Hindi makakaila ang patuloy na pagtaas ng populasyon na
nagdudulot ng matinding kahirapan sa ating lipunan. Mapapansing mababa rin ang bahagdan ng Phil. Employment status sa ating bansa na isa rin sa isyung panlipunan na binibigyang pansin ng pamahalaan. Bukod sa kahirapan, isa rin ang Pilipinas sa may mataas na bahagdan ng teenage pregnancy sa mga nagdaang taon sanhi ng mapusok na pag-ibig at karahasan. Isa sa biktima ng teenage pregnancy ang dalagitang si Lili sapagkat ang pagkahumaling niya sa kaniyang unang pag-ibig na si Tonyo ay lumabis sa kanilang limitasyon bilang magkasintahan. Sa kabila ng mga isyung panlipunang ito, sinisikap ng bansang Pilipinas na mapuksa ito sapagkat itinuturing ng ating lipunan na kabataan ang pag-asa at kayamanan ng ating bayan. Pagkakaisa ang susi sa maayos na kinabukasan ng bawat mamamayang Pilipino.