Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN

BALITANG-SURI BLG.5
Pangalan: Denise Khylie B, Aquino Marka:
Baitang at Seksyon: 10-Blueprint

Panuto: Manood/makinig/magbasa ng mga napapanahong balita na nagaganap maging ito man ay mapa-
lokal o internasyunal. Pumili ng isang balitang ibig mong suriin sa pamamagitan ng pagpunan ng mga
impormasyon sa ibabang talahanayan.

ULO NG BALITA
2 lolo na nanggahasa raw ng mga menor de edad na apo, arestado

NILALAMAN
Dinakip ang dalawang lolo dahil sa panggagahasa umano sa kani-kanilang mga menor de edad na apo
sa Caloocan at Pasig.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa 24 Oras nitong Biyernes, sinabing dinakip ng Special Operations Unit ng
Northern Police District ang isang 60-anyos na lolo na wanted sa walong counts ng kasong
panggagahasa at child abuse sa Caybiga sa Caloocan.

Biktima ng suspek ang 15-anyos niyang apo.

Hindi agad nakapagsumbong ang biktima nang mangyari ang krimen noong isang taon.

Mariing itinanggi ng suspek ang krimen, na sinabing galit lamang ang mga magulang ng biktima dahil
nawalan sila ng tahanan nang ibenta niya ang kanilang bahay.

“Nopng pinaalis ko po at nakalipat na sila, doon na po nagreklamo. Hindi ko alam, baka gawa gawa
nila,” saad ng suspek.

Giit pa niya, hindi niya magagawa ang krimen sa kaniyang kadugo.

“Apo ko po ‘yung [complainant]. Siya po ang humahalik sa akin. Hindi naman ako ang humahalik sa
kaniya dahil siyempre apo ko ‘yun, igagalang ko,” anang lolo.

Samantala, dinakip ng Mobile Force Battalion Ng Eastern Police District sa Barangay Pineda sa Pasig
ang 61-anyos naman na lolo dahil sa kasong statutory rape.

“Ang kaniyang naging biktima ay ang kaniyang mismong apo, [isang menor de edad,] anak ng kaniyang
anak na lalaki. During the commission of the crime, ang bata is only 11 yrs old,” sabi ni Police Captain
Jay Laila, hepe ng EPD- DMFB.

Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek ngunit lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na dati na
siyang nakulong dahil sa frustrated homicide. —Jamil Santos/NB, GMA Integrated News

REAKSIYON AT REPLEKSIYON
Ang aking napiling balita ay tungkol sa 2 lolo na nanggahasa raw ng mga menor de edad na apo,
arestado.Ito ay nakakalungkot at napakasakit sa damdamin ng mga pamilyang nasangkot lalo na at
kadugo o kamag-anak nila ito at ang pang-aabuso sa mga menor de edad ay hindi dapat pinapalampas
at kailangan itong agarang aksyunan ng mga kinauukulan,Ang ganitong mga pangyayari ay hindi na
dapat pinapalampas at dapat bigyan ng hustisya. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng kailangan na
magpatuloy ang ating laban para sa ligtas at protektadong kapaligiran para sa mga kabataan.
Mahalagang magkaroon ng sapat na imbestigasyon upang matiyak ang katotohanan sa mga nangyari
at mapanagutan nila ang kanilang ginawa sa batas.

Document Code: SDO1P-FR001


Address: Alvear St. Lingayen, Pangasinan
Revision No.: 01
Telephone No.: (075)-522-2202
Page No.: Page 1 of 2
Email: pangasinan1@deped.gov.ph
Effectivity Date: 12-09-2019
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN

PINAGKUNAN
Balitambayan

PETSA
December 1,2023

ARAL BASA, ARAL BALITA: “Kabataang Mulat sa Kasalukuyan at Hinaharap”

Document Code: SDO1P-FR001


Address: Alvear St. Lingayen, Pangasinan
Revision No.: 01
Telephone No.: (075)-522-2202
Page No.: Page 2 of 2
Email: pangasinan1@deped.gov.ph
Effectivity Date: 12-09-2019

You might also like