Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Kapitan Eddie T. Reyes Integrated School
Phase 2, Barangay Pinagsama, Taguig City

LAGUMANG PAGSUSULIT
FILIPINO 9
Taong Panuruan 2023-2024

Para sa Aytem Blg. 1-7


Panuto: Basahin at unawain ang bawat akda at isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito’y
nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito’y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon
nang buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan,
ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla
dahil nasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang halinghing at hindi
mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang
kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito
nanatiling walang kagalaw-galaw.

1. Ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama. Mula sa binasang akda, ano ang
konotatibong kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit?
a. sobrang takot c. labis na pag-aalala
b. sobrang kaba d. labis na pagkabigla
2. Si Mui Mui ay nasa gitna ng isang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata. Ang may salungguhit
na salita ay nangangahulugan _______.
a. daing dahil sa sobrang sakit c. pag-iyak
b. pagtawa d.paghagulgol
3. Umuwi ang ama na masama ang timpla dahil nasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian. Ano ang denotatibong kahulugan ng
nakasalungguhit na salita?
a. di maganda ang pakiramdam c. masama ang loob
b. pagod na pagod d. Nanghihinayang
4. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito. Ano ang
kahulugang konotatibo ng kaluwagang-palad?
a. magastos b. mapagbigay c. malaking palad d. maaksaya
5. Ang mahalagang mensaheng nais ibahagi ng akda ay ________.
a. Maglasing kapag may pinagdaraanang problema.
b. Magtrabaho para sa anak.
c. Maging responsableng ama at mahalin ang mga anak.
d. May halaga ang buhay.
6. Kung ikaw ang kapatid ni Mui Mui, ano ang gagawin mo sa sinapit ng iyong kapatid sa kamay ng iyong ama?
a. Itatakwil at kakalimutang naging ama mo siya.
b. Ipapakulong para pagdusahan niya ang kaniyang ginawa sa iyong kapatid.
c. Patatawarin at bibigyang ng pagkakataong pagsisihan ang kaniyang ginawa.
d. Lalayasan ang ama at magtatanim ng galit sa kaniya.
7. Ito ay isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at bungang-isip na hango sa tunay na pangyayari sa buhay.
a. nobela b. sanaysay c. maikling kuwento d. dula

(Para sa Aytem Blg. 8-11)

Bawat tao ay may kalayaan. Kalayaang kumilos gawin ang nais niyang gawin at magsalita. Ngunit kaakibat
ng kalayaan at karapatang ito ay ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ng bawat isa. Ang isang mamamahayag
maging ang isang indibidwal ay binigyan ng kalayaan. Kalayaang kumilos at magsalita kung kaniyang nanaisin. Siya ay
malayang magbitiw ng mga makapangyarihang pahayag kung maisisiwalat nito ang katotohanan.
8.Ang tekstong binasa ay halimbawa ng isang pormal na sanaysay, ang mga sumusunod ay katangian ng isang pormal na
sanaysay maliban sa:
a. Maingat na pinipili ang mga salitang ginagamit.
b. Naghahatid ng mahahalagang impormasyon o kaalaman sa mga isyung panlipunan.
c. Ang tono ay seryoso at hindi nagbibiro.
d. Pamilyar ang ganitong uri.
9.Anong implikasyon ang nais iwan ng tekstong binasa?
a. Maging maingat sa paggamit ng kalayaang nakaatang sa iyong balikat.
b. Marapat lang na ilaan sa tama ang kalayaang ating tinataglay.
c. Tayong lahat ay may pantay na karapatan sa kalayaan kung kaya’t huwag tayong umabuso.
d. Lahat ng nabanggit
10.Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang di-pormal na sanaysay?
a. Ang tinig nito ay parang nakikipag-usap lamang.
b. Ang paksa ay kawili-wili at kaakit-akit
c. Ito’y hindi isinusulat upang makasakit ng damdamin ng iba
d. Maingat na pinipili ang mga salita at ginagamitan ng matatalinhagang salita

11.Ang sanaysay ay isa sa mabisang paraan upang maipahayag ang opinyon. Bilang isang kabataan, paano mo magagamit nang
wasto ang akdang ito upang mailahad ang saloobin mo?
a. Maging maingat sa mga pipiliing salita sapagkat anuman ang iyong isulat ay babalik sa’yo.
b. Gamitin ang pagsulat ng sanaysay upang mailahad ang katotohanan.
c. Sumulat ng mga sanaysay na tumatalakay sa isyung panlipunan upang magbigay ng kamulatan sa lipunan.
d. Sumulat ng sanaysay na hindi na iniisip kung ano ang magiging epekto nito sa ibang tao.

(Para sa Aytem Blg.12-15)

“Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin
at pinapasok ang mga di- inanyayahang ___________.”
Hango sa “Kay Estella Zeehandelaar”

12. Anong angkop na salitang dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pahayag?
a. Panauhin b. pagbabago c. kalayaan d. dayuhan
13. “…wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng
Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin.” Anong angkop na kahulugan ng salitang
nakatali batay sa pagkakagamit sa pahayag?
a. pinagbabawalan b. nadukot c. napipigilan d. kinulong
14. Balang-araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Anong angkop
na kahulugan ng salitang tali batay sa pagkakagamit sa pahayag?
a. kaugalian b. batas c. umang tradisyon d. lubid
15. Ito ay isang sulating gawain na kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda.
a. dula b. sanaysay c. maikling Kwento d. tul

(Para sa Aytem Blg. 16-22)


Ina: (mahina at waring sa sarili lamang) namatay siyang hindi man lamang nakapag-Hesus,kasi'y matigas ang kalooban niya
sa pagtalikod sa simbahan.Pareho silang magkapatid,sila ng iyong amain.Sana'y magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong
siya sa pagliligtas ng kanyang kapatid na sumakabilang-buhay na.(Mananatiling nagmamasid lamang si Boy). Pagkuwa'y
nakarinig sila ng hindi pantay na yabag,at ilang sandali pa ay sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon sa pinto.Biglang
papahirin ng babae ang kaniyang mukha,pasasayahin ito at saka tutunguhin ang pinto.

16. Anong positibong pag-uugali ang ipakikita mo sa iyong pamangkin upang ikaw ay tularan
a. magsisimba araw-araw c. matutong mabuhay sa sarili
b. magkakaroon ng pananalig sa Diyos d. magsisi sa kasalanan
17. Kung ikaw ang ina ni Boy na ipinakita ni Tiyo Simon ang kawalan ng pananalig sa Diyos sa
kaniyang anak, ano ang gagawin mo bilang ina?
a. palalayuin ang bata kay Tiyo Simon c. pababayaan si Tiyo Simon sa ugali niya
b. palayayasin si Tiyo Simon sa bahay nila d. ipaliliwanag sa anak ang ugali ni Tiyo Simon
18. Kung ikaw ang hipag ni Tiyo Simon, ano ang mararamdaman mo sa pagbabalik-loob nito
sa Diyos
a. magagalit b. matutuwa c. malulungkot d. Maiinis
19. Ang positibong desisyon na dapat gawin sa oras na nakararanas ng pagsubok sa ating
buhay ay ___
a. maging matatag at magdasal c. magkulong sa silid at matulog
c. makipagkwentuhan sa kapitbahay d. makinig ng malulungkot na musika
20. “…Kasi matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan.” Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang pagtalikod?
a. umalis sa simbahan c. hindi nananalig
b. napanghinaan ng loob d. nagmatigas loob
21. “Namatay na hindi nakapag-Hesus dahil sa tigas ng kalooban.” Anong ibig sabihin ng hindi nakapag-Hesus?
a. napatawad b. nagsisi c. nagbalik-loob d. nabendisyunan
22. Ito ay akdang pampanitikan na naglalayong maitanghal sa entablo.
a. tula b. sanaysay c. dula d. maikling kuwento

(Para sa Aytem Blg. 23-32)


Panuto: Tukuyin kung aling uri ng pang-ugnay ang may salungguhit na mga salita sa bawat
bilang.

A. Pangatnig B. Pang-ukol C. Pang-angkop


23. Matalino si Ana ngunit siya ay sakitin.
24. Isama mo si Ria sa ating pamamasyal pati na ang nakababata niyang kapatid na si Menchie.
25. Gamitin mo ang makapal na kumot sa kama ko.
26. Nagkaroon kami ng munting salo-salo dahil nakuha ko ang unang karangalan sa patimpalak.
27. Kami ang napiling kinatawan ng aming paaralan sa sabayang-pagbigkas ayon sa aming guro.
28. Nagtulong-tulong ang mga guro at mga mag-aaral sa paglilinis ng paaralan.
29. Masipag na bata si Mariel lalo na sa mga gawaing bahay.
30. Ang mga nalikom na pera ay para sa mga nasalanta ng bagyo.
31. Malaking mangga ang ibinigay ni Julius sa kanyang ina.
32. Ang pagpupulong ay tungkol sa maayos na pagtatapon ng mga basura.

(Para sa Aytem Blg. 33-42)


Panuto: Isulat kung sa anong uri ng tunggalian nahaharap ang mga tauhan sa sumusunod na pahayag.
a. Tao vs. Tao b. Tao vs. Sarili c. Tao vs. Kalikasan d. Tao vs. Lipunan

33. Tinakasan ni Jose ang responsibilidad sa kaniyang nabuntis na kasintahan.


34. Umani ng batikos ang ating pangulo kasunod ng pagpaptupad ng batas ukol sa Oplan Tokhang.
35. Tinatamad na naman akong gawin ang portfolio ko, paano kaya ito?
36. Ang mga pulubi sa daan ay palibot- libot, naghihintay ng biyaya ngunit ang natagpuan ay panghuhusga.
37. Umabot sa halos limandaan ang nasawi sa nanalasang bagyo.
38. Hindi alam ni John kung paano niya mababayaran ang utang niya kay Karen.
39. Nakatakas si Edna mula sa mga kumidnap sa kaniya.
40. Naiwala ni Dan ang cellphone na hiniram niya sa kaniyang ina kaya’t namomoroblema siya kung paano niya ito
ipaliliwanag.
41. Maraming galit at bumabatikos sa kaniya ngayon.
42. Hindi alam ni James ang gagawin dahil sa nangyari kanina.

(Para sa Aytem Blg. 43-45)

Hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan


paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha
paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok,
pangamba at panganib

43. Sa binasang bahagi ng tula, para sa iyo, ano ang mensaheng pinalulutang ng may akda?
a. Sinasabing masaya ang mga naganap sa ating nakaraan.
b. Nagbibigay paalala sa sinapit ng ating mga bayani.
c. Nagpapahiwatig ng paalala sa mga nagbuwis ng buhay para sa pakikipaglaban sa ating Kalayaan.
d. Pinalulutang ang pagbibigay ng paalala sa mga kabataan na pangalagaan ang kultura at kalayaang ipinaglaban ng
mga bayani laban sa mananakop.
44. Ang mga sumusunod ay katangian o depinisyon ng tula maliban sa
a. Ang tula ay salamin ng buhay, ito ay kumakatawan sa emosyon at damdamin ng isang tao.
b. Ang tula ay tumatalakay sa mga pansariling karanasan sa buhay na pawang nakikipag-usap lamang sa mga
mambabasa
c. Ang tula ay mas nagiging makulay sa mga tugmang nakapaloob dito.
d. Nagtataglay ng mga simbolismo at larawang-diwa ang tula kung kaya’t mas nagiging epektibo ang pagpapahayag
nito.
45. Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod o linya ng tula.
a. tugma b. guniguni c. sukat d. aliw-iw

(Para sa Aytem Blg. 46-50)


Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salita o pahayag na may salungguhit sa bawat pangungusap.

46. Magdilang-anghel ka sana anak para maging maganda ang ating buhay. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit?
a. magkatotoo sana b. makalipad sana c. bumalik sana d. makaraos sana

47. Si Bil kagabi ay parang bahag ang buntot.

a. masaya b. takot c. maligalig d. tatakbo

48. Sa palengke noong isang araw ay di-mahulugang karayom.


a. Kaunti ang tao b. maingay c. maraming tao d. magulo

49. Sa lugar na ito ay mapayapa.


a. malawak b. nakakapanibago c. masalimuot d. tahimik

50. Ang kaliluhan ay maihahalintulad sa ugali ng ahas.


a. mapagkunwari b. mapagkakatiwalaan c. kataksilan d. mainggitin

You might also like