Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

FATHER SATURNINO URIOS

UNIVERSITY
San Francisco St., Butuan City,
Region XIII Caraga, Philippines
NURSING PROGRAM
Name: Helen Michelle S. Guiral Subject: Panitikang Filipino

Ang Ating Kultura

Ako ay isang babae na naninirahan sa isang probinsya kasama ang aking masayang
pamilya. Sa probinsya simple lang ang aming pamumuhay at bilang isang pinoy na lumaki at
naninirahan sa probinsya at napadpad sa lungsod, natuklasan at mas nabigyan ko pa ng halaga
kung gaano ka-kulay ang ating kultura. Ang mga yugto ng pakikipaglaban, pagkakaisa, at
pagtutulungan sa pagharap sa mga hamon ay nagpapakita ng halaga ng kultura sa paghubog ng
kolektibong identidad ng bansa.

Isa sa mga katangian na aking maipagmamalaki bilang isang Pilipino ay ang pagiging maka-
diyos at ang pagiging malikhain sa lahat ng bagay. Isa na ito sa mga katangian ma-probinsya o
mapa-lungsod ka man. Tayo ay mayroong malaking pananampalataya sa Diyos at may mga
talent na kung saan ay nahahasa at nakikita pa sa buong mundo. Dito natin makikita kung gaano
natin bigyang halaga ang bawat katangian na nagpapaningning sa ating mga Pilipino.

At dahil sa ating mga katangian, marami tayong tagumpay na nakamit, at ang kultura natin ang
nagpapakinang sa bawat Pilipino at sa mga mamamayan. Ang pagmamahal sa bansa ay
nagbibigay sa atin ng pagsasanay ng pagiging mapanagot at maalaga sa ating mga kababayan at
sa kalikasan.

You might also like