Researcher: Magandang hapon. Itong session na to ay recorded na may pahintulot mula sa
ating participant. So magandang hapon po Sir. Participant F: Magandang hapon po Sir. Researcher: Opo. Ayan Sir. Sir, san po kayo mas comfortable na tawagin? Participant F: Sa kahit ano naman Sir. Opo. Researcher: Pero ang nickname niyo po ay? Participant F: Sir Jai. Researcher: Sir Jai magandang hapon po. Ako po si James Philip Ray Pingolio. Ako po ay kasulukuyang nag-aaral sa De La Salle University Manila at kumukuha ng aking kurso ng PhD in Counseling Psychology. Sa ngayon po, ako po ay nagtatapos ng aking PhD at ako po ay may study about sa experienceng mga Filipino gay teachers tungkol sa tolerance. So unang-una sa lahat Sir, gusto ko lang po magpasalamat sa inyong pagpapaunlak sa aking imbitasyon bilang isang participant sa pag-aaral neto or sa pananaliksik na ito. So unang-una sa lahat Sir, kukuha lang po ako ng information mula sa inyo. So yung mga basic information po. Kayo po ay si Sir Jai. Ilang taon na po tayo Sir? Participant F: Ngayon po ay 26 na po. Researcher: Ah 26 years old po. Kayo po Sir ay taga saan po? Participant F: From Malabon City. Researcher: Kayo sa kasalukuyan Sir ay nagtuturo sa? Participant F: Malabon National High School. Researcher: Opo. Ano po ang tinuturuan niyo Sir na grade po? Participant F Before, may grade 7 ako pero ngayon focus talaga ako sa grade 9. Grade 9 ESP. Opo. Researcher: ESP po yung tinuturo niyo Sir. Participant F: Opo na subject. Researcher: Tapos Sir, ilang taon na po kayo sa field ng education? Participant F: Sa education, five, magsisix. Researcher: Tapos Sir, kayo po ay nakakuha ng inyong license sa pagtuturo noong anong taon po? Participant F: 2017. Researcher: Ah okay po, 2017. Ayan Sir. Pagkatapos Sir, ito po ba ay una ninyong school na pinagtuturuan or may iba pa po kayong school experience? Participant F: May iba pa po, nagturo rin ako sa private, tatlong private school. Tapos pero ano yun, in span of 2 years. Tapos before school year before pandemic, nag-start na ako sa public school. Researcher: Ah okay po. So bali, nag-start po kayo sa public mga taong? Participant F: 2019. Okay po. Researcher: So, 2019 Sir. Okay po. Tapos Sir, yung religion niyo po, ano pong religion natin Sir? Participant F: Born again po, Protestant. Researcher: Okay po, Protestant. Opo. Tapos Sir, kukuha lang po ko ng ilang information tungkol sa inyong educational background. So, saan po kayo nag-aaral ng kolehyo Sir? Participant F: Sa PNU din po. BS Psychology Major in Guidance and Counseling. Tapos MA po sa PNU. Researcher: Same school po Sir? Participant F: Opo, sa PNU din. Researcher: Opo. Tapos ang (inaudible) niyo Sir is Guidance din po? Participant F: Oo, sa Guidance. Pero mag-shift ako ngayon sa SPED. Researcher: Ah okay po, shift sa SPED po. Opo. Sir, ilang taon na po kayo nag-take ng inyong Guidance and Counseling? I mean sa Master's, ilang taon na po? Participant F: Isa pa lang. Researcher: Ah okay po. Tapos ngayon Sir, sabi niyo po kayo ay nagtuturo ng Grade 7, Grade 8, and Grade 9. ESP po. Bukod po dun Sir, may mga ilang subjects pa po kayo na itinuro? Participant F: Pwede sa iba. Sa ibang school kasi iba. Nagturo ako before ng sa HUMSS ng community engagement, saka personality development. Researcher: Ah okay po. Participant F: Usually mga ano, before pala sa guidance programs, mga homeroom guidance. Opo. kasama siya sa, binilang siya sa teaching log before sa previous job ko. Researcher: Opo. Tapos Sir, since BS Psychology po kayo, kumbaga integrated din yung educated sa BS Psychology course niyo po. Participant F: Opo. Iba, yung ano kasi iba yung curriculum ng normal diba sa Psych diretso LET. tinanggalan ng biological sciences na. Opo. And then pinalitan ng prof ed para makapag-LET agad kami pag-graduate. Researcher: Ah, ayun Sir. Sige po Sir. So, bali, ayun po yung sa educational background and other information po sa inyong personal. Okay. Sir, punta tayo sa, ano, sa sexual orientation po. So pag-usapan po natin yung sexual orientation ninyo. Sir, paano niyo po ipinapahayag yung inyong sexual orientation sa pang-araw-araw na pamumuhay at bilang isang guro po? Participant F: Kasi sa akin ano yun since birth, yung magaganto na siya paggaya pa lang, isa sa mga, really na-express ko talaga yung pagiging gay ko talaga before ay through dancing. diba uso yung mga sexbomb that time? So isa ko sa mga nakiki-showdown ganyan. Tapos sa akin wala naman yun just that gusto ko lang talaga magsayaw. Kasi supportive yung parents when it comes sa magsayaw. “sige sige, sayaw-sayaw ka lang.” So, ayun nung bata. Pero yung sa ngayon, sa every day, wala. Ganto na siya talaga. Pagirl din sa, ano. Tapos syempre, isa mga expression din yung sa pagdadamit ganyan. Kasi mga gay lingo ganyan. Kasi sa akin din dito, sa community, sa school, halos lahat marunong na. So normal na lang yung nagbe-beki kayo dito. Tapos sa mga ano din sa paano din magtuturo, dun mo na express din kasi. Researcher: Ayun, Sir. Ah, sa, kung bagay, Sir. Kailan niyo po na-discover na ganyan kayo? So, naalala niyo po ba, like, “ah, ano talaga ako gay talaga ako” Participant F: Ayun, yung realization? Wala naman na eh siguro hindi ko alam yung konsepto pero sure ako na hindi ako pareha sa iba bata pa lang. Alam ko nang gusto ko talaga yung mga pambabae. Gusto ko na yung maglaro Imbis na—tho naglaro rin ako ng mga panlalaki pero mas masaya ako pag naglaro ko ng Ten-Twenty. So, ano eh, kasi nga bata ang kalye ako eh. So imbis na magbabasketball ako, laro ko talaga bahay-bahayan. Pero walang realization na “bakla” nalaman ko nalang din yung concept na “ay bakla pala ako” Pero hindi naman siya yung dumating sa confusion part na “Mali ba ‘to?” Wala naman ganoon. basta sure lang ako dati na attracted ako sa mga boys ganyan, sa mga girls pa ano lang for friends sila. Researcher: Opo. Tapos ano Sir, kumbaga, in terms of pagiging komportable sa inyong sexual orientation, very comfortable naman kayo? Participant F: Very comfortable naman. Depende sa lugar. Kasi nga, yung sa family kasi religious, tatay ko pastor. Tapos religious leaders, mga lolo at lola, mga pastor. So, medyo, alam naman nila sa bahay. Pero hindi nalang siya pinag-uusapan ano lang, mabigat kasi siya pag- uusapan. Siyempre, bebwelo rin yung mag-uulang. So, hindi nalang siya pinag-uusapan. Pero hinayaan na lang nila. Pero pag may naman nakita sila mga bagay tas tingin nila mali, kino-call out nila. So, open naman sa lahat, pero cautious ka sa bahay. Researcher: Kumbaga, okay naman sa kanila pero yun nga, minsan may mga restrictions din, or may mga-- Participant F: Sa mga beliefs nila. Pag tinatamaan yung beliefs, especially sa religion ayun lang sila attack agad, attack na agad. Researcher: Ayun, opo. Tapos, sige Sir, pag-uusapan natin yun mamaya kasi talking about religion din eh, tsaka kung paano kayo nalilimitahan. Okay Sir. So, kumbaga Sir, katulad ng sinabi niyo kanina, wala naman mga outing experience na nangyari sa inyo. Paano kayo Sir, nagsimula sa pagtuturo po ninyo? Kumbaga, , paano niyo po pinepresent yung sarili nyo bilang isang gay teacher sa school? Participant F: Sa akin kasi, napaka importante sa akin na galangin. I mean, hindi actually hindi na nga dapat kasama pa yung sexuality when it comes sa mga gay teacher. I mean, sa pag- control na lang sa classroom. , kailangan kagalang-galang ka. Which, ayun na naman yung normal na ginagawa ng mga teachers. Kailangan na din maging ready ka sa mga ano--athe same time, sa amin kasi sa ESP-9, mga social issues ang napag-usapan talaga din nmtin. Yung LGBT, pagiging bakla. Pero sa mga, in fairness naman sa mga bata ngayon, they are really accepting so madaling magturo at magaan. Meron lang ako naka-encounter na bata, nakausap ko siya once. Ilang siya talaga sa mga gay people. Pero nung ako naman yung kuma-usap sa kanya. Pero sa ano naman to, maayos na to kami lang ang dalawa nag-usap. tinanong ko siya, “does it bother you na gay ako?” Sabi niya, hindi naman daw basta nagtuturo. So, for me, ang paniniwala ko na philosophy ka sa pagtuturo ay syempre may mga issues alam naman din natin yung mga issues na especially sa mga abuse na related po sa mga gay teachers. Ang sa akin ay, iwas ako doon. Never mangyari. As long kasi na, nirespeto na mo yung bata, as long na nagtuturo ka then magaan yung classroom and hindi magkakaroon ng epekto sa sexual orientation mo, if nagagawa mo ng maayos yung trabaho tsaka nakikita nila na nag-effort ka sa turo mo, nag-care ka sa kanila baliwala yung sexual orientation, for me. Kasi yun yung ano yung nangyayari sa klase ko. Researcher: Ayan. Okay Sir. So, medyo palawitin lang po natin. Paano naman Sir nakaka-apekto yung inyong identity as a gay teacher sa pakikitungo nyo. So, kanina medyo nabanggit po kayo sa mga studyante. So, paano naman po ito nakakaapekto halimbawa sa mga magulang, pati kayo sa mga co-teacher ninyo, sa mga kasamahan nyo sa trabaho. So, paano po ito nakakaapekto? Yung sexual orientation, paano po nakakaapekto? Participant F: Sa magulang, hindi ko pa siya na-experience pa. Never ako nagkaroon ng experience. Pero sa katrabaho, mas majority naman yung nag-accept talaga. Pero may iba na reserved sila and tinotolerate nila. Pero reserved sila somehow kapag sumosobra ka ng kulay. Syempre kung sa mga katrabaho nyo, may mga harot din kayo mga lalaki, ganyan. Which is okay ba sa kanila pero magka-call out yung mga ibang--especially mga matatanda. Pero hindi naman siya nakakaapekto sa work. It’s just that na may ibang mga tao na hindi comfortable sa mga biruan nyo. Siyempre, kaibigan mo naman yun kaya lalaru-laruin mo rin sila minsan. Pero yung ibang nakakita, may naba-bother sila na nakikita. Pero sa work, hindi naman siya nakakaapekto kung paano kayo magtuturo or kung sa position, kung may gustong mapromote wala naman po. More on personal side sila na ayaw nilang Nakita or hindi sila sanay na nakita. Researcher. Ano Sir like, sa mga magulang, wala naman po ba kayong experiences sa mga magulang? Participant F: So far, wala naman. More on naging problem ko sa age. Kasi mga ang babata naman ganyan. ang babata ng mga teachers. Pero sa gender, wala naman. Never ko na- encounter so far. Researcher: How do you see Sir yung school environment ninyo? Would you think that, yung ngayon po yung present na pinapasukan nyo ngayon, how do you see yung present na pinapasukan nyo? Is it more of accepting ba sila, tolerating ba sila? Participant F: Sa amin, hindi ko masabing totally accepting eh. Pero when it comes to mga relationships, tanggap naman. Yung pag-express sa mga behaviors. Pero when it comes sa pananamit, hindi kasi. For example po, may mga instances na gusto ko talagang magpahaba ng buhok gusto ko magpakulay, gusto ko maging baklang-bakla lang. Express sa sarili mo kasi papagalitan kasi feeling nila hindi siya okay as a teacher. Pero sa mga students, okay naman na. kahit mga transgender namin, as long they're decent naman, hindi yung mga maikli. Pero sa mga teachers, may mga restrictions. Pero when it comes sa mga relationships, ganyan okay naman sila. Pero yung sa talaga, yung mga physical expression, ayun yung medyo iwas pa sila or may mga reservations sila. ang time lang na nakapagpahaba ako, pag walang bata, yung pandemic pa. Pero yung face-to-face na ay bawal makita ng bata kasi gagayahin ng mga bata. Gusto nga natin maikli buhok. May mga ganoong restrictions. Researcher: Okay Sir. So punta na tayo dun sa core ng interview na to. So, I'm very interested Sir to know about your experiences of being tolerated. So eto Sir, yung sinasabi natin na tinotolera lang hinahayaan ka. Alam mo na hindi ka tanggap, pero hinahayaan ka lang nila na mag-exist ka lang dyan. And then Sir, meron ka bang mga experiences na ganito? So, whether it's in the family or in school o di kaya sa community Sir. So maaari ka bang mag-share ng mga ilang experiences mo na feeling mo “Ay hindi ako talaga tautali tanggap, pero tinotolerate lang ako ng mga ito” Participant F: Meron actually sa family kasi nga yung--may mga iilan, pero majority sa family hindi talaga anong gawin mo lang. Ako kasi alam naman nung iba, kasi yung mga tita ko, lola ko, sabihin nila na, “sige magpakaano ka ng bakla.” Pero biglang tatanungin ka na, “Wala ka ba talagang balak mag-asawa? Talagang hindi ka ba nag-worry sa future mo?” lagging sige push mo lang yan pero laging mayroong bale sa dulo. Yung mga ganoon. Kasi kagaya ng nanay ko “sige na okay lang sa akin na mag-ganyan-ganyan ka, pero ganto.” Laging may pero na naman. Laging may condition na pabalik sa pagiging straight ganyan. gagawin ka pa ring straight. Ayun nga yung ayaw mo. Researcher: So, may mga experience ka na yun nga Sir di ba usually “oh kailan ka mag- aasawa?” ganyan yung-- Participant F: Mag-ampon ka na lang, total naman. Laging may ganon. gusto pa rin na mapakita na meron kang yung mga ginagawa rin ng straight, hindi ko nga nakikitang ganon. Laging pero may bale. Ayun lang usually. Researcher: Sa family, Sir, ilan kayo magkakapatid po sa family? Participant F: Apat kami Kasama yung isa yung adopted, so four. Researcher: Tapos pang ilan kayo, Sir, bale? Participant F: Ako po yung bunso. Researcher: Ah kayo yung bunso. Tapos in terms of gender po, ano po yung mga gender ng mga elder sisters and yung mga kapatid? Participant F: Lahat sila ay straight. Lahat naman po sila ay straight ako lang naman yung ano. Researcher: Pero ano po yung gender? Participant F: Yung dalawa babae. Yung panganay namin lalake. Researcher: Ah, okay po, paano kayo, Sir tinuturing ng mga kapatid ninyo? So, in terms of your identity sa pagiging teacher? Participant F: Yung kuya ko kasi di talaga kami okay. So, bata pa lang siya talaga yung ginagamit as discrimination. “Kasi bakla ka.” Syempre sa mga magkakapatid andali naman malaman kung bakla ka o hindi. so, ganyan. Lahat lagi connected lang sa bakla. Tas yung dalawang babae, hindi naman. Never naging problem. To be honest, yung sa ate ko siya talaga yung pinaka nag- aaccept sa akin. Yung pangalawa. Actually, silang dalawang babae yung kuya ko lang hindi. So, goods naman kami. Pero hindi kami nag-uusap relational. Sa kabaklaan. Pero yung sa okay lang. “Sige, gawin mo na. Wala naman problema sa akin.” Sila yung mga walang reservations kung gusto mong gawin ito. So, naaalala ko nung bata ko, ate ko pa yung nagdadamit sa akin. Siya pa yung nag iipit-ipit sa akin. Ang ano lang talaga, hindi okay sa kuya ko. Researcher: Sa kuya nyo po. Yung ano nyo Sir, nanay at tatay, paano naman po yung nanay at tatay? Participant F: Hindi talaga. ano no o no talaga. ano talaga, eh, ekis kanila. Ano na lang. Hindi na lang namin pinag-uusapan kasi nga magiging gulo siya. Pero one-time na pag-usapan namin. Ay, hindi. O, may instances na dalawa kami ng nanay at tatay. Yung isa sa tatay ko. Kasi may naging jowa ako. So, na-wrong send ako. “Good morning” sa tatay ko na send. Ang tatay ko hindi kasi ako nakatira sa kanila ng timeline. nago-work ako. Nandun ako sa Paranaque. Nung umuwi kasi ako weekend. Tapos susunduin niya ako. Tapos ano, syempre nakamotor kami. Wala kami magagawin. Kailangan namin mag-usap. Kasi nga, sinusundo niya ako. So, yun lang that time. Sabi niya, syempre, ano nga, dahil pastor, babalik naman po sa bahay po. Tapos sabi, “choice mo yan. Choice mo yan kahit naman gawin.” Ganon yung thinking. Yung typical na choice mo yan. Piniliin mo yan. Mapupunta ka sa impyerno. The same as sa nanay ko. Ganon din yung sasabihin. Na hindi talaga okay. Tapos cinacall-out nila pag sobrang gaslaw na. Researcher: Ah, okay. Opo. Sa ano Sir, kanina, although may mga sinasabi ka yung mga matatandang co-faculty nyo medyo cinacall-out kayo. May mga ilang instances pa ba kayo Sir, na naaalala na, “ah, feeling ko, tinotolerate lang ako nito. Hindi ako tanggap nitong mga ito.” may mga ganon? Participant F: meron po na dito sa work sinabi sa akin. Kasi meron talaga yung isang bakla dito na sobrang bakla niya talaga. Kasi talagang, alam mo yung typical na malaro sa bagay. Tapos ang sinabi sa akin, “ikaw gusto kita kasi yung isang bakla magaslaw. Ikaw kasi dise-desente.” Ay, sabi ko, “ay, di mo lang nakikita pero gnon din naman ako.” Ganon. Makulit din naman ako. Di mo lang nakikita that time. Kasi nagkataon kasi na, ano, yung anak niya kasi may itsura din. So hinaharot din ang mga bakla kasi may itsura. Eh anak niya, nakikita nila. Ako, hindi ko Hinaharot harot dun sa labas. So, ako, ang akala nila ako yung mabait na tao. Pero sabi ko, pag nakita ako nito, ganon din, baka maano din siya, baka sabihin niya rin yung sinabi niya sa akin dun sa isang bakla. Ayun lang naman. Researcher: Sa mga studyante ninyo, may mga time ba na masasabi mo po, “ah, tong estudyante na to,” yun nga, kanina kami kinuwento kayo, di ba, na isa na medyo ilang siya sa bakla or sa mga LGBT. Pero Sir, sa classroom mayroon ba kayong mga na-eexperience na , “ah, tong batang to, tinotolerate lang ako, tong batang to, hindi talaga ako tanggap.” Participant F: Yung isa lang talaga. Pero the rest naman, wala. Kasi, ano malaki kasi rin yung, kahit close ako sa kanila, professional kasi ako sa kanila, so yung wall ko as a teacher, hindi naman siya na-wall. it's just that, ano lang din, kailangan lang din makakausap, asis naman sila sa akin. So, hindi ko alam kung natatanong. Pero so far naman, yung mga batang na nakakausap ko kasi, okay na sila, okay talaga. Yung isa lang talaga, that time, yung kwinento ko kanina, ano, “does it bother you?” Kasi meron kami isang topic na, ano pagtanggap sa pagtao ng isang tao. Tapos ang question doon, “what if umamin sa'yo yung kapatid mo na bakla siya, ano sasabihin mo?” Sabi niya, “hindi daw siya ok.” Ayun lang naman yung instances. Pero the rest, mga nagsasabi naman na okay sila, siya lang talaga, sa buong pagtuturo ko, siya lang talaga yung nagsabi pero sabi niya sa akin hindi naman daw siya na nabobother na bakla ako, kasi, nagagawa ko naman yung (inaudible) ko, ganon. Kasi tinatanong ko rin eh, kasi nagsasabi niya naman na baka awkward siya sa mga gay, eh di ano din tinanong ko na baka awkward din siya sa akin, para at least kahit papaano lumayo-layo ako. Pero so far, wala naman. Researcher: Tapos Sir, meron ka bang mga organization or mga activities ka bang sinasalihan like sports or mga church activity? So, active po pa kayo sa mga ganon? Participant F: Marami akong activities. Sa church din nagtuturo naman ako. Tapos sa online games kasi nag-re-represent din ako sa Philippines ng online games. Tapos mga organizations outside the school, may mga ganon naman. Researcher: Opo Sir, may mga experiences ka rin ba ng tolerance sa mga ganong situation? So, let's say for example you are teaching in in your church. Meron ka bang mga ganong experiences na feeling mo, tinotolerate ka lang halimbawa ng mga studyante mo sa church or maybe mga kasamahan mo? May mga ganon ka ba? Participant F: Ah, sige. Sa church po, nagtuturo mo ako sa church. Pero, sa mga bata, mga bata kasi sila, pero maliliit pa. So, I think wala silang idea kung ano yung-- mga 5 years old. wala silang idea talaga. spontaneous lang naman. Sa church, feeling ko oo pero hindi kasi din siya pinag-uusapan. So, siguro, hindi rin nila alam iaapproach, pero nararamdaman ko sa mga actions nila. I know, nakikita nila kasi, somehow may pagka-open din ako. So, nag-share ako ng mga memes na bakla lang may kayang mag-share, ganon sa Facebook. So, ano, siguro takot silang tanungin ako ganon. Pero, sure ako, oo. Kasi, may mga close friends sila, may mga gay, sa work nila. So, sa akin siguro iba kasi talaga yung pag-approach ngayon sa church eh. , ano siya baka inisip siguro na na baka ma-offend ako or especially anak pa ako ng Pastor. marami siguro silang cinoconsider para tanungin. Pero, okay naman yung relationship ko sa kanila. Pero feeling ko, matagal ko nang nararamdaman na iniiwasan nilang itanong. Researcher: Okay po. Sa ano, Sir, sa mga government, yung mga NGOs, or any, may mga experiences ba kayo na natolerate kayo sa mga ginagawa ninyo? Participant F: Sa NGOs, wala. Pero sa online games, madami. Kasi, laro talaga yun eh. Especially, dominated din ng mga lalaki. So, kitang-kita, when it comes to treatment. For example, kami aasarin kami, sobrang lala. Tapos pagdating sa babae, soft touch, soft touch lang tayo dito. Ganon. Tapos pag sa amin, okay naman, goods, friends, friends naman. Pero, ano yung pag, ano, namimili sila, for example, kapag babae na yung ititreat nila,, iba na, titiklop na sila, ganon. Yung mga kasama ko, kasi kasama din sila. Pero ano madami rin kaming mga transgender na mga gamers. So, gays at transgender talaga. Tapos pag alam nila na ganon magiging ano na sila, medyo magiging barubal. Pero close pa rin, kaibigan pa rin. Pero kapag nagkakapikunan na, for example, yung mga babae, may mga nakakaaway, kakausapin nila, soft touch naman dyan, ganyan. Pero pag kami yung binubully okay lang, ganyan, sagad kung sagad. Parang babalik sa mga bakla kasi. Mararamdaman mo kasi especially kung puro boys, kaya nga ganon kasi sa community ng mga games. Mga gamer. Researcher: Actually, kayo yung first na gamer na participant ko, Sir. Sa mga online games. Ayun, Sir. So, kanina, Sir, medyo nababanggit niyo na sa akin na yung about sa nararamdaman ko lang, na tinotolerate ako. Sir, ano yung, para sa inyo, ano yung mga signs o ano yung mga signals or cues na sinasabi nyo na, “ay, hindi ako tanggap, tinotolerate lang ako.” So, ano yung mga gestures, mga expressions, behaviors, based on your experiences, Sir? Participant F: For example, sa mga, ano, sa joke, ganyan, yung biglang may, di ba, ano, biglang pag sinabi mo na, ano yung mga, may mga jokes kasi talagang specific sa mga, yung ang hirap explain, masayang pang baklang joke talaga. Tapos, may mga iba na gustong tumawa kasi nagegets naman nila na pang baklang. Kaso nga tatahimik sila kasi nga nasa church, ganyan. So, ano din, like for example sila sa mga boys, so ano yung magdidibdibam, ganyan. So, sa akin, okay lang, di ba ako makipagdibdiban sa akin, ayun pag, hello. Sa akin walang dibdiban na ganon kasi nga may, ano, may physical aspect na ganyan. Tapos pag may mga boys, yung mga lalabas sila ganyan. Tapos hindi ka kasama. Tapos ang mag-iinvite pa sayo usually yung mga girls may mga feeling na ganyan. Tapos alam mo yon, yung mga typical na medyo may iwas, may ilang movements silang naging ilang. Pero kapag ano sa mga work naman, okay pag mga trabahong pang bakla ayan yung dun ka maaaasaahan. Researcher: Usually, Sir, yan yung mga design-design, ganon ba yun? Participant F: Yung magcho-choreo ka ng sayaw. Ikaw mag-iisip ng concept, ganyan. Kasi sila, kasi di ba sila yung mga tugtog-tugtog. Eh hindi ako yung ganon kasi hindi ba sa church dapat marunong ka mag-gitara. Eh, hindi ako, hindi naman ako natutong mag-gitara, hindi naman marunong mag-drums. Pwede na ako sa iba. Ako po yung nagtuturo, ganyan. Ako po yung sa mga concepts. Researcher: Opo. Sir, differentiate lang po natin yung concept ng being discriminated sa tinotolerate saka sa tinatanggap, Sir. Para sa inyo, Sir, ano yung sa tingin nyo na tinotolerate ka lang sa tingin nyo na dinidiscriminate ka or may discrimination or yung ina-accept ka? So, pwede po kayo magbigay Sir ng mga halimbawa using your experiences, or paano nyo po ma- explain yung pagkakaiba ng tatlo na yun para sa inyo? Participant F: Sa discrimination kasi may pag-atake dun sa pagkatao mo. Like, may judgment agad eh wala kang karapatan mag-explain. may pag-atake sa pagkatao mo. Kapag eto yung ginawa mo, eto yung, for example, syempre bakla ka, eto na agad yung mga magagawa mo o nagawa mo. Ayun na nakapulong na, close-minded na sila sa thinking nila kung maga may prejudice na. So, isang example nun, sa isa kong inapplyan na word, isang Christian school din siya isa sa mga una kong inapplyan before. Tapos, tanggap na talaga, as in, pirmahan ng contract, ganyan. Tapos nakita nila somehow feminine ako. Nasa harap ko na yung kontrata, tatanggapin na lang. Tapos tinanong ako kung gay ba ako. Sa Christian school po. Sabi ko, “yes po.” Tapos biglang ano, tinanggal na nila yung contract. Sabi nila, sorry, hindi ko na ma-proceed. Kasi na, wala kailangan. Tapos sinabihan ako na, hindi ka matatanggap, it's because bakla ka. Hindi ka makakapagturo, it's because bakla ka.” Ganun yung pagkakasabi. So, may pag-atake agad, may judgment kasi ganito yung mga kaya mo na gawin. The same as sa pangalawa kong work, Christian school din. Nag-work na ako for three months, kaso may balita na nasasabi na isa kong bakla. Tapos ayun, after ilang araw, tanggal na ako agad. Kasi, based din sa mga meeting na pag-usapan, magsasabi nila, pag bakla talaga, ganon ganyan din. So, hindi din sila open. Kasi nga, meron na silang naka-ready, kumbaga may template na sila kung ano yung titingnan nila sa'yo, o yung tingin nila sayo o sa pagkatao mo mismo. Without knowing na okay ka naman magtrabaho talaga. lahat yung mababaliwala. It's because you are gay. May mga set na characteristics na for you. Maseset aside ka. Sa tolerance naman po, kagaya ng sabi ko, always may reservations. As long na walang efekto sa kanila or okay sa values nila, then go. Go lang. Pero once na lumagpas ka ng paniniwala nila tsaka sila magkakaroon ng reaction. Sa acceptance naman, sila yung mga taong na when it comes to ganito, acceptance na siya, titingnan ka as a human being. hindi ka natatali sa kung ano yung gender identity mo, ano yung sexual orientation mo. As long na ginagawa mo naman yung part mo and also respectable ka namang tao. Laging hindi about sa gender, kundi sa pagkatao mo itself yung acceptance. hindi katulad sa iba na lagi may reservations, lagi may nakatingin. Sa kanila parang wala yan, human being ka sa akin, ayun, walang dapat ikabahala. hindi naman siya dapat kasi pag-isipan, kasi tao ka naman. Researcger: So, ibig sabihin Sir, naca-classify nyo rin sa mga tao as to whether “ah, ito, tinotolerate lang ako nito. Ah, ito, tanggap talaga ako nito.” Participant F: Opo, naka-classify po. Researcher: Like for example po, sa family niyo Sir, yung kuya mo is more on discrimination. Participant F: Opo, more on discrimination talaga. Sa parents ko, tolerance na. Oo, tolerance. Researcher: Oo, kasi hindi naman talaga siya talagang may pag-attack eh. Participant F: Laging may sabat. Sa kapatid ko talagang go yun. Acceptance talaga Sir. Tanggap na tanggap. Researcher: Ayun Sir. Ano yung iniisip Ninyo sa inyong sarili kapag kayo ay nakakaranas ng tinotolerate lang kayo o hindi kayo tanggap. Ano yung iniisip at nararamdaman ninyo? Participant F: Medyo, ayun, kagaya na sa ima sa family, pero nagiging cautious din ako sa kailas ko sa kanila. Ewan ko, may thinking ako na gusto ko rin silang i-peace or gusto ko nalang maging maayos yung relationship ko sa kanila. Pero ano kasi, pagod na lang ako ng gumawa ng eksena kung paglalaban ko pa yun. Gagawa pa ba ako ng kaaway, gusto ko nalang magpahinga. So sige, gawin na natin kung saan tayo magkakasundo. Pero, ano, sa kanila medyo malayo lang lang ako sa kanila. May reservations din ako sa kanila. May reservations sila sa sakin. May reservations din ako sa kanila. Ayun. Researcher: Tapos Sir, paano nag-iiba yung iniisip nyo kapag kayo ay nakakaranas lang ng discrimination? Ano yung iniisip nyo at nararamdaman nyo kapag nakaka-experience kayo ng toleration? Ano yung iniisip at nararamdaman ninyo kapag nakaka-experience kayo ng acceptance? Participant F: Sa discrimination, sa akin, nasasaktan ako. Pero, ano naman, pero kung nagka-cut off ka sa kanila ano na talaga, for example, sa kuya ko talagang discrimination. nagkaroon kami isang away. Talagang di ko na siya pinansin. Hanggang ngayon di na kami nag-uusap kapag magkasama kami sa bahay. Cut-off na yun. Kasi nga ginawa ko naman na lahat as much as possible, kung kaya kong maayos, gagawin ko naman. Pero sa amin kasi matagal na. So, sige, putulim na natin. Kung ano yung gusto nila, kung gusto nila lumayo, eh di lalayo ako. Pero nasasaktan ako, kasi nga, di mo naman ako binigyan ng chance ipakilala kung sino rin ako talaga. I'm more than that sa iniisip mo. Sa tolerance naman, ayun nga, tolerance na sabi ko kanina, ano na lang maging tahimik nalang. ayaw ko naman magdagdag ng extra stress. As long na magiging okay tayo, go lang. Pero hindi ako 100% talagang magiging open sa iyo, or kung lalalim man yung relationship natin, feeling ko may hangganan siya hindi pa siya lalalim into deeper connection. Sa acceptance naman, I think ano, parang wala thankful lang naman ako. Pero sa akin kasi, kung gusto mo talaga makipagkaibigan sa akin, go lang. Tapos kung gusto mo lalalim yung connections natin. Happy naman ako kapag mayroong accepted talaga. Pero hindi talaga siya yung sa sexuality ko tanggap ako, I mean kung ano yung pagtingin nila sa akin. Usually, hindi naman siya nakakaapekto sa relationship ko sa ibang tao. Kasi secured naman ako sa sarili ko kung ano yung tingin ko sa sarili ko. Alam ko yung mga weaknesses ko. Alam ko naman kung saang mga area na dapat ko rin i-keep up. Napakaliit lang nung portion na bakla. ano kasi, doon lang sa other aspect na lang. Researcher: Ngayon Sir, ano yung iniisip mo naman, or iniisip mo tungkol sa mga taong o ano yung iniisip mo na tinotolerate ka lang nila towards sa ibang tao? Ano yung iniisip mo? Ano yung iniisip mo doon sa mga taong yun? Halimbawa nanay mo, na tinotolerate ka lang. So ano yung iniisip mo mga co-faculty mo na tinotolerate ka lang? Ano yung iniisip mo at nararamdaman mo sa kanila? Participant F: Casual lang. Wala naman silang ginagawa masama sa akin. May ano lang talaga, wag lang, syempre yung sa nanay ko, ano yun, di naman ako sumasagot. Pero, syempre pag cina-call out naman ako, pero yung sa iba, ano lang, “noted po.” “Sige po, iwasan ko na lang sa susunod, para lang okay na lang tayo.” So, usually naman, pag cina-call out naman nila ako, in a good manner naman, hindi naman bastos or yung nakakasama. Parang go with the, ano na lang po flow. Pero yung magtatanim ako ng sama ng galit, hindi naman. Researcher: Opo. Okay. Tapos Sir, punta tayo sa outcomes. So ngayon Sir, yung tinotolerate ka lang o hinahayaan ka lang, paano ito naman nakaka-apekto sa iyong personal identity? Or sa wellness? O sa well-being mo? Participant F: Syempre somehow, especially sa family, may pressure. Kasi nga, as much as possible, iniisip ko rin yung image nila kasi na pastor, ganyan. Eh, ang sa akin, wala namang problema kung ako lang, kaso somehow iniisip ko rin yung, for example, sa parents ko ano sa kanila yan eh, pag cinall-out mo talaga yan, iisipin nila kasalanan nila kasi hindi nila ako naayos. ganoon yung mangyayari sa community nila. “Ay, pastor pa man din, hinayaan maging bakla ang anak, ano yun, ano klaseng magulang ka ganyan.” So iniisip ko yung image nila kasi may pressure talaga na kailangan maging ganoon. Especially kapag may family reunion kasi sa side namin ako lang talaga ang bakla eh. Eh, sa ibang sa father po, lagi kang nagpiplease dun sa mga tao. , ano siya, lagi may nakasakal sa leeg mo kapag nagpplease ka. But I hope someday matapos siguro siya, makabwelo ako. Pero ano kasi siya, buong 26 years ganon ang eksena mo. ayon sa tolerate. Pero pag sa ibang, sa family lang naman, pero pag lumabas ako example sa work, ano naman, hindi naman kasi siya talaga masyadong big deal. Kasi ano lang yan, parang sabi, “ oh, masyado ka ng ano, i-kalmahan mo na lang, ganun.” Tapos sasabihin ko “noted po, pasensya na po.” Tapos na agad. depende sa kung saan side ka din na tolerate. Pero pag sa, for example, sa mga games naman, wala deadma ko sa kanila kasi laro lang. di naman ganun kasignificant sa buhay ko. Okay. Researcher: So kumbaga Sir, depende ito sa mga lugar. Degree po ng relationship. Okay. Ayun Sir. Tapos Sir, paano naman nakakaapekto yung tinotolerate ka lang o hinahayaan ka lang sa identity mo bilang isang gay teacher? Participant F: As a gay teacher? Researcher: Oo. Paano siya nakakaapekto sa'yo? Participant F: Sa pagiging teacher wala talaga siya, never talaga siya nangyari. Kasing nga, napapansin ko din, hindi talaga siya relevant sa pagtuturo mo, sa ways ng pagtatrabaho mo. kapag nagtuturo ka naman, prepared ka sa klase mo, tapos yung mga bata naman na ngayon sanay na sanay na rin makakita talaga ng mga baklang teachers. So, hindi siya nagiging problema. Pero sa akin, ako as a teacher din, as a gay teacher din pala, siguro hindi naman din nasasabi ng ibang bata sa akin o hindi naman nilang inamin sa akin na tinotolerate ka nila, kasi wala naman din talaga sa akin problema. Pero ako as a teacher nagiging cautious din ako, especially kung hahawak ba ako ng bata? Kasi di ba may mga pagtatap, sige, ayun, very good nak. So, nagiging cautious ako doon kaya as much as possible, umiwas ako sa physical reinforcement sa klase. Pero ano man yan, kasi kahit babae man yan, straight ka man na lalaki kahit sino mahahawakan mo ano parang iwas ka din. So ako nagiging cautious ako kasi baka iba nga ang maging tingin ng bata over-all. Despite of being babae man yan o lalaki umiiwas ako sa physical aspect. Tapos yung relationship sa mga bata hindi ako masyado, for example, dati kasi nag-a-add ako sa bata sa Facebook, pero ngayon, may limitations na talaga na, “ay, ano tayo, magtatrabaho tayo dito.” Pero pwede nyo kong lapitan any time, pero you know your limitations kasi teacher nyo pa rin lang magtatrabaho tayo, hindi tayo mag-tropa, mag-hiwi. So, kung mag-flourish man yung friendship after the, ano, grumaduate kayo dito, then go with it. Pero as long as yung teacher nyo ako, may mga hindi tayo dapat puntahang aspect. So nagiging cautious lang ako. Kasi as much as possible, ayoko nang umabot yung malaman nila yung mga personal aspect ko sa life. Researcher: Okay Sir, ayun. Ito medyo related naman dun sa dalawa, tsaka may mga ilang na- touch na rin kayo Sir. Paano nakakaapekto yung tinotolerate or hinahayaan ka lang sa pakikisalamuha mo sa ibang tao? So kanina, the way you handle yourself with the students, as a teacher, sa parents mo. Ngayon sa ibang ano Sir, paano nakakaapekto yung tinotolerate ka lang sa pakikisalamuha mo? Participant F: Sa pakikisalamuha, Over-all na ito kahit saan. Sa akin, ano siya, lagi nga, kaya sabi ko sa inyo, nagiging cautious talaga ako sa especially physical aspect, kasi especially pag mga lalaki. Though may mga lalaki naman talaga na, syempre, mga close friends mo. Okay lang talaga sa kanila na clingy ka. Ako kasi talaga, clingy ako sa mga friends, babae or lalaki. Clingy kasi ako. Pero kapag sila, tinotolerate ka lang, medyo iiwas ka talaga kasi aminin na natin, iisipin talaga ng iba baka hinihipuan mo sila, ganon. Kasi may mga connotation talaga sa mga gay na nanghihipo, ganyan. Kaya hindi ganyan. Kung hindi kayo okay, edi cautious na lang. Nagiging cautious ako, magiging distant ako physically, at the same time, personally parang kasama na siya. Para na lang may peace of mind kami parehas na hindi ko iisipin na binabastos ko sya di nga isipin na binabastos ko rin siya. O baka dumating yung time na mag-clash kami o may masabi kasi madikit ako sa kanya. Ako kasi super clingy talaga. So niiwasan kayong mga ganong bagay sa ibang tao. Researcher: Ayun. Okay Sir. So eto Sir, may mga ilan na rin kayong nasagot eh. Pero baka may maisip pa kayo. So, how do you respond, coping niyo Sir. Kasi di ba sinasabi niyo minsan, nakakalungkot, minsan nagiging cautious kayo. Pero paano kayo nag-cope o paano kayo tumutugon sa sarili Ninyo sa sitwasyon na kung sa tingin mo o iniisip mo na tinotolerate ka lang ng mga tao. So paano ka nag-cope dito or paano ka nag-respond? Participant F: Yung respond after talaga yung pagkasabi, yung talaga after nung incident. Ano na talaga, okay lang po ganito. Tapos sa emotions, medyo somehow nasasaktan ako ng very very very very light. May kirot, ganyan lang. Pero ano kasi, may lungkot at the same time. Ano sabi ko, “gusto kong makita na hindi ako yung ganon na tao.” Ano dumadaan lang talaga siya sa akin kasi nga secured ako sa sarili ko na hindi ako yung iniisip nila na hindi ko gagawin yung ganon. Tapos, alam ko yung mga kaya ko pang gawin. hindi nila kilala yung ibang bagay. Tapos, wala. After that, wala na. mabilis lang yung proseso. hindi ka naman siya dinadamdam talaga. Parang okay lang. Researcher: The way you handle it, Sir parang paano niyo siya, ganon lang mindset lang? Participant F: Oo, mindset. Mindset lang talaga. Tapos, chismis ko sa friend. Kasi ano din, something I like about sa akin, I have a very good social support. Sa mga friends, sa work, sa bahay din especially sa ate ko parang very good social support na meron ko. Kasi alam nila yung capabilities ko. Ayun, Sir. Healthy nga. Healthy yung mga tao sa paligid. Researcher: Oo. I see. Okay, Sir. Almost at the end na tayo. Ano yung mga nakikita nyo, halimbawa, Sir, ano yung pwede nyo kayang maipropose na let's say, program o kung ano man na sa tingin nyo makakatulong para sa mga LGBTs, specifically the gay teachers po? May mga naisip ba kayong programa? May mga naisip ba kayong mga program in the future na pwede nyo may suggest? Participant F: Siguro yung ano lang. Sa ngayon, ha, yung kailangan talaga is yung seminar about sa sexuality itself. Kasi hindi nila naiintindihan yung mga different sexual orientations na meron tayo. Especially yung mga matatanda. Sa totoo lang, Sir, ang hirap kasi talaga baliin yung mga matatanda na talaga. Hindi ko sila dinidiscriminate pero ano talaga. Researcher: Sila yung ano hiwalay pa dapat yung mga Facebook nila talaga. Participant F: Oo, mga ganun. Pero meron din naman na ibang okay na okay talaga. May mga ilan na nakalusot. Siguro, Sir, yung sa ano, ang dami din kasi curious o pag pinatanong nila, mag- i-explain talaga sa kanila po ng SOGIE, nag-i-explain talaga sa kanila SOGIE. Kulang na kulang talaga. Kasi meron kaming, alam niyo, sobrang laki ng pondo ng gathering ng gender and development. Pero sa iba siya nagagamit, nasasayangan ako sa pondo. Kasi hindi rin alam ng mga teachers o ng mga namumuno kung ano yung para saan talaga siya, ano yung mga pwedeng puntahan. Sabi natin, gender and development. kasama naman yung mga protection sa mga kababaihan. Pero laging napapabayaan yung sa gender identity ng mga bata o ng mga teachers. Kasi ang dami na nila, lalo ngayon Sir, may ano na ina-allow na yung pagkakross dila sa school. Pero dahil hindi nila naiintindihan, Sir, yung kung bakit siya ginawa, ano yung SOGIE, iba pa rin yung thinking na naman. Bumabalik na naman sila sa mga lumang alam nila. So napaka- importante talaga Sir, ng information dissemination sa kung ano ang gender expression, ano ang gender identity, ano yung sexual orientation ng isang tao. Doon magsimula, Sir. And then, talaga Sir, information dissemination na matindi, intensive training or workshop sa ganyan. Kasi ano talaga siya, hindi nila na ano lang mema lang may punto na. Pero hindi alam, hindi siya na- ma-maximize, hindi siya nagagamit ang eyes. It's because hindi alam information, hindi alam kung ano yung definition. Researcher: Ayun. Yes, Sir. Maganda yung sinabi niyo, Sir. Usually, yung ibang mga teachers or yung mga ibang na-interview ko ng mga teachers, yun din eh. Kumbaga, it's informing the public, kung ano talaga yung mga gender, sexual orientation. Participant F: Ano nga, napaka-common. Kasi nung naisip nila na for example, yung laging merong Miss Gay, talaga Miss Gay talaga ang gusto nila. Pero hindi, kasi parang ang nangyari naman sa Miss Gay dito, aminin na natin, Sir, nagiging katatawan na rin siya. Hindi nakikita yung essence na maging accepted. Parang ano siya eh entertainment, hindi acceptance. Minsan, dalawa nga uri niyan eh mayroong pangkalawakan, yung mga hindi magaganda, may tatawa. Tapos yung isa, pagandahan. Tapos ay, pagandahan na lang ang sasagot. Kasi na-entertain sila. So bakit, ano, nakikita ko siyang pinaka root cause talaga doon, eh yung kakakulangan sa information. Doon tayo magsimula. And then kapag may nag-raise pa ng concern, doon tsaka tayo gumawa ng ano ayon po, Sir. Researcher: So Sir, yung mga gays ba na , yun nga, ginagawang katatawanan, is it more of tolerant para sa inyo, Sir, or discrimination? Participant F: Ay, oo po, Sir. Kasi for example, sa community, especially sa gays, , okay ka lang ba sa mga gay? Oo kasi nakakatawa sila. Hala, parang dahil lang ba nakakatawa? Yun ba yun? Enough na ba yun? Eh paano kapag ano siya, pag tinignan mo ibang aspeto ng buhay niya, acceptable pa rin ba siya? Kapag hindi na siya nakakatawa, acceptable pa rin ba siya? Ganun, ano siya tinotolerate mo lang siya kasi nakakatawa siya, eh paano kapag hindi na siya mag-joke? Hindi ka na ba okay? Ganun po, Sir. ayun yung thinking ko. Researcher: Sige, Sir. Thank you po. Ngayon, Sir have you ever joined mga LGBT programs o, halimbwa yung mga pride march, Sir, may mga sinalihan ka na ba mga ganun activities? Participant F: Ay, oo po, nakapag pride march naman ako. Pero, as much as possible, when it comes naman sa LGBT community, like the yung community na meron ako, as much as possible, ano, di ako sya na sumasali, okay na ako sa mga friends ko ng bakla. Pero okay naman ako sa kanila. Iniiwasan ko lang din kasi yung mga issues na, napapagod ako sa drama ng mga bakla. So ano lalo na, Sir, sinasabi ko sa iyo, punta ka sa Twitter, nandyan ang mga away ng mga bakla, nagkakalat. So, napapagod ako, okay na ako sa mga friends ko kasi nga, super healthy nila, so lagi maganda. Maganda yung experience ko sa kanila. Ayoko nang magdagdag ng masyadong, ano, kung may makikilala, siguro okay lang naman. Pero yung ano talaga, yung sasalihan ko sa community, hindi. Kasi nga ano, hindi ko siya personalize. Napapagod ako sa tao. Ganun. Pero sumali ako sa Pride March kasi nga siya support, ganun. It's a social responsibility and also, it's a protest. Nakikita ko yung ano, siguro sa akin hindi ko masyadong na-experience. Though na-experience ko once in discrimination. Pero, ayun, nakikita ko kasi yung purpose. Sumasali ako, ganun. Nakikiparticipate ako. Kung hindi ako makasami sa March, I make sure na I do something na makapag-participate ako. Pero when it comes to masyadong malaking community ng gay or sa ganitong organization about gay, hindi ako masyadong sumasali. Kasi ang, ano ko po, iba yung advocacy ko e. hindi naman masyadong related sa kanila. Ayun, iba yung advocacy. It's more on sa children's protection. Child protection. Ayun, children's protection. Researcher: Okay. Yan Sir. Sir, just in case po ba na magkaroon, kasi this is a participatory action research po. So, Sir, just in case po ba na magkaroon ng planning or mag-create ng action plan to somehow address the experiences of tolerance among Filipino gay teachers, would you be willing to be part of the small group lang naman Sir? Participant F: No problem. Oo Researcher: Kasi po after nito Sir, we’ll be having an action plan. Yun po, initial plans lang. Ano lang yung katulad na sinabi niya Sir kanina na baka magkaroon ng information dissemination or mini seminar lang to somehow inform other people. So, if ever man Sir, i-invite ko po kayo. Participant F: Sige po, no problem. Researcher: Okay po. Ayun Sir. So, we're almost at the end. Ito na. Actually, last question na po yun Sir. Pero bago po tayo mag-end, may mga gusto po ba kayong itanong pa o baka may gusto pa po kayong idagdag in terms of sa napag-usapan natin ngayong hapon tungkol sa tolerance? Participant F: Wala naman po. Pero if ever Sir, na magkaroon ng program or mga ganyan. So, Sir, baka pwede akong makahingi ng program kasi parang sa anong kasi sa guidance na lang sa atin. Sa guidance ako. Ako kasi pumalit doon sa position ni Ma'am (inaudible). So, nariyan nagbibigay ng program. sayang naman. Especially ang dami nilang mga bata na they are open. Nakakalat na sila eh. pero kulang pa rin sila information. So, kung mayroon siyang program, baka pwede namin i-adopt dito or magkaroon po session with the kids and also with the teachers. Ayun, mabigyan po natin. Kasi lalo po ngayon, ang laki kasi Sir ng pondo sa inclusion. Ayun ang ano nang ano eh, ang DEPED. So, for inclusivity, eh ang inclusivity eh hindi lang naman about sa mga SPED students natin but also the gender, ayun ang natatackle yung gender. Nakakalat sila dito. At the same time, ang dami na talaga Sir na nagco-cross-dress na mga bata, ayun. Researcher: meron na tayong gender-based policies din eh. For the admin, Sir. Participant F: Sa DepEd Sir. Researcher: Opo. Opo. Sir, how do you find the interview session this afternoon, po? What are your thoughts? Participant F: Ano okay naman siya, ano lang it’s the perfect time mapag-usapan siya it’s because especially sa Philippines lagging may reservations. Lalo na may mga batas na napag- usapan. Especially SOGIE Bill, even yung mga pastors kasi sa amin. I know kasi yung, niinvite kasi nagkaroon ng pagkukulong yung mga pastors about SOGIE because, ang mga religious nila, may usapan nila. So, hindi rin kasi nila na-invite. So, coming from parehas na perspective, naintindihan ko yung perspective nila sa ano. I think ano it made me reflect more. sa panong paraan pa mas mare-reach out sila. Para sa akin, nareflect ko rin naman yung experiences ko. Ay, tolerate na lang pala ako. Researcher: Opo. Kumbaga, Sir, in general, hindi pa tayo sa acceptance. Participant F: Malayo-layo pa. Researcher: Malayo-layo pa tayo. Participant F: Pero ano na, going there naman. Researcher: Oo. Kumbaga, mas nagiging open na rin naman yung mga tao towards inclusivity. Researcher: Okay naman na siya. Opo. Ayun, Sir. So, how about the questions, Sir? May mga gusto ka bang Ipabago sa mga tanong? Or okay naman para sa iyo? Participant F: My suggestions talaga is nakalimutan ko kung ano e, pero nahirapan ako intindihin. Nakalimutan ko kung anong question e, pero baka bandang dulo yun? Researcher: About yung sa ano, yung naiisip mo. Sige, Sir. Noted natin to. Participant F: Sana may mas madali pang way. Researcher: Tapos may mga iba pa, Sir. Baka may iba kayo na comments with regards to the questions. Participant F: Ayun lang. Sa iba kasi mahirap siyang intindihin. O baka dahil kasi hindi namin naman tayo sanay masyado talaga. Hindi gaano sa Pilipino. Pero yun, Sir. May confusing lang. Researcher: May mga confusing. Ayan, Sir. Opo. So, noted to point well taken to, Sir. Participant F: Kumbaga pag sa ano ang question, kailangan mo pang e-explain. Dapat siyang i- revise kung need mo pang i-explain yung tanong. Researcher: Okay po. Other comments pa, Sir? Participant F: Wala naman okay naman. Nakaisip lang din ako ng idea kung paano ako gagawin yung research. ko. Researcher: Kung makakatulong ako, Sir, pwede naman po. Participant F: Sige, sige. I-message na lang po. Researcher: O Hindi kaya, Sir, baka pwede nyo i-expand din po. Participant F: Actually, actually, pwede naman, Sir. Lalo na kasi wala pa siyang research. Kasi ngayon timing sa school, diba? Kasi kaka ano lang eh, ngayong school year lang talaga in-accept o in-allow. So parang wala pa talaga. Researcher: Madami kayong, ano Sir, madami kayong ma-gegenerate ng mga ideas and also data coming from the selected participants po. Ayun. Okay. Sir, gusto ko na magpasalamat sa inyo sa pagpapaunlak ninyo sa interview na to. Grabe, sobrang laki po ng tulong. Andami kong natutunan. Anddami kong nakuhang idea sa inyo. Ayun. Opo. Sir, just in case lang po na meron po tayong na-experience na in terms of our emotions po, so meron po tayong protocol para dyan. So, I can refer you to a counselor po or any mental health professional. Just in case the need arises po. So, Sir, maraming salamat po and God bless you. Thank you po, Sir.