Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan.

Siya ay malaki, mabilis at malakas. Iginagalang siya ng lahat ng


kanyang nasasakupan.
Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan. Dumating
siyang pagod na pagad. Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng
punong Narra. Dumating si Daga. Tuwang-tuwa siyang naglalaro
sa may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga ibon na nakadapo
sa mga sanga ng puno. Ipinaalam nilang natutulog si Haring
Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si Daga. Hindi
sinasadyang natapakan ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw.
Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang paa ni Daga. Umirit si
Daga.
Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si
Daga at bilang parusa, kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si
Daga kay Haring Tamaraw. Nangakong hindi na siya uulit at
sinabi pang baka siya'y makatulong kay Haring Tamaraw
pagdating ng panahon. Pinakawalan at pinatawad ni Haring
Tamaraw si Daga. Nagpasalamat naman si Daga.
Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa
kagubatan. Sa kanyang paglalakad ay natapakan niya ang isang
patibong na hawla na panghuli ng malalaking hayop sa
kagubatan. Napasok at nakulong sa hawla si Haring Tamaraw.
Walang magawang tulong ang mga hayop. Nagkagulo sila at
hindi malaman kung ano ang gagawin sa kanilang hari.
Walang anu-ano dumating si Daga na galing sa paghahanap ng
pagkain. Nginatngat kaagad niya ang mga tali sa hawla. At
nakalusot si Haring Tamaraw sa pagkakaligtas ni Daga sa kanya.
Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga. Mula noon, naging
mabuting magkaibigan si Haring Tamaraw at si Daga.

You might also like