Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Ang talambuhay (mula sa pinagsamang mga salitang

"tala" at "buhay" na may diwang "tala ng buhay") o


biyograpiya ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad
ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga
tunay na tala, pangyayari, at impormasyon.
Isinulat ang mga unang talambuhay upang magsilbing gabay
ng mga mambabasa sa kanilang pamumuhay. Binigyang-
pansin ng mga ito ang magagandang katangiang dapat
tularan at di-magagandang katangiang dapat iwasan.
Paglaon ay ginamit ang mga talambuhay hindi lamang upang
dakilain ang magagandang katangian at batikusin ang di-
magagandang katangian, kundi upang magbigay-
impormasyon tungkol sa buhay ng paksa nitong tao.
Paggamit ng wastong gramatika at retorika ay nakakatulong sa
pagiging masining ng isang akda.
Uri ng talambuhay ayon sa paksa
at may-akda

Talambuhay Talambuhay Talambuhay


na pang-iba na Pansarili Pangkayo
Talambuhay na pang-iba - isang paglalahad ng
mga kaganapan sa buhay ng isang tao na isinulat
ng ibang tao.
HALIMBAWA:
Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio
Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga
kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong
panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi
lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor,
iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya,
ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog
ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima.
May dalawang uri ng talambuhay na pang-iba

. Awtorisado - may pahintulot ng taong paksa ng


talambuhay ang pagsusulat ng nasabing paglalahad.

Di-awtorisado - walang ganoong pahintulot.


Maaaring maharap sa suliraning legal ang sumulat
ng isang di-awtorisadiong talambuhay kung ito ay
naglalaman ng maseselang impormasyon na
itinuturing ng paksa na nakasisira sa kanyang
pangalan o pagkatao.
Talambuhay na Pansarili- isang paglalahad tungkol
sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may akda.
HALIMBAWA:

Ako si Elyza Ferrer nakatira sa Noveleta. kumukuha ng kursong medisina,ako ay 20 taong gulang.
Tinatawag nila ako sa palayaw na "Ely". Ang aking hilig ay ang pagbabasa at pakikinig ng musika.
Ako ay nag iisang anak nila Joy Ferrer ang aking ina at ni Efrain Ferrer ang aking ama. Kinuha ko
ang kursong may hilig sa medisina dahil ito ay isa sa aking pangarap at tiyak na kapakipakinabang sa
larangan ng pagtuklas ng mga sakit at lunas.
Talambuhay Pangkayo- isang paglalahad tungkol sa
buhay ng isang tao na naging sikat sa isang bansa,
lalawigan, bayan, o kahit sa isang maliit na pamayanan o
grupo ng mga tao dahil sa angking galing ng mga ito.
HALIMBAWA:
Si Emilio Aguinaldo (Emilio Famy Aguinaldo, Sr) ay isang rebolusyonaryong Filipino, politiko, at
isang lider ng militar na kinikilala bilang opisyal na unang Pangulo ng Pilipinas (1899-1901) at unang
presidente ng isang konstitusyunal na republika sa Asya. Pinamunuan niya ang pwersa ng
Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898),
at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa wakas ay laban sa Estados
Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901) . Siya ay nahuli sa Palanan,
Isabela ng pwersang Amerikano noong Marso 23, 1901, dahilan upang magtapos ang kanyang
pagkapangulo.
Uri ng Talambuhay ayon sa nilalaman

Talambuhay na Karaniwan- isang paglalahad


tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang
hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama
rito ang detalye tulad ng kanyang mga
magulang, mga kapatid, kapanganakan, pag-
aaral, karangalang natamo, mga naging
tungkulin, mga nagawa, at iba pang
mahahalagang bagay tungkol sa kanya.
Uri ng Talambuhay ayon sa nilalaman

Talambuhay na Di-Karaniwan o Palahad- hindi


gaanong sapat dito ang mahahalagang detalye tungkol
sa buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa
simulain ng paksa. Sa halip ay binibigyang-pansin dito
ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng
isang tao, at kung paano nauugnay ang isang tao sa
kanyang tagumpay o kabiguan...
ELYZA MAE FERRER
COLIN MARTIN PADIE

You might also like