Ang Speech Act Theory Ay Isang Teorya NG Wikang Batay Sa Aklat Na How To Do Things With Words Ni J

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Speech Act Theory ay isang teorya ng wikang batay sa aklat na How to Do Things with Words ni J.L.

Austin (1975). Pinapaniwalaan sa teoryang ito na ang yunit ng komunikasyong linggwistik ay hindi ang
simbulo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbulo, salita o
pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts.

Tatlong Komponent ang bumubuo sa mga aktong linggwistik sa teoryang ito. Ang mga ito ay
lukyusyonari, ilokyusyonari, at perlokyusyonari.

- Ang lukyusyonari ay ang akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ito’y naipapakita sa pagtatanong at
pagsagot sa mga tanong, pagbigay ng mga impormasyon, pagbigay ng kahulugan, paglalarawan
at iba pa. Ito ang akto ng paggamit ng referring expression (pariralang pangngalan) at predicating
expression (pariralang pandiwa) upang magpahayag ng proposisyon.
- Pagganap sa akto ng pagsasabi ng isang bagay sumesentro ang ilokyusyonari. Mahihinuhang sa
pag-unawa sa aktong ito, mapagtatagumpayan ang pagkamit ng komunikatib kompitens na
tinatawag din na pragmatik kompitens na nag-iinbolb sa abilidad ng isang ispiker upang piliin ang
agkop na barayti ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal.
- Ang panghuling komponent ay ang aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi sa isang bagay na
kadalasang nagdudulot ng mga konsikwens sa damdamin at isipan ng tagapakinig. Ito’y maaring
maganap sa anyo ng panghihikayat, panghahamon, pananakot at iba pa. Halimbawa, kung ang
isang tao na nakasakay sa eroplano ay sisigaw ng “may bomba”, tiyak na magkakagulo ang mga
nakasakay sa nasabing sasakyan.

Samakatwid, ang una ay may kahulugan, ang ikalawa’y may pwersa at ang ikatlo’y may konsikwens.

You might also like