Professional Documents
Culture Documents
Franco - Pagtataya BLG 4
Franco - Pagtataya BLG 4
Franco Filipinolohiya
Kurso at Taon: BSIT 1-1 Pagtataya Blg. 4
Edukasyon, ang pinaka importanteng bahagi sa buhay ng isang indibidwal anuman ang
bansa o estado ng buhay ngunit ito ay hindi nakakamtan ng iba dahil sa kahirapan, lokasyon, at
gobyerno. Paano ko naman nasabi iyon? Ayun ba talaga ang rason kung bakit hindi makapag-aral
ang iba nating kababayan kung saan ay nawawalan sila ng magagandang oportunidad sa buhay?
Ang kahirapan naman ng mga Pilipino ay matagal nang problema ng ating bansa ngunit
saan ba nagsimula ito? Ayon kay Gatongay (1992), ang kahirapan natin ay nagsimula sa
pananakop sa atin dahil inaalipin lamamg tayo noon at nagiging mayaman lamang dahil ang iba
ay tinatanggap ang impluwensya at pagsasakop sa kanila kung saan ay nagpapalahi sila upang
makuha ang maayos na estado ng buhay. Ayon rin sa Sikolohiyang Pilipino mula kay Guerilla
Rodriguez, ang naging sikolohiya ng mga Pilipino ay mula sa mga mananakop kung saan ang
mga dayuhan ay laging nakakaangat sa atin kaya naman hanggang ngayon ay tinatanggap natin
ang impluwensiya nila sa atin mula edukasyon, ekonomiya, at industria. Ang impluwensiya nila
sa atin sa ekonomiya at industria ay naka ambag sa rason ng kahirapan ng ating kababayan dahil
nagkaroon ng standard ang paghahanap ng trabaho at pagkakaroon ng oportunidad katulad ng
pagiging fluent sa wikang Ingles at dahil hindi lahat ay nakapag-aral o magaling sa wika ay
nawawalan sila ng oportunidad sa trabaho. Ang resulta nun ay hindi makahanap ng maayos na
trabaho ang mga magulong ng ibang kabataan para bigyan sila ng access sa edukasyon kahit ang
iba naman ay libre. Ang ibang kabataan ay kinakailangan rin maghanap ng trabaho para
makatulong sa kanilang magulong upang mabuhay.
Ang kinalalagayan naman ay isa ring paktor kung bakit nakaka apekto sa Edukasyon.
Ang
ibang Pilipino ay nakatira sa mga lugar kung saan ay malayo sa eskwelahan katulad ng mga
bukiran at kabundokan. Madalas ng nasa ganoong lugar ay ang mga tribo. Sila ay madalas ayaw
na lumipat ng lokasyon dahil ayun sa Sikolohiyang Pilipino ni Guerilla Rodriguez, sa kaalaman
nila iyon ay isang kultural na lugar talaga nila kaya naman ang edukasyon ay nakadepende sa
eskwelahan na ginagawa ng mga gobyerno o ang pagkasabik ng bata matuto na nais nila
lumakbay ng mahaba upang makapag-aral.
Huli, ang gobyerno. Ang gobyerno ang nag aayos sa sistema ng edukasyon kung saan ay
napag desisyunan nila na habaan ang taon kaya naman nagkaroon ng K-12 Curriculum. Ngunit
ngayon naman na ay ikinatuwa ng kapos-palad ang pagtanggal nito dahil ma aari na nilang pag-
aralin ang kanilang mga anak ayon sa nakakaya nila. Idadagdag ko pa na ayon sa Sikolohiya ng
ating kababayan ay inaasahan nila ang gobyerno na magbigay rin ng mga kagamitan para sa
libreng edukasyon ngunit hindi naman lahat ay nagbibigay ng ganun lalo na ang mga na sa
probinsya dahil walang ganung pondo ang gobyerno ng lugar.