Liham Pangkaibigan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Liham Pangkaibigan

54 Matatag St. Purok 6,


Malolos, Bulacan
Ika-20 ng Hunyo, 2008

Mahal kong Narishka,


Kamusta na ang aking matalik na kaibigan. Matagal na rin tayong hindi nagkita mula ng
lumuwas ka sa Maynila para mag-aral. Madalas akong dumaan sa inyong bahay para makibalita
sa iyong ina kung ano na ang nagyayari sa iyo.
Salamat pala sa iyong pinadalang regalo noong nakalipas kong kaarawan. Salamat at hindi ka pa
rin nakakalimot sa akin at maganda nating pagkakaibigan.
Sabi ng Nanay baka hindi pa rin daw ako makakapag-aral nitong darating na pasukan. Wala
kasing permanenteng trabaho si Itay. Kaya kailangan ko muna silang tulungan para sa pang-
araw-araw na gastusin dito sa bahay. Siya nga pala, may trabaho na ako bilang isang kahera dito
sa atin. Maliit lang ang sweldo pero nakakasapat na rin kahiut papano at nakakatulong din sa
aming pamilya.
Hanggang dito na lamang at sana lagi kang mag-iingat diyan. Ilibre mo naman ako pag
nakapagtapos ka na at sana maipasyal mo rin ako sa Maynila.

Nagmamahal na kaibigan,
Airine

You might also like