03 eLMS Activity 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“Ang ating Wikang ating ginagamit sa pang araw-araw”

Uumpisahan ko ang aking maikling sanaysay sa tanong na bakit


mahalaga ang paggamit ng wika at paano nga ba ito nakakatulong sa mga tao sa
araw araw. Alam naman natin na hindi tayo magkakaintindihan sa mga bagay
bagay kung walang wika o kung hindi natin alam ito. Tayo ay magkakagulo lalo
na kapag nagusap usap dahil sa iba iba ang wika sa mga partikular na lugar ngunit
may pagkakataon na nagkakaintindihan din dahil may mga pagkakapareha katulad
sa dayalek na barayti ng wika. At naririto ako ngayon upang ilahad ang mga
halimbawa ng wika sa iba't ibang sitwasyon.

Aking munang ilalahad ang pitong tungkulin ng wika ayon sa gampanin


nito sa ating buhay at aking ilalahad din ang halimbawa nito sa sitwasyon. Ang
pitong iyon ay instrumental, regulatoryo, interaksyonal, personal, heuristiko, at ang
pang huli ay ang impormatibo. Ang aking halimbawang ipapahayag sa
instrumental ay ang mga produktong ipinapakita o ipinapalabas tuwing pagtapos
ng isang palabas sa telebisyon o kahit sa radyo kahit hindi natin siya nakikita pero
naririnig natin ang sinasabi tungkol sa produkto, ang mga kompanya ng mga
pagkain na ito ay ginagamit nila upang tumaas anh mga taong bumibili sakanila,
paraan nila ito upang bumili ang mga tao sakanila dahil sa ito nga ay napapanood
at napapakinggan nila kung saan saan. Ito ay sobrang nakakatulong sa mga may
negosyo dahil dumarami ang kanilang mamimili. At alam natin na madalas na
Tagalog at Ingles ang wikang ginagamit nila sa pag gawa ng komersyal. Ang
pangalawa ay regulatoryo, madaming halimbawa ito sa sitwasyon natin ngayon, ito
ay nagpapakita ng magandang asal sa kapwa dahil ito ay pagtulong sa ibang tao
katulad sa pagtuturo sa mga bagay bagay na gusto mo malaman halimbawa ay
gusto mo matuto kumanta at sumayaw, ikaw ay sasabak sa pag eensayo at syempre
may gagabay sayo dito upang mas matuto at gumaling ka sa bagay na gusto mo
matutunan. Sa una oo mahirap, pero parte yan buhay ay mahirapan sa una pero
habang natagal ay hindi mo namamalayan na nasasanay at gumagaling ka na dito,
kaya kapag may gusto kang gawin sa buhay na makakapag pasaya sayo ay gawin
mo na dahil nasa huli ang pagsisisi. Ang pangatlo ay intereksyonal, ito ay ang
pagdadamayan ng mga tao sa kanilang buhat, dito sila nagpapalitan ng mga kuro
kuro tungkol sa mga bagay bagay na pareho sila na nararamdaman, halimbawa na
lamang sa kanilang trabaho, magpapalitan sila ng mga ayaw at gusto nila sa
kanilang trabaho at sa huli ay sila din ang magdadamayan at magbibigay ng payo
sa isa't isa na makakapag pagaan ng kanilang mga sarili. Ang pang apat ay
personal, ito ay may kakapareho sa intereksyonal ngunit ang personal ay sa sarili
niya lamang ito nasasabi, hindi ito kinukwento sa ibang tao. Isa sa pinaka
ginagamit ng tao ay ang Journal, dito nila isinusulat ang mga pangyayaring
nangyayari sa kanilang mga buhay na hindi nila kayang maibahagi sa ibang tao
dahil pwede sila mahiya o kaya hindi nila maipakita ng maayos ang kanilang
nararamdaman kaya mas pinipili nila itong isular na lamang sa kanilang
kuwaderno. Pinapahayag din dito ang pagpapahalaga sa anumang anyo ng
panitikan. Ang panglima ay ang heuristiko, ito naman ay may pagkakapareho din
sa instrumental ngunit ito naman ay interbyu sa mga tao na may naging karangalan
at iba pa na ipinapalabas din sa telebisyon at pwede rin mapakinggan sa radyo. Ito
ay iniiterbyu nila upang maging inspirasyon sa ibang tao na magpatuloy lamang sa
mga gusto nila at nasimulan na nila halimbawa na lamang ay sa pagpipinta, ang
posible na tanong sa interbyu ay sino ang naging inspirasyon nila upang
magpatuloy at ano mga napagdaanan nila bago makamit ang kanilang karangalan.
Ang pinaka huli ay impormatibo na kung saan ay may pagkakapareho din sa
heuristiko dahil sa salitang pagkuha ng mga impormasyon ngunit ang impormatibo
ay mas higit sa paraang pasulat o pasalita katulad ng mga tesis, pagbibigay ng ulat
at panayam. Ang halimbawa nito ay pagbibigay ng mga ulat sa ibang tao tungkol
sa mga bagay na gusto mong iparating sakanila at dapat ito ay makabuluhan at
makatotohanan upang ito ay basahin nila at suportohan.

Ang mga wikang ginagamit natin ngayon ay hindi lamang sa


pagbibigay sa komunikasyon at ito may magagamit din natin sa iba't ibang aspekto
ng ating buhay. Isa ang radyo at telebisyon sa naging dahilan kung bakit natukoy
ang iba't ibang tungkulin ng wika dahil ay nakikita at napapakinggan natin kaya
habang tumatagal ay natututo na tayo sa mga ito. Ang ating ginagamit na wika ang
ating pangunahing tinutukoy na pangunahing instrumento ng komunikasyon. Alam
niyo bang sa Pilipinas na ang Filipino na lingua franca dahil nay mahigit na 92%
ang nakakaintindi ng Filipino at 51% naman ang nakakaintindi ng Ingles at 41%
ang nakakaintindi ng Cebuano. Ano nga ba lingua franca, ito ay ang wikang
ginagamit ng mas nakakaraming tao sa isang lipunan. Napakahalaga talaga ng
wika sa isang lugar dahil dahil dito ay nagkakaroon ang mga tao ng pag iba't ibang
saloobin sa mga bagay bagay na at nakakapag palitan ng kanilang mga opinyon o
kuro kuro na nakakapag patibay ng relasyon at hindi lamang yan kundi naayos nito
ang mga problema, dahil sa komunikasyon, isa ang komunikasyon sa pinaka
mahalaga na nakakapag paayos ng relasyon dahil sa pag uusap ng mahinahon at
pag tanggap sa kani kanilang mga mali at kanila naman itong itinatama na dahil
wala namang perpekto sa mundo. Masasabi ko na mali talaga ang naiambag ng
wika sa tao hindi lamang tao sa kundi sa buong mundo.

You might also like