista sa mga manggagawa at iba pang porma ng pagsasamantala sa

iba pang sektor ng lipunan.

Nailahad din ang pinakang ugat o suliranin na siyang nagpapahirap

sa ating bansa sa loob ng mahabang panahon. Tinalakay din kung paano

umusbong ang panitikan at rebolusyonaryong panulat sa mga nagdaang

panahon
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 40

Kabanata 3

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga pamamaraang ginamit ng

mga mananaliksik sa isinagawang pag-aaral. Ang pananaliksik ay

nangangailangan ng maingat na pagsusuri upang lubos na maunawaan ang

magiging resulta ng mga ito. Inilahad ng mga mananaliksik ang disenyo ng

pananaliksik, paglalatag at paglalahad ng mga pinagmulan ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na pinamagatang PAGSUSURI SA AKDANG

SIGLIWA KAMAO: ANG KALAGAYAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO

SA PANAHON NG LIGALIG AT KAHIRAPAN ay gumamit ng

Kuwalitatibong disenyo upang sa gayon ay maisagawa ng maayos at

matagumpay ang pananaliksik. Bukod pa dito, ang disenyong ito ay

makatutulong upang higit na magkaroon ang mga mananaliksik ng

masusing obserbasyon at pag-aanalisa sa mga datos na nakalap o nakuha

mula sa pagbabasa ng akdang Sigliwa Kamao.

Paraan ng Pagsusuri/Paglalatag ng Datos

Bilang paraan ng mga mananaliksik sa pagsusuri sa akdang Sigliwa

Kamao, gumamit ang mga mananaliksik ng Marxist Literary Criticism ,

upang higit na yumabong ang pagsusuri sa lipunang Pilipino at kalagayan


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 41

ng manggagawa sa akdang Sigliwa Kamao. Bukod dito ay nilentehan ng

mga mananaliksik ang pag-aaral ng teoryang Marxism ni Terry Eagleton.

Ang pamamaraan na ginamit sa pag-aaral ay Historikal upang higit na

maunaawaan ang mga tula.

Upang higit na madali ang gampanin ng mga mananaliksik ay

nagkaroon ng dibisyon ang mga tulang sinuri ng mga mananaliksik ayon sa

panlipunang isyung kinabibilangan nito.

Pinagmulan ng Datos

Upang magkaroon ng sapat at wastong datos ang mga mananaliksik

ay nagtungo ang mga mananaliksik sa National Library, CAL Learning

Center, Ninoy Aquino Library Learning Center, PUP Graduate School

Library at Pambansang Aklatan. Bukod dito ay nangalap din ng mga

impormasyon at datos mula sa internet at mga websayt, sa mga

elektronikong dyornal at aklat atbp. Dagdag pa rito ay nakatulong ng

marami ang mga kaugnay na pag-aaral ng ilang mga dalubhasang

personalidad sa pag-aaral ng mga mananaliksik. Gamit naman ang panulat

at papel ay nagkaroon ng pagsusuri sa mga tula sa akdang Sigliwa Kamao.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 42

Mga Etikal na Konsiderasyon

Ang mananaliksik ay maingat na nagsuri sa mga tula sa akdang

Sigliwa Kamao, Bagamat maingat na sinuri, bukas ang mananaliksik sa

mga kritisismo maaring matanggap ng mga mananaliksik mula sa mga

mambabasa. Tungkulin ng mga mananaliksik na mailahad at maipabatid

ang malinaw na kalalabasan ng pananaliksik.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 43

KABANATA 4

RESULTA AT PAGTALAKAY

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng pagsusuri at pagtalakay mula sa

pilang mga tula na nakapaloob sa Sigliwa Kamao na sinuri ng mga

mananaliksik mula sa nakalap na datos.

Pagpapakita ng Kalagayan ng manggagawang Pilipino mula sa Sigliwa

Kamao

Pagkakawala mula sa tanikala ng pagsasamantala ang tanging

tunguhin ng mga manggagawang Pilipino, mula sa mababang pasahod,

kontraktwalisasyon, hindi ligtas na lugar-pagawaan at pang-aabuso sa

yaman ng bansa ng mga dayuhan. Ngunit sa kabila ng iba’t ibang pormang

ng pagsasamantala na nararanasan ng mga mangggagawa, ay hindi

natitinag ang kanilang diwang palaban kung kaya’t patuloy ang kanilang

pakikipaglaban para makamit ang tunay at lehitimo nilang mga karapatan

bilang manggagawa, nariyan ang pagsama nila sa mga unyon, kilusang

protesta, mobilisasyon at kung anu-anong porma ng pag-aksyon sa

paglaban sa mga naghaharing-uri. Ang makalaya sa kamay ng mga ganid

at nagsasabwatang lokal at dayuhang kapitalista ang kanilang mithiin upang

mapatid ang pagsasamantala na kanilang nararanasan.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 44

Tula bilang instrumento

Naging instrumento ang Panitikan sa porma ng tula upang maipakita

ni Ka Bay ang kalagayan ng manggagawang Pilipino noong kasagsagan na

lugmok ang Pilipinas sa hindi makatarungang pamumuno sa panahon ng

mga dating pangulong sina F. Marcos at C. Aquino taong 1965 hanggang

1992. Nagsisilbing daan ang mga tulang ito upang maibunyag at basagin

ang mga kaisipang nanatiling walang muwang sa totoong kalagayan ng

lipunan. Sa pamamagitan nito ang kabaluktutan sa ekonomiya, politika at

kultura at ang mga suliraning kinahaharap ng ating bansa ay mauunawaan.

Nakatuon sa partikular na sektor ng lipunan – ang mga manggagawa sa

pagpapakita ng tunay na kalagayan nila sa pamamagitan ng pagsusulat ng

kalipunan ng mga tula ni Ka Bay. Maipapakita rin ang ilang mga salik sa

lipunan kung bakit patuloy na nasasadlak ang kalagayan ng mga

manggagawang Pilipino.

Ang tulang ‘Hagkis ni Crisanto Obero’ ay nagpapakita ng

kalagayan ng manggagawang Pilipino nasa kabila ng pag-aalay ng dugo at

pawis ng mga kapatid nating manggagawa ay hindi nasusuklian ang

paghihirap na ito.

Makikita sa ikatlong saknong ang hinaing ng mga manggagawa:

Aming mga nalilikha,


Kami ang kinakawawa
Sa dami ng nagawa, hinagpis ang biyaya.

Sa palad na ito kayo pinakain,


Nang mabusog, sipag ang inalipin
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 45

Lakas na nagdidildil ng asin,


Buto’t balat nang nagpapakain pa rin

Ang pag-aalay nila ng buong lakas at kakayahan sa kanilang mga

trabahong ikinabubuhay ay hindi pa rin nasusuklian at hindi pa rin nila

nakakamit ang patas na karapatan bagkus ay patuloy pa rin ang paghahari

ng mga imperyalista US at patuloy na umiiral ang kapangyarihan ng mga

burukratang kapitalista. Masakit ang katotohanan na sa mga panahong ito

na inaasahan na ang gobyerno sana ang kanilang magiging kaagapay sa

hirap ng buhay ngunit mas masaklap pa ang kanilang ganti.

Binihisan naming kayo


Nang magmukhang tao:
Ang balik-loob sa serbisyo,
Hayop kaming kinakastigo.

Sa bahay ninyo
Sino ang nagtayo?
Nayari ng mga braso
Sa halos paghihingalo.

Gandang loob ang sukli sa pagod


Isang dakot na pako ang inabot
Ayos daw sa ataul ng naglingkod
Bigay-pala ng ganid sa busabos.

Sa saknong na ito inilahad ni Ka Bay ang kalagayan ng mga

manggagawa. Ang hinagpis nila sa kabila ng pagsusumikap at pag-aalay ng

buong sarili sa ating lipunan ay nanatiling dahas at kahirapan sa buhay ang

natatamo ng manggagawa.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 46

Ayon kay Oñate (2013), “Anong bansa man ay nangangailagan ng

mga manggagawang magbibigay serbisyo para magawa ang mga bagay na

kailangan ng tao. Sila ang nagsisilbing instrumento para matugunan ang

pangangailangan ng bawat tao”.(w.p.).Hindi matatawaran ang kahalagahan

ng bawat Pilipinong manggagawa dahil sa kanila kaya mayroon tayong

naisusubong pagkain sa araw-araw, may magagandang bahay at gusali

tayong nasisilungan, dahil rin kanila kaya natutugunan ang mga bagay na

esensyal sa ating pamumuhay. Ngunit hindi pinapahalagahan ng estado

ang manggagawa sa ating bansa.

Sa tulang “Oda sa Burgesya” ipinapakita ang kalagayan ng

manggagawang Pilipino sa matinding kahirapan na kanilang nararanasan at

kalupitan na dulot ng mga naghaharing uri sa ating lipunan isinawalat dito

ang mga kadayaang ginagawa ng mga matataas sa lipunan.

Alulong ng gutom
sa malanding kairalan
ang hinahamon ng gilas
na kabaong ang gawad
sa sipag ng pakikipagsapalaran

Ayon kay Guerrero (2009), Si Marcos ang pinili ng imperyalistang US

upang maging papet dahil sa kanyang angking kahusayan sa paggamit ng

dahas at panlilinlang.

Mulala ka burgesya
sa hubad na kagandahan;
narahuyo ka sa teknolohiya
na kumunoy ng ginhawa
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 47

Malalim kung iisipin ang pagkakalahad ng manunulat sa kalagayan

ng lipunan gayundin ang mga manggagawa. Ang ginagawang pang-aabuso

sa mga manggagawa at ang patuloy na pagpapakalunod sa mga salaping

nakukuha mula sa hindi makatwirang paraan ay nararanasan saunang apat

na taon na papamahala ni Marcos sa ating bansa, nabaon ang Pilipinas sa

utang sa loob at labas ng bansa dahil sa sobra-sobrang paggastos sa

pagpapagawa ng mga proyektong di produktibo at mga luhong

pagpapatayo ng mga asukarera at ispekulasyon sa mina kaya’t tumindi ang

kahirapan sa Pilipinas dahil dito hindi na napapasahod ng maayos ang mga

manggagawa tumaas ang presyo ng bilihin at bumaba ang halaga ng piso.

masdan mo haraya ang dilim at liwanag


sa pingkian ng katawan at katauhan,
gumagapang na apoy sa mitsa ng iyong hininga
ang taling-puso ng ngitngit ng mga kasama.

Sa tula namang “Biyahe ng mata sa usisa ng noo” nanatili ang

mensahe na nais ipabatid ang kalagayan ng manggagawang Pilipino na

nagnanais ng pagbabago at pilit na nagpupumiglas sa matinding

kahirapang natatamo. Makikitang dala ng hirap ng buhay, alipin ang mga

manggagawa ng pagod para lamang kumita at instrumento ang gobyerno

ng Pilipinas sa paghigop ng lakas-paggawa ng mga manggagawa sa alang-

alang ng tubo ng mga kapitalista. Makikita ang ang pagsasamantala ng mga

imperyalista sa mga manggagawang Pilipino sa taludtod na:

Sa republikang basahan nasa taumbayan


ang kapangyarihan: Malaya ang madla
na walang mapala-- tumunganga nang tulala.
Malaya ang masa na magpaalila sa ibang bansa.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 48

Ang dangal ng bayan ay nakasanla na sa imperyo


ng kasakiman ng paraiso ng nga dayuhan.
Ang kawal ng kaunlaran, humihinga pa, nasa
puntod na ang kanilang pag-asa.

Noong 1967, pinagtibay ang batas ng pamumuhunan na

nagdedeklara ng patakaran ng estado sa pang-eenganyo sa mga dayuhan

na mamuhunan. Ang batas na ito ay tumutupad sa karapatan ng mga

dayuhang mamuhunan laban sa ekspropriyasyon o pagkumpiska ng

estado.

Batay sa MKLRP (w.t.), “Pinagtibay ng rehimeng Marcos ang Export

Incentives Act na nagpapahintulot ng hanggang 55% sosyong dayuhan sa

mga industriya sa eksport at hanggang 100% naman sa bagong mga

industriyang para sa eksport (p.64). Ang pagpapatupad sa batas na ito ay

wala pang kapantay sa pag-aabuso sa soberanya ng sambayanang Pilipino

na nagpalala pa sa kolonyal na katayuan ng Pilipinas.

Patunay rin ang programa ni Aquino PPP o Public- Private

Partnership program na kung saan ay madali na lamang para sa mga lokal

at dayuhang kapitalista ang makapangamkam ng malalawak na lupain ng

mga magsasaka, at makapagsamantala ng mga manggagawa. Laganap din

dito ang malawakang demolisyon sa ilang mga mahihirap na komunidad.

Araw-araw, dugo ang sinasaid ng mga makina


upang ang hininga ay maging k’walta;
Araw-araw, lakas ng pawis ang itinutumba
ng araro- kinakaon ng ataul- ang nagbibigay
ng buhay sa lipunan: wala nang buhay;
Araw-araw, sumpa yata o baka panata, nagdarasal
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 49

ang kamulalaan sa diyos ng kapalaluan


Amen nang amen sa rosary ang mga hingapis:
Itinambak ng mga oras sa sementeryo

Sa kabila ng hirap na dinaranas ng mga manggagawa noon pa man,

patuloy silang lumalaban para sa kani-kanilang karapatan.

Nagwawasiwasang mga kamo ang pita ng masa.


Lumaktaw na ang pithaya sa tulay ng panganib:
Patay kung patay ang bugso ng giting.

Ang tulang “Lukso ng dugo sa bahaghari ng kamatayan” ay

kinapapalooban pa ng apat na dagdag na tula nakapaloob dito ang

pagpapakita ng kalagayan ng manggagawang Pilipino. Walang humpay sa

pagtatrababaho ang mga manggagawa upang makaraos sa pang-araw-

araw na pangangailangan habang ang mga naghaharing-uri ay

nagpapakasasa sa yaman na ninanakaw nila mula sa mga manggagawa at

sa bayan. Makikita ang pang-aabusong ginagawa sa panahon nina

F.Marcos at C.Aquino kung saan patuloy nilang pinagsasamantalahan ang

mga manggagawa makikita ang hinagpis ng mga manggagawa sa linyang

ng tula mula sa Nitso ng Kaunlaran:

Isang linya na sumpa yata sa sibilisasyon


Ang panata ng dugo˗̶ lumilikta ang nilalason
bungo ang ginigiling ng kamay ng gutom,
nililigis ang utak na maging ginto;
inaatado ang mga braso ng busabos,
upang humilab ang gusto ng mga diyos;

Kung sino pa ang higit na napapakinabangan sa pag-angat ng

ekonomiya ng bansa sila pa ang higit na naaabuso. Ayon kay Hays (2008),

Noong 1970 hanggang 1980’s ang Pilipinas ay bumagsak habang ang mga
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 50

karatig na imperyalistang bansa ay patuloy na lumalago at umuunlad. Ang

mga naipundar sa taong 1950’s at 1960’s ay nawala gawa ng korupsyon,

katiwalian, kronyismo at maling pamamalakad sa pamahalaan sa panahon

ni Marcos hanggang kay Aquino.

Dagdag na sahod ang nanlumo


Sa rehas na bakal ng prinsipyo;
Nagwawasiwas na kamao
Ng mga obrero, pangungulilang nakatungo,
Sa ataul na iniligpit na pinuno:
Ang lahat tiklop na pahina ng panahon.

Makikita ang kalagayan ng manggagawang Pilipino na patuloy na

ipinaglalaban ang kanilang karapatan. Ang pag-aasam na makatanggap ng

dagdag na pasahod kapalit ang walang humpay na pagpapakasakit sa

trabahong produksyon ay patuloy na nababalewala dulot ng matinding

kahirapan at korupsyon.

Sabi nga ni Ka Bay (1999):

Buhay alamang ang mga manggagawa: paglukso patay!


Walang sapat na suweldo, walang tiyak na tirahan, walang
seguridad sa trabaho: walang-wala ang uring manggagawa,
busabos sila: hinubaran ng dangal ng uring kapitalista. Alipin
sila: Inalisan ng katwiran ng gobyerno.(p.82-83)
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 51

Ang mga suliraning panlipunan sa panahon ni Marcos at Aquino na

nilalaman ng Sigliwa Kamao

Suliranin Sa Lupa O Pyudalismo

Ang tulang Dugo sa Asukal (Nobyembre 16 sa Kalendaryo ng

Salapi), ay nagpahayag ng opresyon sa mga manggagawang Pilipino

(manggagawang bukid) na humihingi lamang ng mataas at nakabubuhay na

sweldo. Ang akdang ito ay pumapatungkol sa madugong kaganapan sa

makatarungang pagwewelga ng magsasaka sa loob ng Hacienda Luisita.

Asyenda Luisita
Ano ang kasalanan naming sa asukarera?

Awa ang aming inamot:


Bakit dahas ang inaabot!

Nakahiga sa salapi ang angkan ng diyos


Na dulot ng dugo’t pawis naming busabos.
Totoo, hindi anak ng diyos
Ang gutom na nagtatabas ng mga tubo.
Totoo ring hindi kami pamilya Cojuanco.

Sinabing malaki na ang naging pagkukulang ng pamahalaan ng

Pilipinas upang isulong ang pantay-pantay sa karapatang pantao ng mga

mamamayan sa bansa. Ang paggigiit ng mga kapitalista sa mababang

halaga ng lakas-paggawa at ang iginugugol na oras ng mga manggagawa

ay hindi na rin natutumbasan.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 52

Ayon pa kay Casilao (2016), Mahaba ang pakikibaka ng mga

manggagawang bukid para ibasura ang SDO at itinodo ng pamilya

Cojuangco ang panlilinlang para itaguyod ito, ngunit hindi maikakaila na ang

SDO ay nagbunga lamang ng matinding kahirapan sa mga manggagawang

bukid at ng kanilang pamilya na umabot sa mga take-home pay na Php9.50

sa isang araw na paggawa sa field ng tubuhan (p.1). Ang SDO o Stock

Dstribution Order na naisabatas sa ilalim ng Comprehensive Agrarian

Reform Law o Republic Act No. 6657, na nagpaasa sa mga magsasaka

bilang isa sa mga nagmamay-ari ng lupang sakahan sa Hacienda Luisita.

Mula sa kabuuan, isinantabi ang tao bilang tao at itinuring na lamang itong

mga tutang sunod-sunuran sa itinatakda ng panginoong maylupa, ang

pamilya Cojuanco. At kapag nagkaroon ng pag-aaklas, krimen ang

isinusukli sa halip na kalayaan sa pagmamay-ari ng lupang sakahan.

Tinumbasan ng kasawian at sugatang masang Pilipino ngunit napanatili pa

rin ang pagmamay-ari ng Cojuanco sa pagmamando ng Hacienda Luisita.

Kahit tulog si diyos


Nasa tubuhan, nagtatabas, kaming busabos.
Kung gising ang mga Cojuanco,
Salapi ang ginigiling sa asukarera,
Ng mga obrero—buntonghininga.
Ang idinudugtong sa tiis-kawawang, hagupit sa kural kasakiman.

Nakita na ang natatanging puhunan ng masang Pilipino ay ang

kanilang lakas-paggawa na tumugon sa pangunahing pangangailangan

kung kaya’t sapilitang sumasang-ayon sa itinatakda ng panginoong


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 53

maylupa na primaryang kumo-kontrol sa lupang sakahan, na tanging salapi

lamang ang inilagak sa produksiyong sumasalungat sa dugo’t-pawis ng

mga manggagawa. Mabisang ipinaliwanag dito ni Bayani Abadilla ang

patuloy na sigalot sa iba’t ibang uri ng tao sa lipunan, ang mahirap sa

mayaman na kailanman ay hindi magkakapantay.

Ayon pa kay San Juan (2010b), Sapagkat natural na batbat ng

tunggalian ang pakikihamok ng tao sa buhay, ang panitikan ay natural

lamang na tumatalakay at pumapaksa sa mga kontradiksyon sa lipunan

(p136). Isa sa mismong kakayahan ng isang tao ay ang bitbitin ang

kaisipang makamasa tungo sa kalakasan ng kilusan. Makikita rin sa naging

karanasan nito kung bakit napabilang ito sa pagsulong sa uring

maggagawa, at ang pagbaklas sa minumungkahi ng Kapitalismo, marahil

isa ito sa milyun-milyong nabusabos ng imperyalismo na tagasalba ng

Kapitalismo.

Makikita sa unang taludtod ang salitang Cojuanco, ito ay apelyido ng

angkang nagmamay-ari sa Hacienda Luisita na sumisimbolo bilang

panginoong maylupa na nagkakait sa mga manggagawa upang magkaroon

ng sariling lupang taniman. Ipinakita ang imperyalismo, burukrata

kapitalismo at pyudalismo kung saan ay umuugat ang kapangyarihan ng

nakatataas sa lipunan upang malamangan ang uring-api.

Cojuanco, Cojuanco, naganap na!


Ang gutom ay ibinulagta ng mga bala.
Ina ng saklolo sa Malakanyang
Nasaan ang katarungan?
Kauri ka kasi ng angkan ng diyos
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 54

Kaya walang paki sa aming mga api.

Taong 2004, ika-16 ng Nobyembre ay naitala sa kasaysayan ang

tinaguriang Hacienda Luisita Massacre kinasangkutan ng daang-daang

manggawang isinusulong ang pagbabahagi ng lupa sa loob ng asyenda. Na

nauwi sa malagim na pagkasawi ng pitong (7) katao. Mula sa pangyayaring

ito ay nabuhay muli ang rebolusyonaryong panulaan, isang halimbawa na

ang mga akda ni Bayani Abadilla. Na ipinapaalam sa mga mambabasa ang

naging sitwasyon ng manggagawang Pilipino na inalipusta sa loob ng

sariling bayan. Ipinahayag sa nilalaman ng tula ang kapangyarihan ng salapi

na kayang kumitil ng buhay, ngunit alinsabay naman nito ang nag-aalab na

pag-susulong ng hustisya para sa mga uring-api na patuloy na

pinagsasamantalahan at tinatanggalan ng karapatan.

KAPITALISMO

Kontraktwalisasyon

Isa ang kontraktwalisasyon sa tampok na isyung panlipunan na

nakapaloob sa mga tula ni Ka Bay, naririto ang isang tula na sinuri ng mga

mananaliksik hinggil sa kontraktwalisyon at kung bakit isa ito sa primaryang

dahilan sa paghihirap ng nga manggagawang Pilipino.

Binigyang depinisyon ni Marasigan (2017), ng pinoy weekly ang

kontraktwalisyon bilang:

Isang katayuan sa trabaho kung saan ipinagkakait ang


ugnayang employer-employee sa pagitan ng isang manggagawa
at ng kapitalista o kumpanyang tunay na nakikinabang sa
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 55

kanyang lakas-paggawa. Ipinagkakait sa kanya ang katayuang


“regular employee” ng naturang kumpanya o kapitalista.
Tinutukoy naman ng “kontraktwalisasyon” ang kalagayan kung
saan umiiral ang mga kontraktwal at katunaya’y pinaparami pa
nga.

Ang tulang ‘Interpretasyon sa Interbensyon’ay nagpapakita kung

gaano kasikhay ang mga manggagawang Pilipino na umabot sa puntong

ubos-kaya nilang ginagampanan ang kani-kanilang trabaho. Ipinagkakait sa

manggagawa ang kanilang mga batayang karapatan at sila’y binubusabos.

Maging ang likas na yaman ay pinupuntirya. Kahit buhay sa kanilang

kamalayan na mapanganib ang trabahong sinusuong ay pilit nila

(manggagawa) itong ginagawa upang may ma-iuwi lamang sa kani-kanilang

pamilya.

Sumusuba ang ulo sa sahod o sweldo:


Inililigtas ng lakas ang hininga sa gutom.
Pawis at dugo
ang nawawaldas
sa walong oras.

Ang isyung panlipunan sa kontraktwalisasyong isinasabatas sa mga

manggagawang tinanggalan ng karapatan at maging seguridad sa

pagtatrabaho, na isa rin sa paraan ng mga may kapangyarihan upang

makaiwas sa mga maaaring insentibo makuha ng manggagawa. Ang

itinalagang walong-oras ng pagtatrabaho, na binabayaran sa mababang

halaga kada-oras ay hindi nasusukat ang kalidad at dami ng gawain.

Kumbaga nawawalan ng karapatan ang mga manggagawa upang sipatin


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 56

ang nararapat na halaga ng lakas-paggawa bagkus dumedepende na

lamang sa itinatalaga ng mga kapitalista na nagmamanipula sa produksyon.

Ayon pa isang artikulo ng IBON (w.t):


The unemployment rate was falling in the early of the Marcos
regime- from 7.1% in 1996 to 3.9% in 1975. But this reversed in
the mid-1970’s to rapidly rise back to 7.9% in 1980. The prices
of goods and services also soared with the 7.1% inflation rate in
1975 more than doubling to17.4 in 1980.(w.p)
Higit na pinapatunayan ng artikulo sa taas kung bakit patuloy ang

paghihirap ng mga manggagawa sa rehimen ni Ferdinand Marcos. Sa

diktaduryang Marcos ay sadlak ang kalagayan ng mga manggagawa dahil

nananatili ang hindi pagpapahalaga sa interes ng mga mangaggawa.

Mababang sahod ang natatamasa ng mga manggagawang Pilipino ngunit

patuloy sa pagtaas ang bilihin noon at maging sa ngayon.

Ipinakita rin sa saknong na nasa ibaba na kahit magpalit-palit man

ang mukha ng mga nakaupong Pangulo sa Pilipinas ay nanatiling

magkakamukha ang paghihirap na dinadanas ng mga manggagawa sa

bawat rehimeng dumadaan.

Datnan-panawan ng mga taon ang panahon,


mukha lang ng liderato ang nagbabago.
Subalit ang inis
na nainin sa dibdib,
sa ningas ng talino
ang hinagpis ay naghihimagsik.
Sa alab ng pagbabago
Nagwawasiwasan ang mga kamao.

Ayon pa kay Mendoza (w.t),“Labor contractualization was already a

provision in Presidential Decree 442, or the Labor Code of the Philippines,


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 57

which Marcos signed on May 1, 1974” na higit pang nagpalala sa kalagayan

ng mga Manggagawa”. At lalo pang lumala sa rehimen ni Cory Aquino sa

pagkakatatag ng Republic Act No. 6715 o Herrera Law isang huwad na

batas para sa mga manggagawa sapagkat sa ilalim ng batas na ito lalong

rumami ang naglunsad ng welga hinggil sa pagtataas ng sahod. Patunay na

umiigting ang kinahaharap na kalagayan ng mga mangggagawa sa ilalim ng

iba’t ibang rehimen.

Ngunit sa kabila ng pang-aaping nararanasan ng mga manggagawa

ay ipinakita sa atin ng manunulat na mayroong solusyon na papatid sa

pagsasamantalang ito. At ito ay ang paglahok sa rebolusyon. Makikita ito sa

mga saknong na:

Gatilyo ng baril ang katwiran ng api


laban
Sa estado ng diyos na dahas ang
kapangyarihan.

Abo na ang tulay na binagtas,


patay-kung-patay, ang sulak
ng dugong umaangil na damdamin.
Bigkis-diwa at kapit bisig ang maso at
araro.
Angil ng mga punglo sa kanayunan ang
pulso ng bayan.

Oras na ng panginoon:
Ngitngit ang simoy ng panahon
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 58

IMPERYALISMO

Ayon kay Lenin, (w.t.) “Imperialism is the Highest Stage of

Capitalism, idiniin na “ang transpormasyon ng kompetisyon tungo sa

monopolyo ay isa sa mahahalaga -- kundi man pinakaimportante -- na mga

pangyayari sa modernong kapitalistang ekonomya”. Ang Imperyalismo at

ang isa sa tinitignan pinakamabigat na suliranin na umiiral sa ating bansa.

Ito ay higit na lantad, nararanasan at namamalas sa pangkabuhayan (sinipi

mula kay Quintos, p.22).

Ang tulang “Tinig sa rehas ng bakal” ay nagpapabatid sa atin ng

karanasan ng mga manggagawang Pilipino sa kamay ng mapang-

alipustang imperyalista.

Makikita ito sa mga saknong:

sa ating sosyedad ng bigkis-diwa


at taling-puso umaalulong sa gutom,
tigmak ng dugo ang katwiran-punerarya
ang pag-asa ng sipag at tiyaga. (saknong blg.2)

ano ang katuturan ng pagkain


sa kapaligirang sikil ang lakas-paggawa
na dinadayukdok ng (kapangyarihang takot sa katotohanan)
ang masang anakpawis na lumilingap sa buhay.

Kitang kita sa mga saknong na ito ang kabuluktutang nangyayari sa

ating lipunan. Ang mapait na katotohanan na patuloy na nilalamon ang ating

bansa ng mga imperyalistang uri na siyang humihigop sa buong lakas ng

ating manggagawa. Ang katiwalian sa gobyerno at ang kanilang

pagmamanipula ang nag-udyok sa mamamayang Pilipino higit lalo ang mga

manggagawa na magrebolusyon dahil sa pang-aabusong nararanasan.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 59

Hinding hindi madudurog ng bilangguan


ang tibay ng loob ng paninindigan
mabibigo ang bala na iligpit ang paniniwala

lalaya tayo mga kapatid


sa tanikala ng kaimbihan
sapagkat kapit-bisig ang
masang sambayanang nagwawasiwas ng kamao
sa landas ng pakikibaka.

Sa mga linyang ito ng tula makikita ang panghihikayat ni Ka Bay ang

paniniwalang hindi matitinag ang panininindigan ng mga manggagawa sa

pakikibaka upang makamit ang katarungan at kalayaang inaasam laban sa

kamay ng mapang-abusong kapitalista.

Mga Kutitap Diwa sa Simoy ng Panahon.

Nasa KAMATAYAN ang katotohanan.


Sa hulo o hula ang Kamatayan.
Hubad na kagandahan ang Kamatayan.
Bangkay na di iniyakan di namatay.
Namatay ba ang di nabuhay?

Sapagsusuri ng mga mananaliksik, mapapansin ang eksahirasyon sa

salitang “Kamatayan” bilang natatanging solusyon upang makatakas sa

kahirapan. Ang mga lupang sakahan ang naging ugat ng tunggalian ng

uring-api.

Ayon kay Guerrero (2009a), “Sa kanayunan ng Pilipinas, naging

napakalinaw na ang paglulunsad lamang ng digmang bayan na

maisasagawa ng uring magsasaka ay ang rebolusyong agraryo”.(p.62).

Kumbaga, kung walang umiiral na pananamantala o imperyalismo ay hindi


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 60

mag-uusig ang proletaryadong rebolusyon ng masa. Dito naoopresa ang

mga manggagawa na ibalik ang pantay-pantay na pagbibigay ng halaga sa

paggawa.

Mula sa ulat ng GMA News (2017), Batay sa datos ng Human Rights

Claims Board, mahigit 75,000 ang naitalang human rights violations sa

pag-iral ng martial law at aabot naman ng 30,000 ang biktima ng torture.

Ang pithaya ng bukangliwayway


Sa pintig ng ating lupang hinirang.

Halika, damahin natin


Ang alulong ng mga halakhakan!
Aligaga ang mga hininga
Sa buhay na walang buhay.

Iminumungkahi ng may-akda sa mambabasa na simulang umugnay

sa diwa ng masang Pilipino na mapapansin sa ikatlong taludtod. Nagsasaad

na ang Pilipinas, bilang mayroong maunlad at masaganang likas-yaman ay

tinatamasa lamang ng mga may kapangyarihan.

a.) Sa punerarya ng kabihasnan

Bungo ang iniluluto ng gutom:


Utos ng diyos.
Hininga ng sarili ang pinakukuluan:
Utos ng diyos.
Sa utos ng diyos,
Walang umaga, walang gabi
Basta sa kasiyahan ng mga diyos
Walang hininga ang di natatapos.

Tinalakay sa bahaging ito ang pagsalungat ng pagsusumikap ng mga

manggagawang Pilipino tungo sa kaunlaran nang dahil sa kasakiman ng

mga kapitalista. Sa pag-usbong ng sibilisasyon sa Pilipinas, ay mas


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 61

umigting ang kakayahan ng mga namumuhunan upang kontrolin ang mga

manggagawa at patawan ng mababang halaga sa pagtatrabaho. Lumalawig

ang nasasakupan at lupaing pagmamay-ari ng mga kapitalista, kasabay rin

ng pagkapal ng porsyento ng masang Pilipino na may malaking kakulangan

sa paghagilap ng salapi upang punan ang pangunahing pangangailangan

araw-araw.

Mula sa pagsusuri ni Guerrero (2009b):

Ganap na pinawalan ng saysay ng papet na rehimeng Marcos


ang repormistang pananaw na makukuha ng reaksyonaryong
gobyerno o ng mga negosyanteng Pilipino ang mga interes na
pang-ekonomya ng imperyalismong EU ayon sa "ligal na
proseso" at "makatwirang pagbabayad" at buong katapatang
sinunod ng papet na rehimeng ito ang dikta ng imperyalismong
EU na ubusin ang pera ng reaksyonaryong gobyerno at
pahirapan ang mamamayan sa pamamagitan ng implasyon at
paulit-ulit na debalwasyon.

Ang mismong tunggalian sa mga imperyalista na kumamkam ng

yaman sa mga hilaw na materyales mula sa mga nabubusabos na bansa.

Isa na ang PIlipinas na nasasadlak sa pagtaas ng kautangan, kung kaya’t

nagiging bayad na mismo ang pag-eeksport ng materyales sa

napakababang halaga, marahil wala ng kakayahang bayaran ng pera, at

bilang alternatibo ang mga hilaw na materyales ang ipinambayad. At dito

mas lumalawig pa ang nasasakupan ng kapitalismo sa ilalim ng

imperyalismo ng Estados Unidos na napababayaan ni Marcos.

Iminungkahi ni Bayani Abadilla ang mga salitang “utos ng diyos” na

matatagpuan sa ikatlong taludtod bilang representasyon sa kapitalistang

nagkakamal ng malaking salapi sa produksyon, at itinuturing ang mga


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 62

manggagawa bilang mga tuta sa sakahan, hindi nagtatamasa ng sapat na

halaga ng lakas-paggawa ngunit may malaking ambag sa produksyon. Dito

tumatalakay ang isyung panlipunang ikinukubli na lamang.

Habang sa tilamsik ng luho


sa mga otel ng langit
naglalandi sa rangya ang kapalaluan.
Sa tagayang baso ng beso-beso.
Ang pulutan utak ng mga obrero.

Sa bahaging ito ay nais ipakita ni Bayani Abadilla ang inhustisya na

sinapit ng mga manggagawa, sa ilalim ng bulok na gobyerno na nag-uudyok

upang manatili ang kahirapan ng mga nasa laylayan ng lipunan. Ang mga

manggagawang magsasaka na inalipusta sa ilalim ng kainitan upang

magkaroon ng magandang ani ay tumatanggap lamang ng mababang

pasahod at walang kakayahang umangkin ng lupang sakahan.

Nasipat ng mga mananaliksik sa bawat saknong ang pag-aasam ni

Ka Bay na magkaroon ng pambansang kaunlaran na salat para sa Masang

Pilipino, na nagbubuwis ng buhay upang matugunan lamang ang kanilang

pangangailangan. Na kung bibigyang-pansin, sa kahit anong paraan ng

pagsusumikap ng manggagawang Pilipino ay hindi rin nila makakamit ang

tunay na kaunlaran kung nananatili ang kapitalismo sa bansa.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 63

b.)Sa moralidad ng abilidad

Ang Iyo ay sa iyo. Kung ang sa Iyo ay sa kanila:


Langit ang nagtakda.Panginoon ang nanagana.
Ang masama sa iyo. Mabuti sa iba.
Diyos na ang bahala.
Nasa tao ang gawa, nasa diyos ang awa:
Ang mga diyos kung maawa, ubos ang biyaya.

Ipinakita sa tulang ito, ang hindi pagkakapantay-pantay ng uri ng tao

sa lipunan. Namamayani ang mga naghaharing-uri, nagsasamantala sa

masang Pilipino upang patuloy na dumanas ng kahirapan. Ang salitang

“diyos”, sa huling bahagi ng tula ay umuugat sa kapitalismo, na mayroong

kakayahang magtalaga ng halaga at pangangailangan ng tao, ngunit hindi

naman umuugnay sa makataong kaisipan bagkus isinasaalang-alang

lamang ang kita sa produksyon.

c.)Sa orbitwaryo ng katarungan

Sa opisyo ng bisyo, ang tama


kung sa hatol ay naperwisyo:
Isinusuntok sa hangin
ang sama ng loob: May
regla sa hustisya---laging parehas.
Dalawang kamay ng huwes ang nakaladlad.
Iyan ang trabaho ng katarungan:
Sa trabaho may abutan!

(Ang huwes de paz: Punerarya Paz)

Namumutiktik sa krimen ang salimuhaan


Ng mga hininga: Ang katarungan may piring sa mata.
Sa simbahan ang krimen: Kalmen.

Ipinapaliwanag ni Ka Bay, ang dumadanak na dugo mula sa krimeng

ipinataw sa anakpawis, na walang kakayahang makamit ang hustisya


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 64

marahil walang kakayahang maglagak ng salapi upang makamit ang

batayang karapatang pantao na pinababayaan lamang ng gobyerno. Hindi

responsibilidad ang katarungan ng isang tao, sa halip ang katarungan ang

kailangang bayaran upang makuha ang panig ng hustisya. Mula sa saknong

na “iyan ang trabaho ng katarungan, sa trabaho may abutan” hindi na

kailangan kung sino ang tama at mali, hanggat mayroong salaping ilalagak,

inhustisyang makakamit ng walang-sala.

d.)Pingkian ng Ngayon at Bukas

Halika!
Sumanib tayo sa mga hakbang
ng mga anino ng kinabukasan
Sa sangandaan ng pagbabanyuhay
Sasalubong sa atin ang bukangliwayway.

Halika!
Sa luwalhati ng ating Katauhan.

Ang gobyernong hindi nagigising sa mapayapang pakikipag-usapan,

ang laging hangad ay mayroong magsasakripisyo ng buhay upang mas

maipamukha sa masang Pilipino, na hindi kailanman mananaig ang

rebolusyonaryong pag-aaklas. Tunay nga na inilayo ang katarungan at

karapatan ng bawat indibidwal, ang mga abusadong naghaharing-uri na

kumakamkam sa kaban ng bayan. Itinitindig ni Bayani Abadilla ang boses

ng masang Pilipino, sa sama-samang pakikibaka.

Samantalang sa tulang “Sa Sapot ng Bait Teknolohiya“ na bahagi

ng tulang Lukso ng Dugo sa Bahaghari ng Kamatayan, ay nagpapatunay

na naghahari ang mga kapitalista sa ating bansa. Kontrolado ng mga


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 65

burukratang kapitalista ang sistema ng edukasyon, midya at teknolohiya sa

Pilipinas kaya’t sinasamantala nila ang kakulangan sa kaalaman ng ating

mga manggagawa. Pinapasunod at pinapangakuan nila ito ngunit sa

bandang huli ay sila pa rin ang nakikinabang sa yaman ng ating bansa.

Gintung ginto ang kamalayan


Sa maluwalhating lipunan:
punerarya ng utak ang akademya,
Embalmasador ng talino ang guro;
Bait ang isinasawsaw sa arenola ng bendita,
Para mapatid ang unawa at hangin umalagwa;
Libog ang inaapuyan ng mga dyaryo
Na petsa lamang ang totoo.
Maayos, maganda ang pamayanang
Balikuko ang kaisipan
Nasa puwit ang ulirat : Ang utak nasa burat

Sa pagbabalik tanaw sa panahon ng Batas Militar, maalala na

maraming pahayagan na tumutuligsa sa pamamahala ang naipasara ni

Marcos. Kontrolado niya ang Pilipinas kasabwat ang mga

makapangyarihang kapitalista upang mapagtakpan ang mga katiwalian sa

lipunan. Madalas na nasasala ang mga balita at impormasyong nakararating

sa tao noon. At makikita dito na sadyang napakalakas ng midya bilang

midyum sa pagbabahagi ng impormasyon at ito ang nagpapabilog sa pag-

iisip ng mga mamamayan. Inaasahan na ang mga pahayagan at midya

sana ang magbibigay sa mga Pilipino ng mga lehitimong nagaganap sa

bansa ngunit kabaliktaran ang nangyayari. Ito pa ang nagpapalayo sa mga

mamamayan (manggagawa) upang malaman ang pang-aapi at karahasan

na nagaganap sa lipunan. Ang ilan namang nakakaalam ay pinili nalang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 66

naitikom ang bibig at magbulagbulagan dahil sa takot sa mga kapitalistang

makapangyarihan.

Sa sapot ng kasakiman, ang kasarinlan


sa kabuhayan, nakadisenyo sa kapakanan
ng sugapang mga dayuhan. Nakatulala
ang sipag ng madla sa gutom na biyaya.

Ang linyang ito ay nilalaman ng tulang “Pintig ng lagim sa bakuran ng

hilahil” kung saan nananatiling nakalahad ang kaabusuhan ng mga dayuhan

sa ating bansa.

Ayon kay Abadilla (2002), mula sa Wisyo ng konsepto ng Filipinolohiya:

Sa umiiral na gobyernong papet (inutil ang konstitusyon at walang


silbi ang kalayaan) malaya’t walang habas na nakakamkam ng
malalaking dayuhang imbestor/kapitalista ang masaganang likas
na yaman ng bansa. Nakikinabang nang mabuti ang mga
dayuhang kapitalista sa murang halaga ng lakas paggawa ng
lipunang Pilipino. (p.7)

Dahil sa mga taong nakaluklok sa gobyernong papet na kontralado ng

mga kapitalista kaya’t malayang nasasamsam ng mga dayuhan ang yaman

ng ating bansa.

Pasang-krus sa mga manggagawa


Ang mga hiyas na kanilang nalilikha
(inaagaw ng mga obrero ang paghinga sa pantasya ng pag-asa!)

Sa mga tulang nailatag at nasuri ng mga mananaliksik, matagumpay

na naisalaysay ni Ka Bay ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino

maging ang mga suliranin na kinakaharap ng ating bansa at hanggang sa

kasalukuyang panahon ay patuloy itong nagaganap at lalo pang tumindi.

Ngunit hindi tumitigil ang ating mga kapatid na manggagawa sa pakikibaka


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 67

upang makamit ang kalayaan, katarungan at kalayaan na matagal ng

inaasam. Bagama’t naninindigan sa karapatan hindi rin nagpapatalo ang

mga may kapangyarihan.

Makikita ito sa tulang:

Sigliwa sa Paglaya

dugo ng dilag na tumigmak sa pakikibaka


ang patnubay ko sa paglilingkod sa masa
nakalilok sa aking bungo
ang kagitingan nila na hiyas ng puso

bayani sila sa altar ng kalayaan

*Lorena Barros
*Lisa Balando
*Maria Carino

Ipinahayag ng may-akda ang pakikisimpatya sa sinapit ng mga

makabayang Pilipina, na tahasang pinagkaitan ng hustisya at kalayaan

matapos ipaglaban ang kalayaan ng Inang Bayan. Ipinaliwanag ni Bayani

Abadilla sa tula ang kagitingan ng mga kababaihan upang ipaglaban ang

nararapat na karapatan, at tunay na tumimo sa kanyang ulirat na kailanman

ay hindi matatapos ang pagtaguyod tungo sa kaunlaran ng masang Pilipino.

ka Lori bigkis-kamao tayo


sa lansangan ng pangarap

Sa pangalawang talutod, ang mga saknong ay nagpapakita ng

pagkiki-ugnay ni Ka Bay sa mapagpalayang adhikain ni Lorena Barros


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 68

tungo sa demokrasyan ng mas nakararaming Pilipino, at boses ng masa na

nananatiling talunan marahil nasasakdal sa kahirapan at walang

kakayahang ipagtanggol ang karapatan. Ganoon na lamang ang mapusok

na panulatan higit lalo kapag may pangingialam ka sa masang Pilipino, na

patuloy isinasadlak sa laylayan ng lipunan.

Ayon pa sa Solidarity Philippine Australia Network (1996a):

Lorena Barros, she founded Makibaka, the first


underground organization for women which is fighting to
change society’s attitude towards women and women’s
empowerment. She was arrested when Martial Law was
declared but she eventually escaped from her prison cell
in Bicutan. She joined New People’s Army and was killed
in action by the military in March 1976.

Ang samahan ng Malayang Kilusan ng mga Bagong Kababaihan o

MAKIBAKA, bilang kauna-unahang progresibong organisasyon ng mga

kababaihan na nakikitunggali sa diktaturyal ni Marcos na pinamunuan ni

Lorena “Laurie” Barros. Na nagsusulong sa karapatan ng mga kababihan sa

pakikisangkot sa pagsupil sa burukrata kapitalismo. Katulad na lamang ni

Bayani Abadilla, si Lorena Barros ay sumuong at napabilang sa New

People’s Army nang isabatas ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972.

Ayon pa kay Ledesma (2015), MAKIBAKA defines the women’s movement

in the Philippines as distinct but integral part to the national democratic

movement(w.p). Nagpapahayag na ang kilusang Makibaka ay hindi inilalayo

ang mga kababaihan sa pakikisangkot sa nasyonalismong adhikain.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 69

(nalikom mula sa National Democratic Front of the Philippines, 2015)

Ang pagbibigay pugay ni Bayani Abadilla, gamit ang kanyang

panulatan, sa mga naghihimok ng pagbabago tulad ni Lorena Barros ay

nagpakita ng pakikipag-isa sa mga Pilipinong iisa ang nais—ang

pakikipaglaban para sa mapayapang pamumuhay.

ka Lisa isang-dibdib tayong


tumututol sa pambubusabos ng mga diyos

Ipinakita ni Ka Bay sa bahaging ito ang pag-aasam ng mga bayaning

Pilipina, na nagbuwis ng buhay, tungo sa tunay na demokrasya mula sa

diktaturyal na pamumuno ng rehimeng Marcos. Mula pa kay Sison (1994b),

Habang itinataguyod ang makauring pamumuno ng uring manggagawa,

umaangkla ito sa alyansa ng uring manggagawa at uring magsasaka,

naghahangad na makuha sa panig ng rebolusyon ang mga panggitnang

saray ng lipunan at nagtatangkang samantalahin ang mga kontradiksyon ng

mga reaksyunaryo para labanan at ibagsak ang dayuhang monopolyong

kapitalismo, lokal na pyudalismo at burukratang kapitalismo (p.8). Hindi

maiaalis sa mga Pilipino ang pagkakapit-bisig tungo sa kalayaan ng bawat

isa, ngunit, hindi na rin mababago ang pamahalaang mayroon ang Pilipinas,

duwag at hindi kailanman naging huwaran sa mamamayan.

Ayon pa rin sa Solidarity Philippine Australia Network (1996b):

Liza Bilando, she was a farmer from Samar who came to


Manila to work. She became a union activist at Rossini’s
Knitwear and had joined many demonstrations. During
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 70

May Day rally in front of the Congress in 1972, she was


shot, among others by men in helicopters flying
overhead.

Ang mga kababaihan ay naglayon na baguhin ang diktaturang

pamumuno na nag-iipit sa karapatang pantao ng masang Pilipino.

Nagbuwis ng buhay upang itaguyod ang nakakararami, na tunay na

katiwalian ng rehimeng nabanggit. Ayon pa kay Sison (1994),Bawat

malaking pangungutang ng Pilipinas sa mga dayuhan ay may kakabit na

mabibigat at makaisang-panig na kundisyon. Ang pagpapababa sa halaga

ng piso, liberalisasyon ng import, pagbibigay ng iba‟t ibang kaluwagan sa

mga dayuhang namumuhunan, mabilis na pagpapataas sa mga buwis,

presyo ng kuryente at tubig, at pagpapanatiling mababa ng sahod (Sison,

1994, p.62).Sa halip na isulong ang pagpapahalaga sa anakpawis, ang

pangungutang sa dayuhan ang naging solusyon na kumakamal ng

supertubo.

ka Lori-Lisa-Maria
kapatid, kapatid, kasama!
giba na ako, giba na
diwang anakpawis ang tanging
sumusuhay sa aking paghinga

kung saan man ako magtapos


sigliwa sa akin ang dangal ng inyong alaala

Sa bahaging ito, ipinamalas ni Bayani Abadilla ang pagpupugay sa

kagitingan ng mga bayaning Pilipina, na hindi nasusukat ang kagitingan sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 71

lakas lamang, kundi sa pagpupursiging ipagpatuloy ang mga nasimulang

makabansang kilusang kinikitil sa ilalim ng Batas Militar.

Rosas ng Mayo’

Kilusan sa paggawa na taga-sa-bato


Makabayan, makatao ang prinsipyo
Ulirang daop-palad na kawal ng pagbabago

Taliba ang uring obrero sa digmaang bayang


Uutas sa mga diyos ng karimlan
Na bumubusabos sa sambayanang
Ang pagkatao’y dinadayukdok ng
Yamang panlipunan sa sinasalabusab ng mga dayuhan.

Sa tulang ito ay pinapakita ang mga isyung pang kultural, ekonomikal

at politkal na tumutukoy sa kalagayan ng mga manggagawa. Pang kultural

dahil sa mga kaganapan sa buong lipunan, gaya ng pambubusabos sa

masang Pilipino. Ekonomikal dahil sa pananamantala ng mga naghaharing

uri sa mga manggagawa, sila lamang ang nakikinabang sa yaman na

nanggagaling sa mga produktong nililikha ng mga kamay ng manggagawa.

Kung papansinin ang malikhaing pagkasulat sa tula, nakabuo si Ka Bay ng

makabuluhang salita na nagpapakita sa realidad ng buhay ng mga

manggagawa.

Pinamagatang ‘Rosas ng Mayo’ ang bahaging ito na siyang

inaalay ng may akda sa lahat ng manggagawang Pilipino na walang

sawang nag-aalay ng kanilang lakas para sa bayan. Naging ispirasyon ni

Ka Bay ang samahang ito sa pagbuo sa bahaging ito ng tula.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 72

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Mayo uno ang nag-iisang

araw sa buong taon na dapat bigyang pagpapahalaga ang ating mga

masisipag na manggagawa ngunit mula noon at maging sa kasalukuyan ay

tila hindi na bibigyang importansya ang mga taong nag papakapagod upang

may makain, may ma-isuot at magamit tayo sa pang habang-buhay. Hindi

nakukuha ng mga manggagawa ang karapatang dapat ay kanilang

natatamasa bagkus, mas binibigyang importansya ang mga dayuhan na

siyang sumasamsam sa likas na yaman ng ating bansa.

Sa pagkakabuo ng tula, kapansin-pansin ang malikhaing paggamit ni

Ka Bay sa mga unang titik ng tula na binigyan ng pagpapakahulugan. Ang

‘KMU’ o Kilusang Mayo Uno na itinatag noong ika-1 ng Mayo 1980 sa ilalim

ng rehimeng Marcos.

Ayon sa Kilusang Mayo Uno (w.t.), Binigyang kahulugan ang KMU

bilang isang demokratikong sentro ng paggawa na nagtataguyod ng tunay,

militanteng at anti-imperyalistang unyonismo sa kalakalan. Kinikilala nito

ang pakikibaka sa pagitan ng paggawa ng tapat upang itaguyod ang mga

interes ng uring manggagawa at militante dahil umaasa ito sa kolektibong

pakikibaka ng manggagawa sa pagtatanggol demokratikong karapatan; at

anti-imperyalista.

Hangad ng KMU na protektahan at itaguyod ang karapatan ng

manggagawa sa pagtatrabaho, sahod makataong kondisyon sa

pagtatrabaho at mapalakas ang kamalayan ng pampulitikang manggagawa.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 73

Ipinakita pa ni Ka Bay sa mga sumusunod na taludtod ang

kinakaharap ng manggagawa at maging ang kanilang katangian bilang

isang manggagawa:

Palaban ang sugo ng kasaysayan


Aserado ang paninidigan
Lubos na matapat sa paglilingkuran
Angkin ang talinong hiyas sa pagbabanyuhay
Buhay at kamatayan ang mason at damdamin-diwa
Ang adhikaing lagutin ang tanikala
Ng pagkaalipin ng madla

Tinataglay ng isang manggagawa at Kasapi ng KMU ang pagiging

palaban na hindi sumusuko sa pakikibaka upang makamit ang inaasam na

katagumpayan. Ang mga manggagawa ay tapat at dedikado sa kanilang

ginagawa, mataas o mababa man ang kanilang pinaglilungkuran.Tangan

nila ang talino na siyang ginagamit sa pagbuo ng mga kahanga-hangang

bagay na siyang naging daan upang umangat ang ating estado ngunit

patuloy na nagbubulag-bulagan ang mga makapangyarihan sa kanilang

kalagayan.

Masang anakpawis
Ang sigwa sa naghaharing kabuktutan
Kapit-bisig sa bigkis diwang pakikipaglaban
Awit na “internasyonal;” na moog ng kaisahan
Banta ang hinig sa di-makataong kairalan
Alab ng pakikibaka para sa kalaayan
Yumayanig mandin sa poder ng kasakiman
Ang bawat hagkis ng lirika ay pawang
Nota ng bukangliwayway ng tagumpay.

Bilang bahagi si Ka Bay ng progresibong pakikibaka higit na

makikita sa mga panulatan at katha nito ang kanyang pagpupugay sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 74

mga rebolusyonaryong mga kababaihang na naghahangad ng

katarungan sa binusabos na Pilipinas.

Kahalagahan ng paggamit ng panitikan bilang daan sa pagsisiwalat sa

kalagayan ng Lipunang Pilipino

Maipapaliwanag din ng mga mananaliksik ang iba’t ibang dahilan ng

paghihirap ng mga manggagawa sa papamagitan ng pagsusuri ng piling

mga tula sa gabay ng Marxistang lente. Buhay na buhay ang gampanin ng

tula sa pagpapakita ng kalagayan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng

pagtatalakay sa labin-dalawang tula ni Ka Bay na nakapaloob sa librong

Sigliwa Kamao. Sa labin-dalawang tula na sumasakop sa rehimeng

Ferdinand Marcos at Cory Aquino, ipinapakita ang iba’t ibang masaklap na

pangyayari na sumasalamin sa kalagayn ng mga manggagawa.

Malaki ang naging gampanin ng panitikan sa pagsisiwalat sa

kalagayan ng Lipunang Pilipino hindi lamang sa aspeto ng pagbuo ng mga

salita at pagpapakita ng pagiging malikhain nagagamit ang panitikan,

bagkus sa pamamagitan ng panitikan ay nailalahad ang mga pangyayari na

naganap sa ating Lipunan. Ang panulat ni Bayani Abadilla na mahihinuha

sa mga tula sa Sigliwa Kamao ay mayroong pakikisangkot sa kinalalagyang

lipunan ng mga Pilipino. Kagaya na lamang sa mga tula ni Ka Bay, pinakita

niya rito kung paano abusuhin ang mga manggagawang Pilipino sa ilalim ng

mga panahong nabanggit. Ayon pa kay Nadine Gordimer na isang

manunulat, ang sining ay dapat nasa panig ng mga binubusabos, at ganito


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 75

nga ang naging gampanin ng mga tula ni Ka Bay na kung saan ay

pinanigan niya ang uring manggagawa na isa sa mga pinagsasamantalahan

sa lipunan.

Nagiging tulay rin ang panitikan upang mabuksan ang kaisipan ng

tao tungkol sa tunay na kalagayan ng Lipunan. Masasabing paglalayag ang

panitikan dahil naglalayag ang kaisipan ng manunulat at mambabasa tungo

sa paglaya na siyang nag papa-alab ng damdamin ng mga Pilipino upang

maging rebolusyonaryo.Nang dahil sa panitikan, ang mga kaganapan sa

nakaraan ay maaring mabatid ng sino mang magtatangkang magbasa o

umunawa sa nalikhang akdang pampanitikan.

Maitututuring ng mga mananaliksik na ang rebolusyonaryong

panitikan ay mayroong mataas na pagnanais sa pangkalahatang kaunlaran

ng bansa. Ayon pa kay Hernandez(1997), Lahat ng kathang pampanitikan

ay dapat pagtambalan ng dalawang esensiyal na elementong ito [porma-

sining, nilalaman-diwa], at sa ibabaw niyan ay tumutukoy at naglalarawan

ng mga problema ng bayan at lipunan [paksa] sa kanilang panahon

(Hernandez, 1997, p.246).


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 76

Kabanata V

Lagom ng Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng naging lagom ng mga

mananaliksik mula sa mga inilahad na suliranin at nakalap na datos.

Alinsabay ang pagpapahayag ng naging konklusyon at rekomendasyon na

makakatulong sa pagpapayabong ng nagawang pananaliksik.

Lagom ng Natuklasan

Batay sa pagsusuri ng mga mananaliksik sa mga piling tula na

nakapaloob sa akdang Sigliwa Kamao ni Bayani S. Abadilla, natuklasan na

sa pamamagitan ng panitikan partikular na sa pagsusulat ng tula ay

naipakita niya ang kalagayan ng mga manggagawa na halaw sa mga

nangyayari sa lipunan sa panahon kung saan naisulat ang akda.Ang mga

pangunahing nakapaloob sa mga tula ay pumapatungkol sa mga

manggagawa at mamamayang Pilipino. Halimbawa rito ang mga tulang

Dugo sa Asukal, Interpretasyon sa Interbensiyon, Tinig sa Rehas ng Bakal

at iba.

Madalas na tuon ni Bayani Abadilla sa kanyang mga akda ang mga

manggagawa at makikita sa kanyang mga tula kanyang pagiging maalam

niya sa kalagayan ng mga ito sa lipunang Pilipino. At ginamit niya ang

kaalamang ito sa kanyang mga tula upang maipakita ang kalagayan ng

manggagawang Pilipino sa kung paano sila pinagsasamantalahan ng mga

kapitalista. Dahil kinakitaan ng espasyo ang mga tula ni Ka Bay para sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 77

mga manggagawa ay nagawa niyang mapalitaw ang mga suliraning

panlipunan na nagpahirap sa mga Manggagawang Pilipino. Ang

kontraktwalisasyon, mababang pasahod, ang problema sa lupa/pyudalismo,

Imperyalismo at matinding pangangapital ng mga naghaharing-uri ay ilan

lamang sa napalutang na suliraning panlipunan na naging dahilan ng

paghihirap ng mga manggagawang Pilipino sa panahon ni Ferdinand

Marcos at Cory Aquino.

Matalas at matalim din ang naging atake ng kanyang mga tula upang

lalong ipaintindi ni Ka Bay ang nangyayaring pagsasamantala sa mga

manggagawa. Bukod rito nagkaroon din ng espasyo ang mga

rebolusyonaryong martir na mga kababaihan nang ialay ang kanilang mga

buhay upang hugit na mapaglingkuran ang sambayanan, at kabilang na

roon si Lorena Barrios.

Bukod pa rito, pinakita rin na may kalakasang taglay ang mga

manggagawa, ito’y sa tuwing nagkakasa sila ng welga at protesta upang

higit na ipanawagan ang kanilang mga lehitimong karapatan na patuloy na

ipanagkakait ng mga kapitalista, at malinaw na binigyang espasyo ni Bayani

Abadilla ang ganitong klaseng mga isyu kinakaharap ng mga manggagawa.

Sa ibang mga tulang isinulat ni Ka Bay sa Sigliwa kamao, bagama’t

binabanggit niya ang pakikibaka ng mga manggagawa ay naglalaan din siya

ng solusyon sa paghihirap na dinaranas ng mga manggagawa at ito ay ang

paglahok sa rebolusyon. Para kay Ka Bay, ito ang tanging solusyon upang
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 78

mapatid ang tanikala ng pagsasamantala na daan-taon nang nararanasan

ng mga manggagawa.

Nagkaroon ng importanteng gampanin ang panitikan lalo na ng

pagsulat ng tula sa pagsisiwalat ng totoong kalagayang ng lipunang

Pilipino.Isiniwalat ang totoong kalagayan ng mga mangagawa sa ilalim ng

rehimeng Ferdinand Marcos at Aquino kung saan sa rehimen ni Marcos ay

labis ang pagsasamantala sa mga manggagawa lalo pa’t nagpatupad si

Marcos ng Batas Militar kung kaya’t patay ang kalayaan sa pamamahayag

at sinusupil ang karapatan sa pagwewelga at pagpoprotesta ng iba’ t ibang

sektor sa lipunan kasama na ang manggagawa. Lumala pa ang kalagayan

ng mga manggagawa kahit na natapos na ang diktaduryang Marcos

sapagkat patuloy ang pagpapatupad na huwad na reporma at batas ni Cory

Aquino para sa mga manggagawa at magsasaka.

Sa pagsulat niya ng mga tula sa kanyang panahon ay makikitang ang

mga isyung panlipunan na ipinakita ni Ka Bay ay 'di maitatangging

nararanasan parin ng malawak na hanay ng mga manggagawa sa kamay

ng mga kapitalista. Dahil dito malinaw na ipinakita ang mahalagang

gampanin ng Panitikan partikular sa pagsulat ng tula sa pagpapakita ng

totoong kalagayang ng lipunang Pilipino.

Sa pagsusuri ng mga mananaliksik, natuklasan na hindi basta-basta

umusbong ang kahirapang nararanasan ng mga manggagawa sa kanilang

trabaho bagkus mayroong mga salik na nakakaapekto kung bakit patuloy


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 79

ang pagsasamantala sa kanila. Hanggat nananitili ang mga suliraning ito ay

mananatiling sadlak ang kalagayan ng mga mangagawa. Hindi lamang

manggagawa sa kalunsuran ang binigyang espasyo ni Ka Bay sa kanyang

mga tula, naroroon din ang mga manggagawang bukid na kapwa

napagsasamatalahan sa kanayunan bunga ng umiigting na pyudalismo sa

bansa.

Konklusyon

Masasabing sa pamamagitan ng Sigliwa Kamao ni Bayani Abadilla

na ang pangunahing pokus ay patungkol sa kalagayan ng manggagawang

Pilipino ay isang malaking tulong upang malaman ang kanilang

pinagdaanan sa panahong nabanggit. Sapamamagitan ng mga tulang

nasuri ay lubos na napalitaw ng may akda ang ugat ng suliranin na dahilan

kung bakit naghihirap ang ating bayan. Napatunayan ang halaga ng

panitikan sa pagpapalaganap ng totoong nangyayari sa lipunan partikular

sa sektor ng mga manggagawa at ang pananamantalang nararanasan nila

bunga ng mga iba't ibang salik na umiiral sa lipunan. Patunay ang Sigliwa

Kamao na may kalipunan ng mga tula sa mga nagsusulong sa mga

rebolusyonaryong panitikan sa Pilipinas.

Ang pag-aalay ng dugo’t pawis sa maghapong pagtatrabaho at ang

walang sawang paninidigan ng mga manggagawang upang makamit ang

katarungan at kalayaan ninanais mula sa pagpapahirap ng mapangabusong

estado kasabwat ang mga dayuhang imperyalista sa pagnanakaw ng


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 80

kayamanang dapat na para sa bansang Pilipinas ay lubos na naunaawan sa

pagsusuring ginawa sa mga tula.

Rekomendasyon

Inirerekomenda ng mga mananaliksik ang Sigliwa Kamao sa mga

kabataan upang maimulat sila sa mga kaganapan noon sa pamamagitan ng

mga tulang nasuri sa mga pananamantala at katiwalian ng mga may

kapangyarihan sa ating pamahalaan at maging ang totoong kalagayan ng

mga manggagawa Pilipino sa ating lipunan. Mahalagang magkaroon ng

malalim na pang-unawa ang mga mambabasa sa ganitong kalagayan nang

sa gayon ay hindi na sila malinlang at mabulag sa mga pangako at

panlolokong ginagawa ng mga kurap sa ating lipunan.

Marapat na magsagawa pa ng mga ganitong pag-aaral upang ganap

na maunawaan ang kasaysayan at maihambing ang pagbabagong naganap

kung mayroon man sa kasalukuyan.

Inirerekomenda rin ng mga mananaliksik sa mga guro sa kolehiyo na

magsagawa ng pagtalakay o lektura na nagpapabatid ng kalagayan ng mga

manggagawang Pilipino at mga isyung umiiral sa ating lipunan sa

pamamagitan ng pagbabasa ng mga ganitong uri ng akda mapatula, nobela

man o maikling kwento na may parehong paksang tumatalakay sa mga

manggagawa.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 81

Gayon din sa mga paaralan na mabigyang pansin sa pag-aaral ang

kakayahan ng panitikan sa anyo ng tula sa pagbibigay kaalaman tungkol sa

lipunan upang maging bukas ang kanilang isipan at matutuhan ang mga

wastong gawain bilang isang mamamayan ng ating bansa.

Magandang makalikha pa ng ganitong mga akda upang magsilbing

inspirasyon na gamitin ang tangang panulat upang gawing instrumento sa

paglikha pa ng kahit anong uri ng panitikang nagpapakita ng kalagayan ng

manggagawa at ng lipunan na makakatulong sa pagpapaunlad at

pagpapayabong ng kultura at panitikang Pilipino.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 82

SANGGUNIAN

Abadilla B. S., (2006). Sigliwa Kamao. Quezon City: Prometheus


Publishing

Alejandro, J., (2008). Journalist Bayani Abadilla Passes Away.Piercing


pens. Mula sa http://www.piercingpens.net/journalist-bayani-
abadilla-passes-away

Almario, V, S. (2006). Pagsusuri at kasaysayan ng panulaang pilipino.


Pag-unawa sa ating Pagtula, n.v,20-22, 56-59, 70-73, 81-82.

Casilao (2016).Privilege Speech of Rep. Casilao.Retrieved from


http://www.congress.gov.ph/legisdocs/basic_17/PS105_Rep.%20Casil
ao.pdf [pdf document]

Constantino, R., (1966). Ang lisyang edukasyon ng pilipino. (Martinez, L.


M, Salin). Weekly Graphic.(w.t.)
Correa R. (2000),A.V Hernandez: Propagandista, sa tradisyon nina rizal,
del pilar, atbp., at ang kanyang impluwensya sa mga
makata ng mga dekada '70 at '80. Mula
https://ejournals.ph/article.php?id=10629

Delahoyde, M. (w.p).Introduction to Literature. Mula sa


https://public.wsu.edu/~delahoyd/marxist.crit.html

De la Concha, L, A. at Gabriel, L, Ma. (1978). Makabagong Pilipino para


sa kolehiyo.Panitikan: Diwa at Buhay, n.v, 70-76, 91-97, 169-172.

Eagleton, T., (1976).Marxism and Literary Criticism. United Kingdom:


Methuen & Co. Ltd

Enriquez D. (2013).Philippine literature a regional approach.Cacho


Hermanos Inc.Mandaluyong City

Guerrero, A. (1970). Philippine society and revolution. Mula sa


www.bannedthought.net/Philippines/CPP/1970s/PhilippineSociety
AndRevolution-4ed.pdf

______________. (2005). Maikling kurso sa lipunan at rebolusyong


pilipino.(3rdedition). Mula sa
https://aklatangtibak.files.wordpress.com/2013/05/maikling-kurso-
sa-lipunan- atrebolusyong-pilipino.pdf
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 83

____________ (1996).Filipino Women in Herstory.Solidarity Philippine


Australia. Mula sa
http://cpcabrisbane.org/Kasama/1996/V10n2/Herstory.htm

FRJ (2017).Balik Tanaw : Ang mga karahasanat pang-aabuso umano


noong martial law. Mula sa
http://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/talakayan/62672
9/ang-mga-karahasan-at-pang-aabuso-umano-noong-martial-
law/story/
_________(2016). Under Marcos Dictatorship Unemployment Worsened,
Prices Soared Poverty Persisted. Mula sa
http://ibon.org/2016/11/under-marcos-employment-fel l- prices-soared
poverty-persisted/

_________(2005). Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino


(MKLRP). Mula sa
https://aklatangtibak.files.wordpress.com/2013/05/maikling-kurso-sa-
lipunan-at-rebolusyong-pilipino.pdf [pdf document]

Hays, J. (2008).Economic History of the Philippines. Retrieved from


http://factsanddetails.com/southeast-asia/Philippines/sub5_6g/entry-
3916.html

Hernandez A. (1997). Magkabilang Mukha ng Isang Bagol at Iba Pang


Akda:Koleksyon ng mga Dula at Sanaysay.Quezon City:The
University of Philippine Press

Institute of Political Economy. (2017). Kritika ni Lenin sa imperyalismo sa


ika-21 siglo. IBON Center: Quezon City

Kahayon A. at Zulueta C. (2000).Philippine literature. Capitol Publishing


House Inc.Pasig City

Ledesma C. (2015). Women in Revolution:Maria Lorena Barros and


MAKIBAKA. Retrieved from: https://www.ndfp.org/women-in-revolution-
maria-lorena-barros-and-makibaka/

Marasigan, T. S.,(2008). Bayani ng Pakikibaka.Mula sa


https://kapirasongkritika.wordpress.com/tag/bayani-abadilla/

Marasigan, T.S., (2017). Kontraktwalisasyon 101. Mula sa


http://pinoyweekly.org/new/2017/01/kontraktwalisasyon-101/
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 84

Mella, C.T. (1974). Directory of filipino writers. Rizal: CTM Enterprises

Mendoza, P.R (2017). The Labor Movement: Impact of Herrera Law After 28
Years. Mula sa https://businessmirror.com.ph/the-labor-movement-
impact-of-herrera-law-after-28-years/

Oliveros, R., Galvez, C. M., Estrella, Y. R., (2004).Phillipine history and


government. Manila: IBON Foundation, Inc.
Oñate, C. (2013,March 4). Kahalagahan ng manggagawa [Web blog]
Mula sa http://clariceonate4.blogspot.com/
Peña, R. P. (2015). Paglapit ng anak sa daigdig ng kaakuhan: Si
Alejandro G. Abadilla at ang dakilang pagwawak, The Mabini
Review, 4.
Rafal, M. J.,(2015). Pylon: Isangdaa’t labing isang mga yula ng mga
makata. PUP Press.
Reyes, S. (1992). Kritisismo: Mga teorya at antolohiya para sa
epektibong pagtuturo ng panitikan. Pasig City: Anvil Publishing.
Santos, R.F., & Valerio, A.N. (1992).Rebolusyonaryong panunuring
masa sa sining at panitikan; mga dokumento ng 1971 ng Panulat
para sa Kaunlaran ng Sambayanan (PAKSA) at Nagkakaisang
Progresibong Artista-Arkitekto (NPAA).Maynila: Kalikasan Press
San Andres, T. (2006).Ang panitikan ng pilipinas sa bawat
rehiyon.Guiguinto Printing Press. Bulacan City

San Juan, D. M., (2010).Kontra-Gahum: Pagsipat sa Tema, Pilosopiya at


Ideolohiya ng Piling Kontemporaryong Tulang Radikal Tungo sa
Kontekstwalisasyon ng Kritisismong Marxista. [pdf document]. Mula sa
https://www.researchgate.net/publication/322896456_Kontra-
Gahum_Pagsipat_sa_Tema_Pilosopiya_at_Ideolohiya_ng_Piling_Kont
emporaryong_Tulang_Radikal_Tungo_sa_Kontekstwalisasyon_ng_Krit
isismong_Marxista

Sison J. (1994). Imperyalismong Pangkultura sa Pilipinas. [pdf document].


Mula sa :
https://aklatangtibak.files.wordpress.com/2017/05/imperyalismong-
pangkultura-sa-pilipinas.pdf
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 85

Timbreza, F, T. (1984).Diwang Pilipino Pangako at Pagkatao.Philippine


E-journal https://ejournals.ph/article.php?id=7684
Torres-Yu, R., (2006).Kilates: panunuring pampanitikan ng pilipinas.
Quezon City:The University of the Philippines Pres
Torres-Yu, R., (2011).Alinagnag: Sanaysay ng mga panlipunang
panunuri sa panitikan. Manila: University of Santo Tomas
Publishing House.

You might also like