Week 3 456

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Barayti ng Wika (Mga Sitwasyong Pangwika sa Kulturang Pilipino) (q2w3) (11)

Iba’t Ibang Barayti ng Wika


Batay sa isinagawang pag-aaral ng mga lingguwista, ang barayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa
partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal. Ito ay ang pagkakaroon ng pagkakaiba depende sa estilo, punto, bigkas, tono, uri, anyo ng salita
at iba pang salik pangwika na ginagamit ng isang lipunan. Likas na sa atin ang makipag-usap o makihalubilo sa kapwa kahit pa mayroong
pagkakaiba sa kaugalian at wika natin. Mula rito’y parehong nalilinang ang ginagamit na wika ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. Nagbigay si
John C. Catford (1965), sa kaniyang aklat na A Linguistic Theory of Transaction ng dalawang uri ng barayti ng wika – ang permanente at
pansamantalang barayti. Isa-isa nating kilalanin ang mga ito.
Permanenteng Barayti
1. Dayalek – (diyalek, diyalekto) Ito ay panrehiyon o heograpikal na barayti ng wikang may sariling ponolohiya, sintaksis at leksikon (vocabulary). Ito
rin ang baryasyon ng wika sa loob ng isang wika. Ginagamit ito ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng
lalawigan, rehiyon o bayan.
Halimbawa:
➢ Tagalog-Manila: Maghugas ka nga ng plato. Tagalog-Bulacan: Mag-urong ka nga ng plato.
➢ Ilocano-Amianan: Nagado ikan idiay baybay. (Maraming isda sa dagat)Ilocano-Abagatan: Nagado sida idiay baybay.
2. Idyolek – Ito ay barayti ng wikang kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal. Ito ay
mayroong personal o pansariling paraan ng pagsasalita sa bawat isa. Walang dalawang taong nagsasalita ng iisang wika ang bumibigkas nito nang
magkaparehongmagkapareho. Samakatuwid, ito ay ang tipikal na wika ng isang tao
Halimbawa:
➢ “Hindi namin kayo tatantanan!” ni Mike Enriquez ➢ “Magandang Gabi, Bayan” ni Noli De Castro
➢ “Anak, paki-explain. Labyu!” ni Michael ➢ “Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza
3. Sosyolek – Ito ay baryasyon ng wikang dulot ng dimensyong sosyal. Ito ay nakabatay sa katayuan o antas panlipunan ng mga taong gumagamit
ng wika gaya ng kalagayang panlipunan - mahirap o mayaman; may pinag-aralan o walang pinag-aralan; kasarian - lalaki, babae, bakla o tomboy;
edad - bata o matanda; etnisidad – Ilocano, Bisaya, Tagalog, Malay at iba pa.
Halimbawa:
➢ Sa mahirap, “sira ang ulo”; sa mayaman, “nervous breakdown”
➢ Ang mayamang malikot ang kamay ay tinatawag na “kleptomaniac”; sa mahirap nama’y “magnanakaw”
➢ Kung mahirap at masakit ang ulo “nalipasan ng gutom”; kung mayaman “migraine”
➢ Kung mahirap na maitim “negrita”; kapag mayaman “morena”
➢ Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
Iba’t ibang Sosyolek
a. Gay Lingo – Ito ay ang wika ng mga bakla. Tinatawag din itong beki language o bekimon. Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang kanilang
pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng salita. Sa kasalukuyan ay naiintindihan at ginagamit na rin ito ng ibang kasarian. Ilan sa
mga halimbawa nito’y ang sumusunod: Churchill para sa sosyal, Indiana jones para sa hindi sumipot, bengalou para sa bonga at malaki, Givenchy
para sa pahingi, Luz Valdez para sa talunan.
b. Coño – Tinatawag ding conyospeak o coñotic na isang barayti ng Taglish/Fillish. Pinaghahalo ang salitang Filipino at Ingles kaya nagkakaroon ng
code switching gaya na lamang ng “Let’s make kain na”, “Come on na”, o ‘di kaya’y “Sige, go ahead na”.
c. Jejemon – Hindi naman maiaalis na kung may “pasosyal” ay mayroon ding “jologs” na kinabibilangan naman ng jejemon. Sinasabing mula ito sa
pinaghalong jejeje na isang paraan ng pagbabaybay ng hehehe at ng salitang Hapon na pokemon. Ang jejemon o jejespeak ay nakabatay rin sa
wikang Ingles at Filipino nga lamang, isinusulat ito sa paraangpinaghahalo ang mga numero, mga simbolo, malalaki at maliliit na letra na
nagpapahirap sa mga mambabasa na hindi pamilyar sa tinatawag na jejetyping. Madalas na nagagamit ang mga titik H at Z. Ilan sa halimbawa nito
ang salitang “Ako ito” na nagiging “aQcKuHh iT2h” o di kaya’y “Kumusta?” na nagiging “MuZtaH”.
4. Etnolek – Ito ay barayti ng wikang mula sa mga etnolingguwistikong grupo. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan
ng isang pangkat-etniko.
Halimbawa:
➢ Vakul – salitang Ivatan na tumutukoy sa kanilang panakip sa ulo.
➢ Batuk – isang uri o paraan ng paglalagay ng tradisyonal na marka sa katawan mula sa Kalinga.
➢ Bagnet – isang uri ng pinrosesong karne ng mga Ilocano na kilala sa pagiging malinamnam kapag niluto.
➢ Laylaydek Sika – salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankana-ey ng Mountain Province
➢ Kalipay – tuwa, saya o ligaya sa wikang Cebuano
➢ Palangga – mahal o minamahal sa wikang Cebuano
➢ Mapipiya ka? – Salitang Mëranao na nangangahulugang Kumusta ka?
5. Ekolek – Ito ay barayti ng wikang kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga
bata at mga nakatatanda, madalas itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan. May mga pagkakataon sa loob ng tahanan na
nagiging hudyat upang makabuo ng katawagan sa isang bagay tulad ng mga nakatutuwang pangyayari. Sakop din nito ang tradisyon o paniniwala
ng isang pamilya.
Halimbawa:
➢ nanay – mom – inay – nanay – mudra – mamshie ➢ tatay – dad – itay – tatay – pudra – pappy
➢ lola – apo – inay – mamu – granny – inang – mommy lola ➢ lolo – ingkong – itay – papu – lo – itang – papa lolo
➢ silid – room – guest room – kuwarto ➢ banyo – palikuran – kubeta – CR
Pansamantalang Barayti
1. Register – Ito ay baryasyon ng wika batay sa propesyon, uri at paksa ng talakayan o larangang pinag-uusapan. Ang bawat tao ay may kani-
kaniyang code na ginagamit sa pakikipagtalastasan. Nagsisilbing rehistro ng wika nilang espesiyalisado lamang sa kanilang pangkat. Nagkakaroon
ng Jargon na tumutukoy sa mga tanging bokabularyo ng isang pangkat. Para sa mga
abogado, legal jargons gaya ng court, pleading, hearing, appeal atbp. samantalang sa hanay ng mga IT Specialist ay bytes, software, modem atbp.
2. Estilo / Tenor – nagbabago ang antas ng pormalidad ng wika batay sa relasyon ng mga nag-uusap at/o okasyon. Kung pormal ang pagtitipon,
pormal din ang wika. Kung kuwentuhan o simpleng talakayan lamang, impormal o casual ang wika (lalo na kung ang kausap ay malapit na
kaibigan).
Halimbawa:
Pormal: Magandang umaga po sa inyo Ginoong Dela Cruz.Impormal: Kumusta ka na mars? Glowing ang skin mo ngayon ah!
3. Moda – Paraan ng pagpapahayag (pasalita man o pasulat). Mas mahigpit ang pagpapatupad ng mga tuntuning gramatikal sa paraang pasulat at
mas maluwag naman ang paraang pasalita.
Halimbawa:
Modang Pasalita Modang Text
E1: Kain na tayo. E1: Kain tau.
E2: Tara. Saan? E2: Wer?
E1: Sa restaurant. E1: Resto
E2: San nga eh? E2: Wat resto?
E1: Kahit saan E1: Khit san
E2: Eh di sa Gerry’s. E2: S Gerry’s n lng
E1: Okey. E1: K
4. Pidgin – ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa Ingles na “Nobody’s Native Language” o katutubong wikang ‘di pag-aari ninoman. Ito
ay bunga ng pag-uusap ng dalawang taong parehong may magkaibang unang wika kaya’t ‘di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t
isa kaya magkakaroon sila ng make-shift language o wikang pansamantala lamang. Dahil dito makalilikha sila ng isang wikang pinaghalo ang
kanikaniya nilang unang wika
Halimbawa:
➢ “You go there… sa ano… there in the banyo…” (English carabao)
➢ “Ako benta mga prutas sa New Year para suwerte.” (Chinese na sumusubok mag-Filipino)
➢ “What’s up, madrang piporrrr…” (Koreanong si Ryan Bang sa kaniyang programa)
➢ “Ikaw bili sa ‘kin daming tikoy…” (Chinese na sumusubok mag-Filipino)
➢ “I am… you know!” (English carabao)
➢ “Ako lugi na wag ka na tawad…”
➢ “Are you foreigner? Where?”
➢ “Don’t me. Don’t us…”
➢ “You buy this?” (Will you buy this?)
5. Creole – tinatawag na creole ang pidgin kapag naging inang wika o mother tongue ng isang pangkat. Pidgin na nagkaroon na ng mga native
speakers. ‘Di gaya ng pidgin, ang creole ay ginagamit sa mas malalawak na larangan.
Nagamit ito sa mahabang panahon hanggang sa magkaroon ng pattern o tuntuning sinusunod na ng karamihan. Sa Pilipinas, ang wikang Kastila
ang pinakamaimpluwensiya sa lahat dahil 333 taon tayong nasakop ng mga ito. Nagkaroon pa nga ng isang wikang lokal na halaw sa pinagsamang
wikang Tagalog at Kastila, ang Chavacano na sinasalita sa ilang bahagi ng Cavite at
Zamboanga.
Halimbawa: Chavacano ng Zamboanga
➢ “De donde lugar tu?” (Taga-saan ka?) ➢ “Adios!” (Paalam)
➢ “Buenos dias!” (Magandang umaga!) ➢ “Buenas noches.” (Magandang gabi.)
➢ “Gracias!” (Salamat) ➢ “Cuanto este?” (Magkano ito?)
Register bilang Espesyalisadong Termino
Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng mga salitang sa biglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang
pagkakagamit dahil sa kahulugang taglay nito. Dapat nating tandaan na maraming salita ang nagkakaibaiba ng kahulugan ayon sa larangang
pinaggamitan. Natutukoy lamang ang kahulugan nito kung malalaman ang larangang pinaggamitan nito. Ito ang tinatawagna register ng wika.
Pansinin ang pagbibigay-kahulugan sa salitang register.
• isang opisyal na listahan ng mga pangalan, kapanganakan, pagpapakasal, kamatayan
• isang listahan ng mga bisita sa isang hotel (turismo)
• pagpapatala ng isang sulat sa post office (komunikasyon)
• pagpapatala ng pangalan sa halalan (politika)
• pagpasok ng mga mensahe sa utak / pagtanda o pag-alala sa natutuhan (sikolohiya)
Mapapansing ang ilang terminong pang-washing machine at pang-cellphoneay ginagamit din sa ibang larangan. Mapapansin ding kapag
ginamit sa ibang larangan ang mga terminong ito, naiiba na ang taglay na kahulugan ng mga ito.
Halimbawa, ang spin sa washing machine ay nangangahuluganng mabilis na pagikot ng makina upang mapiga o matanggal ang tubig sa mga
damit. Samantala, sa paggawa ng sinulid, nangangahulugan ang spin ng paghahabi ng hibla o fiber upang
maging sinulid. Ang text sa cellphone ay tumutukoy sa ipinadalang mensahe patungo sa isa o iba pang cellphone. Samantala, sa literatura, ang text
ay tumutukoy sa anomang nakasulat na akda gaya ng tula, sanaysay, at kuwento
Mahalagang matukoy ang larangan kung saan ito ginamit upang hindi ipagkamali ang kahulugan ng salita at maging madali ang pag-
unawa rito.
Samantala, ang withdrawal ay maaaring mangahulugang pag-atras o pagsuko sa larangan ng military, pagkuha ng salapi sa bangko
(banking), pagpapalabas ng semilya upang hindi makapasok sa kaangkinan ng babae (science), pagtigil o pagpigil sa bagay na gustong sabihin o
gawin (komunikasyon).Tinatawag na register ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay ng iba’t
ibang kahulugan sa iba’t ibang larangan o disiplina.
Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabago ng kahulugang taglay kapag ginamit na sa iba’t ibang disiplina o larangan. Dahil
iba-iba ang register ng wika ng bawat propesyon at nababago ang kahulugang taglay ng register kapag naiba ang larangang pinaggagamitan nito,
itinuturing ang register bilang isang salik barayti ng wika. Isang tiyak na halimbawa ng register ng wika ang magkakaibang tawag sa binibigyan ng
serbisyo ng bawat propesyon o larangan.
Ekonomiks Politika Edukasyon Literatura
− kita − pamahalaan − pagsusulit − akda
− konsumo − batas - enrollment − prosa
− kalakal − kongreso − class record − awit
− puhunan − senado − kurikulum − mitolohiya
− pamilihan − korte - kampus − awtor
− pananalapi − eleksiyon - akademiks − salaysay
− produkto - korapsyon − klase − tauhan

Gawain 5: Sanaysay-Sanay! 30pts


Panuto:Sumulat ng isang sanaysay ukol sa larangang nais mong mapagtagumpayan limang taon mula ngayon. Maglahad ng mga sitwasyong
naging daan at palaisipan mo upang piliin ito. Sa pamamagitan ng natutuhan mula sa register na barayti ng wika, maglahad ng mga termino o salita
sa piniling larangan na nakaagaw sa iyong pansin upang higit pang maipakilala ang napiling larangan.
Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino (Lingguwistiko / Istruktural / Gramatikal) (W4) (12)
Malaki ang ginagampanang papel ng wika sa ating buhay? Ang wika ang sentro sa lahat ng ating gawain, higit sa anopaman,
ito ang kaibahan natin sa lahat ng bagay na nilikha sa mundo. Ang pagkakaroon ng wika ang isang katangiang ikinaiba ng tao sa
hayop
Si Dell Hathaway Hymes ay isang mahusay, kilala at mimpluwensiyang lingguwista at antropologong maituturing na “higante”
sa dalawang larangan. Katunayan, hindi maaring tumbasan ng iisang salita ang malawak na sakop ng kaniyang kakayahang pang-
akademiko. Siya ay inilarawan bilang sociolinguist, anthropological linguist at linguistic anthropologist. ‘Di gaya ng ibang mga
lingguwistang tulad ni Noam Chomsky na ang interes sa pag-aaral ay abstrak o makadiwang paraan ng pagkatuto ng gramatika at iba
pang kakayahaang pangwika, si Dr. Hymes ay higit na naging interesado sa simpleng tanong na “Paano ba nakikipagtalastasan ang
tao?”
Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging
maayos ang komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang lubos at hindi na lang basta kakayahang
lingguwistiko o gramatikal kaya naman, siya ay maituturing na isang mabisang komyunikeytor. Sa pagsasakatuparan ng mga adhikain
ng 21st century teaching and learning, malaki ang hamon na magkaroon ng higit na malawak na pansin sa pangangailangan ng mga
kagamitang panturo bilang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga mag-aaral at upang magkaroon ng makahulugan at mabisang
pagtuturo at pagkatuto. Sa pagpasok ng bagong kurikulum ng Filipino sa Senior High School, higit na dapat pagtuonan ng pansin ang
bakit at paano sa paglinang sa mga kasanayang komunikatibo sa halip na ang tuon ay sa ano at sino. Naroroon pa rin ang pagtuturo
sa mga tuntuning pangwika ngunit dapat ay umaayon sa teorya ng mga “Behaviorist Psychology of Learning”, na ang paniniwala sa
pagtuturo at pagkatuto ng wika ay “habit formation” na binubuo ng stimulus at response. Kung gayon, sa bagong pananaw sa
pagtuturo ng wika, higit na nakatuon ang pansin sa paglinang ng kakayahang komunikatibo kaysa sa simpleng kabatiran tungkol sa
wika. Ang kakayahang komunikatibo ay nauukol sa kakayahan sa aktuwal na paggamit ng wika sa mga tiyak na pagkakataon. Sa
puntong ito, dapat alalahanin ang ipinaliwanag ni Chomsky na pagkakaiba ng kakayahan (competence) at pagganap (pertormance).
Ayon sa kaniya, ang kakayahan ay nauukol sa kaalaman sa wika ng isang tao, samantalang ang pagganap ay ang kakayahang
gamitin ang wika sa angkop na paggagamitan. Samantala, pinaunlad naman nina Canale at Swain (1980-1981) ang kakayahang
komunikatibo ni Chomsky. Upang makilala na ang isang tao ay may kakayahang komunikatibo sa isang wika, kailangang tinataglay
niya ang apat na kakayahang ito: linguistic o grammatical competence, sociolinguistic competence, discourse competence, at strategic
competence.
Sa pagtatamo ng kakayahang komunikatibo, kailangang pantay na isaalangalang ang pagtalakay sa mensaheng nakapalaoob
sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang ginagamit sa teksto (Higgs at Clifford 1992). Naniniwala naman si Dr. Fe
Otanes (2002), na ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabangang idudulot nito sa mga mag-aaraal na matutuhan ang wika
upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na
kanilang ginagalawan. Sa kabuoan, pangunahing mithiin sa pagtuturo ng wika na makabuo ng isang pamayanang marunong,
mapanuri, kritikal at kapaki-pakinabang. Ang kakayahang komunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto ng lipunan at
kultura. Ito ay ang wika kung papaanong ginagamit at hindi lang basta ang wika at mga tuntunin nito (Shuy 2009).

Kakayahang Lingguwistiko / Istruktural / Gramatikal


Sa pag-aaral ng anomang disiplina, masasabing mahalagang magkaroon ng sapat at kinakailangang kakayahang
lingguwistiko ang isang tao. Ang kakayahang lingguwistiko ay naaayon sa mga tuntunin ng wika o balarilang kayarian na alam ng
taong nagsasalita ng wikang ito. Ito ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga
estruktura sa wika na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika. Maipakikita ng isang tao na nagtataglay siya ng kaalaman at kakayahang
nabanggit kung nauunawaan at nasasabi niya ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag gamit ang angkop na bantas, anyo, at uri ng
pangungusap at iba pang mahalagang aspekto ng balarila. Ang kakayahang komunikatibo naman ay hindi lamang naaayon sa
kaalamang makagamit ng mga pangungusap na may wastong balarila kundi may kakayahan ding ipakita at gamitin ang alinmang
gawaing pakikipag-usap na angkop at naaayon sa hinihinging sitwasyon.
Sinasabi nina Canale at Swain, na ang kakayahang lingguwistiko ni Chomsky (1965) ay kapareho lang ng kakayahang
gramatikal. Kaya naman, ang iba pang mga dalubwikang gumagamit ng modelo nina Canale at Swain tulad ni Suvugnon (1983) ay
tumukoy na rin sa kakayahang lingguwistiko bilang kakayahang gramatikal.
Ayon kina Canale at Swain, ang kakayahang gramatikal ay pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, sintaks,
semantika, gayondin ang mga tuntuning pang-ortograpiya. Ang komponent na ito ay magbibigay kakayahan sa taong ngsasalita upang
magamit ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita

Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko Celce-Murcia, Dornyei at Thurell (1995)


1. Ponolohiya (para sa pagbigkas)
• Segmental (katinig, patinig, pantig, tunog)
• Suprasegmental (haba, diin, tono, antala/hinto)
2. Morpolohiya (para sa pagbuo ng salita)
• Iba’t ibang bahagi ng pananalita
A. Mga salitang pangnilalaman (Content Words)
1. Mga Nominal
a. Pangngalan - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.
b. Panghalip - mga salitang humahalili sa pangngalan.
2. Pandiwa - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.
3. Mga Panuring (Modifiers)
a. Pang-uri - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip.
b. Pang-abay - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a. Pangatnig - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay.
b. Pang-angkop - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
c. Pang-ukol - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip
b. Pangawing o Pangawil - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri
• Prosesong derivational at inflectional • Pagbubuo ng salita
3. Sintaks (para sa ayos ng pangungusap)
• Ekstruktura ng pangungusap • Tamang pagkasunod-sunod ng mga salita
• Uri ng pangungusap ayon sa kayarian o payak, tambalan, hugnayan, langkapan
• Pagpapalawak ng pangungusap
4. Leksikon (para sa bokabularyo)
• Mga paraan sa pagbuo ng mga salita o Pagtatambal, Akronim, Pagbabawas, Pagdaragdag, Paghahalo, mga salita mula sa
panggalan
• Konotasyon o denotasyon • Kolokasyon – pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na salita • Idyoma
5. Ortograpiya (para sa pagbabaybay)
• Mga grafema (titik at di-titik) • Pantig at palapantigan • Tuntunin sa pagbaybay
• Tuldik • Mga Bantas

Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutuhan din ang wastong palabaybayan o ortograpiya ng wikang Filipino.
Mula sa mga naunang gabay sa ortograpiya (1976, 1987, 2001, 2009), inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang 2014
edisyon ng Ortograpiyang Pambansa. Tunghayan natin ang ilang tuntunin sa pagbaybay na pasalita at pasulat:Pasalitang Pagbaybay
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog ingles ng mga titik, maliban sa (enye) na tunog-Espanyol.

Pasulat na Pagbaybay
Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, partikular sa paggamit ng walong dagdag na titik (c, f, j, n, q, v,
x, z) para sa:
1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas.
Halimbawa:
jambangán (Tausug) halaman safot (lbaloy) sapot ng gagamba
masjid (Tausug, Mëranaw) gusaling samabahan ng mga Muslim
2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga na babaybayin sa Filipino
Halimbawa: selfi selfon projektor
3. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga na hindi na binabago ang baybay.
Halimbawa: visa zigzag level fern jam
4. Mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang banyaga, katawagang siyentipiko at teknikal, at mga salitang mahirap na dagliang
ireispel.
Halimbawa:
Jenny cauliflower McDonald quorum bouquet
Bukod sa pagbaybay, pansinin natin ang mga tuntunin hinggil sa (1) pagpapalit ng D tungo sa R; (2) paggamit ng “ng” at
“nang”; at (3) wastong gamit ng gitling, na kadalasang ipinagkakamali sa pagsulat:
1. Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan nitong salita ay nagtatapos sa patinig o sa
malapatinig na W at Y (halimbawa: malaya rin, mababaw raw). Nanatili ito sa D kung sa katinig naman nagtatapos ang sinusundang
salita (halimbawa: aalis din, malalim daw). Gayondin, nananatili ang D kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa —ra, -ri, -raw, o
—ray (halimbawa: maaari din, araw-araw daw).
2. May limang tiyak na paggamit ng nang:
a. bilang kasingkahulugan ng noong
Halimbawa: “Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas, kaagad silang nagpatayo ng mga paaralan.”
b. bilang kasingkahulugan ng upang o para
Halimbawa: “Ikinulong ni Alvin ang aso nang hindi na ito makakagat pa.”
c. katumbas ng pinagsamang na at ng
Halimbawa: “Malapit nang makauwi ang kaniyang tatay mula sa Greenland.”
d. pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano
Halimbawa: “Iniabot nang palihim ni George ang liham kay Rich.”
“Tumaas nang sobra ang presyo ng langis.”
e. bilang pang-angkop ng inuulit na salita
Halimbawa: “Pabilis nang pabilis ang ikot ng elisi ng eroplano.”
Maliban sa limang ito, sa ibang pagkakaton ay kailangang gamitin ang ng.
3. Wastong gamit ng gitling (-):
a. sa inuulit na salita, ganap man o hindi
Halimbawa: araw-araw, gabi-gabi, para-paraan, kani-kaniya, ano-ano
b. sa isahang pantig na tunog o onomatopeya
Halimbawa: tik-tak, brum-brum
c. sa paghihiwalay ng katinig at patinig
Halimbawa: mag-aaral, pag-aasawa
d. sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi
Halimbawa: pa-Ilocos, maka-Pilipino, taga-La Union
e. sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na baybay
Halimbawa: mag-compute, pa-encode, pagpa-print
f. sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, partikular sa sinaunang Tagalog at sa iba pang wika sa Pilipinas
Halimbawa: gab-i, mus-ing, lab-ong
g. sa bagong tambalang salita
Halimbawa: lipat-bahay, amoy-pawis, punong-guro
h. sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika
Halimbawa: ika-12 ng tanghali, ika-23 ng Setyembre at sa pagbilang ng oras, numero man o salita, na ikinakabit sa alas
i. sa kasunod ng “de”
Halimbawa: de-lata, de-kolor, de-kahon
j. sa kasunod ng “di”
Halimbawa: di-mahawakan, di-kalakihan, di-pormal
k. sa apelyido ng babaeng nag-asawa upang maipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga pa
Halimbawa: Marian Rivera-Dantes

Gawain 1: Iwasto Mo!


Panuto:Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang salita / mga salitang lumalabag sa tuntunin
ng pagbabaybay o gramatika sa bawat isa at isulat din sa tabi nito ang angkop at tamang salita.
1. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Jonabelle habang naglalakad patungong altar sa araw ng kaniyang kasal.
2. Ang Unibersidad ng Pilipinas ayitinuturing na isa sa pinakamahusay na pamantasan sa rehiyong Asean.
3. Nangalap ang aming paaralan ng mga delatang pagkain para sa mga nasalanta ng bagyo.
4. Mataas raw ang sahod ng mga empleyado sa kompanyang iyan.
5. Hindi ang pagsasalita ng Ingles kundi ang kaisipang makaIngles ang tunay na suliranin ng ating bansa
GAWAIN 2: Tara! Usap Tayo
Panuto:Basahing mabuti ang usapan o pahayag na hango mula sa radyo at telebisyon. Palitan ng mas angkop na salita o pangungsap
na makikita mong pagkakamaling panggramatikal sa mga ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Host: Balita ko wall-wall daw ang mga carpeting ng bagong bahay mo
Bisita: Naku hindi naman, sa sahig lang!
Ano ang puwedeng gawin o paano mo babaguhin ang tanong ng host para mas maintindihan ito ng bisita at nang masagot
niya ito nang maayos?
2. Host: Isa kang tunay na bayani! Biro mo, na-save mo lahat ng taong ‘yan sa sunog. Ano’ng ginawa mo?
Bisita: Presence of mind lang ‘yong nakita ko ang sunog, kinuha ko agad ang fly extinguisher.
Anong salita ang aayusin mo sa sagot ng bisita para umangkop ang sagot sa tanong?
3. Host: Why are you such a big fan of (name of star)?
Bisita: Kasi ang giling-giling niya talaga!
Anong salita ang aayusin mo sa sagot ng bisita para umangkop ang sagot sa tanong?
Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino (Sosyolingguwistiko) – (W5) ARALIN 13
Mga Dapat Isaalang-alang sa Epektibong Komunikasyon
Sa nakaraang aralin ay nabatid mong hindi sapat na ang tao ay matuto ng wika at makapagsalita, dapat ding
maunawaan at magamit niya ito nang tama. Ayon sa lingguwistikang si Dell Hymes (1974), magiging mabisa lamang ang
komunikasyon kung ito ay isasaayos, may akronim na SPEAKING upang isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang upang
magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan. Binuo niya ang modelo upang makatulong sa pagsusuri ng diskurso.
S – (Setting). Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao. Mahalagang salik ang lugar kung
saan nag-uusap ang mga tao. Ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito isaalang-alang ay
maaaring mapagkamalang-bastos o walang pinag-aralan.
P – (Participant) Ang mga taong nakikipagtalastasan. Isinasaalang-alang din
natin ang ating kausap upang pumili ng paraan kung paano siya kakausapin. Pabago-bago ang paraan ng ating pakikipag-
usap depende sa kung sino ang kinakausap. Binibigyang-pansin ang edad, kasarian, katungkulan, propesyon atbp. Hindi
natin kinakausap ang ating guro sa paraang ginagamit natin tuwing kausap natin ang ating kaklase o kaibigan.
E – (Ends) Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan. Dapat bigyan ng konsiderasyon ang pakay o layunin sa pakikipag-
usapan. Ibagay ang pananalita sa layunin gaya ng pagiging malumanay, may awtoridad, seryoso, masaya atbp. Hindi ba’t
kung tayo ay hihingi ng pabor ay gumagamit tayo ng paraang nagpapakita ng pagpapakumbaba? At kung nais din nating
kumbinsihin ang kausap ay iba ang ating pamamaraan? Samakatuwid, nararapat na isaalangalang ang layunin natin
upang maiangkop natin ang paraan ng ating pakikipagtalstasan.
A – (Act sequence) Ang takbo ng usapan. Bigyang-pansin din ang takbo ng usapan. Ang komunikasyon ay dinamiko,
samakatuwid ang isang usapan ay nagbabago. Kasama dito ang pagbabago ng paksa at paraan ng pag-uusap. Minsan ay
nag- uumpisa tayo sa mainit na usapan at kapag mahusay ang nakikipag-usap ay madalas itong humahantong sa
mapayapang pagtatapos. Kung minsan naman ay biruang nagbubunga ng pagkapikon at alitan.
K – (Keys) Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook, nararapat ding isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan,
kung ito ba ay pormal o di pormal. Kinakailangan ng pagpili ng salitang gagamitin na babagay sa pormalidad ng okasyon.
Wala sigurong magkakagusto kung mga salitang balbal ang gagamitin natin sa isang pormal na okasyon.
I – (Instrumentalities) – Tsanel o midyum na ginagamit, pasalita o pasulat. Dapat isaisip ang midyum ng
pakikipagtalastasan. Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang mensahe. Iangkop natin ang tsanel na
gagamitin sa kung ano ang sasabihin natin at kung saan natin ito sasabihin.
N – (Norms) Paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan. May mga sensitibong bagay na kung
minsan ay limitado lamang ang ating kaalaman. Sa mga ganitong sitwasyon, suriin muna natin kung ang ilalahad natin ay
tama o hindi. O ‘di kaya minsan ay may mga paksang eklusibo, kagaya ng sinasabi ng mga nakatatandang may mga
“usapang pangmatanda” “usapang pambabae” at “usapang panlalaki lamang.
G – (Genre) Diskursong ginagamit kung nagsasalaysay, nakikipagtalo o nangangatwiran. Dapat iangkop ang uri ng
diskursong gagamitin sa pakikipagtalastasan. Mahalagang batid ng isang tao kung ano ang genre na ginagamit ng
kaniyang kausap nang sa gayo’y malaman din niya kung anong genre ang kaniyang gagamitin.
Binuo ni Dell Hymes ang modelong ito upang itaguyod ang pagsusuri ng diskurso bilang serye ng usapan sa isang
kontekstong kultural. Nakapaloob angmodelong nasa itaas sa tinatawag ni Hymes na etnograpiya ng komunikasyon.
Ang salitang Etnograpiya ay nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa tao at kultura sa pamamagitan ng
personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa kanilang natural na kapaligiran. Kung ilalapat ito sa
komunikasyon, sinasabing ang pag-aaral sa wika ay nararapat na nakatuon sa paglalarawan at pagsusuri sa kakayahan ng
tagapagsalita na gamitin ang wika sa tunay na sitwasyon (Farah 1998).
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Tumutukoy ito sa kakayahang gamitin ang wika sa isang kontekstong sosyal o nang may naangkop na
panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon. Ayon sa mga dalubwika, ito ay
isang batayang matatawag na interdisciplinary sapagkat binubuo ng iba’t ibang salik panlipunan. Isinasaalang-alang ng
isang tao ang ugnayan ng mga nag-uusap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar na kanilang pinag-uusapan.
Halimbawa, inaasahan sa atin ang paggamit ng pormal na wika (halimbawa: “Magandang araw po! Kumusta po kayo?”)
sa pakikipag-ugnayan sa mga nakatatanda at may awtoridad, kaiba sa paggamit natin ng impormal na wika (halimbawa:
“Uy! Kumusta ka naman?”) sa ating mga kaibigan at kapareho ng estado.
Kadalasan, para sa mga taal na tagapagsalita ng isang wika (halimbawa, ang mga taong Tagalog ang unang wika
ay tinatawag na taal na tagapagsalita ng Tagalog), nagiging natural lamang o hindi na kailangang pag-isipan ang paggamit
ng naaangkop na pahayag ayon sa sitwasyon. Gayonman, para sa hindi taal na tagapagsalita, dapat niyang matutuhan
kung paano “Iumikha at umunawa ng wika sa iba’t ibang sosyolingguwistikong konteksto, na may pagsasaalang-alang sa
mga salik gaya ng estado ng kausap, layunin ng interaksiyon, at itinatakdang kumbensiyon ng interaksiyon” (Freeman at
Freeman 2004).
Sa pagtalakay ng kakayahang sosyolingguwistiko ay maari nating balikan ang mga usapin tungkol sa pagkakaiba
ng competence o kagalingan o kakayahan sa performance o pagganap. Sa gitna ng maraming diskusyon, maganda ang
naging pananaw ni Savignon (1972), isang propesor sa University of Illinois, sa pagkakaiba ng competence at
performance. Ayon sa kaniya, ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika habang ang
performance ay ang paggamit ng tao sa wika. Idinagdag niya na ang kakayahan o kaalaman ng tao sa wika ay makikita,
nadedebelop at matataya lamang gamit ang pagganap. Itinumbas niya ang kakayahang komunikatibo sa kakayahang
gamitin ng tao ang isang wika.
Ayon kay Fantini (2004), isang propesor sa wika, ang kakayahang sosyolingguwistiko ay ang ugnayan ng nag-
uusap, ang paksa, lugar at iba pa. Ang isang taong may ganitong uri ng kakayahan ay inaangkop ang wika sa kaniyang
kausap, kung ang kaniyang kausap ba ay bata o matanda, propesyonal o hindi pa nakapagtapos, lokal ba o dayuhan.
Iniaangkop din niya sa lugar ng pinag-usapan, tulad ng kung nasa ibang bansa o lugar ba siya na hindi masyadong
nakauunawa ng kaniyang wika. Isinasalang-alang din niya ang impormasyong pinag-uusapan, ito ba ay tungkol sa iba-
ibang paniniwala? tungkol sa politika? o tungkol sa iba-ibang pananampalataya?
Pagkilala sa Mga Barayti ng Wika
• Pormalidad at Impormalidad ng Sitwasyon – maaaring maging pormal o impormal ang pananalita depende sa kung
sino ang kinakausap;
• Ugnayan ng mga Tagapagsalita – may pagkakapareho sa paraan ng pagsasalita ang mga magkakaibigan. Nailalangkap
din nila ang mga biruan at pahiwatigan na hindi mauunawaan ng hindi kabilang sa kanilang grupo;
• Pagkakakilanlang Etniko at Pagkakapaloob sa Isang Pangkat – gumagamit ng lokal na wika at/o diyalekto sa kausap na
nagmula sa kaparehong bayan ng tagapagsalita; at
• Awtoridad at Ugnayang Pangkapangyarihan – tinitiyak ang pormalidad at kaangkupan ng salita sa harap ng guro,
magulang, at iba pang nakatatanda at may awtoridad.

Batay sa mga sosyolingguwistikong teorya, ang pagbabago sa wika ay dulot din ng pamamalagay rito bilang
panlipunang penomenon. Ibig sabihin, nagkakaroon ng kabuluhan ang anomang salita o pahayag ng indibidwal kung ito
ay nailulugar sa boob ng lipunan at itinatalastas sa kausap o grupo ng mga tao. Sa ganitong kalagayan ay nakabubuo ng
iba’t ibang konteksto ng paggamit sa wika dulot na rin ng paglahok ng mga tao na may iba’t ibang gawain, papel, interes,
at saloobin sa proseso ng komunikasyon. Kaya naman, masasabing katangian din ng wika ang pagiging heterogeneous o
pagkakaroon ng iba’t ibang anyo o bunga ng lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, politikal, at
edukasyonal na kaangkinan ng partikular na komunidad na gumagamit ng wika (Constantino 2002).
Bilang halimbawa, pansininin ang humigit-kumulang na anyo ng diyalektong Cebuano-Filipino, dulot ng hindi
pag-uulit ng pantig gaya ng Tagalog at hindi paggamit ng panlaping um- na hinahalinhan ng panlaping ma-:
“Huwag kang magsali sa laro.”
“Madali ang pagturo ng Filipino.”
Dahil ang Cebuano (o Sugbuanong Binisaya) ay isang tiyak na wikang nagsisilbing unang wika ng tagapagsalita sa
mga halimbawa sa itaas, nakaiimpluwensiya ito sa kaniyang pagkatuto at pagsasalita ng pambansang wikang Filipino. Ito
ang tinatawag na interference phenomenon na lumilikha ng iba pang natatanging barayti ng Filipino — Ilokano-Filipino,
Bikol-Filipino, Kapampangan- Filipino, Hiligaynon-Filipino, at iba pa. Dahil din sa kaalaman sa mga wika, sa proseso ay
nababago ng tagapagsalita ang gramatika sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas, at pagbabago ng alituntunin
(Constantino 2002). Kilala ito bilang interlanguage o mental grammar ng tao. Halimbawa nito ang mga salitang gaya ng
mailing, presidentiable, at senatoriable na hindi matatagpuan sa “standard” na Ingles.

Ang mga Kagawiang Pangkomunikasyon ng mga Pilipino


Sa pag-aaral sa kultura at komunikasyon na isinagawa ni Maggay (2002), kaniyang binigyang-diin ang pagiging
high context ng kulturang Pilipino. Ibig sabihin, mataas ang ating pagbabahaginan ng mga kahubugan kahit sa
pamamagitan ng pahiwatig. Mapapansin ito sa kung paano natin itinuturing ang katahimikan o kawalang-kibo bilang
malalim na pag-iisip at kung gayon ay lubhang makahulugan.
Dagdag pa niya, ang pahiwatig ang maituturing na pinakalaganap at pinakabuod ng kulturang
pangkomunikasyon. Ito ay “isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag na di-tuwirang ipinaaabot ngunit
nababatid at nahihiwatigan sa pamamagitan ng matalas na pakikiramdam at matunog na pagbabasa ng mga himaton; o
ng mga berbal na palatandaang kaakibat nito”Maaaring ang pagpapahiwatig ay berbal, di-berbal, o kombinasyon nito.
Kadalasang ginagawa ito bilang pagsasaalang-alang sa damdamin at dangal ng isang tao. Narito ang ilang mga salitang
kaugnay ng pahiwatig (Maggay 2002):
• Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama o pagpupuntirya:
1. Pahaging – isang mensaheng sinadyang magmintis at ipinaalingawngaw lamang sa paligid.
2. Padaplis – isang mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan nang bahagya ang kinauukulan nito.
• Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ang mga taong nasa paligid at nakaririnig ng
usapan:
1. Parinig – malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa kaharap na kausap kundi sa
sinomang nakikinig sa paligid.
2. Pasaring – mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang, at iba pang mensaheng nakasasakit sa
mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.
• Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng pandama:
1. Paramdam – isang mensaheng ipinaaabot ng tao, o maging ng espiritu, sa pamamagitan ng mga ekspresyong
nararamdaman gaya ng pagdadabog, pagbabagsak ng mga kasangkapan, malakas na pagsasara ng pinto, kaluskos, at iba
pa
2. Papansin – isang mensaheng may layuning humingi ng atensiyon na kadalasang naipahahayag sa
pamamagitan ng pagtatampo, pagkabalidosa sa pananamit at pagkilos, sobra-sobrang pangungulit, at iba pang
kalabisang kumukuha ng pansin.
• Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig ay napatatamaan siya:
1. Sagasaan – pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap na karaniwang tinututulan ng nakikinig
bilang isang paalala na maaaring may masaktan: “Dahan-dahan at baka makasagasa ka.”
2. Paandaran – mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at umiikot sa isang paksa na hindi tuwirang
maipahayag subalit paulit-ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon at kadalasang kinaiinisan ng nakikinig sa
pagsasabing, “Huwag mo akong paandaran.”

GAWAIN 1: Magbigay Halimbawa


Panuto:Magbigay ng halimbawang sitwasyong maiuugnay sa iyong karanasan ang mga kagawiang pangkomunikasyon ng
mga Pilipino. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Padaplis __________________________________________________________________
2. Pasaring __________________________________________________________________
3. Paramdam ________________________________________________________________
4. Papansin _________________________________________________________________
5. Paandaran _______________________________________________________________
GAWAIN 2: Isalaysay Mo
Panuto:Sagutin ang sitwasyon sa ibaba sa iyong sagutang papel. Bilang mamamayang Pilipino, kailangang suriin at
harapin natin ang mga isyung ito. Ating suriin at tuklasin kung paano na nga ba magiging madali sa atin ang pakikipag-
ugnayan kung patuloy na dumarami ang wika at mga barayti nitong ginagamit sa ating bayan.
Ang paglaganap ng paggamit ng Beki Language Ang sagot ni kalihim Luistro nang tanungin hinggil sa paggamit
ng beki language: “Ang paggamit ng mga bagong nabubuong kolokyal na kagaya ng “beki” ay kasama sa pagbabago ng
mga wika at hindi natin mapipigilan. Kapag ang ganitong salita ay naging katanggap-tanggap na sa lipunan at
ginagamit na ng mayoridad, saka pa lang ito maisasali sa opisyal na komunikasyon.
Batay sa nabanggit na isyu, bumuo ng isang kritikal na sanaysay ukol sa paraan ng paggamit ng wika ng iba’t
ibang grupong sosyal o kultural sa Pilipinas. Maaring pumili ng isang grupong sosyal o kultural at doon ituon ang iyong
sanaysay.

Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino (Pragmatiko, Istratedyik at Diskorsal) WEEK 14 aralin 6

Mga Uri ng Komunikasyon


Ang Berbal na Komunikasyon ay ang uri ng komunikasyong gumagamit ng salita, wika at mga letra sa anyong
pasalita at/o pasulat man na sumisimbolo sa kahulugan ng mensahe. Nagagawa ang paraang oral sa pamamagitan ng
pakikipagusap sa kaanak, kaibigan, at kakilala, pakikipagtalakayan sa klase, at paglahok sa mga usapan sa kumperensiya
at seminar. Pasulat naman itong napadadaloy sa mga sulatin sa klase, paglikha ng blogpost, pagbuo ng manifesto at
bukas na liham, at iba pa.
Isa pang uri ng komunikasyon ang Di-berbal na Komunikasyon. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng kilos o galaw
upang maiparating ang mensahe sa kausap. Ayon sa pag-aaral ni Albert Mehrabian, propesor sa Clark University, na
lumabas sa kaniyang aklat na Silent Messages: Implicit Communication of Emotions and Attitudes, isang aklat hinggil sa
komunikasyong di-berbal, 7% raw ng komunikasyon ay nanggagaling sa mga salitang ating binibigkas, 38% ay
nanggagaling sa tono ng ating pagsasalita at 55% ay nanggagaling sa galaw ng ating katawan. Sa madaling salita, 7%
lamang ng nais nating iparating ang nanggagaling sa ating mga salita. Bagama’t sinasabi ng ilang dalubhasa na ito ay
hindi nauunawaan, isang aral ang iniiwan nito sa atin—hindi masasabi lahat ng salita kung anoman ang mensaheng nais
nating ipahatid kaya naman mas mabuting sabihin ito nang personal lalo na sa ilang maseselang bagay upang maiwasan
ang pagkakaroon ng iba o maling interpretasyon.
Mahalagang maunawaan ang di-berbal na komunikasyon sapagkat inilalantad nito ang damdamin o emosyon ng
nagsasalita at kinakausap at malinaw na nailalahad ang kahulugan ng mensahe. Ang sumusunod ay ang mga iba’t ibang
pag-aaral sa mga anyo ng di-berbal na komunikasyon:

Anyo ng Di-berbal na Komunikasyon


1. Kilos (Kinesics) – Tumutukoy ito sa kilos at galaw ng katawan. Halimbawa nito ay ang pagkumpas ng ating mga kamay
gaya na lamang tuwing itinataas natin ang ating mga kamay at ikinukumpas paharap na nangangahulugang
pagtawag.
2. Espasyo (Proxemics) – Ito ay tumutukoy sa layo o distansiya ng kausap sa kinakausap. Sinasabing may kahulugan ang
espasyong namamagitan sa magkausap. Ang distansiyang ito ay maaaring magpahiwatig kung anong uring
komunikasyon ang namamagitan sa magkausap.
3. Oras (Chronemics) – Ito ay tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon. Ang paggamit ng
oras ay maaaring kaakibat ng mensaheng nais iparating. Halimbawa nito ay ang pagtawag sa telepono sa dis-oras ng gabi
na maaaring pakahulugan ng pang-iistorbo o emergency.
4. Ekspresyon ng mukha (Pictics) – Tumutukoy ito sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng
tagapaghatid. Dito mahihinuha ang nararamdaman ng isang tao gaya ng saya, lungkot, takot o galit dahil inilalantad ng
mukha ang emosyon ng tao kahit hindi sinasabi ang mismong nadarama nito.
5. Pandama o Paghawak (Haptics) – Ito ay tumutukoy sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe.
Halimbawa nito ay ang pagtapik sa balikat, paghablot at pagpisil sa kamay.
6. Galaw ng mata (Oculesics) – Tumutukoy ito sa galaw ng mata. Sinasalamin nito ang damdamin ng isang tao—ito man
ay sinasabi o hindi at ang pagnanais na makipag-usap. Halimbawa ay ang panlalaki ng mga mata na nangangahulugang
pagkagulat.
7. Tinig (Paralanguage o Vocalics) – Ito ay tumutukoy sa mga dilingguwistikong tunog gaya ng kalidad at paraan ng
pagsasalita. Kabilang dito ang katahimikan o kawalang-kibo, simbolong tunong (ah, uhm, uhu, buntong-hininga,
pagsutsot) at boses (bilis, timre, tono ng boses at lakas).
8. Amoy (Olfactics) – Ito ay tumutukoy sa amoy. May mensaheng naipadadala rin ang amoy ng bagay, tao, paligid at iba
pa. Kadalasang ang mabangong amoy ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon samantalang negatibo naman sa
mabahong amoy.
9. Simbolo (Iconics) – Tumutukoy ito sa mga simbolong makikita sa paligid o bagay gaya sa bilding, lansangan, botelya,
reseta atbp. Halimbawa nito’y ang simbolo ng babae at lalaki sa mga palikuran. Kahit na walang nakalagay na sulat,
maiintindihan na ito agad ng mga makakikita nito.
10.Kulay (Chromatics) – Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang kulay na maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
Halimbawa, ang pagsusuot ng kulay itim ay kadalasang maiuugnay sa pagdadalamhati.
11.Bagay (Objectics o Artifactics) – Tumutukoy ito sa paggamit ng mga bagay o pananamit sa komunikasyon. Halimbawa,
kapag nakita mong may hawakhawak na batuta, sinturon o patpat ang iyong mga magulang, nangangahulugan itong
galit na sila.
12.Kapaligiran (Environment) – tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipagusap at ng kaayusan nito. Mahihinuha ang
intensiyon ng kausap batay sa kung saang lugar niya nais makipag-usap.

Kakayahang Pragmatiko
Isa sa bahagi ng larangan ng lingguwistika na tumutukoy sa intensyon at kahulugan ng mensaheng nakabatay sa
ikinikilos ng taong kausap—sinasabi man o di-sinasabi ay tinatawag na kakayahang pragmatiko. Pinag-aaralan nito ang
kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan batay sa paggamit at sa konteksto. Samakatuwid, ito ay ang pag-aaral ng
aktwal na pagsasalita.
Ayon kina Lightbrown at Spada (2006), ang pragmatiko ay tumutukoy sa pagaaral sa paggamit ng wika sa isang
partikular na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o may paggalang. Ibig sabihin, mabisang nagagamit ng
isang taong may kakayahang pragmatiko ang yaman ng wika upang makapaglahad ng mga intensyon at kahulugang
naaayon sa konteksto ng usapan.
Ayon kay Yule (1996), binibigyang-pansin ng kakayahang pragmatiko ang gamit ng wika sa mga kontekstong
panlipunan gayondin kung paano lumilikha at nakauunawa ng kahulugan ang tao sa pamamagitan ng wika. Mahalagang
nagkakaunawaan ang tagapagpadala at tagapakinig nang sa gayo’y walang kalituhan o maling pagpapakahulugan at
nang magpatuloy ang daloy ng komunikasyon.
Ayon naman kay Chomsky, tinutukoy ng kakayahang ito ang kaalaman kung paano naiuugnay ang wika sa
sitwasyon na pinaggagamitan nito. Kinakailangang angkop sa sitwasyon ang wika at konteksto nito nang mas madali
itong unawain ng tagapakinig.
Sang-ayon naman kina Badayos et.al. (2010), isa sa kalakip sa paglinang ng kakayahang pragmatiko ang konsepto
ng speech act (locutionary, illocutionary at perlocutionary) na paggawa ng mga bagay gamit ang salita gaya na lamang ng
pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin, pangangako at iba pa.

Speech Act
1. Locutionary – akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ilan sa mga paraan upang mailahad ito ay ang pagtatanong at
pagsagot sa mga tanong, pagbigay ng mga impormasyon, pagbigay ng kahulugan, paglalarawan at iba pa.
2. Illocutionary – nakatuon sa pagganap sa akto ng pagsasabi ng isang bagay. Binibigyang-diin dito ang abilidad ng
tagapagsalita upang piliin ang angkop na barayti ng wikang gagamitin para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal gaya
na lamang ng pakiusap, utos at pangako.
3. Perlocutionary – pagsasabi sa isang bagay na kadalasang nagdudulot ng mga kahihinatnan sa damdamin at isipan ng
tagapakinig. Ito ay maaaring maganap sa anyo ng panghihikayat, panghahamon, pananakot at iba pa. Halimbawa nito’y
ang pagsigaw ng tulong mula sa sakuna, tiyak na agad reresponde at tutulong ang mga tao. Nailalahad ito sa
pamamagitan ng pagtugon sa hiling at pagbibigay-atensyon.
Samakatuwid, ang una ay hinggil sa kahulugan, ang ikalawa’y may puwersa at ang ikatlo’y may kahihinatnan.
Mahalaga ang kakayahang pragmatiko lalo na sa pakikipagtalastasan nang sa ganoo’y maunawaan ng tagapakinig ang
intensyon ng nagsasalita upang mahulaan niya ang mensaheng nais ipahatid lalo na kung ito ba ay angkop sa
nangyayaring sitwasyon. Ito rin ay mayroong malaking kaugnayan sa emosyon ng tagapagpadala ng mensahe na isa sa
mga mabisang paraan upang malinaw na maunawaan ang ibig sabihin ng tinuran ng isang tao.

Kakayahang Istratedyik
Ito ay tumutukoy sa mga estratehiyang ginagawa ng isang tao upang matakpan ang mga di-perpektong
kaalaman natin sa wika nang sa gayon ay maipagpatuloy ang daloy ng komunikasyon. Ginagamit dito ang berbal at di-
berbal na paraan ng pakikipagkomunikasyon. Ilan sa mga estratehiyang ito ay ang sumusunod:
• pag-iwas sa isang paksang pinag-uusapan na hindi niya alam, pilit na iibahin ang paksa
• pagbubuo ng bagong salita (mananakay sa halip na pasahero)
• paggamit ng mga pahayag tulad ng kasi...ano... sa totoo lang, ano…
• pagsasabi ng “alam ko ‘yan, ‘yong ano, nasa dulo ng dila ko…”
• pagpapaulit ng isang tanong, “pakiulit nga, medyo, hindi ko nakuha”
• pagpapakita ng di-berbal na reaksiyon tulad ng pagtataas ng kilay, pagismid, malayong tingin, pagkibit ng balikat
Samakatwid, ang isang nagsasalita ay talagang humahanap ng paraan o ang tinatawag na coping and survival
strategies upang matagumpay na makapasok sa isang proseso ng pakikipagkomunikasyon.

Kakayahang Diskorsal
Ayon sa UP Diksyunaryong Filipino (2010), ang diskurso ay nangangahulugang pag-uusap at palitan ng kuro.
Mahihinula mula rito na ang kakayahang diskorsal ay tumatalakay sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang
tiyak na wika sa paraang mauunawaan ang tagapagsalita ng sinoman sa kaniyang mga nakasasalamuha. Tumutukoy rin
ito sa kakayahang mabigyan ng wastong interpretasyon ang napakinggang pangungusap/pahayag upang makabuo ng
isang makabuluhang kahulugan.
Ang tagumpay ng pag-unawa sa isang diskurso ay sang-ayon sa kaalamang taglay kapwa ng nag-uusap, “world
knowledge” ng mga nag-uusap, at maging ng kaalamang lingguwistiko; estruktura, at diskurso, at kaalaman sa social
setting. Sa pagdidiskurso, mahalagang:
1. maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi sa kulturang nakapaloob dito;
2. mahusay maghinuha ng mga impormasyon gaya ng integrasyon ng kilos sa salita;
3. magkaroon ng kritikal at malalim na kakayahan sa pag-unawa ng mga mensahe;
4. maisaalang-alang ang sumusunod na mga dimensyon:
a. Konteksto – gaya ng inilahad ni Hymes sa kaniyang SPEAKING theory, tungo sa ikatatagumpay ng isang
pakikipagtalastasan, mainam na makita ang kabuoang konteksto. Sa pamamagitan nito, maaaring mapaangat ang
sensibilidad ng dalawang nag-uusap.
b. Kognisyon – Tumutukoy sa wasto at angkop na pag-unawa sa mensahe ng mga nag-uusap. Bahagi ng
kognisyon ang oryentasyon at kulturang kanilang kinabibilangan.
c. Komunikasyon – Ang dimensyong ito ay tumutukoy sa berbal at di-berbal na paghihinuha ng mga
impormasyon.
d. Kakayahan – Likas sa mga tao ang pagkakaroon ng kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.
Ang mga ito ang siyang pangunahing kailangan sa mahusay na pagdidiskurso.
Dalawang Uri ng Kakayahang Diskorsal
1. Kakayahang Tekstuwal – tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang teksto
gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal, transkripsiyon, at iba pang pasulat na komunikasyon.
Sinasabing ang pagbabasa ay walang kabuluhan kung hindi ito naunawaan.
2. Kakayahang Retorikal – tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa usapan o talastasan. Inuunawa
nito ang iba’t ibang tagapagsalita at nakapagbibigay ng sariling pananaw, kaalaman o opinyon hinggil sa usapan.
Nagpapatuloy ang komunikasyon dahil sa palitan ng idea o kaisipan ng dalawa o higit pang nag-uusap. Ito ang isa sa mga
dahilan upang matukoy kung nakikinig o nauunawaan ng kausap ang mensaheng nais ipahatid ng tagapagpadala.

Panuntunan sa Pakikipagtalastasan
1. Kantidad – Gawing impormatibo ang ibinibigay na impormasyon ayon sa hinihingi ng pag-uusap–hindi lubhang kaunti
o lubhang daming impormasyon.
2. Kalidad – Sikaping maging tapat sa mga pahayag; iwasang magsabi ng kasinungalingan o ng anomang walang sapat na
batayan.
3. Relasyon – Tiyaking angkop at mahalaga ang sasabihin.
4. Paraan – Tiyaking maayos, malinaw, at hindi lubhang mahaba ang sasabihin.
Sa pagtamo ng mataas na kakayahang diskorsal, isinasaalang-alang ang cohesion o kaisahan at coherence o
kaugnayan ng mga salita o pahayag na ipinapahatid sa sinomang tagapakinig.
Ang kaisahan (cohesion) ay tumutukoy sa maayos na pagkakakabit-kabit ng isang pangungusap, sanaysay, talata
at iba pa upang tuloy-tuloy ang daloy ng paksa at mapalawig pa ang diskurso. Ito ay maaaring maipakita sa paggamit ng
mga panghalip o panghalili sa ngalan ng tao, bagay, pook o pangyayari upang maiwasan ang pag-uulit ng tinutukoy.
Halimbawa:
Malaking pagsubok para kay Lily ang mailayo sa pamilya ngunit gagawin niya ang lahat para lamang maitaguyod
niya ang kaniyang pamilya.
Ang halimbawa ay nagtataglay ng kaisahan dahil ang mga panghalip na “niya” at “kaniya” ay kapuwa may
kaugnayan sa pangngalang Lily.
Ang kaugnayan (coherence) naman ay tumutukoy sa kung konektado, patungo o umiikot ba sa iisang paksa
lamang ang kabuuan ng isang pangungusap, sanaysay, talata at iba pa. Sinasabing nalinang na ng isang indibidwal ang
kakayahang diskorsal kung kakikitaan ng kaisahan at pagkakaugnay ang mga ipinapahayag na mensahe.
Halimbawa:
Maraming mga Pilipino ang pinipiling umalis at magtrabaho sa ibayong bansa. Bukod sa nakapag-iipon sila dahil
sa laki ng sahod, natututo rin silang tumayo sa sarili nilang mga paa.
Ang halimbawa ay nagtataglay ng kaugnayan dahil iisang paksa lamang ang iniikutan ng dalawang pangungusap.

Pagpapahaba sa Pangungusap
1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga – napahahaba ang pangungusap sa pamamagitan ng mga katagang
gaya ng pa, ba, naman, nga, pala, at iba pa.
Halimbawa:
• May ulam.
• May ulam ba?
• May ulam pa.
• May ulam pa ba?
• May ulam pa nga pala.
• May ulam naman pala.
2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring – napahahaba ang pangungusap sa tulong ng mga panuring na na
at ng.
Halimbawa:
• Siya ay anak.
• Siya ay anak na babae.
• Siya ay anak na bunsong babae.
3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento – napahahaba ang pangungusap sa pamamagitan ng
komplemento o ang bahagi ng panaguri na nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa. Ang iba’t ibang uri ng komplemento ng
pandiwa ay tagaganap, tagatanggap, ganapan, dahilan o sanhi, layon, at kagamitan.
a. Komplementong tagaganap – isinasaad ang gumagawa ng kilos. Pinangungunahan ng panandang ng, ni, at
panghalip.
Halimbawa:
• Ibinalot ni Jay ang mga tirang pagkain.
• Ibinalot niya ang mga tirang pagkain.
• Ibinalot ng kaniyang kaibigan ang mga tirang pagkain.
b. Komplementong tagatanggap – isinasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos. Pinangungunahan ng mga
pang-ukol na para sa, para kay, at para kina.
Halimbawa:
• Naghanda ng regalo si Karen para sa kaniyang kapatid.
• Bumili ng laruan si Khimberly para kay Michael.
• Nagpaluto ng pansit si Alvin para kina Gracia at Jonabelle.
c. Komplementong ganapan – isinasaad ang pinangyarihan ng kilos. Pinangungunahan ng panandang sa at mga
panghalili nito.
Halimbawa:
• Namalagi sila sa evacuation area.
• Namalagi sila rito.
• Namalagi sila roon.
e. Komplementong sanhi – isinasaad ang dahilan ng pangyayari o ng kilos. Pinangungunahan ng panandang dahil
sa o kay at mga panghalili nito.
Halimbawa:
• Nabaon sa utang si Delia dahil sa pagkakalulong sa sugal.
• Dahil kay Catherine, naparusahan ni Angelita.
f. Komplementong layon – isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng pandiwa. Pinangungunahan ng panandang
ng.
Halimbawa:
• Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.
• Naglalako ng turon si Aling Pising tuwing hapon.
g. Komplementong kagamitan – isinasaad ang instrumentong ginamit upang maisakatuparan ang kilos.
Pinangungunahan ng pariralang sa pamamagitan ng at mga panghalili nito.
Halimbawa:
• Sa pamamagitan ng Internet, napabibilis ang pagkuha ng impormasyon.
• Magkakasundo lamang sila sa pamamagitan mo.
4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal – napagtatambal ang dalawang payak na pangungusap sa
pamamagitan ng mga pangatnig na at, ngunit, datapwat, subalit, saka, at iba pa. Ang mabubuong pangungusap ay
tinatawag na tambalang pangungusap.
Halimbawa:
• Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at nagtitinda sa palengke ang kaniyang nanay.
• Matagal siyang mag-aral ng aralin subalit tiyak namang matataas ang kaniyang marka sa mga pagsusulit.

GAWAIN: Saloobi’y Isulat Mo!


Panuto: Sumulat ng isang kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika sa pagpapahayag ng
saloobin sa Social Media lalo na sa panahon ngayon.. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Isaalang-alang ang
rubrik sa pagsasagawa ng a

You might also like