Professional Documents
Culture Documents
Walang-Sugat
Walang-Sugat
ni Severino Reyes
Lumipas ang isang taon ngunit wala pa rin kahit isang sulat o balita na natatanggap si
Julia galling kay Tenyong. Siya'y labis na nag -aalala na. Patuloy pa rin siyang
sinasabihan ng ina na tanggapin na ang kasal na ninanais ni Miguel. Napilitang
sumang-ayon si Julia sa kagustuhan ng kanyang ina ngunit hinihintay pa rin niya ang
pagbabalik ng kanyang tunay na minamahal na si Tenyong. Sumulat siya kay Tenyong
upang ipaalam ang magaganap na kasal at ang nais ni Julia na mailigtas siya nito.
Ipinahatid niya ito kay Lucas. Kalungkutan ang bumakas sa mukha ni Tenyong ng
makuha niya ang sulat galing kay Julia. Sinasabi nito na pumanaw na ang kanyang ina
at sinabi rin sa sulat ang tungkol sa magaganap na kasal. Humingi ng tulong si Tenyong
kay Heneral Leon Villa at sumumpa ito na siya'y tutulungan upang si Tenyong ay
maipakasal pa rin kay Julia. Hindi na nakagawa pa ng sulat si Tenyong dahil biglang
sumugod ang mga Makabebe. Sinabi niya na lamang kay Lucas na iparating kay Julia
na siya ay babalik na.
Ipinarating naman ni Lucas ang sinabi ni Tenyong na siya'y babalik na. Pagkalipas ng
isang linggo ay nakatanggap ng liham si Julia galling kay Heneral Villa na nagsasabing
pumanaw na si Tenyong. Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Julia sa nabasang
sulat at tuluyan na rin siyang pumayag sa kagustuhan ng kanyang ina. Dumating na
ang araw ng kasal nina Miguel at Julia ngunit nago magsimula ang kasal ay inanunsyo
ni Lucas ang pagdating ni Tenyong na buhay pa ngunit tila mamamatay na. Hindi
natuloy ang kasalan dahil kailangang mangumpisal ni Tenyong bago pumanaw.
Ibinulong ni Tenyong sa kura paroko ang kanyang kahilingan na ikasal muna siya kay
Julia bago siya tuluyang mamatay. Pumayag naman si Aling Juana at Miguel dahil alam
nilang matutuloy pa rin ang kasal ni Julia at Miguel dahil mamamatay rin si Tenyong at
magiging balo si Julia. Ikinasal nga sina Tenyong at Julia. Biglang tumayo si Tenyong sa
kanyang kinahihigaan upang ipakita sa lahat na wala siyang sugat.