Professional Documents
Culture Documents
LBS 14
LBS 14
LBS 14
RODRIGO
Sky!
SKY
Lolo!
14.1.1
Magyayakap yung mag-lolo.
RODRIGO
Ang laki mo na! Don’t grow up too fast, my love!
Hindi pa ready ang lolo mo na magkaroon ng dalagitang apo!
SKY
(giggles) I am still a kid, lolo!
RODRIGO
Thanks for doing this, Atom.
CZARINA
Don’t I get a hug and a kiss?
Titingin si Sky kay Atom. Tatango si Atom at ngingiti na parang binibigyan ng permiso ang
anak.
Saka lalapit na si Sky kay Czarina.
Agad na yayakapin ni Czarina ang anak. Kita mo na tunay na namiss niya ito.
1
CZARINA
Oh God! I missed you, anak.
CZARINA
I hope you missed me too.
MUTYA
Ate, nakabili na kami ng bus ticket natin papuntang Sagada.
14.1.2
Ready na ang lahat ha!
Huwag ka masyadong magbitbit ng maraming gamit, backpack lang dapat!
STELLA
E kung huwag na kaya akong sumama sa inyo?
Hindi ko naman kilala yung mga officemates mo.
MUTYA
Chill lang naman ang mga friends ko. Makakasundo mo yung mga yun.
Saka excited na kaya yung boss ko na makita ka. Nakita niya picture mo.
Gusto ka niya makilala!
STELLA
(matatawa) At ano? Ibubugaw mo pa ako para ma-promote ka?
MUTYA
Sobra naman! Bugaw agad para sa promotion?
Hindi ba puwedeng para sa salary raise lang muna?
Matatawa si Stella.
2
Tatabihan ni Mutya si Stella.
MUTYA
Sumama ka na! Hindi ba matagal mo na gusto makapunta sa Benguet?
Habang bakasyon ka sa Pinas, dapat ginagawa mo yung mga bagay na matagal
mo nang gustong gawin. Di ba?
CZARINA
Kumusta ka na, Atom?
ATOM
Ayos lang naman. Sakto lang.
Ikaw? Kumusta ka na? 14.1.3
CZARINA
I am good. I am dating again.
ATOM
Nabanggit nga sa akin ng daddy mo yung tungkol duon.
Doctor di ba?
CZARINA
Psychiatrist. And I am a mental patient.
Kaya match made in heaven.
Naisip ko na mas makakatipid ako sa psyche sessions ko kung magiging
boyfriend ko yung doctor di ba? Yun lang, every time we fight, nauuwi sa
therapy session ang usapan!
Matatawa si Atom.
ATOM
Pero mukhang masaya ka.
CZARINA
I am, Atom.
3
CZARINA
Pero mas masaya ako dahil makakasama ko for the whole summer si Sky.
Salamat Atom, ha. Thank you for bringing her here to be with me. I’ve really
missed her.
ATOM
Hindi ko naman gusto na ilayo sa iyo ang anak natin. Pero—
CZARINA
I know. I understand. Hindi pa ako handa nuon na maging ina kay Sky.
I had a lot of growing up to do… and I needed to work on my mental health.
I learned a lot of hard truths about myself. God! Every time na naiisip ko how I
treated Sky before… how I treated you. I’m sorry, Atom.
ATOM
Hindi lang naman ikaw ang may pagkakamali.
Marami rin akong pagkukulang sa iyo. 14.1.3
Talaga lang siguro na hindi tayo para sa isa’t-isa.
CZARINA
Do you regret marrying me?
ATOM
Kung ano man ang pinagdaanan natin, tama man o mali, may isang magandang
kinahinatnan naman. At yun ay si Sky. Kahit kailan hindi ko pinagsisisihan na
nagkaroon tayo ng anak.
CZARINA
Kahit pa ang naging kapalit nito ay si Stella?
RICO
Ma, huwag mo na ako hintayin mamayang gabi ha.
LILING 14.1.4
Bakit? Kay Amanda ka ba uuwi mamaya?
Tatango si Rico.
LILING
Seryoso na ba kayong dalawa? E bakit hindi pa kayo magpakasal?
4
RICO
Gusto niya sa Pilipinas para raw maka-attend ang pamilya niya. Kilala nyo
naman yun, laging iniisip ang pamilya niya. Nung malaman nga na umuwi si
Stella, na-home sick bigla.
LILING
E bakit ba hindi pa niya kunin na lang ang mga magulang niya dito?
RICO
Ayaw at wala raw mag-aalaga sa mga apo. E si Amanda na lang naman ang
walang asawa, lahat ng mga kapatid niya pamilyado na.
LILING 14.1.4
Siya lang pala nakahiwalay sa pamilya niya.
Naiisip ko tuloy si Mutya. Sana naman makumbinsi ni Stella ang kapatid mo na
sumama na dito sa Canada.
RICO
Naku, malabo yun! E baka nga si Stella pa ang makumbinsi na manatili na lang
sa Pinas.
LILING
Bakit naman gagawin ni Stella yun? E ang ayos-ayos na ng buhay niya rito.
Uuwi lang naman sa Pinas yun para ayusin yung pagbenta ng bahay at dalawin
si Mutya.
RICO
Yun ba talaga ang dahilan? Baka naman may gusto pa siyang balikan.
LILING
Masyado na matagal magmula nung maghiwalay sila ni Atom.
Siguro naman limot na nila ang isa’t-isa at may kanya-kanya ng buhay.
RICO
(sighs) Ewan ko lang. Feling ko habang buhay na hindi makaka-move on yung
dalawang yun sa isa’t-isa.
Hindi na iimik si Liling kasi deep inside she knows Rico is speaking the truth.
RODRIGO
Kumusta kayo ni Sky? 14.1.5
CZARINA
She still feels awkward when she’s with me, especially when Atom is not around.
5
RODRIGO
That’s understandable. You have to earn her trust back.
Pero nakikita ko kanina nung dinner na lumalambot na siya sa iyo at mukha
naman na wala siyang galit. Maganda ang pagpapalaki sa kanya ni Atom.
CZARINA
Kahit kailan, hindi niya ako siniraan sa anak namin.
(a beat) You know, there was a time I resented you for taking Atom’s side. But
now I know you made the right call. Atom is the better parent. He deserves to
have full custody of our child.
RODRIGO
Hindi pa naman huli ang lahat. You can still make up for the lost time.
She’s here with you now.
Tatango si Czarina.
Maya-maya pa ay lalabas from the house si Atom. 14.1.5
CZARINA
Tulog na si Sky?
Tatango si Atom.
RODRIGO
You want some wine, Atom?
CZARINA
Dad, nakalimutan mo na ba? Atom doesn’t like wine. He’s a beer drinker.
RODRIGO
Meron din naman ako diyan—
ATOM
Huwag na po. Maaga rin akong aalis bukas.
CZARINA
Where are you going?
ATOM
Naisip ko na magdrive pa-Norte
RODRIGO
Norte? Like Baguio? O Ilocos?
ATOM
Benguet.
E habang nagbabakasyon dito si Sky, naisip ko na magbakasyon din muna.
Pero ilang araw lang naman.
6
CZARINA
I heard that there’s this place in Benguet na masarap magstargazing.
Do you still do that Atom?
(To Rodrigo) He enjoys looking at stars.
Nung mag-asawa pa kami ni Atom, he had this nightly routine where he would
go out to our backyard and star gaze.
RODRIGO 14.1.5
Bakit? Naghihintay ka ba ng shooting stars? May telescope ako diyan.
Baka gusto mong hiramin?
ATOM
Naku, huwag na po! Hindi ko na naman ginagawa yun.
CZARINA
Why not?
ATOM
(shrugs his shoulders) Nakakapagod na rin kasi na tumingin sa langit ng mga
bituin, nakakasawa na rin mag-abang at umasa na balang araw may isang tala
na mahuhulog para lang sa akin. Tinanggap ko na lang na may bagay siguro na
sadyang hindi meant to be.
GAP 1
INN TAKER
Welcome po sa Atok!
Eto po yung magiging kuwarto ninyo.
Ilang araw po ba kayo dito?
MUTYA
14.1.6
Overnight lang, ate.
Stop over lang. Papanik kami ng Sagada.
INN TAKER
SEQ. 7 GAS STATION OR STORE OR EATERY ALONG THE ROAD. EXT. DAY
Bibili si Atom ng softdrinks. Mag-uunat-unat ito.
Saka magri-ring ang phone ni Atom.
ATOM
Hello? 14.1.7
7
INTERCUT WITH
BONG
Kumusta ang biyahe?
14.1.8
ATOM
(matatawa) Ayos lang! Eto papanik na ng bundok!
BONG
Marami raw backpackers dun na foreigner. Malamig dun, sarap may kayakap!
ATOM
(matatawa) Husay mo, brod! 14.1.8A
Saka sisingit na sa usapan si Daisy.
DAISY
Atom! Kumusta si Sky? Kumusta sila ni Czarina?
ATOM
Mukhang okay naman. Nagtext, magkasama raw sila magshopping at tapos
mag-sa-spa pa raw.
BONG
Buti pumayag si Sky na magpaiwan sa iyo.
ATOM
Ramdam ko naman na namiss din ni Sky ang mommy niya.
And ganoon din si Czarina.
DAISY
Bumait na ba? Tsineck mo ba maigi? Baka nakatago lang ang sungay at buntot
nun!
BONG
(to Daisy) Huy! Ano ka ba?
DAISY
Concerned lang ako.
ATOM
(matatawa) Parang ibang Czarina na ito. Kalmado, matured. Maarte pa rin pero
iba na yung aura niya. Hindi na mabigat.
BONG
Mabuti kung ganoon. Maiba ako ng usapan.
8
Nakuha mo ba yung message ko? Yung picture nung leather jacket?
ATOM
Oo hanapin ko sa mga ukay sa Baguio.
BONG
Sige, brod yung mura lang ha! Kung meron din motorcycle jacket, padala ko sa
iyo yung picture—
DAISY
Ay wagas sa kakapalan ng mukha, my labs! Talagang may bilin?
14.1.8
BONG
Bakit? Babayaran ko naman ah! Pero kung gusto ni Atom na ipangpasalubong
na lang sa akin, e di TY.
DAISY
(to Atom) Atom, huwag mo bilhin yung mga bilin nitong si Bong ha!
Nandiyan ka para mag-enjoy at hindi para mamili ng mga pasalubong.
Kumusta ang weather diyan?
ATOM
Dito sa baba, mainit pa.
DAISY
Dito naman panay ang ulan! Hindi nga ako makapamalengke! Ay, baka may
basket diyan, Atom! Yung local na basket? O kaya yung handicraft na bag.
BONG
Ayun! May bilin din!
ATOM
Yan ang tunay na Husay!
MUTYA
Ate, may masarap daw na restaurant malapit dito.
Lika! Merienda tayo!
14.1.9
STELLA
Ikaw na lang. Busog pa ako. Dito na lang muna ako.
9
MUTYA
Sige. Uwian na lang kita ng pagkain.
STELLA
May pera ka ba?
MUTYA
Bakit? Bibigyan mo ako? Hindi ako hihindi diyan.
Matatawa si Stella.
Tapos dudukot siya mula sa bulsa niya.
May mga 100 Pesos bills na nakatiklop. 14.1.9
Pero sa pagdukot niya, may malalaglag din na piso na barya.
Gugulong yun at tuluyang malalaglag sa terrace.
STELLA
Ay!
MUTYA
Gusto mo pulutin ko pa?
STELLA
(matatawa) Huwag na. Piso lang yun.
Baka mas kailangan ng makakapulot.
GAP 2
Maaalala ni Stella yung moment na sinuotan siya ni Atom ng coat then makakapa niya
ang box, singsing… it’s an engagement ring at tuiuyan nagpropose si Atom.
MUTYA 14.1.10
Ang daming magjo-jowa dito no?
STELLA
Baka naman may boyfriend ka na rin ha? Isa ba duon sa officemates mo?
10
MUTYA
Waley, ate! Still searching.
E ikaw? Baka naman may lovelife ka na naghihintay sa Canada?
STELLA
(matatawa) Retired na ako sa pag-ibig.
Minsan na akong nagmahal ng bongga… hindi na mauulit yun.
14.1.10
MUTYA
Sino ba ang tinutukoy mo? Si kuya Roald… o si kuya Atom?
MUTYA
Alam mo, ate, yung naging love story ng buhay mo, pangpelikula!
Pero bitin! Hindi pa yun ang dapat ending ng kuwento mo.
Sa tingin ko, dapat may sequel.
BONG
Saan si Cheska? Tulog na?
DAISY 14.1.11
Awa ng Diyos! Ang hirap patulugin.
Naka-limang istoryahan kaming mag-ina bago makatulog!
BONG
(matatawa) Next time ang basahin mo ay yung mga libro mo sa nursing.
Sigurado first page pa lang, meme na yun!
DAISY
Mas sigurado na ako ang unang makakatulog kapag yun ang binasa ko!
Matatawa si Bong.
BONG
Dapat din siguro bawasan natin ang pagpakain ng sweets kapag gabi para mas
madali siya makatulog. Kasi dati naman paghiga pa lang ng kama, tulog na yun.
DAISY
Sa tingin mo, nagbago na talaga siya?
BONG
Ha? E di ba ganoon naman ang mga bata? Pa-iba-iba pa—
11
DAISY
Hindi si Cheska! Si Czarina.
BONG
Bakit biglang napunta kay Czarina ang usapan?
DAISY
Wala lang. Naisip ko lang si Atom at Sky.
Sana naman talagang bumait na si Czarina.
BONG
E baka naman. Ilang taon na rin naman ang lumipas.
Siguro naman nakapag-usap maigi si Atom at Czarina.
14.1.11
DAISY
Pero tama ka, dapat bawasan ang sweets.
BONG
Hindi naman siguro sweet si Atom at si Czarina sa isa’t-isa.
DAISY
Si Cheska! Dapat wala nang sweets kapag gabi.
Ang gulo mo kausap!
BONG
Ako pa talaga e no?
BONG
Ano yun? Delivery? May inorder ka?
DAISY
Wala ah.
Saka bubuksan ni Daisy ang pinto. Nakabuntot sa kanya si Bong.
Matutuwa sila to see Marijo and yung jowa na Italian na si Alessandro sa may gate.
MARIJO
Hello! I come bearing gifts!
MUTYA
Maaga ang alis ng bus bukas, ate.
12
STELLA
Susunod na rin ako.
MUTYA
Teka!
MUTYA
Sabi ni ate umuulan daw kapag gabi.
14.1.12
Ngingiti si Stella at aabutin ang payong kay Mutya.
(note hindi na ito yung lumang payong ni Stella)
MUTYA
Huwag ka na magtagal ha!
STELLA
Opo, ate!
ATOM
Hello? 14.1.12A
SKY (FILTERED)
Daddy! 14.1.12B
ATOM
Anak! Teka, nagla-log ka. Hahanap lang ako ng signal.
13
Maglalakad away si Atom.
Saka naman mapapatingin sa direction niya si Stella pero nakatalikod na si Atom and is
walking away.
BONG
(to Marijo) Wala ka talagang alam istorbohin kundi kami e no?
14.1.13
MARIJO
Kayo lang kasi ang sigurado ako na nasa bahay lang at walang gimik ng
weekend.
BONG
Wala kaming gimik mag-asawa kasi kapag weekend e, oras namin yun para
magloving-loving, sexy time!
DAISY
My labs, pinagsasabi mo! Sexy time ka diyan! Hilik time kamo!
BONG
(to Alessandro) You know, your girlfriend and my wife? They shouldn’t be
together because they always bully me!
ALESSANDRO
You are right. Marijo bullies me too, all the time!
BONG
Why do you let her?
ALESSANDRO
I love her.
BONG
Ah patay!
Matatawa si Marijo
MARIJO
Huwag mo na subukan na siraan ako kay Alessandro.
Na-brainwash ko na ito ng husto. Right, Mi Amore?
ALESSANDRO
Ti amo.
14
DAISY
Ang sweet ni Alessandro! Habang ikaw, nganga!
BONG
Kung si Alessandro, may ti amo.
Ako naman may, (ituturo si Daisy) si amo!
Lakas maka-utos, sinusunod ko naman lahat, ma’am.
DAISY 14.1.13
(matatawa) buwiset ka!
(to Marijo) Alam mo, tama ang desisyon mo, huwag ka mag-aasawa.
Sakit sa ulo.
MARIJO
Naku! Paano ba yan?
DAISY
OMG! Grabe! Congrats!!!
BONG
Seryoso ba ito?
(to Alessandro) You guys are getting married?
ALESSANDRO
She said yes.
BONG
(to Marijo) Akala ko ba hindi ka naniniwala sa kasal?
MARIJO
(shrughs her shoulders) I guess, hindi ko pa lang pala nami-meet pa noon yung
lalakeng karapatdapat. Pero ngayon, nahanap ko na siya.
DAISY
Ouch naman, Jo!
(to Bong) Tagos ba, my labs? Sakit sa puso?
BONG
Award!
BONG
Pero congrats! Congrats sa inyong dalawa!
15
(to Marijo) Masaya ako na tulad ng mga pelikula na dini-direk mo, e happy
ending ang love story ninyo.
MARIJO
14.1.13
Aww. Thank you, Bong. Pero sa totoo lang, hindi ko rin naman naisip na
magpapakasal pa ako…
DISSOLVE TO:
SEQ. 14 ATOK FARM EXT. NIGHT
Habang naglalakad si Atom kausap pa rin si Sky sa phone, but note visual lang ang makikita
pa natin pero ang maririnig natin ay ang VO ni Marijo.
Then uupo si ATOM somewhere habang maririnig natin na patuloy na nagkukuwento si Sky sa
ama via video call.
SKY
14.1.14
And mommy asked me about school stuff and also, she also asked if I still paint.
I said yes and she wants me to paint something for her!
Ano kaya ang ipe-paint ko? I want to give her something really nice!
ATOM
Kahit ano pa yan sigurado ako na magugustuhan yan ng mommy mo.
INTERCUT WITH
SEQ. 15 SKY’S ROOM. INT. NIGHT
Ka-video call ni Sky si Atom.
SKY
Daddy, mommy seems to be different now. 14.1.15
She’s not like masungit anymore.
ATOM
(mangingiti) Mabuti at nag-eenjoy ka na kasama ang mommy mo.
SKY
And I also met Mommy’s boyfriend, Tito Liam.
ATOM
(medyo magugulat) Talaga? 14.1.15A
SKY
He’s awesome! He makes me laugh!
And he makes mommy happy.
16
ATOM
Mabuti kung ganoon.
SKY
I want you to be happy too, daddy.
ATOM
Masaya naman ako ah! 14.1.15A
Happy ako na may maganda, matalino at mabait akong anak!
SKY
But I know you can be happier.
Tulad dati… when you were with tita Stella.
Matitigilan si Atom.
SKY
I know you still love her, daddy.
ATOM
Ang mahal ko ay ikaw.
O sige na, anong oras na. Late na.
Matulog ka na. I love you. I miss you. Goodnight anak.
ATOM (VO)
Naiisip mo pa rin kaya ako?
14.1.15A
Kapag tumitingin ka ba sa langit, ako pa ba ang naaalala mo?
STELLA (VO)
Siguro nakalimutan mo na ako.
14.1.15B
Hindi naman kita masisisi, ako rin naman ang nagtulak palayo sa iyo.
17
ATOM (VO)
Pero bakit ganoon? Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang nasa puso ko.
STELLA (VO)
Ilang beses nagkita… ilang beses nagpaalam.
Eto na ata talaga ang tadhana ko.
ATOM (VO)
Ang mahalin ka buong buhay ko…
Yun lang.
GAP 4
MUTYA
Dali, ate! Baka maiwan tayo ng bus. 6am daw ang alis.
STELLA 14.1.16
Eto na! Sigurado ka bang wala kang nakalimutan sa loob?
MUTYA
Oo, tsineck ko lahat.
At saka naman bubukas ang pinto ni Atom, naka-pants, shirt and long polo as a jacket,
mukhang out for a morning walk. He gets out.
Then makikita na maglalakad din si Atom but sa opposite direction nila Stella.
GAP 5
Malulungkot si Atom.
Then saka may maiisip.
14.1.18
18
May kakapain si Atom sa bulsa niya.
Makikita ang coin na napulot niya from yesterday.
Saka pipikit si Atom. Hindi natin alam kung ano ang tinatanong niya kay universe.
Saka didilat na ni Atom ang mata niya and flips the coin.
BABAENG TISAY
Coin nyo?
ATOM
Ay! Salamat!
Magugulat si Stella nang makita si Atom. She can’t believe Atom is right there standing infront
of him. Slowly lalapit si Stella kay Atom.
STELLA
Nandito ka.
ATOM
Ikaw rin.
STELLA
Naiwan ko ang payong ko.
ATOM
At natagpuan ko.
Mapapatingin si Atom sa relos na suot ni Stella. Makikita na ito yung watch na binigay niya.
19
Mapapansin ni Stella kung saan nakatingin si Atom. Mako-conscious siya ng slight.
Hahawakan ang relos at medyo tatakpan.
ATOM
Um, aalis ka?
ATOM
Tapos na ang gabi. Pasikat na ang araw.
Tatango si Stella. And she too looks at the horizon kung saan makikita na unti-unti nang
sumisilip ang araw at nilalabanan ang kadiliman ng langit.
THE END.
20