Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Magandang araw sa inyong lahat! Ako po si Crystal Claire Caylaluad.

Ang pagligo araw-


araw ay nagbibigay sa ating ng presko at malinis na pakiramdam ngunit ito rin ay may
masamang naidudulot sa atin. At ngayon, nais kong ibahagi sa inyo ang aking naiibang paksa,
Ang Mga Kahalagahan at Mga Benepisyo ng Hindi Pagligo Araw-Araw.

Una sa lahat, ang hindi pagligo araw-araw ay isang konsepto na nagbibigay daan sa atin na
maging mas mapagtipid sa tubig. Ang tubig ay isang napakahalagang likas na yaman na dapat
nating pangalagaan at pag-ingatan. Sa pamamagitan ng hindi pagligo araw-araw, tayo ay
nakakatulong sa pagsave ng tubig at sa conservation ng likas na yaman na ito.

Bukod pa rito, ang hindi pagligo araw-araw ay maaaring makatulong sa atin na mapanatili
ang kalusugan ng ating balat. Ang sobrang pagligo ay maaaring magdulot ng pagkatuyo ng
ating balat, lalo na kung ginagamitan ng mga sabon na may matapang na kemikal. Sa
pamamagitan ng hindi pagligo araw-araw, nabibigyan pagkakataon ang ating balat na
makabawi at mapanatili ang natural na kahalumigmigan.

Ang hindi pagligo araw-araw ay maaari ring magkaroon ng positibong epekto sa ating
kapaligiran. Ang sobrang paggamit ng mga kemikal na kasama ang mga sabon at iba pang
produkto sa pagligo ay maaaring magdulot ng polusyon sa ating mga ilog at dagat. Sa
pamamagitan ng hindi pagligo araw-araw, tayo ay nakakatulong va pag-preserba ng ating
kapaligiran at pagpanatili ng malinis na katubigan.

Ngunit, mahalaga rin na tandaan na ang hindi pagligo araw- araw ay hindi ibig sabihin na
tayo ay hindi na magiging malinis. Maaari pa rin tayong maglinis ng ating katawan gamit ang
iba't ibang paraan tulad ng paggamit ng wet wipes, pagpunas ng mukha at katawan gamit ang
bimpo, at iba pa. Ang mahalaga ay panatilihing malinis ang ating katawan at pangalagaan ang
personal na kalinisan.

Sa huli, ang hindi pagligo araw-araw ay isang personal na desisyon na dapat nating pag-
isipan. Mahalaga na isaalang-alang ang ating personal na pangangailangan at kalusugan sa
paggawa ng desisyon na ito.

Maraming salamat sa inyong pakikinig sana ay nabigyan kayo ng kaunting kaalaman ng


aking talumpati tungkol sa hindi pagligo araw-araw.

You might also like