Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Pilipinas: Matagal na Pinsala sa Kabataan

Dulot ng ‘Giyera Kontra Droga’

(Maynila) — Libo-libong bata sa Pilipinas ang nakaranas ng matagalang pisikal,


emosyonal at ekonomikal na pinsala dahil sa abusadong “giyera kontra droga” ni
Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa ulat at bidyo na inilabas ngayon ng Human Rights
Watch. Dapat suportahan ng mga gobyerno sa United Nations Human Rights Council
ang isang internasyonal na imbestigasyon sa mga pagpatay sa “drug war” sa Pilipinas,
kasama ang pandarahas sa kabataan.

Dinedetalye sa 48-pahinang ulat,ang karanasan ng mga batang nawalan ng


magulang o legal na tagapangalaga (guardian). Maraming bata ang
nakaranas ng sikolohikal na ligalig, at lahat ay nakaranas ng kahirapan na
pinalala ng kamatayan ng kanilang tagapagtaguyod (breadwinner). Ang
paglalâ ng kahirapan at danas ng trauma ay nagdulot ng pagliban ng mga
bata sa eskwelahan o nagtulak sa kanila na magtrabaho. Ilang bata na
nawalan ng pamilya ang na-bully sa kanilang paaralan at komunidad. Ilang
bata ang napilitang tumira sa kalye.

“Ang kabataang Filipino ang pinakanagdusa sa desisyon ni Pangulong


Duterte na hayaan ang pulisya at kanilang hit men laban sa
pinaghihinalaang gumagamit ng droga,” sabi ni Carlos Conde, Philippines
researcher sa Human Rights Watch. “Kailangan ng gobyerno na itigil itong
walang katapusang karahasan na nagpapataob ng buhay ng kabataan at
ibaling ang tulong sa mga batang napinsala.”

Nag-interbyu ang Human Rights Watch ng 49 na tao para sa ulat— 10 bata;


23 magulang, kamag-anak o guardian; at 16 opisyal ng gobyerno, kawani ng
nongovernmental organizations, at community leaders. Naidokumento ng
Human Rights Watch ang epekto ng 23 “drug war” killings sa pamilya ng
mga biktima sa anim na siyudad at probinsiya, kabilang ang Metro Manila.

Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency na 5,601 suspek ang


namatay sa anti-drug operation ng pulisya mula Hulyo 1, 2016 hanggang
Enero 31, 2020. Giit ng pulisya na napaslang ang mga ito dahil sila ay
nanlaban. Hindi kabilang sa numero ang libo-libong napaslang ng di-
kilalang gunmen o tinatawag na death squads, karamihan ay may
kaugnayan sa pulisya.

Naidokumento ng mga tagapagtaguyod ng karapatan ng kabataan sa


Pilipinas na 101 bata ang napaslang ng labag sa batas o nadamay habang
may nagaganap na operasyon kontra-droga mula gitna ng 2016 hanggang
2018. Pansinin na nagpatuloy ang pamamaslang sa mga bata base sa ulat
ng media nung 2019 at 2020.

Ang epekto ng karahasan dulot ng “drug war” violence ay lampas sa


pamamaslang, ayon sa Human Rights Watch. Inilarawan ng mga bata ang
kahirapang nadanas nila dahil pinatay ang mahal nila sa buhay. Sinabi ni
Jennifer M. na tumigil siya sa pagkain, naging balisa, at na-bully sa
eskuwelahan pagkatapos patayin ng pulis ang tatay niya sa Quezon City
noong 2016. “Galit ako sa pulis kasi nagmamakaawa na ang tatay ko, pero
hindi sila nakinig,” sabi ni Jennifer, 12-taong gulang nung panahong iyon.
Binaril ng pulis ang tatay niya sa harap niya, sabi niya.

Ang pamilya ni Renato A. ay nakaranas ng sukdulang paghihirap simula


nang pagkamatay niya noong 2016 sa Mandaluyong City. Tumigil ang
tatlong anak niya—edad 13, 10 at 1, sa oras ng pagkatamay niya—sa pag-
aaral at naging batang-kalye. “Kinailangan kong magsipag nang mamatay
ang tatay ko,” sabi ni Robert, panganay, nangongolekta ng basura para
suportahan ang pamilya niya. “Ako ang naging tatay ng mga kapatid ko.”

Ang kawalan ng suporta ng gobyerno ang nagpalubha ng sitwasyon ng mga


batang ito, ayon sa Human Rights Watch. Walang programa ang
administrasyong Duterte na tumatalakay sa pangangailangan ng kabataang
naulila ng karahasan, na kadalasan ay nag-aalangang lumapit sa gobyerno
para sa ayuda dahil sa tila sumpa ng “drug war.” Gayong ang Department of
Social Welfare and Development ay nagbibigay ng karaniwang tulong, tulad
ng pagpapalibing, wala ito masyadong outreach campaign para sa mga
pamilya at mga bata, naiiwan ang mga interbensiyong economic at
psychosocial o mental health sa mga religious, nongovernment, at
community groups.

Noong Pebrero 2018, nagbukas ng pangunang imbestigasyon ang


International Criminal Court sa reklamong isinampa laban kay Pangulong
Duterte kaugnay ng “drug war,” dahil dito naudyok ang Pilipinas na umalis
bilang miyembro ng korte. Hunyo 2019 nang magpasa ang UN Human
Rights Council ng isang resolusyon na humihiling na magsumite ng
komprehensibong ulat ang Office of the UN High Commissioner for Human
Rights tungkol sa sitwasyong pangkarapatang pantao sa Pilipinas.
Inaasahang ipipresenta itong ulat sa Human Rights Council sa session sa
Hunyo sa Geneva.

“Dapat lumikha ng international inquiry at pilitin ang gobyerno ng


Pilipinas na itigil itong nakamamatay na ‘drug war,’” sabi ni Conde. “Kapag
hindi umaksion ngayon, isang henerasyon ng kabataang Filipino ang
mabibiktima ng karahasan ng kampanya kontra-droga ni Duterte.”

You might also like