Anyung Lupa at Tubig

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PROYEKTO SA ARALING

PANLIPUNAN 8
IPINASA NI: JORGE II B. MIFLORES
IPINASA KAY: BB. APPLE MAE M.
MANLAPID

ANYUNG LUPA
KAPATAGAN
-Maraming kapatagan sa Pilipinas talong-lalo na sa
Luzon. Ito ang uri Ng lupa na walang pagtaas at pagbaba. Patag
ang lupain na ito at malawak mainam itong tamnan ng iba’t
ibang pananim katulad ng gulay dahil madali itong linangin.
BUNDOK
-Ang isa pang kilala na anyong lupa ay ang bundok.
Maraming bundok sa iba’t ibang dako ng mundo. Ito ay
makikilala dahil sa mataas na pagtaas ng lupa.
BULKAN
-Ang bulkan ay isa ring uri ng bundok. Subalit, malaki
ang ipinagkakaiba nila dahil ang bulkan ay maaring maglabas ng
“lava” o mga tunaw na bato. May mga bulkan na aktibo at
mayroon din namang hindi aktibo.
BOROL
-Bukod sa bulkan, may isa pang uri ng anyong lupa na
malapit rin sa bundok. Ito ay ang burol na parang maliliit na
bundok ngunit higit na mas mahaba ito at pabilog.
-Kadalasan, ang burol ay kulay luntian tuwing tag-
ulan at kulay tsokolate tuwing tag-araw. Ang isa sa
pinakatanyag na burol ay ang Chocolate Hills sa Bohol.

ANYUNG TUBIG
DAGAT
-Ang Dagat ay isang malaking lawas ng tubig-alat na
nakadugtong sa isang karagatan, o ng isang malaking lawang-
alat na walang likas na lagusan gaya ng Dagat Caspian at Dagat
Patay (Dead Sea). “DAGAT” isang bahaging likido/fluido o
agos sa ating daigdig na malawak na bahagi ng tubig na may alat
o asin.
KARAGATAN
-Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng
anyong tubig, at prinsipal na bahagi ng kalawakan ng tubig o
hidrospera.
-Tinatayang nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig ang
natatakpan ng karagatan, isang patuloy na bahagi ng tubig na
nakaugaliang hinahati sa ilang mga pangunahing mga karagatan
at maliliit na mga dagat.
ILOG
-Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig.
Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa, isang bukal o
pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa
pinagkukunan, dumadaloy pababa ng isang burol ang lahat ng
mga ilog, na kadalasang tumitigil sa mga karagatan.
LOOK
-Ang look ay isang balya na maaaring gamitin
bilang kanlungan ng sasakyang pandagat katulad ng mga bapor,
partikular na kung may malalakas na mga bagyo. Ito ang
tinatawag na “braso ng isang dagat.

You might also like