Pamagat NG Papel Pananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

SALIK SA KAHIRAPAN NG PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO

NG MGA MAG-AARAL

Isang Papel Pananaliksik


Na Iniharap sa
Mga Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino
Senior High School Department
Pamantasan ng Xavier – Ateneo de Cagayan
Lungsod ng Cagayan de Oro

Bilang Bahaging Katuparan


Sa mga pangangailangan ng
Asignaturang Filipino 101
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto sa Pananaliksik

Nina

Baguio, Kimberly Shane V.


Balabag, Bianca Cielo Marie O.
Campano, Dyan T.
Cerilla, Nicole Marie L.
Dumagil, Mikaela Nicole B.
Gaid, Natalie Beatrice B.

MARSO, 2020
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagpatupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang FILIPINO
101, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik,
ang riserts na ito ay pinamagatang SALIK SA KAHIRAPAN NG PAGGAMIT NG WIKANG
FILIPINO NG MGA MAG-AARAL na inihanda at iniharap ng mga mananaliksik mula sa
GRADE 11 – Fr. Francois D’Aguilon A na binubuo nina:

KIMBERLY SHANE V. BAGUIO NICOLE MARIE L. CERILLA

BIANCA CIELO MARIE O. BALABAG NATALIE BEATRICE B. GAID

DYAN T. CAMPANO

MIKAELA NICOLE B. DUMAGIL


Lider ng Pangkat

Tinatanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Pamantasan ng Xavier –


Ateneo de Cagayan, Senior High School, bilang isa sa mga pangangailangan sa
asignaturang FILIPINO 101, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik.

Bb. STEFFANY D. PAHUYO


Guro sa FIL 101
ABSTRAK
Ang Kahirapan sa Paggamit ng Wikang Filipino ng mga mag-aaral ay itinuturing na
pangunahing hadlang sa pagkakaroon ng kalidad ng edukasyon. Ang Kabataan sa
moderning panahon ay – pwede ni ninyo I continue -
PASASALAMAT

Ang papel pananaliksik na ito ay hindi magiging posible kung wala ang

patnubay at suporta ng iba’t-ibang mga indibidwal na nag-ambag at nagpalawak ng

kanilang mahalagang tulong sa paghahanda at pagkumpleto ng pag-aaral na ito.

Bb. Steffany D. Pahuyo , sa aming tagapayo at tagapagturo ng

pagsasaliksik sa Filipino 101, para sa kanyang walang katapusang pasensya at

matatag na paghihikayat para sa pagganyak sa mga tagataguyod na gawin ang lahat

ng kanilang makakaya sa pagtatapos ng pag-aaral na ito. Ipinahayag ng mga

mananaliksik ang kanilang taos-pusong pagpapahalaga sa kanyang mga pananaw at

pag-unawa.

G. Clifford Tejor, para sa pag-uudyok sa mga mananaliksik at paggabay sa

kanila habang ginagawa ang konseptong papel at para sa pagbabahagi ng kanyang

mga pananaw at pag-aalok ng tulong sa mga mananaliksik.

Sa mga magulang ng mga mananaliksik, para sa kanilang hindi matitinag na

suporta na patuloy na nagbigay inspirasyon sa mga mananaliksik na hangarin ang

kahusayan sa anumang aspeto ng paggawa ng papel pagsasaliksik.

Ang mga mag-aaral ng Xavier Uiversity Senior High School – Ateneo de

Cagayan, para sa pagsagot sa mga query sa pananaliksik, at pagbabahagi ng kanilang

mahalagang oras at kooperasyon sa panahon ng pag-aaral na ito


At ang pinakamahalaga, ang Makapangyarihang Diyos, na nagsilbing

mapagkukunan ng lakas at paghahangad sa kabila ng hindi mabilang na mga pag-

uudyok ng nais na sumuko sa papel pananaliksik.

Ang Mga Mananaliksik


TALAAN NG NILALAMAN
PAHINA
DAHON NG PAGPAPATIBAY i
ABSTRAK ii
PASASALAMAT iii
TALAAN NG NILALAMAN iv
KABANATA
1 ANG SULIRANIN 1
Panimula 2
Paglahahad ng suliranin
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
Depinisyon ng mga Terminolohiya

KABANATA
2 MGA KAUGNAYAAN NA LITERATURA AT PAG-AARAL Kaugnayan na
Literatura
Kaugnayan na Pag-aaral

KABANATA
3 METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Disenyo ng Pananaliksik
Mga Respondente
Instrumento ng Pananaliksik
Pamamaraan ng Pagtitipon ng mga Datos

KABANATA
4 PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Presentasyon
ng Datos
Interpretasyon ng Datos

KABANATA
5 LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON Lagom
Mga Natuklasan
Kongklusyon
Rekomendasyon

MGA SANGGUNIAN

MGA APENDIKS
A. TALATANUNGAN
B. MGA KASAGUTAN
PAHINA
C . DOKUMENTASYON

CURRICULUM VITAE
KABANATA 1
SULIRANIN

Panimula

Mahalaga ang paksang ito sapagkat hindi maipagkakaila na halos lahat

ng Pilipino ay bihasa sa paggamit ng wikang Ingles, sa pagsulat man o sa

pakikipagusap. Ito ay bunsod ng maraming dahilan at isa sa mga ito ay ang

pagkakaroon ng asignaturang Ingles sa sistemang pang-edukasyon ng

Pilipinas. Sa paningin ng ilang Pilipino, ang paggamit ng wastong gramatika

ay napakahalaga, sa punto kung saan ang nagkakamali nito ay nagiging

biktima ng diskriminasyon. Isang dahilan rin ay ang globalisasyon. Maraming

Pilipino ang nangangarap na magtrabaho sa labas ng bansa, sa gayon,

kinakailangang pag-aralan ang wikang Ingles.

Sa pagdaan ng panahon, lumalala ang ganitong sistema at ang

naapektuhan ay ang mga kabataan, sabay ng pag-usbong ng mga conyo o

mga taong pinagsasama ang wikang Filipino at Ingles sa iisang

pangungusap. Maraming Pilipino ang hindi sumasang-ayon sa ganitong pag-

uugali sapagkat parang nababalewala ang tunay na halaga ng paggamit ng

pangunahing wika. Kagaya ng isang eksperimentong iginawa ng isang

youtuber, Asian Boss, kung saan sapalarang pumili siya ng mga kabataang

Pilipino at hinahamon sila na sagutin sa Pilipino ang isang katanungan at

tiyaking huwag magbanggit ng Ingles na salita. Ang naging konklusyon sa


eksperimento ay: Karamihan sa mga Pilipino ay nahihirapang magsalita ng

direktang Tagalog nang hindi binabanggit ang wikang Ingles.

Dahil labis na nakakaugnay ang mga mananliksik sa isyung ito, nagtalaga

sila ng pagsasaliksik na pinamagatang Pag-aaral tungkol sa Mas Malalim na

Kadahilanan, Salik, at Sanhi ng Kahirapan ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng

Wikang Filipino ng Hindi Isinasangkot ang Wikang Ingles na naglalayong

makahanap ng mas malalim, pansarili, sikolohikal, at pisyolohikal na mga

kadahilanan kung bakit nahihirapan ang mga Pilipino na magsalita sa Filipino

nang hindi nagtutuon ng mga salitang Ingles.

Paglahahad ng Suliranin

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ang mga respondente ay matutukoy sa mga tuntunin ng;

1.1. Baitang

1.2. Kasarian

2. Gaano kabisa at paano nakakaapekto para sa Xavier Ateneo Senior

High School ang wikang Filipino sa mga tuntunin ng;

2.1. Komunikasyon

2.2. Pakikisalamuha
3. Ano ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa mga pakinabang ng

paggamit ng Wikang Filipino kapag naka-grupo ayon sa;

3.1. Kasarian

3.2. Seksyon

Kahalagahan ng Pag-aaral

 Mga mag-aaral:

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang ang

kanilang mga nararanasang ay maididirekta sa kanilang mga guro at mga

tagapangasiwa ng paaralan. Makakatulong din ito upang makagawa ang mga

mag-aaral ng estratehiya na kung saan mababawasan ang kanilang hirap sa

paggamit ng wikang Filipino.

 Mga guro:

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga guro dahil malalaman nila

ang hirap na nararanasan ng mga mag-aaral ukol sa paggamit ng wikang

Filipino. Makakatulong din ito upang mabigyang solusyon ang suliranin hinggil sa

kahirapan sa paggamit ng wikang Filipino ng mga mag-aaral.

 Mga tagapangasiwa ng paaralan:

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga tagapangasiwa ng paaralan

dahil malalaman nila ang hirap na nararanasan ng mga mag-aaral ukol sa

paggamit ng wikang Filipino. Makakatulong din ito upang makagawa sila ng mga

programa at mga aktibidad na makakatulong na mabawasan ang kahirapan ng

mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino.


Saklaw at Limitasyon

Depinisyon ng mga Terminolohiya

(Indented, Arial. 12 , double spacing)


KABANATA 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang pananaliksik ay tungkol sa Mas Malalim na Kadahilanan, Salik,

at Sanhi ng Kahirapan ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Wikang Filipino ng

Hindi Isinasangkot ang Wikang Ingles. Sa paaralan, ang mga mag-aaral ay

puno ng takdang aralin, mga aktibidad na nangyayari sa paaralan. Ang ilang

mga mag-aaral ay nagpupumilit na sumabay sa agos ng mga pangyayari at is

ana rito ay ang paggamit ng Wikang Filipino sa kanilang pang araw-araw na

gawain.Karamihan sa mag-aaral ng Xavier University Senior High School ay

hindi maipagkakaila na matatalinghaga sa wikang Ingles at wikang Filipino

ngunit kapag may balak ipahiwatig ang isang mag-aaral ay hindi nawawala

ang pag-aangkop ng wikang Ingles rito. Ang kadahilanan na ito sa

pagpapahiwatig at pakikisalamuha ay nakakapagbigay ng malaking tulong sa

pagganap sa paaralan. Ang pananaliksik na ito ay mas naglalayon na

mapunan ang agwat ng kaalaman na kinakailangan upang mas magamit ng

bawat mag-aaral ang wikang Fiipino na hindi iniaangkop ang wikang Ingles.

Kaugnay na Literature
Kaugnay na Pag-aaral

Ang wika ayon kay Henry Gleason ay masistemang balangkas ng

sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit

ng mga taong kabilang sa iisang kultura. (Alikad, T. 2015).


Sinasabing ang wika ang pangunahing behikulo ng diwa ng bawat

tao, marami sa ating mga pangunahing pangangailangan ay ating nakukuha

sa pamamagitan ng wika, at gayundin sa pamamagitan ng wika ay

naisasakatuparan natin ang ating mga tungkulin o gampanin. Ang wika ang

unang instrumento ng ating isipan at damdamin, dahil sa pamamagitan ng

wika ay naisisiwalat natin ang mga ideya, talino o kaisipan natin. At sa

pamamagitan rin ng wika ating naipararating ang ating nadarama, emosyon o

saloobin. (Alikad, T. 2015).

Mahalaga ang wika sa lahat ng aspekto ng buhay dahil kaakibat nito

ang lahat ng gawain ng tao. Sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto, hindi

matatawaran ang mahalagang papel na ginagampanan ng wika sa

ikatatagumpay ng mga mag-aaral. Ayon kay Brumfit (1995), mahalaga ang

wika sa lahat ng asignatura dahil ito ang kasangkapan sa pagkatuto. Ang

tagumpay sa loob at labas ng paaralan ay nakikita sa kakayahan ng tao na

gamitin ang wika sa iba’t ibang larangan. Mahalaga kung gayon ang

pagkakaroon ng iba’t ibang kasanayan at kakayahan sa wika kung ninanais

ng isang tao na magtagumpay. Sa pagkatuto ng wika, kadalasang

nagsisimula ang paglinang muna sa kasanayang makinig bago

makapagsalita at ang kasanayang magbasa bago makapagsulat. (Kibla-

Lartec, J.K. 2011)


KABANATA 3
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay inilahad ang pamamaraan na ginamit sa

pagsasagawa ng pananaliksik. Inilalahad sa kabanatang ito ang disenyo ng

pananaliksik, mga target na respondente, at target na populasyon. Ilalahad din dito ang

ginamit na instrument sa pananaliksik at pamamaraan ng pagtipon ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng disenyong

deskriptibo. Inilalarawan nito ang datos na ibibigay ng papel ng pagsasaliksik,

kagaya ng, ang pananaliksik ay naglalayon na malaman ang pag-aaral

tungkol sa mas malalim na kadahilanan, salik, at sanhi ng kahirapan ng mga

mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino ng hindi isinasangkot ang wikang

Ingles. Ang mga mananaliksik ng pag-aaral ay mangongolekta ng datos sa

pamamagitan ng paglalahad ng mga katanungan sa uri ng isang Google

form. Ang mga mananaliksik ng pag-aaral ay makakakuha ng mga kaalaman

sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey sa paraan ng pagbibigay

mensahe sa iba’t-ibang indibidwal.

Respondente
Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral na

nasa baitang 11 at 12 ng Xavier University Senior High School. Pinili ng mga

mananaliksik ang mga mag-aaral na nasa baitang 11 at 12 ng Xavier University

Senior High School sapagkat pinakamadaling lapitan at sila din ang pinaka-

epektibong mapagkukunan ng impormasyon. Ang kabuuang bilang ng mga

respondente ay 80. 40 na respondenteng mag-aaral galing sa ika-11 na baitang

at 40 din na respondenteng mag-aaral galing sa ika-12 na baitang.

Instrumento ng Pananaliksik

Upang maibigay ang kinakailangang impormasyon at masagot ang mga

nakalahad na problema sa pag-aaral na ito, binuo ang isang talatanungan na

ginawa ng mananaliksik ukol sa tugon sa salik sa kahirapan ng paggamit ng

wikang Filipino ng mga mag-aaral.

Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi,

ay tinutukoy ang anyo na tumutugon sa antas ng grado at kasarian ng mga

respondente. Ikalawang bahagi ay binubuo ng mga katanungan na

naglalarawan kung gaano kabisa at paano nakakaapekto para sa Xavier

Ateneo Senior High School ang wikang Filipino sa mga tuntunin ng

komunikasyon at pakikisalamuha. At, kung ano ang mga pananaw ng mga

mag-aaral sa mga pakinabang ng paggamit ng Wikang Filipino kapag naka-

grupo ayon sa kasarian at seksyon.

Pamamaraan ng Pagtitipon ng Datos


Ang mga mananaliksik ay gagamit ng Google forms bilang pamamaraan

ng paggamit nfg datos at hihingi ng impormasyon at pahintulot mula sa

kagawaran ng departamento ng Filipino. Inaasahan na ang mga

rekomendasyon at mungkahi ay ibibigay ng guro sa Filipino 101 para sa

pagpapabuti ng instrumento sa pagsasaliksik. Bago maganap ang

pangangalap ng datos, aabisuhan ang mga respondente tungkol sa mga

layunin ng pag-aaral, at ang pagsang-ayon mula sa mga respondente ay

masisigurado. Bago hayaang sagutan ng mga respondente ang mga

palatanungan, sisiguraduhin ng mananaliksik ang pagiging kompidensiyal ay

maipapanatili at tanging ang mga mananaliksik at guro sa Filipino 101 lamang

ang papayagang makita ang mga palatanungan. Ang paraan ng pananaliksik

ay itatalaga sa maliliit na pangkat kung saan, ang bawat maliit na pangkat ay

itatalaga sa isang partikular na iskedyul ng oras upang makipag-usap sa mga

respondente. Ipamamahagi ang mga talatanungan sa pamamagitan ng

pakikipag-ugnay sa mga respondente sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa

president ng klase. Pagkatapos makolekta ang mga nasagot na mga

talatanungan, gagawin ng mga mananaliksik ang interpretasyon ng nakalap

na datos.
MGA SANGGUNIAN
A. Mga Aklat
(APA Format)
B. Mga Hindi Nailimbag na Materials
C. Mga Nakuha sa Internet
MGA APENDIKS
A. TALATANUNGAN

B. MGA KASAGUTAN

C . DOKUMENTASYON

CURRICULUM VITAE

PANGALAN ____________________________
PERSONAL NA DATOS
Nasyonalidad ______________________
Petsa ng Kapanhanakan ______________________
Lugar ng Kapanganakan ______________________
Tirahan ______________________
EDUKASYONG NATAMO
Senior High School Ikalabing – dalawang Baitang
Senior High School
Pamantasan ng Xavier - Ateneo de Cagayan
Corrales Avenue, Cagayan de Oro City
Sekundarya (Pangalan ng Paaralan)
(Lugar ng Paaralan)
Primarya (Pangalan ng Paaralan)
(Lugar ng Paaralan)

You might also like