YUNIT VIII Ang Dula Sa Panahon NG Pambansang Krisis

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

YUNIT VIII:

Ang Dula sa Panahon


ng Pambansang Krisis
Mga Layunin sa Pagkatuto
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay kinakailangang:

1. Naunawaan ang mga pangyayari sa panahon ng pambansang krisis


2. Nakapagbasa at napahalagahan ang ibat ibang dula
3. Natukoy ang mga halimbawang pangyayari/kalagayan at mga tauhan
na sasalamin sa kalagayang sosyal ng mga Pilipino
Aralin
A. Kaligirang Pangkasaysayan ng Panahon
Ang mga problemang kinakaharap ng ating bansa sa panahong ito
ng malaking krisis ay masisinag na rin sa mga dula. Kapansin-pansin
ang mga paksang kawalang-katarungan, katiwalian sa pamahalaan,
kahirapan at iba pa.
MGA DULA AT
MANDUDULA SA
PANAHON NG
PAMBANSANG KRISIS
Ang Dula at Mandudula
“Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar
Sa pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa, may apat na bilanggo na nakatalaga dito
dahil sa iba't ibang kadahilanan. Si Mang Ernan, ang pinakamatanda sa kanila ay may apat na araw
nang naoperahan sa almoranas. Si Doming ay naka-plaster cast ang isang paa, si Bok na bilanggong
labas-masok ay may trangkaso at kapapasok lamang nang nagdaang gabi, si Tony na may malubhang
sugat dahil sapilitang isinama ng ilang namumunong bilanggo sa pagtakas. Dahil ayaw nitong
makisangkot sa kanilang balak kung kaya't pinagtulungan siya. Nagtamo siya ng malaking sugat sa
tiyan at kaliwang bisig at may "balck-eye pa".

Si Tony ang pinag-uusapan nina Bok, Doming at Mang Ernan nang umagang iyon. Nang magising si
Tony nagkakilala silang apat at agad nagkahulihan ng loob ni Tony ang tatlo, lalo na si Mang Ernan
dahil sa galing nitong mangusap. Parang napuno ni Mang Ernan ang kakulangan ng sariling ama.

Nakiusap si Mang Ernan kay Tony na ipakilala nito ang sarili, kaya napilitan siyang bakasin ang
nakaraan. Siya raw ay galing sa karaniwang pamilya sa Tondo. Empleyado ang kanyang tatay.
Guwapo at malakas uminom ng tuba. Ang nanay naman niya ay ubod ng bait. Isang araw, natuklasan
ng nanay niya na may kerida ang tatay niya at ito ang dahilan ng pagkawasak ng kanilang tahanan.
Pagpapatuloy…
Ang pag-iwan ng ama niya sa kanilang mag-anak ang nagbulid kay Tony sa kasamaang nagdala sa
kanya sa bilangguang ito.Dahil sa pangyayari, natutong kamuhian ni Tony ang ama, at tuwing
mabanggit man lang tungkol sa ama, parang bikig ito sa kanyang lalamunan na mahirap alisin.Ang
pagkabilanggo ni Tony ang naging daan upang makilala niya si Padre Avena, na tumulong kay Tony
upang maniwala sa Diyos at magtiwala uli sa buhay. Ang pagdadalo niya sa klase ni Padre Avena ay
isang palatandaan na nagnanais siyang magbago.
Naging makabuluhan ang pag-uusap nina Tony, Mang Ernan at Doming dahil nakahalata ni Mang
Ernan na matalinong binata si Tony at parang may mataas na pinag-aralan kahit elementarya lamang
ang natapos. Sa kabilang dako naman, dati nang kilala ni Tony si Mang Ernan dahil sa mga
makabayang sinulat nito.

Nabilanggo si Mang Ernan dahil sa pagkasunog ng kanyang mga kasamahan ng mga aklat na
imoral na kumukubli sa tunay na kalagayan ng bansa. Ninais niyang mabilanggo kaysa iurong ang
kanyang prinsipyo. Sa ganito silang pag- uusap nang dumating si Padre Avena na nais alamin kung
totoo ang balitang nasagap niya na napahamak si Tony at inalam na rin niya ang kondisyon ng
binata. Walang ano-ano'y may sumigaw ng malakas, kaya nagpaalam ang pari sa kanila upang
alamin kung sino ang tumili.
Pagpapatuloy…
Ipinagpatuloy ng tatlo ang pag-uusap. Sa bahaging ito, natanong ni Tony kay Mang Ernan kung
ano pa ang kayang gawin maliban sa pagka-makata. At dito nalaman ng binata na peryodista at
propesor sa isang unibersidad sa Maynila si Mang Ernan. Kaanib rin siya ng ibang samahang
pangwika, pambayan at pangkultura. Maya-maya'y iginiit ni Mang Ernan na ampunin si Tony
dahil sa wala naman silang anak ng kanyang asawa.Humiga ulit si Tony at magpapahinga pero
lalong sumakit ang kanyang sugat. Tinawag ng mga kasamahan ang nars dahil patuloy na
dumudugo ang kanyang mga sugat. Dumating ang nars at inasikaso ang binata. Nang umalis
ang nars, siya namang dumating ni Padre Avena na kasama si Mang Luis.

Si Miss Reyes, ang nars ay nasa kalayuan at nagmamasid. Walang ano-ano'y lumapit uli ito kay
Tony at masuyong sinabing hindi siya masyadong gagalaw sapagkat makakasama ito sa kanya.
Dito humingi ng tawad si Tony kay Miss Reyes. Sinamantala ni Padre Avena ang pangyayaring
ito, at sinabi kay Tony na si Miss Reyes nga ay nakapagpatawad. Sa ganitong tinuran ng pari
nagliwanag ang isip ni Tony at makikita ang kakaibang sinag sa mga mata ng binata
Mga Dula at Mandudula
“Itim ang Kulay ng Paru-paru” ni Bernardo del Rosario Jr.
Ang dulang ito nanalo ng unang gantimpala sa Timpalak Palanca 1966.
Unang araw noon ng Mayo, 1942 pagkaraang ang Maynila at karatig-pook ay napasailalim ng Hukbong
Hapones, si Dorina dela Cruz, 26 na taong gulang at maybahay ng isang sundalong nakadestino sa
Bataan ay masayang nagbibihis sa kaisa-isang anak na si Bambi. Si Bambi ay walong taong gulang.
Kababakasan ng pananabik at pag-asam ang mayasang mukha ni Dorina dahil sasalubungin nila ng
anak sa estasyon ng Tutuban ang asawang si Pepe o Jose dela Cruz na isa sa mga napabalitang
pinalaya ng mga sundalong Hapones. Pinapauwi daw ang mga sundalong ito dahil walang ipapakain sa
kanila ang mga Hapones.Habang binibihisan ang anak, napansin ni Dorina ang bulok na sapatos nito
pero inalo niya ang anak na hindi siya dapat mabahala dahil tiyak pagdating ng tatay niya'y may dalang
sapatos ito para sa kaniya.
May maraming tanong si Bambi tungkol sa itay niya gaya ng kung saan daw manggaling ang tatay niya at
kung saan nagtatrabaho. Pawang kasinungalingan ang isinagot ni Dorina sa anak dahil ayaw niyang
malaman ni Bambi ang nangyaring pagbihag sa hukbong kinabibilangan ng ama nito nang mahulog ang
Bataan sa kamay ng mga Hapones.
Pagpapatuloy…
Pagkatapos maayos ang anak, si Dorina ay nagsimula nang mag-ayos. Lumapit siya sa aparador upang kunin ang
bestido nang matuon ang kaniyang paningin sa susing nakasabit sa pako at may hindi maipaliwanag na kasiyahan
ang namutawi sa kanyang mukha, ang kasiyahan ng isang nagtagumpay sa isang hamon, Nakatingin sa kanya si
Bambi at nagtataka kung bakit palagi na lamang niyang madalas makita ang ina na tinitingnan ang susi.Tinanong siya
ng anak pero parang hindi niya alam kung paano ito sasagutin.Maya-maya'y may tumawag kay Dorina sa ibaba. Ang
dumating ay si Mang Selo na may-ari ng bahay na inuupahan nila. Pinatuloy siya ni Dorina at natutuwa ang matanda
sa at pagkamagalang ni Bambi. Ibinalita ni Mang Selo kay Dorina ang tungkol sa pagpalaya sa mga sundalong
Pilipinong bilanggo sa digmaan. Tinanong niya si Dorina kung isa si Pepe sa mga palalayain. Nabanggit na rin niya na
si Enteng na kababayan nila ay darating din kasama ni Pepe. Kabilang sa isang brigada lamang sina Pepe at Enteng.

Pasalit-salit na tinutudyo ni Mang Selo si Dorina at may kasama pang malisya kaya nainis ang babae at tuwiran niyang
sinabi na ayaw niya ang maruming biro lalo't nakikinig ang anak. Pinaalis ni Dorina si Bambi at pinaglaro sa
labas.Huminto na rin si Mang Selo sa panunudyo at muli niyang tinanong si Dorina kung talagang nasa talaan ng mga
palalayain ang pangalan ng kaniyang asawa. Kinuha ni Dorina ang pahayagan at ipinabasa kay Mang Selo. Nagtaka
si Mang Selo kung bakit may ikinabit na Sarhento sa pangalan ni Pepe. Paanong mangyari iyon dahil sa alam nila
"private" lang si Pepe. May pag-alinlangang nasambit ng matanda na baka kapangalan lang ni Pepe ang nakalistang
Sarhento Jose de la Cruz.Saglit na nag-ulap ang mukha ni Dorina pero madali itong napawi. Naisingit na rin ng
matanda ang paniningil ng upa sa bahay na hindi pa nabayaran ni Dorina. Pangatlong buwan na ngayong di
nakabayad si Dorina, dahil kapos na kapos talaga siya. Idinahilan niyang makabayad din diya kung mabigyan na siya
ni Mrs. Tamayo sa mga ipinaglalaban niya.
Pagpapatuloy…
Dumating si Linda, ang kapitbahay nilang "hostess" at dinalhan si Dorina ng mga bestidong lalabhan. Kinakailangang
maihanda raw niya ang mga damit kinaumagahan at may bisita siyang opisyal na pondiyap(Hapon) at ito ang gusto
niyang isusuot. Halatang si Mang Selo ay hindi mapapalagay at mukhang galit kay Linda. Minsan na palang
natanggihan ni Linda ang mga pangyayari nitong lalabas sila nang mag-beer house ito sa pinapasukang "baw" ng
babae. Si Linda ang nakasagap ng balitang uuwi na raw ang mga sundalong binihag at kasama na rito si Pepe.Muling
nabuhayan ng loob si Dorina sa mga sinasabing ito ni Linda at masaya siyang pumaki na matatapos na rin ang
paghihirap niya gayong darating ang asawa. Naalala ni Linda ang inya noon si Dorina na magtrabaho lamang sa "club"
upang mabuhay. Mabuti na lamang at naging matibay si Dorina. Hindi diya natangay ng tukso kahit na sa gipit na
kalagayan. Hindi napasuko ng hirap at gutom si Dorina dahil gusto niyang alinis pa rin siyang datnan ni Pepe at
matibay din ang paniniwala niyang babalik ang asawa.Ipinagtapat ni Dorina na minsan daw ay nababawasan din ang
paniniwala niyang buhay ang asawa dahil sa isang masamang pangitain.

Pamahiin man o hindi ang tungkol sa paruparo itim, pero nakita niya raw itong palipad-lipad sa bahay nila may tatlong
linggo na ang nakaraan at nakita niya ang aali-aligid sa ulo niya at dumapo sa silyang, dati'y paboritong upuan ng
asawa.Ibinalita raw niya ito kay Aling Inez at sinabi ng matanda na baka namatayan siya. Natakot siya sa tinurang ito
ni Aling Inez, pero pinilit niyang hindi maniwala at saka dumalangin. Ngayon ay mapapatunayan niyang mali ang lahat
dahil darating na si Pepe. Biglang naalaalang dapat umalis na sila ni Bambi. Hihiram sana siya ng pera kay Linda pero
nagkataon namang wala ni kusing man lamang si Linda. Nabanggit ni Lindang sa tindahan na lamang siya mangutang
ng mga dadalhing pasalubong sa asawa. Ayaw na ni Dorinang madagdagan pa ang utang at nahihiya na siyang
humarap kay Chua upang makipag-usap lalo na't may gusto ang Intsik na ito sa kanya na minsan ay nag-alok sa
kanyang kalimutan na ang mga utang nito kung pagbibigyan niya ang kahilingan nitong "isang gabing kaligahayan".
Ibinigay nga niya kay Dorina ang susi ng pintuan kung sakaling magbago ang isip ng babae.
Pagpapatuloy…
Tuluyan nang umalis si Dorina at Bambi upang salubungin si Pepe.Ginabi sa pag-aabang si Dorina sa
pinakahihintay na asawa at natawag na ang lahat ng pangalan ng mga sundalong pasahero pero wala ni
anino man ni Pepe ang lumitaw.Larawan si Dorina ng isang taong nawalan ng kahulihulihang lakas nang
umuwi itong bigo. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ngayong wlana ng Pepeng inaasahan niyang
katuwang sa pagharap ng problemang kinasasadlakan - ang tatlong buwang upa sa bahay ni Mang Selo at
ang mahabang listahan ng utang niya kay Chưa.Dumating si Linda na humahangos at ibinalita na hindi na
siya dapat umasa at tatanggapin na lamang nang maluwag sa kalooban ang katotohanang patay na si Pepe.
Inalok ni Linda si Dorina na maghapunan sila sa kanila, yamang gutom sila at ni wala silang makakain sa
bahay.Maging si Mang Selo ay pumunta rin kina Dorina upang ibahagi ang balitang nasagap kay Enteng.
Idiniin ni Mang Selo na hindi siya nagkamali sa kutob niya kaninang maaaring kapangalan lamang ni Pepe
yong Jose sa diyaryo.Nababahala na si Mang Selo kung papaano na mabuhay sina Dorina ngayong patay na
ang asawa. Lalong nababahala ang matanda na hindi na siya mababayaran ni Dorina.Humantong sa mainit
na pagtatalo ang pakikialam ni Mang Selo sa buhay ni Dorina dahil naiinis na ang babae sa mga parinig
nitong hindi na niya makayanang bumayad ng upa sa bahay sa paglalabada lamang. Parang nagparinig ang
matanda na dapat nang umalis ni Dorina sa bahay niya o di kaya'y maaari siyang bayaran nito sa ibang
paraan- ang sarili niya.

Nang umalis ang matanda ay may nabuon pasiya si Dorina. Kinuha niya ang nakasabit na susi at nagpaalam
kay Bami na may pupuntahan lang siya sandali. Pumatol na rin siya sa huli kay chua dahil sa kahirapan.
Mga Dula At Mandudula
“Moses,Moses” ni Rogelio Sikat
Ang tagpuan ay sa isang apartment sa lungsod ng Rizal sa isang middle class na pamayanan. Maraming
bagong bahay rito, malayo sa daanan ng pampasaherong sasakyan, mapuno at mahalaman; aspaltado ang
malilinis na kalsada, at may ilaw na mercury ang mga poste. Karaniwan nang ang naninirahan dito ay mga
empleyado ng gobyerno. Pasado alas otso na ng gabi. Bukas ang ilaw sa sala. Nakaupo si Ben sa sopa,
nakataas ang pinagsaklit na paa at tila yoga na nagbabasa ng magasin. Nakakorto siya at iskepir na puti,
mahaba ang kanyang biyas at sa kabataa'y may pagkabalingkinitan pa. Mahaba ang kanyang buhok, tulad ng
uso ng mga tin-edyer ngayon, at may kakisigan siya.

Bukas din ang ilaw sa silid-kainan, Nakaupo si Regina sa kabisera ng mesa at umiinom ng kape. Nagpupunas
ng kutsara ang kapatid niyang si Ana. Magkahawig sila bagama't may maraming salit na puting buhok si
Regina. Habang naghuhugas siya ng pinggan, tinanong ni Ana si Regina kung kumusta na ang hinihingi
niyang bakasyon. At ayon kay Regina, puwede ba na hindi nila siya bigyan? Sa buong pagtuturo ni Regina
ngayon pa lamang siyang makapagbakasyon at noong namatay ang kanyang asawa. Idinagdag pa niya na
maaari siyang hindi pumasok kahit isang taon pa.
Pagpapatuloy…
Mahigit na dalawampung taon na siyang nagtuturo at puwede rin siyang magretiro ngunit nasasayangan din
siya na hindi tapusin ang kanyang serbisyo. Hindi pa raw siya papasok hangga't di pa gumagaling si Aida.
Buo na sa loob ni Regina na itutuloy ang kaniyang demanda. Hindi siya natatakot kahit na mayor ang
kanyang kalaban. Ipinabatid ni Ana sa kanya na iba ang malakas lalo na siya ay nasa poder. Subalit pagalit
rin na sinabi ni Ana na dapat ituloy ang demanda. Sobra na ang kanilang ginawa. Bitay ang talagang
kailangan siyan.

Nag-isip si Regina nang tanungin niya si Ben kung bakit naghahanap ng kordon si Tony, subalit ayon kay Ana
gagamitin lamang ito ni Tony sa inilipat na kuwarto ni Aida. Kaya pati ang manliligaw i Aida ay kinikilatis nang
mabuti. Sinariwa nina Regina at Ana nang magkaroon ng lantern parade at si Aida ay sumakay sa karosa at
ang lahat ay napatingin sa kanya dahil tila birhen siyang nakaangat sa karosa.

Magdidisiotso na si Aida at napapanaginip pa ni Ana ang maging debut party niya. Habang pinag-uusapan
nila ang kanilang nakaraan sa Gagalangin, saan sila dating nakatira ay naalaala ni Ana na ubos na pala ang
tranquilizer ni Aida, kaya dapat na magpabili siya, dahil baka lumala pa ang nerbiyos nito. Inutusan ni Regina
si Tony upang bumili ng gamot.
Pagpapatuloy…
Sa ganoong pagkakataon naghihinala si Ana sa mga kinikilos ni Tony subalit ayon kay Regina ugall lamang ni
Tony ang mapaglakad. Nagulat ang magkapatid nang biglang may huminto na kotse sa tapat ng apartment at
sa labas ay maririnig ang tanong kung nariyan si Mrs. Calderon. Pinapasok ni Ben ang mayor at konsehal na
binati pa si Regina ng "Good evening". Nananatiling nakatayo si Regina at pauyarn na tinanong ng Alkalde
kung anak niya si Ben dahil ayon sa kanya'y listong listo si Ben at hindi basta nagpapasok ng hindi
kilala.Biglang nanaog si Tony, Nang makita siya ng Alkalde ay inalam pa nito kung saan siya nag-aaral. At
ipinagmalaki ni Reginang sabihing sa U.P.Inilahad ng Alkalde ang sadya nila sa bahay ni Regina. Ayon sa
alkalde, mabigat ang kanilang inilalapit kaya magpakumbaba sila upang humingi ng kapatawaran sa ginawa
ng anak niya sa anak ni Regina. Akala ng Mayor ay makuha niya ang paghingi-hingi ng tawad ang ginawa ng
kanyang anak. Binalaan ng konsehal si Regina na kung ipatuloy niya ang kanilang demanda ay mailagay sa
kahihiyan ang kanyang anak, at sa ilalim ng batas walang kasalanan ang isang tao hangga't hindi pa siya
napapatunayang nagkasala. Nanginginig si Reginang sabihing labingwalong taon niyang inaalagaan ang
kanyang anak ngunit bigla na lamang inagaw ng anak ng mayor, dinala sa motel, sinaktan at pinagsasaan,
Tinawag pa sila ni Regina na masasamang pulitiko,

Pinayuhan pa nila si Reginang maging praktikal sabay dukot sa poloshirt ang nakatuping sobre at sinabing
"That check is for ten thousand pesos. Pay to cash", Nandidim ang paningin ni Regina at sinampal niya ang
alkalde at sabay pinalayas ang mga ito. Hinamon ng alkalde si Regina na hindi niya itutuloy ang demanda,
ngunit matatag ang kalooban ni Reginang itutuloy ito. Hindi siya titigil hangga't mabilanggo ang anak ng
Mayor.
Pagpapatuloy…
Narinig ni Tony ang binanggit ng kanyang ina kaya sinagot niya itong "ang demanda ay kamukha
lamang ng kung kayo'y nasusukal sa bingit ng bangin. Tatalon kayo kahit alam ninyong ika'y
mahuhulog". Hindi na naniniwala si Tony sa hustisya dahilan sa hindi rin nagkakaroon ng hustisya ang
pagkamatay ng kanilang ama. Ayon kay Tony "kapag buhay ang inutang, buhay rin ang magiging
kabayaran".

Naisip niya na hindi ito isang pamahiin o isang kasabihan lamang; ito'y isang simpleng batas, isang
kautusan o kahatulang inihabilin ng Diyos kay Moses. Sapagkat hindi ba sinabi sa Exodus na buhay
sa buhay. sa nangyari kay Aida, ito ang sa palagay niya ang kahatulang nararapat sundin niya. Mata
sa mata ngipin sa ngipin...apoy sa apoy, sugat sa sugat, latay sa latay! Ito ang gagawin ni Tony.
Gaganti siya.

Lalo pang nagpalubha sa pagkapoot ni Tony nang pinagbantaan siya ng mga "bata" ng Mayor. Ngunit
hindi siya natatakot sa banta. Ipinaalaala sa kanya ni Regina na darating din ang hustisya. Hindi
nagawang kumbinsihin ni Regina ang anak dahil sa ang mga pumatay sa ama niya ay malaya at
hawak ng malalakas.
Katapusan
Biglang naalaala ni Regina ang gamot ni Aida. Kailangang bilhin ito ngayong gabi na ito baka hindi naman
makatulog si Aida. Ipinilit ni Tony na siya na ang bumil. Takot si Regina na palabasin si Tony dahil gabing-gabi
na pero wala siyang magawa. Nang bumaba si Ben sinabi niya sa ina na may dalang barill daw si Tony,
Idinagdag pa ni Ben na madalas lumabas ang kanyang kuya dahil hinahanap ang anak ng Mayor.

Ipinasiya ni Regina na hintayin na lang pagbalik ni Tony, ngunit mag-uumaga na ay wala pa siya; nang
biglang may humintong taksi sa harap ng kanilang bahay. Naalimpungatan si Regina na sa pagpasok ni Tony
ay duguan ang kanyang tagiliran. Sumenyas siya na himan mag-ingay.Nagsibaba ang iba upang kausapin ng
pamilya na pawang nanghihilakbot. Sinabi ni Tony sa kanila na pinatay niya ang anak ng Mayor. Ipinag-utos ni
Tony kay Ben na tumawag ng taksi dahil aalis sila ngayon. Gusto ni Tony na umiwas sa humahabol sa kanya
at balak pa niyang mamundok. Subalit tumanggi rito si Regina, gusto niyang isuko si Tony, subalit hindi siya
sumang-ayon rito. Sa labas ng bahay maririnig na ang mga sirena.Sumisigaw mula sa labas na dapat
sumuko si Tony dahil sa napapaligiran na sila. Ipinakiusap ni Regina na susuko ang kanyang anak, ngunit
nagpupumiglas si Tony sa pagkakahawak ng mga pulis. Palakad-lakad siyang hinila papalabas. Inutusan
siyang lumabas, pagkatapos pinatakbo. Nakapaputok si Regina bago maagaw ng isang pulis ang baril na
kinuha niya kay Tony.Bagsak sa sahig. Pinagtatanong ng alkalde si Regina kung bakit binaril niya ang
kanyang anak. Pinosasan nila si Regina at hinuli sa salang pagpatay sa sariling anak. Sabi pa niya; Ako ang
pumatay sa aking anak. Pinatay ko ang aking anak. Sasabihin ko sa lahat na pinatay ko ang sarili kong anak.
Pagtataya
A. Basahin at unawaing mabuti ang isang dula sa panahon ng Pambansang Krisis.
Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang pangunahing suliranin sa akda?
2.Kung ikaw si Regina, paano mo magpagtatagumpayan ang suliraning ito? Ano ang
layunin ng Mayor sa pagpunta niya sa bahay ni Regina? Ano ang mahihinuha mong
katangian niya batay sa kaniyang pananalita pagkilos?
3. Paano ipinalutang?
4. Anong sakit at paraan ng ng akda na ang mga Pilipino ay may paninindigan? sa
lipunan ang nais nitong ipakita? Patunayan.
5. Anong katangian ng mga Pilipino ang makukuha sa akda?Ilarawan.
Maraming Salamat!
PANGKAT 2

FIL ED 208: LARUAN,MARY JOY


LARUPAY,AIRA JAN
DULANG LEQUINA,CHARIS
FILIPINO PANES,SHINE

You might also like