Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Noli Me Tangere

Kabanata 18

Mga Kaluluwang Naghihirap

•Sakristiya-kuwarto sa simbahan kung saan nakalagay ang gamit ng pari

Kompraternidad- samahan ng mga nananampalataya ; fellowship

Nanunuya-Nangaasar

Inihayhay-isinalansan

Indulgencia Plenaria- dasal upang tubusin ang mga sala ng mga yumao

Sensilyo-barya

Entonces-Espanyol na salita na ngangahulugang “then” o sa tagalog “puwes”

Kinokolahan-lagyan ng pandikit o glue

Mga Tauhan

Padre Salvi- Kura ng San Diego ; Mailap at malungkot ang Pari noong simula ng kabanata.

•Sisa-Ina nina Crispin at Basilio, asawa ni Pedro ; sa dulong parte ng kabanata, nagdala siya ng gulay sa
simbahan at tinanong kung nandoon ba si Crispin, umuwi siyang umiiyak at hindi alam ang gagawin
noong malaman na wala roon ang anak.

Kusinera-malupit na pinagsalitaan si Sisa sa pagpapalaki sa mga anak at siya ring nagsabi na tumakas
mula sa kumbento si Crispin

Pedro, Rufa, Sipa at Juana Hermana- mga miyembro ng Kompraternidad na pinagtatalunan ang
Indulgencia Plenaria

Mahahalagang Diyalogo

“Humanda tayo. Tagilid ang panahon at mukhang uulan ng multa sa magkapatid na iyon.”
“Kaawa-awaka naman... Tumatanggap ako sa linggong ito ng tatlong indulgencia plenaria at iyon ay
ipinagkaloob ko na sa yumao kong asawa.”

“Wala akong sinasayang na arw. Buhat nang ako’y sumapi sa kompraternidad, ako’y tumanggap ng 457
indulgencia plenaria at 750,598 taong pagpapatawad. Nakalista lahat nang malinaw upang hindi ako
makapanloko o maloko.”

“Ang gusto ko malaman, e, kung tamang dasalin ko ang Ama Namin nang tatlong sunod, tapos tatlong
Aba Ginoong Maria, at gayundin ang Gloria; o mas tamang isang Ama Namin muna, tapos ay Aba
ginoong Maria at isang Gloria nang tatlong ulit?”

“Hindi marapat na pagsamahin ang babae at lalaki, ang Gloria naman ay sa mga bata kaya’t ibubukod
din.”

“Ang mga erehe at mga Protestante na may- ari ng babuyan ay di nagalit kay Kristo. Tayo pa kayang mga
Kristiyano at magkakasama sa Kompraternidad ng Santo Rosaryo ang mag-aawy dahil lang sa baboy. Ano
na lang ang sasabihin n gating karial na mga Dominikano.”

“... Marahil nasa bahay na ninyo ang mga guwardiya sibil para huliin ang mga bata.”

Ang Buod

Napansin ng mga matatanda ang pagkamatamlay ni Padre Salvi habang nagdadaos ng misa noong araw
na yun.

Napagusapan din ng mga tao ang nalalapit na pistahan at ang indulgencia

Biglang dumating Sisa na hindi napapansin ng mga tao sa simbahan, hindi niya nakausao ang pari at sa
huli ang tagapagluto ang kanyang nakausap.

Nalaman din niya ang nagawang pagtakas ni Crispin at Basilio pagtapos nilang magnakaw ng dalawang
onsa, habang ang mga gwardiya sibil ay papunta sa kanilang bahay upang hulihin ang dalawang anak ni
sisa.

Nagimbal siya ng malaman niya ang mga ito,


Nagtatakbo si Sisa palabas ng kumbento sa pagkagimbal sa narinig at sa pag-aalala nito sa kanyang mga
anak.

You might also like